Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Friendzone

Image Description @ElithienCraejan   |   30 August 2019


FriendzoneLets be friends or Friendship over

Ang hirap ma-fall sa isang kaibigan
Na 'di mo alam ang nararamdaman
Hindi mo masabi ang nilalaman
Ng iyong puso't isipan
Dahil ikaw ay nadududuwag
Na baka mabuwag
Ang inyong pagkakaibigan
Na iyong pinakaiingatan
At pinahahalagahan

'Di ko alam kung paano nagsimula
At 'di ko alam kung may patutunguhan pa ba
O magtatapos na lang bigla
At tuluyang mababalewala
Bahala na
'Di na ako aasa
Pero sana..bigyan mo ako ng pag-asa

Nagpakita ka ng motibo
Na ako ay Mahal mo
May pasabi ka pang "nami-miss kita"
Katulad ka lang pala nila
Wala kang pinagkaiba
Sa mga taong aking nakilala
Paiibigin,
At iiwan na lang bigla.

Nakita kita isang araw
Sa ilalim ng maliwanag na ilaw
Nakita kita
May kasama kang iba
Masayang magkausap habang
Hawak mo ang kanyang kamay

May ngiti sa iyong labi
Habang ako'y nagdadalamhati
Nasabi sa aking sarili
"Tama na, mag-move on ka na"
Pero paano?
Hindi naman naging tayo

Napansin mo ko
At tinawag ako
Pinakilala sa babaeng kasama mo
"Babe, kaibigan ko"
Ang sakit marinig na kaibigan lang ako
Pero anong magagawa ko
Talo na ako.

Bakit ka kasi pa-fall
Ako namang si tanga na fall

Kaya nasabi ko sa sarili ko
Tama na ito
Pero sasabihin ko sayo
Hanggang ngayon
Ikaw pa rin ang laman ng Puso ko


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018