Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Kathryn Bernardo for a Day

Image Description Alora Sasam   |   23 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Pangako Sayo


Fangirl ako ni Kath. Kahit pa naging kaibigan ko na siya ay mananatili pa rin akong fangirl niya. Habang sinusulat ko ito ay hindi pa rin natutupad ang pangarap kong maka-eksena siya. Konting dasal pa at naniniwala akong mangyayari rin iyon. Pero never ko ata na-imagine maging si Kath. Iyong kahit isang oras masubukan mong ikaw ang Teen Queen. O di kaya kahit limang minuto, ikaw ang nginingitian ni King of Hearts, Daniel Padilla.


Hindi ko lubos maisip na mangyayari sa akin iyon. Bilang isang fangirl, parang napaka-imposible. But never say never pala talaga. Mapaglaro ang tadhana. Maniniwala ka bang ang isang simpleng fangirl na tulad ko ay mabibigyan ng pagkakataong maka-eksena si DJ? Ang isang komedyanteng loka-loka na kagaya ko ay makakaharap ang pinakasikat na hearthrob sa Pilipinas? Hindi diba? Ako rin hindi naniniwala.

Naniwala na lang ako nang mismong si DJ na ang kaharap ko. May gagawin noon ang ASAP na VTR para sa Star Magic Anniversary. Ako ang naatasang gumanap na Star Magic artist na kunwari naghahanap ng leading man. Kunwari maraming ipapares sa akin na Star Magic artists gaya ni Elmo Magalona, Enrique Gil at pati si Papa Piolo Pascual. Pero ang pinaka-hindi ko inexpect ay masasali si Daniel Padilla. Sa isip ko kasi baka magalit ang Kathniel kaya iiwas ang production. Pero hindi nangyari. At talagang pumayag si Daniel gawin ang skit!

Pagkabasa ko pa lang sa script ay tawang-tawa na ako. Tawa na yun bang hindi ka naniniwalang gagawin iyon ni Daniel. Tawa na kung gagawin man ni Daniel ay siguradong nakakatawa talaga ang eksena. At tawa na may halong kaba dahil big star ang makaka-eksena ko. Yes, nakasama ko na siya sa trabaho pero iba pa rin kapag ka-eksena mo na. Bilang baguhan, may kaba pa rin na baka hindi ko makuha ang gusto ng direktor.

Paulit-ulit kong tinatanong ang staff kung matutuloy ba talaga iyong kay Daniel. Oo naman sila ng oo. Ang sabi raw ay after ASAP live gagawin ang shoot. Isisingit lang sa schedule ni Daniel kasi busy rin ito. Mas lalo pa akong na pressure. Sa sobrang pressure ko pa, day before ng shoot ay inaral ko ang script at ang gagayahin naming eksena.

Gagayahin lang naman namin ang isang eksena sa top rating teleserye nila ni Kathryn na remake ng Pangako Sayo. Yes! Gagawa kami ng spoof ni Yna at Angelo. Yes, ako si Yna. Si Yna na ginampanan ni Kathryn katambal si Daniel. Ako, magiging Yna. Ako, magiging Kath. Hindi ko lubos maisip iyon. Hindi iyon pinaniniwalaan ng mga kidneys and lungs ko. Pati iyong ribs ko nagsusumigaw ang “Weeehh???”

Kabado na ako ng linggong iyon habang nagho-host sa ASAP Chillout. Hindi ako mapakali. Natatakot ako na baka pumalya ang akting ko. Pagkatapos ng hosting ay pinagpatuloy na namin ang Star Magic Anniversary shoot. Nagdoble ang aking kaba nang makita kong dumarating na sa set si Daniel. Gaya ng palagi niyang ginagawa lumapit agad siya sa direktor at bumeso. Kinapalan ko na rin ang aking mukha at lumapit din. Natawa siya agad nang makita niya ako. “Eto pala ang leading lady mo ngayong araw.” Sabi ni Direk. “Pagpasensyahan mo na at ito lang ang nakayanan ko.” Biro ko at sabay kaming nagtawanan lahat. Para maitago ang aking kaba, tinanong ko kung saan si Kath. Nauna na daw umuwi. Tumango lang ako at natahimik na. Pinapakalma ko ang sarili ko.

Ilang saglit pa ay pinatawag na kami ni Direk sa gitna ng garden kung saan ang puwesto ng eksena. “On action, magtatakbuhan lang kayo. Slow motion ito sa editing.” Gagayahin namin iyong ginawa nila Kath kung saan sweet na sweet silang nagtakbuhan sa gitna ng burol. Tatango-tango lang ako sa instructions pero deep inside parang gusto ko nang maglaho. Parang hindi kakayanin ng sistema ko ang mangyayari.

“On second action, bubuhatin mo si Alora tapos iikot mo.” Nanlaki ang mata ko habang tinuturo ako ni Direk. Napalunok ako ng wala sa oras. Biglang nagkagulo ang laman loob ko. Binalikan ng utak ko ang pangyayari pagkatapos kong magising kaninang umaga. Naligo naman ako. Nagtoothbrush ako. Nagdeodorant ba ako? Check! Oo naman nagdeodorant ako. Eh paano kung hindi na effective kasi hapon na? Pigil na pigil akong amuyin bigla ang kili-kili ko sa gitna ng maraming tao. Napadasal na lamang na sana effective ang sinabi ng commercial tungkol sa deodorant ko. Ngayon ko kailangan ang 24hour odor protecton na sinasabi ng kumpanya.

“On third action, hihiga kayong dalawa dito sa damuhan.” Hindi ko alam kung nagdidiwang sa saya ang bilbil ko dahil ihihiga ng nag-iisang King of Hearts ang ulo nito dito o kumukulo ang bilbil ko sa takot na baka matawa si DJ sa laki nila. “Hala Direk hindi kaya magalit ang mga Kathniel nito. From Kath tapos biglang Alora.” Tumawa si Direk. “Hindi yan.” Si Daniel ang sumagot. “Biruan lang naman ito. Nakakatawa nga eh.” Buti na lang mabait itong lalaking kaharap ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na baka siya ang makakapagpakalma sa laman loob ko dahil si Daniel Padilla siya at maniniwala ang mga ito.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:5A.jpg

Pangako Sayo Spoof


Next Chapter: 5 4 3 2 1 ACTION


Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE