Kathryn Bernardo for a Day

Image Description Alora Sasam   |   23 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

BAKIT KATHNIEL


Bakit ka fan ng Kathniel? Ang sagot ko ay isang capslock na BAKIT HINDI? Kathniel ang isa sa mga tinitiliang loveteam sa bansa. Hindi na ako nagtaka dahil may chemistry naman talaga ang dalawa sa harap at likod ng kamera. Isa sila sa dahilan kung bakit kinikilig tayong mga fans. Dahil rin sa kanila kung bakit patuloy tayong naniniwala sa love. Isa rin sila sa goals natin when it comes to relationship. Hindi lang chemistry ang kaya nilang ipakita sa atin. Pati na rin ang pagiging magandang ehemplo dahil sa kanilang mabubuting asal. Pero mas humanga pa ako sa kanilang dalawa nang masaksikahan ko sila mismo behind the camera. Mas napahanga ako sa professionalism nila nang makatrabaho ko sila sa La Luna Sangre. Si DJ lang ang naka-eksena ko doon pero nakakasama ko minsan si Kath sa tent. Napapabilib ako sa dedikasyon nila sa trabaho dahil kahit madaling araw na at pagod, hindi ka makakarinig ng reklamo sa kanilang dalawa.

Napatunayan ko rin na totoo ang pag-aalaga ni DJ kay Kath gaya ng nakikita natin sa social media at sa tv. Mahalaga talaga para kay Kath ang opinyon ni DJ. Nakakamangha ang pagpapahalaga nila sa isa’t isa. Di lang bilang katrabaho, kundi bilang tao. Tanggap nila ang kahinaan at inaalalayan ang bawat isa. Lakas nilang maka-relationship goals dahil kahit ano man ang pagdaanan nila, pinipili pa rin nila ang isa’t isa.

Minsan napanuod ko ang interview ni Daniel nang tanungin siya kung kailan raw sila magkakaroon ni Kath ng kissing scenes. Ang sagot ni DJ ay kapag handa na ang mga fans nila. Alam nitong may mga bata pa silang mga fans. Mararamdaman mo talagang mahal niya ang Kathniels. Kahit nga sa ASAP Chillout, bago pa man ito umalis ng studio after ng interview ay sinisigurado muna nitong makakalapit siya at makakapagpa-picture sa fans niya sa audience. Si Kath naman ay napaka-sweet sa fans niya habang tinatanggap nito ang mga dalang regalo para sa kanya.

Bawat milestone ng career nila ay nakaka-proud. Parang tayo na rin ang successful kapag may nakamit silang bagong pangarap. Kahit anong gawin nila, malaki ang impact sa atin na mga fans. Iyong simpleng pagtopless lang ni DJ sa pelikula, napapasigaw na tayo. Iyong mga trending photoshoots ni Kath, napapamangha na tayo. Nakaka-proud rin na pagaling sila ng pagaling umarte. Napawow ako sa mga eksena ni DJ sa Pangako Sayo dahil marunong na siyang gamitin ang mga mata niya para sincere ang delivery ng lines niya. Kahit ilang beses ko ring ulit-ulitin ang Crazy Beautiful Us, palagi akong naiiyak kay Kath lalo na iyong mga eksena niya with Ms. Lorna Tolentino.

Naalala ko pa noong premiere night ng pelikula nilang Barcelona: A Love Untold, magkakatabi kaming nakatayo ni John Valle, ang hairstylist ni Kath at Ate Denise, ang make-up artist niya. Kahit nakatayo kami okay lang basta hindi lang matanggal ang tingin namin sa movie screen. Nayayakap ko ng wala sa oras si Ate Denise kapag kinikilig ako sa mga eksena. Sabay naman kaming tumatawa kapag humihirit na ang character ni DJ. At lalong sabay-sabay kami nagtalunan nang bigla silang naghalikan. Para kaming nabaliw sa mga oras na iyon. Para kaming mga magulang ng dalawa na napapa-ohmygod dahil nakita namin ang first kiss nila on screen. “Dalaga at binata na talaga sila.” Paulit-ulit naming sabi.

Kulang pa ang pahinang ito para masagot ko kung bakit fan ako ng Kathniel. At alam kong sa bawat gawin nila in the future ay madadagdagan nanaman ang mga rason ko. Blessed ako na nabigyan ako ng pagkakataong makilala sila. Masasabi kong I made the right choice. Hindi nasayang ang oras ko sa pagpakafangirl. At sa darating pa na mga oras sa future ay handa akong maglaan para sa Kathniel. Sana kahit pumuti na ang buhok nila ay Kathniel pa rin sila. Sana mahaba pa talaga ang future nila dahil pangarap ko pa silang maka-eksena together. Kahit third wheel lang nila. O di kaya third party? Hala, never say never!


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:7A.jpg

I am a certified Kathniel Fangirl.


Chapter 1: THE FUNNY FANGIRL’S DREAM

Chapter 2: Unang Pagkikita

Chapter 3: Frances, The Fangirl

Chapter 4: More Kathniel Moments

Chapter 5: Pangako Sayo

Chapter 6: 5 4 3 2 1 ACTION

Chapter 7: BAKIT KATHNIEL


Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE