Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




THE LATEST WIFE'S LUCK

Image Description ad_sesa   |   04 March 2020


I dont damn care if she is the legal wife Basta ako ang LATEST WIFE Tapos ang usapan-Dhenna Ordeza

Sumakay si Dhenna sa jeep na huminto sa kanyang kinatatayuan. Wala na si Kai, nauna na itong umuwi kaya naman hindi siya nakasabay sa kotse nito.


Sa tuwing sumasakay siya sa jeep ay napapabuntong hininga siya. Nararamdaman niya lalo ang pananabik na makabili na ng sarili niyang kotse. Inip na inip na siya. Matagal pa kasi na makakabili siya kaya kahit sawang-sawa na siya sa pagko-commute ay wala siyang magagawa. 

Kaya naman siyang ibilhan ng Tita Saima niya pero ayaw niya. Madami na siyang utang na loob sa kanyang tiyahin, ayaw na niyang dagdagan pa. Tulad noon ay ayaw niyang iasa ang lahat sa kanyang Tita Saima, lalo na ngayon na may trabaho na siya.

Niyakap na niya ang shoulder bag niya na umayos ng upo. Tatlo palang silang pasahero at puro sila babae kaya tumigil muna ang jeep para magtawag ng pasahero pa ang driver. Wala naman siyang reklamo dahil pinapatay niya rin naman ngayon ang kanyang oras. Wala naman kasi siyang gagawin sa bahay ngayon.

Hanggang sa naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone sa kanyang bag. May text sa kanya ang kayang tita. Nang buksan niya ang mensahe ay nakikiusap ang kanyang tita ulit na dumaan siya saglit sa pwesto nitong prutasan kasi wala raw kasama ang tindera nito. 

Tinipa niya ang touch screen na kanyang cellphone, magre-reply siya, sasabihin niyang papunta na siya sa pwesto. Hindi siya pwedeng umangal dahil 'yong tita niyang iyon ang tumulong sa kanya para makatapos siya noon ng pag-aaral.

"Talaga? Sinuko mo na ang iyong bataan sa lalaking iyon? Eh, one month palang kayong mag-on, 'di ba?" pabulong iyon pero umabot sa pandinig ni Dhenna. 'Yung isang pasahero ang nagsalita, kausap nito ang isa pang pasahero. 

"Oo. Doon din naman ang punta ng relasyon namin. Patatagalin ko pa ba? Baka titikim pa sa iba at ipagpalit ako, eh. At least may habol na ako sa kanya ngayon, hindi na siya makaangal sa'kin. Huwag lang siya gagawa ng katarantaduhan dahil mapapatay siya ng tatay ko kapag nagsumbong ako na nagalaw na niya ako," humagikgik na sagot n'ong isang babae.

"Sira ulo ka talaga. Sure mo na bang siya na?"

"Oo naman. 'Di ko na 'yon pakakawalan. Kaya nga binigay ko na lahat, eh."

Hindi sinasadya ni Dhenna na mapatingin siya sa dalawang nag-uusap. Natigil tuloy sa chikahan ang dalawang babae. Mga napahiya siguro.

Napabuntong hininga naman siya at kunwari'y wala lang sa kanya ang kanyang mga narinig. 

Hindi siya nag-iisip ng kung ano sa babae. Para sa kanya tama lang 'yon. Kung mahal mo 'wag mo nang pakawalan. 'Wag ka nang aarte-arte pa.

At bigla'y sumagi sa isip niya si Randy. Bigla niyang na-miss ang binata. Bakit kaya hindi pa siya tine-text o tinatawagan? Eh, binigay na nga niya ang number niya?

Sabagay, ang tingin niya kay Randy ay mailap yata na lalaki. 

Gayunman, hindi siya susuko na mapagusto si Randy. 

Isang sulyap pa ang ginawad niya sa babaeng nagsalita kanina. Tulad din nito ay virgin pa siya. Isa siya sa malandi kung umasta pero virgin pa. Totoo.

At ang tanong, kaya rin kaya niyang isuko ang kanyang bataan para sa lalaking gusto niya? 

Lihim na napangisi siya sa naisip. Well, gustong-gusto niya talaga si Randy. So, bakit hindi? Kung sa paraan na iyon din niya maiitali sa leeg si Randy, why not?

Napahagud siya sa kanyang leeg. Bigla kasing nag-init ang kanyang pakiramdam. Bigla ay nakaramdam siya ng pangangailangan. Shit! Why on earth suddenly she felt of extremely lust about a man? Gayung noon naman ay wala siyang pake sa mga lalaki. Si Kai lang ang may pake. Tss!

Umandar na ang jeep. Iwinaksi niya muna ang makamundo niyang pagnanasa kay Randy. 

At saglit lamang ay narating na niya ang pwesto ng kanyang Tita Saima. Naglalakad siya nang matigilan siya. Nakikilala niya kasi agad ang likod ng lalaking ina-assist na customer ng tindera ng kanyang tita.

Si Randy! Si Randy na hinuhubaran niya sa isipan niya kanina! Shit!

Bumibili ulit ng prutas ang binata at parang mas gumwapo pa ito ngayon sa kanyang paningin.

Pilyang ngiti ang sumilay sa labi niya. Luck is running with her.

Inilabas niya ang cellphone at lumakad na siya palapit. Kunwa'y busy siya sa pagte-text. At sinadya niyang ibinangga ang sarili kay Randy.

"Opps, sorry!" sambit niya kunwari na sobrang gulat. Napakapit siya sa braso ng binata. At iyon palang na matigas na parte ng katawan ni Randy ang nahawakan niya ay halos kumbulsyunin na siya sa init na sumingaw sa katawan niya.  

Nasa mukha pa rin ni Randy ang pagkagulat din habang nakaalalay ito sa kanya. Pero kitang-kita niya ang mabilis na sulyap ni Randy sa kanyang dibdib kasama na ang paglunok nito na nagpagalaw sa adam's apple nito. Sigurado siyang naramdaman ni Randy ang kalambutan ng kanyang dibdib dahil walang pading ang bra niya ngayon.

"Sorry, ha? Nagte-text ako kasi, kaya 'di ko namalayan na---"

"No. It's okay. Nice to see you again, Dhenna," awat ni Randy sa paliwanag niya.

Matamis ang naging ngiti niya. Nang-aakit na ngiti. Tapos ay umayos na siya ng tayo.

Grabe! Ang lakas talaga ng dating sa kanya ni Randy. Ang gwapo talaga.

"Bumili ako ulit ng rambutan. Nagustohan kasi ng asa--" Hindi naituloy ni Randy ang sasabihin. Ewan ni Randy pero parang hindi nito masabi ang salitang 'asawa ko' sa harapan ni Dhenna. "... ng ate ko ang rambutan niyo," sa halip ay nadugtong nito.

"Matamis kasi ang mga prutas na paninda ng tita ko. Kasing tamis ko," malanding wika ni Dhenna. "Joke!" pero bawi rin niya. Sinadya niyang hampasin ng pabiro bahagya ang braso ni Randy.

Kamot-batok si Randy na ngiting-ngiti.

"Uhmm... Nagmeryenda ka na ba? Gusto mo magmeryenda? Ako naman ngayon ang taya?'" tapos ay paanyaya ni Randy na hindi inaasahan ni Dhenna.

"Sure," mabilis na sagot ni Dhenna. Mabilis din siyang kumapit sa braso ni Randy. "Saglit lang kami, ha?" at saka paalam niya sa tindera ng tiyahin.

Muling napalunok si Randy. Sa ginawa kasi ni Dhenna ay dikit na dikit na ang malusog na bibdib ng dalaga sa mga braso nito. Napatingin pa ito roon, pero pag-angat ng mata nito ay nakangiti pala si Dhenna na nakatingin sa kanya. Biglang pula ang mukha ni Randy. Naiilang ito kahit na ang tingin ni Dhenna ay parang nagsasabi sa kanya ng, "It's okay."

Malamig ang panahon dahil paambon-ambon, subalit pinagpapawisan si Randy.

"What's wrong?" masuyong tanong ni Dhenna kay Randy. Nagdidiwang ang kanyang damdamin dahil kitang-kita niyang malakas ang epekto niya kay Randy kaya naman tutuduhin na niya ito.

"Ah.. eh, mainit kasi," utal na sagot ni Randy.

"Gusto mong pumunta sa lugar na malamig?" nang-aakit na sabi niya. Desperada na siya. Bahala na. Saka wala namang masama, dalaga siya, binata si Randy. 

Dalawang beses nang sinabi ni Randy na ate nito ang buntis na iyon. Kaya tuluyan na niyang iwinaksi ang suspetsa niya na asawa iyon ni Randy..........


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019