Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Kathryn Bernardo for a Day

Image Description Alora Sasam   |   23 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

The Funny Fangirl’s Dream


Once a upon a time there lived a Funny Fangirl. She had big dreams. Even though some would say it was impossible to reach, buhay na buhay pa rin ang pag-asa niyang balang araw bibida rin siya sa sarili niyang teleserye. Sinimulan niyang tuparin iyon sa pamamagitan ng pag-alis sa probinsya niya. She transferred to an unknown city. Hindi madali ang pinagdaanan niya. Minsan gusto na niyang umuwi sa sobrang hirap. Pero nanaig ang kagustuhan niyang matupad ang pangarap na iyon. Pumipila siya sa mga audition para makakuha ng roles. Kumukuha siya ng acting classes para gumaling sa pag-arte. Pero sabi ng Fairy Godmother hindi pa niya oras para matupad ang wish niya.

Sa tiyaga, pasensya at maraming dasal, nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang mga bituin na tinitingala lamang niya sa tv dati. Nakaka-eksena na niya ang mga bida sa teleserye. Kahit papano napapalapit na siya sa pangarap niya. Marami na rin siyang napagdaanang trabaho. Umextra siya sa mga pelikula. Naging host siya sa mga events. Naging yaya ng bida sa teleserye. Naging side kick ng bida. Naging kapatid ng bida. Naging kontrabida ng bida. Kahit maging background lang ng bida, naranasan na rin niya. Always the best friend of the bida but never the bida. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa na balang araw bibida rin siya sa sarili niyang programa.

Alam ni Funny Fangirl na mahirap ang labanan para maging bida. Aminado siyang hindi naman uso ang kanyang ganda at hindi iyon swak sa nakagawian. Bida is equal to ganda. Napapatanong siya kung darating kaya araw na maging leading lady siya at magkaroon siya ng leading man? Ano kaya ang pakiramdam na kahit hindi man uso ang ganda niya ay magkaroon siya ng katambal na uso ang kaguwapuhan? Paano kaya umarteng kikiligan ka sa leading man mo? Ano kaya ang pakiramdam matitigan ng ubod ng tamis? Madali kayang umarteng sweet ang bidang lalaki at bidang babae? Posible kayang maging leading lady ang isang fangirl?

Hindi akalain ni Funny Fangirl na bigla na lang isang araw pinagbigyan siya ni Fairy Godmother. Masasagot na pala ang mga tanong niya nang masali siya sa isang Sunday variety show entitled ASAP. Kasama siya bilang isa sa mga hosts ng online show ng ASAP, ang ASAP Chillout. Tumawag ang manager niya at sinabing siya raw ang kinukuha ng ASAP para bumida sa kanilang Star Magic Anniversary VTR. Tuwang-tuwa si Funny Fangirl. Hindi man iyon teleserye pero kahit papaano, siya ang bida. Kahit 5 minutes lamang ang gagawin nilang video ay kuntento na doon si Funny Fangirl. Sa wakas mararanasan na niya maging bida.

Ngunit ang hindi alam ni Funny Fangirl ay hindi lang pala ang pagiging bida ang ipaparanas sa kanya ng Fairy Godmother. Sa 5 minutes na iyon ay magkakaroon siya ng mga leading men. At isa sa mga leading men na iyon ay kilala bilang King of Hearts.


Next Chapter: Unang Pagkikita


Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018