Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Cautivo Corazon

Image Description laizangbeybs   |   30 March 2020


Isang tula para sa mahusay na binata

Isang pag bati sa binatang ka’y gwapo kung ngumiti

Marahil ako’y hindi mo kilala 

o sainyong lungsod ‘never’ mo pang nakita 

wag mangangaba!

Isa lang naman ako sa daan daan mong tagahanga

Gaya ng nakararami ikaw ay nakilala bilang isang mahusay na alkalde 

May de-dikasyon sa paglilingkod

Sa mahihirap lumuluhod

Sa serbisyo hindi tumatalikod

Kaya hindi na mag tataka kung sa pagiging Pangulo ikaw na ang susunod.


Hindi ako Pasigueño o 

di kaya ay Manileño,

Ako’y isang Navoteño

na sinusubaybayan ang husay mo sa serbisyo


Ika’y mahusay sa gawain 

Malinaw ang iyong hangarin na ang

Kurapsyon ay sugpuin

Marahil sa pagdating ng epidemya ay nahihirapan

ngunit ang responsibilidad sa tungkulin ay iyong mahusay na ginagampanan

nawa’y maging isang magandang modelo

 sa iba pang alkalde at lider sa gobyerno

tularan sana nila ang pagpapakitang gilas mo.


Ako’y iyong naimpluwensyahan na ang pamahalaan ay pag aralan 

nang sa hinaharap ay hindi mag dusa ang nasasakupan

Sana sila ay bihagin mo

gaya ng pag bihag mo sa puso ng mga pilipino

gaya ng pag bihag mo sa puso ko.”













  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018