Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Black Coin

Image Description TheLadyInBlack09   |   21 May 2018


Hanggang saan kaya mong isakripisyo para sa isang kaibigan? Handa mo bang isakripisyo kahit ang sarili mong buhay para mabuhay lamang siya?

"Sa wakas, dalawang linggo na lang graduation na!" Rizmar Labios exclaimed.

Katatapos lang ng final exam nila sa exam nila sa Perpetual Cavite Institue.  At halos dalawang lingo na lang ay graduation nila.    

        "Oo pare! Isang hakbang na lang makakaalis na talaga tayo sa pigging mga totoy. Magiging mga college students na tayo. At pagkatapos nun, magiging engineer ka na, ako naman piloto. Ang saya nu'n pare!" tugon naman ni Archie Vergara.      

       "Konti na lang matutupad na natin ang mga pangarap natin, pre," aniya. Sa may fountain sila ng indang plaza dumiretso gamit ang motor ni Archie pagkalabas nila ng campus. Bumaba na siya mula sa motor at naglakad patungo sa fountain upang maghilamos.          

   "Oo nga pala pare, pumayag na si Bunny na makipagdate sa akin."       

      Napatigil si Rizmar sa paghihilamos sa malinis na tubig dahl sa narinig. Hindi niya alam kung haharap ba siya sa  binata o mananatili na lang na nakatalikod mula dito upang itago ang reaksyon ng mukha niya. Archie was talking about Bianca "Bunny" Manzano, the girl-next-door ng campus  nila. She got the perfect shape of body and the perfect combination of eyes and lips. Her nose is not even a typical nose of a Filipina. In short, for Rizmar, Bunny is an example of a perfect woman creature.        

     "Oh pare, tara na." Boses ni Archie na nagpabalik sa gunita ni Rizmar sa kasalukuyan.

       "S-saan?" parang gulat na tanong niya dito bago tinuyo ng panyo ang basang mukha at humarap sa binata.         

    "Ha? Uuwi, 'di ba sasabay ka sa akin?" natatawang tugon nito habang muling isinusuot ang hinubad na helmet.        

     Pumayag na si Bunny na makipagdate sa akin. Parang nag-echo sa isipan niya ang sinabing iyon ni Archie kanina.        

     "Hindi na. Dadaan pa pala ako ng Mercury, bibili ako ng vitamin C, nagiging sipunin kasi ako lately. Dadaanan mo pa si Abet sa tindahan ninyo 'di ba?"  Ang nakababatang kapatid nito ang tinutukoy nya.       

      "Sigurado ka ba, pare?" muling tanong nito bago binuhay ang makina ng motorsiklo.

        Nakangiti naman siyang tumango bilang tugon ditto.       

      "Okey, para doon na rin ako sa shortcut na daang ilog dadaan. Ayaw mo kasing dumadaan doon kaya hindi ako nakakapagshort cut   kapag kasama kita," natatawang sabi ni Archie. "Sige pare."        

    Hindi niya alam kung bakit tila nag-slow motion ang lahat sa paningin niya. Mula sa pagpapaalam ng binata hanggang sa pagpapaandar nito ng motorsiklo palayo mula sa kinatatayuan niya.        

    "Weird..." Nakakunot noong bulong niya ng tuluyan na itong mawala sa paningin niya. "Itutuloy pala niya talaga ang panliligaw kay Bunny," wala sa loob na bulong niya bago naglakad patungong  Mercury Drugstore.        

    Huwag kang bibitiw bigla. Huwag kang bibitiw bigla... Higpitan lang ang iyong kapit. Maglalakd patungong langit..         

    Ang kanta ng Spongecola na "Bitiw" na ringtone ni Rizmar sa cellphone ang gumising sa kanya. Napatingin siya sa relong suot, ala sais pa lang ng gabi. Nakatulog pala siya pagkauwi niya ng bahay galing drugstore kanina.       

      "Bunny?" takang saad niya ng i-check kung sino ang caller na gumising sa kanya.       

      "H-hello, Rizmar?" bakas sa boses ni Bunny ang pag-iyak.      

       "Bunny? Bakit? Umiiyak ka ba?"         

    "Rizmar... Si Archie, wala na siya..."          

   Nagsimula ng kumabog ng malaks ang dibdib niya.  "W-what do you mean?"

     "Naaksidente siya sa daang ilog kaninang papunta siya kina Abet. It was horrible Rizmar! Hindi na siya umabot sa ospital. Wala na si Archie. Wala na siya, Rizmar..."        

    Pakiramdam niya namanhid ang buong katawan niya. Wala na siyang ibang maramdaman kundi panlalamig. Panlalamig sa buong katawan niya.

Pumayag na si Bunny makipagdate sa akin.

Parang naririnig pa rin ni Rizmar ang boses ni Archie sa isipan niya. Kagagaling lang niya sa bahay ni Archie, kung saan napatunayan niynag totoo ang lahat ng sinabi ni Bunny kagabi ng makita niya ang binata na nakahiga sa kulay ginto nitong kbaong.  Hindi na siya gaanong nagtagal doon upang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya kaya dumiretso na siya  ng Indang Plaza.      

       Iginala niya ang mga tingin sa paligid. Hindi pa rin siya makapaniwalang wala na si Archie. Parang kahapon lang, ksama niya  ito sa lugar na iyon.       

      Sige pare.         

    Parang hanging naglaho ang pigura ni Archie na nakasakay sa motor sa paningin niya. Si Archie ng huli itong magpaalam sa kanya kahapon.         

    Isang baryang gumulong patungo sakinatatayuan niya ang umagaw ng pansin niya. "Ano ito?" Wala sa loob na pinulotniya ang barya na sa mismong paanan niya huminto sa paggulong at tumaob. Isangitim na baryang walang kahit na anong numero o logo na nakaukit. 

        ""Pumayag na si Bunny na makipag-date sa akin."       

      Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ang nagsalita kasunod ang pagkusot sa mga ito.

"A-archie?" Tiningnan niya ang mga kamay. The one peso coin gone

.       "Tara na," anitong tila natatawa sa inaasal niya.     

 "S-saan?" Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Nanaginip lang ba siya o panaginip lang ang lahat ng nangyari kahapon.       

      "Uuwi na, ano ka ba? Sasabay ka ba sa akin? Dadaan pa ako ng tindahan eh.

Naaksidente siya sa daang ilog kanina ng papunta siya kay Abet.         

    "O-oo, pare. Sasabay ako, pero hindi tayo sa daang ilog dadaan."         

    Lalo itong natawa sa isinagot niya. "Kailan ba kita napapayag na dun dumaan?"


***

***

"Hanggang dito ka lang?" takang tanong ni Archie.        

     Sa may tindahan na ng binata bumaba si Rizmar kung saan naghihintay si Abet.       

      "Oo, may nakalimutan ako bilhin sa drugtore, magtatricycle na lang ako pabalik." Ligtas na si Archie, iyon ang nasa isip niya. Kaya hindi na niya ito kailngang samahan.         

    "Ihahatid na lang kita doon ulit.," Archie insisted.         

    "No, hindi na. Kailangan ninyo na ring iuwi ang mga iyan," turo niya sa mga bitbit na bayong ni Abet.            

"Oh sige, sige. Ingat ka pare," anito ng makasakay na si Abet sa motorsiklo.  

           "Oo pare. Ikaw din."  Hinintay niyang mawala sa paningin ang dalawa bago napabuntong hininga. "It was all just a dream...."

Huwag kang bibitiw bigla. Huwag kang bibitiw bigla... Higpitan lang ang iyong kapit. Maglalakad patungong langit..        

     Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Rizmar ng marinig ang ringtone ng cellphone niya. Nagsimula ng bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib niya ng makitang pangalan ni Bunny ang caller na nag-aappear sa cellphone niya.     

        "H-hello, Bunny?"          

   "R-rizmar.... Si Archie... Wala na siya... Naaksidente sila ni Abet kanina sa daang ilog pauwi. Wala na siya, Rizmar.... Wala na si Archie..." iyak ni Bunny mula sa kabilang linya.    

         Sa ikalawanag pagkakaton naramdaman niya ang pamamanhid ng buong katawan kasunod ang panlalamig ng mga ito. "It couldn't be real..."

"It was all just a dream," bulong ni Rizmar habang igingala ang paningin sa buong paligid ng Indang Plaza. Kagagaling lang niya sa bahay ni Archie kung saan nakita niya ito at si Abet na nakahiga sa mga sariling kabaong. "I'm sorry pare, I thought I could save you.        

     "I-itim na barya?" Tila nahipnotismo siyang pulutin ang baryang gumulongat tumaob sa mismong paanan niya. 

      "Pumayag na si Bunny makipag-date sa akin."          

   Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya si Archie.     

        "Oh pare, bakit parang nakakita ka ng multo. Tara na."     

       Walang sali-salitang sumakay siya ng motor nito at nagsuot ng helmet.          

   "Okey ka lang ba? Ang weird mo," natatawang sabi nito bago binuhay ang makina ng motorsiklo at mabilis na pinatakbo.

***

***

"SALAMAT pare,ha."         

"S-saan?" takang tanong ni Rizmar. Nasa harapan na sila ng bahay ni Archie at nauna ng pumasok ang kapatid nito sa loob.          

 "Sa pagsama sa amin hanggang ditto. Gusto mo ba ihatid na lang kita sa plaza?"

            Napabuntong hininga siya ng marinig ang sinabi nito. Akala niya, aware na si Archie sa nangyayari sa kanya. Sa kanila. "Hindi na pare, sige. Uuwi na ako, huh," aniya habang iniaabot ang hawak na mga bayong.           

  "Sige pare, ingat."           

  Napangiti  siya sa sinabi nito. "Ikaw din."

Huwag kang bibitiw bigla. Huwag kang bibitiw bigla... Higpitan lang ang iyong kapit. Maglalakd patungong langit..     

       Hindi pa man niya nahahawakan ang cellphone niya na nagriring ay nagsimula ng kumabog ng malakas at mabilis ang dibdib niya. Tumingin siya sa orasan, its almost seven in the evening.             "H-hello?"         

    "R-rizmar? Tumawag sa akin si tita Lucy at Leila." Ang ate at mommy ni Archie ang tinutukoy nito. "W-wala na si Archie... M-may umakyat na magnanakaw sa.. Sa bahay nila. Nanlaban si Abet, si Archie... Pati ang daddy nila. Pinatay sila ng magnanakw na 'yon, Rizmar. Wala na si Archie...Pinatay siya ng magnanakaw na iyon."               

Hindi na niya narinig pa ang mga sumunod na sinabi ng dalaga dahil nabitwan na niya ang hawak na cellphone. Nagsuot siya ng pang itaas na damit at pantalon at mabilis na lumabas ng bahay upang sumakay sa bisikleta. Tatlo na sila. Hindi pwedeng maging ganoon. May mali. Dapat sinigurado na niya ang lahat para wala ng namatay.         

    "Nasaan na? Nasaan ka na???" halos pasigaw na bulong niya sa sarili.       

    Nagbisikleta lang siya mula sa bahay nila hanggang sa Indang Plaza upanghanapin ang itim na baryang palaginggumugulong palapit sa kanya. Naiiyak na siyang napaupo sa may gilid ng fountainng hindi makita ang hinahanap. Lumiliwanag na ang paligid dahil sa papasikat naaraw. Tulyan na siyang napatayo ng mapansin na ang baryang kanina pa niyahinahanap. Gumulong ito papalapit sa kanya at hindi na siya nagdalawang isip pana pulutin iyon.   

     "Pumayag na nga pala makipag date sa akin ni Bunny."      

Napatingin siya kay Archie.          

   "Tara na."          

   Walang sabi-sabing tumalima siya dito. "S-sige pare. Tara na."     

        "Sige, pare. Ingat," paalam ni Archie.           

  "S-sige," aniya bago tumalikod upang maglakad na palabas ng bakuran nina Archie.  Ngunit hindi talaga siya lumayo sa bahay. Nagkubli siya sa mga halamanan ng katapat na bahay ng mga ito at doon matyagang naghintay ng mga mangyayari. Halos dalawang oras na ang nakakalipas ng may mapansin siyang lalaking may malaking bag ang umaali-aligid sa bahay nina Archie.             "Pulis! Pulis! May magnanakaw!" Sigaw niya mula sa pinagkukublihang halamanan.             Nakita niya ang pagkaripas ng takbo ng lalaking nasa harapan ng bahay nina Archie kasunod niyo ay ang pagbukas ng mga ilaw ng bahay ng pinagkukublihan niyang halamanan. Hindi na rin siya nagsayang ng oras at nagmadali ng lisanin ang lugar na iyon.

***

***

Alas tres na ng madaling araw, hindi pa rin siya makatulog. Kanina pa niya tintitigan ang cellphone na nasa harapan niya na tila hinihintay niyang mag-ring.            

 Huwag kang bibitiw bigla. Huwag kang bibitiw bigla... Higpitan lang ang iyonh kapit –          

Hindi na niya pinatapos pa ang kanta na ringtone niya at agad niyang sinagot ang tawag sa kabila ng panginginig ng mga kamay.         

    "H-hello Bunny?" aniya kahit hindi pa niya chin-eck ang pangalan ng caller.      

       "R-rizmar... Wala na si A-archie... N-nasunog ang bahay n-nila.... W-wlang nakaligtas sa kanila kahit... Kahit isa...."        

     "L-lahat sila?" hindi mkapaniwala niyang tanong. Nramadaman niya ang mas matinding panginginig ng mga kamay niya kasunod ang tuluyan ng pagbitaw sa hawak na cellphone. May mali. May mali sa nangyayari. Sa ginagawa niya.           

***

***         

"Pumayag na nga pala si Bunny na makipagdate sa akin."      

       Hindi na natulog si Rizmar buhat ng makausap si Bunny sa cellphone kaninang madaling araw. Sa Indang Plaza narin siya dumiretso at hindi na dumaan ng bahay nina Archie. At kagaya nginaasahan niya muling gumulong ang isang itim na barya palapit sa kanya. At sapangatlong pagkakataon, hindi na siya nagdalawang isip na pulutin ang baryangiyon.            

  "Pare, may itatanong ako," aniya.           

  "Oh ano 'yon. At parang napakaseryoso mo dyan?" natatawang tanong nito na hindi na itinuloy ang pagsusuot ng helmet.          

   "P-paano kung mamatay ka na. And then I was given a chance na iligtas ka from death, but the more that I was trying to help you, the more na may nadadamay at namamatay. Would you still want me to save you from death? Would you still want me to keep you alive kahit may nadadamay at namamatay na iba?"      

       "Seriously," nakangiti itong tumingin sa kanya. "No. Kung ganoon lang din pala, it's better if I will die alone. Wala kahit na sinoman ang nadadamay o madadamay."      

      He couldn't find any words as his response.           

"Oh paano, tara na?"         

"H-hindi na.. May dadaanan pa kasi ako..."         

"Okey. Sige. Ingat ka pare." Muli na nitong isinuot ang hlemt at binuhay ang makina ng motorsiklo kasunod ang mabilis na pagpapaandar dito palayo sa kanya.


Iginala ni Rizmar ang paningin sa buong town plaza bago umupo sa gilid ng fountain. Kagagaling lang niya sa bahay nina Archie kung saan nakita niya ang binatang nakahiga sa kulay ginto nitong kabaong. Ilang sag;it pa bago niya napansin ang isang baryang gumugulong palapit sa kanya at tuluyang bumagsak sa may paanan niya. Matama niya iyong tnitigan ngunit hindi na kumilos mula sa pagkakaupo.

   "I'm sorry, Archie," aniya bago walang lingong likod na nilisan ang lugar.


***

***

"MAY problema ka ba?" takang tanong ni Rizmar kay Bunny.       

      Isang taon buhat ng mawala si Archie ay sinimulan niya ang panliligaw sa dalaga. At pagkatapos ng apat na buwan na panunuyo ay hindi siya nabigong mapasagot ito.        

     "I just wanna ask something," seryosong tugon ni Bunny na hindi man lang tumitingin sa mga mata niya.          

   "Ano 'yon?" Natatawang tanong niya kasunod ang pag-upo sa isa sa mga upuan ng waiting shed sa may Indang Plaza. Katatapos lang nila manood ng sine at napagkasunduang tumambay saglit doon upang kumain ng ice ceam.          

   "P-paano kung mamatay ka na. And then I was given a chance na iligtas ka from death, but the more that I was trying to help you, the more na nadadamay at namamatay. Would you still want me to save you from death?"          

   Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Hindi pwede mangyari iyon. Iyong iyon ang tinanong niya kay Archie almost a year ago. After he tried to save his life from death. From a lot of times.

            "R-rizmar? W-would you still want me to keep you alive kahit may nadadamay at namamatay na iba?" 




  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
18 September 2018