Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Kathryn Bernardo for a Day

Image Description Alora Sasam   |   23 August 2018


Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Unang Pagkikita


Likas na sa ating mga Pinoy ang maging fan ng isang loveteam. Madali tayong kiligin sa romance ni bidang lalaki at bidang babae. Dahil sa mga loveteams, nangangarap rin tayo na sana makatagpo rin natin si The One at kikiligin na tayo habang buhay. Ang pinaka-una kong favorite loveteam ay ang Piolo-Judy Ann. Sumunod ang Cargel or Carlo Aquino and Angelica Panganiban at ang AnneSam ni Anne Curtis at Sam Milby. Wala akong pinalampas na teleserye, movie, guestings at interviews nila. Inu-ulit-ulit ko pa ang mga ito para unli-kilig rin ang maramdaman ko.

Ang hindi ko ine-expect na mamahalin ko ang Kathniel. Hindi ko kasi sila nasubaybayan. Inaamin ko hindi ako updated sa mga ganap nila. Noong 2011 kung kailan una silang magkatambal sa Growing Up ay ang panahon na sa Korean drama ako naka-focus. Hindi ko napansin na may Kathniel na palang nabubuo sa Sunday barkada show na iyon. Kinalakhan ko na si Kathryn Bernardo sa tv. Natatawa ako sa kanya sa Goin Bulilit. Alam kong ume-extra siya bilang batang version ng bida sa mga teleserye o di kaya kapatid ng bida sa pelikula. Pero mas napansin ko siya nang gumanap siya bilang young version na Jenny sa GMA remake show ng Endless Love Autumn in My Heart noong 2010. Sobrang love ko ang korean drama na iyon kaya kahit avid fan ako ng ABSCBN ay tumatawid ako ng kabilang channel para mapanuod iyon. Pinaiyak ako doon ni Kath. At doon rin ako unang kinilig sa kanya lalo na kapag sweet moments nila ni Johnny. Doon ko rin napansing nagdadalaga na nga siya. Akala ko pa lumipat na talaga siya ng network. Buti na lang at napanuod ko siya ulit that same year sa Mara Clara. Sabi ko pa nga na ang suwerte ni Kath kasi siya lang naman ang susunod sa yapak ng ultimate idol kong si Juday bilang Mara. Kahit minsan busy ako sa requirements ko noon sa Nursing, sinisikap kong panuorin sila ni Julia Montes sa teleserye nila. Doon nila ako fully na recruit bilang kanilang fan. At kasama na silang dalawa sa listahan ko nang pangarap kong maka-eksena.

2011 ako pumunta ng Maynila para tuparin ang aking pangarap na umarte sa tv. Doon rin ako nagsimulang hindi maging updated sa kung sino ang bagong artista at bagong show ng ABS dahil wala naman akong sariling tv sa Maynila. Minsan nakikinuod ako sa tv ng landlady namin. Pero hindi ko na talaga nasundan ang Growing Up. Naging busy na rin ako sa pagworkshop sa Star Magic.

Naalala ko, una kong nakita ang pangalan ni Daniel Padilla sa isang tabloid. Balita doon na nagmall show raw ito sa Greenhills at dinumog ito ng maraming fans. Sa sobrang dami raw na gusto lumapit sa kanya ay nasira ang harang sa stage. Doon ako unang na curious sa kanya. Naiintindihan ko rin ang kabaliwan ng fans dahil base pa lang sa black and white na picture ni Daniel sa tabloid na iyon ay naaninag ko na ang kaguwapuhan niya. Hindi ko naman akalaing sa taong iyon ay makikita ko pala siya ng personal, sa lobby mismo ng ABSCBN.

Habang nagwoworkshop kami sa Star Magic ay nakakakita na kami paminsan-minsan ng mga artista. Siyempre bilang isang fangirl, humihingi agad ako ng permiso para makapag-pa-picture. May collection nga ako ng mga picture ng artista na first time kong nakita noong hindi pa ako mismo artista. Pero wala akong picture kay DJ. Siguro dahil hind ko pa siya lubos na kilala noon. Una ko siyang nakita sa lobby ng ABSCBN. Pumipila siya sa reception desk para kumuha ng access card. Iyong kasama niya ay may dalang suit. Nakilala ko siya dahil naalala ko iyong tabloid na nabasa ko. Napatango ako dahil guwapo pala talaga siya gaya ng sa picture. Payat, matangkad at napakatangos ng ilong. Kung close nga siguro kami ng mga panahong iyon ay baka pinisil ko na at pinanggigilan ang bridge ng ilong niya.

Kung babalikan ko ang ilang minutong nakita ko siya dati ay nakaka-amaze ang pagkakaiba sa nangyayari ngayon. Dati dinadaan-daanan lang siya ng lahat ng tao habang busy sila sa kanilang mga pupuntahan. Pero ngayon, humihinto ang mundo para lang maki-usyoso sa kanya. Dati hindi siya napapansin habang pumipila siya. Pero ngayon hindi na siya makapila dahil dudumugin ang pila kung andyan siya. Nakaka-wow rin na dati kailangan pa niya pumila para kumuha ng access card habang ngayon ay makita lang siya ng mga marshal ay pinagbubuksan na siya agad ng swing gate.

Dati walang Kathryn siyang katabi. Ngayon halos hindi na sila mapaghiwalay. Ngayon tinatawag na silang Kathniel. Una ko silang nakitang magkasama taong 2012 during the Star Magic Games. Kakapasok ko pa lang noon sa Star Magic at iyon ang pinaka-una kong social gathering bilang contract artist. Sa event na iyon muli kong nakita si Daniel at unang beses kong nakita si Kathryn. Napangiti talaga ako at tahimik na nangisay nang dumating siya at umupo silang dalawa ni Daniel malapit sa kinauupuan namin ng mga kaibigan ko. Doon ko unang na appreciate ang pagiging Star Magic kasi nakakalapit ako sa mga idols ko nang hindi ako hinaharang ng mga guards. Ginamit ko agad ang mumurahin kong cellphone para kuhanan sila ng picture.

Sa panahong iyon, hindi ko pa sila tinitignan bilang Kathniel. Nakatuon pa ang pansin ko kay Kath dahil sa wakas nakita ko na ang pinapanuod ko lang dati na si Jenny at Mara. Naalala ko pa nga si Juday sa kanya. Gusto ko talaga humingi ng picture with her. Kulang na lang baka ibigay ko pa kay DJ ang cellphone ko para kuhanan niya kami ni Kath ng picture. Pero siyempre hindi ko ginawa dahil baka maka-offend naman ako. At dahil na rin sa sobrang starstrucked, nawili na lang akong pagmasdan si Kath habang busy sila kaka-cheer sa mga naglalaro ng basketball. Hanggang sa nalipasan na ako ng pagkakataong makapagpa-picture dahil umalis na silang dalawa.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:FW%3a_DJ_CHAPTER2:2A.JPG

Noong una kong nasilayan si Kathryn.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:FW%3a_DJ_CHAPTER2:2B.JPG

Wala akong lakas ng loob humingi ng picture kay Kath dahil nakaharang si DJ!


Puro Star Magic artists ang makikita mo sa event na iyon. Sobra akong na starstruck. Na overwhelm ako. Kaliwa’t kanan puro artista nakikita ko naglalaro. Sinikap kong hanapin kung saan naglaro sa Kathryn sa event na iyon. Baka sakaling makatsempo ako at makahingi ng picture. Kaso hindi ko na siya ulit nakita. Buti na lang nakita ko ulit si Daniel na papasok sana ng court. Dali-dali kong kinalabit ang kasama ko at nagpatulong na kuhanan kami ng picture. Ang bait niya dahil pumayag agad siya.


Description: Macintosh HD:Users:emmanuelgloria:Desktop:Alora Kwentong Fangirl:Alora Articles:Kathniel:FW%3a_DJ_CHAPTER2:2C.JPG

Pakisabi na lang kay Kath, idol ko siya!


Next Chapter: Frances, The Fangirl


Read more of my stories:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE