Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Kathryn Bernardo for a Day

Image Description Alora Sasam   |   23 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

More Kathniel Moments


Totoo pala talaga ang sabi nila. Kahit marami ang stars, napakaliit pala talaga ng showbiz world. Unexpectedly may mga common friends pala kami ni Kathryn, si Pamu at Marlann. Dahil sa dalawa, na-imbitahan ako ni Kath sa isa sa mga bonding nilang magkaibigan. Nagulat ako pero hindi ko pinalampas na makasama si Kath sa White Shirt Love dance ng Gforce. Nahihiya pa ako noong una. Halos hindi ko siya kinakausap. Pero dahil sobrang down to earth niya, lumabas rin ang pagkabaliw ko at nagsimula na ring magbiro. Sinasakyan niya pa ang mga biro ko. Hindi ko alam kung magpapakafangirl ako. Ang saya niya kakuwentuhan. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakakausap ko siya nang hindi tungkol sa trabaho. Nakilala ko siya behind the camera. At nasundan pa ang bonding na iyon ng mas marami pang bonding.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:FW%3a_DJ_Chap4:4A.JPG

White Shirt Love


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:FW%3a_DJ_Chap4:4B.jpg

Adventure sa pagsolve ng mystery.


2015 ako unang pumasok sa ASAP Chillout. Dahil isa ako sa hosts, nai-interbyu ko ang Kathniel. Updated na ako kung ano ang mga nangyayari sa kanila. Isa sila sa mga loveteam na ang sarap lang interbyuhin kasi sinasakyan lang ang kabaliwan ng mga hosts. Sa Chillout ko talaga mas nakasama at nakilala ang Kathniel. Mas minahal ko sila bilang loveteam.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:FW%3a_DJ_Chap4:4C.jpg

Nakita ko siya sa labas ng dressing room. Namukhaan niya ako dahil sa Fangirl video na ginawa namin sa youtube.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:FW%3a_DJ_Chap4:4D.JPG

With Kath sa ASAP Chillout.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:FW%3a_DJ_Chap4:4E.jpg

With DJ sa ASAP Chillout.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:FW%3a_DJ_Chap4:4F.JPG

With Kathniel sa ASAP Chillout


Isa sa mga memorable moments ko with Daniel ay sa Pampanga show niya. Kinuha ako ng team niya para magstand-up comedy. Iyong ang pinaka-una ko. Tandang-tanda ko pa ang kaba ko ng mga oras na iyon. Halos isang oras rin ako chika ng chika sa stage pagkatapos kong magdance number. Nagpa-games pa ako at ang premyo ko ay standee ni DJ. Buhay na buhay ang espiritu ni Fangirl Frances sa mga oras na iyon. Pagkatapos kong magperform ay tinawag na on stage si DJ. Doon ko unang nakita kung paano magreact ang Kathniels sa kanya. Nagsigawan lahat ng mga fans. Biglang nagflashback sa akin iyong time na una kong nabasa ang pangalan na Daniel Padilla sa tabloid. Nasaksihan ko na ng live ang nabasa ko. Kailangan pala talaga ni DJ ng maraming marshals kasi parang sinasaniban ang mga fans niya at bigla na lang sumasampa sa stage, makalapit lang sa kanya.

Pagkatapos niyang kumanta at pumunta na sa backstage, nagpasalamat agad ako sa kanya dahil nasama ako sa show niya. “Masaya ka naman?” Tanong niya. “Sobra!” Tango ko. Nagpasalamat din siya dahil sumama ako sa show niya. Nakakabilib siya dahil kahit sobrang sikat na niya ay marunong pa rin siyang magpasalamat at magpakita ng appreciation sa mga nakakasama niya. Pinagbigyan pa niya lahat ng humingi ng picture sa kanya kahit na kita mo sa kanyang napagod siya pagkatapos kumanta.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:FW%3a_DJ_Chap4:4G.jpg

First stand-up comedy experience.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:FW%3a_DJ_Chap4:4H.jpg

Thank you Team DJ!


Next Chapter: Pangako Sayo


Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE