Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




THE LATEST WIFE'S LUCK

Image Description ad_sesa   |   26 February 2020


I dont damn care if she is the legal wife Basta ako ang LATEST WIFE Tapos ang usapan-Dhenna Ordeza

"Mag-iingat ka sa pagda-drive, hon, ha? I-text mo ako pagdating mo sa work." Inaayos ni Manet ang necktie ng kanyang asawa. Papasok na kasi si Randy sa work nito bilang head supervisor ng isang leading BPO company sa bansa.

"Sige, hon. Love you." Hinalikan ni Randy ang labi ng asawa bilang paalam. At aalis na sana siya nang may maalala. "'Yong kapatid mo? Anong oras darating dito?"

"Mamaya pa siguro kasi sabi niya magliligpit pa raw siya ng mga damit na dadalhin niya rito after ng kanyang work."

Tumango-tango si Randy. "Buti na lang at mabait 'yong kapatid mo. Hindi na ako mag-aalala sa'yo rito kapag wala ako."

Ngumiti si Manet. "Oo naman. Sige na umalis ka na at baka ma-late ka na sa trabaho mo."

"Okay. Ingat ka rito, hah? Tawag ka agad if may maramdaman ka." Humalik ulit si Randy sa asawa.

Ngiting-ngiti si Manet na nakatingin lang sa asawang sumakay na sa kotse. Ang suwerte niya at nagkaroon siya ng asawang super sweet at super bait. Salamat kay God at ibinigay sa kanya si Randy. Wala siyang kaproble-problema.

Nang may maalala siya. Madaling kinatok niya ang salamin ng kotse. Bumaba iyon.

"Yes, hon?!"

"Hon, bilhan mo ulit ako ng rambutan, ha? Doon din sa binilhan mo kahapon. Matamis 'yung rambutan na nabili mo kahapon, eh."

Naramdaman ni Randy ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Naalala niya kasi si Dhenna, ang nakakaakit na si Dhenna. Kung gano'n ay magkikita ulit sila ni Dhenna?

Kumislot ulit ang kanyang pagkakalaki. Kahapon kasi ay grabe kung makayukod sa lamesa ng restaurant si Dhenna kaya buong miryenda nila ay parang dessert niya ang sumisilip na dibdib ng dalaga. 

Oo, pumayag siya sa alok ni Dhenna na meryenda. Wala siyang nagawa, eh. Mapilit ang dalaga. Nakakahiya na hindi mapagbigyan.

Pinilit niyang ngumiti kay Manet para hindi makahalata ito na may ibang laman ang kanyang isipan. "Sige, hon, dadaan ako ro'n mamaya."

At bago niya paandarin ang kotse ay pasimple siya na napabuga ng hangin. Tapos ay tumingin siya kay Manet at kumaway.

Napakabait na asawa ni Manet pero malalayuan ba niya ang mapanuksong si Dhenna kung si Manet na mismo ang naglalapit sa kanila? Parang ang hirap.





***


"Masaya ka yata?" puna agad ni Kai kay Dhenna nang magkita silang magkaibigan.

"Yeah. I met him already, eh," sagot ni Dhenna na ngiting-ngiti sa kanyang kaibigan. Narito sila pantry ng office. 

Si Kai ay kumakain ng lunch, habang siya ay nagte-tea lang. Hindi talaga siya nag-he-heavy lunch upang ma-maintain niya ang hubog ng kanyang katawan. Tabain kasi siya, not like Kai na kahit kain nang kain ay hindi tumataba.

"The who?" Kai's eyebrow raised automatically in interest.

"Si Randy. 'Yung guy na napagkamalan kong si Neil noong eyeball. Remember mo pa?" 

"Of course!" Lumaki na ang mga mata ni Kai sa hindi pagkapaniwala. Nag-stop muna nang pagkain. "Nakita mo siya ulit? Where and how?"

"Sa prutasan ni Tita Saima yesterday. Sakto na doon pala namimili ng prutas si Randy kaya iyon sinamantala ko nang maglandi," tugon niya na sinundan niya ng tawa.

Napailing si Kai. "Ganyan ka kadisperada na makilala siya? Landi agad?"

Tinaasan niya ng isang kilay ang kaibigan. "Gaga! Hindi naman landi na as in landi. Syempre kunwari pakilala as friend muna. At sakto nakikila naman niya ako."

"Okay." Bumuntong hininga si Kai at tinuloy na ang paglamon. "Kaya pala hindi ka na sumipot kagabi sa gimik natin kasi enjoy ka na sa lalaking 'yon."

Pilya ang naging ngiti na niya. "Paano, eh, nasarapan na kami sa kwentuhan. And you know what? An'sarap niyang kausap."

"Kasi nga type mo kaya masarap kausap." Kaso ay pambabara sa kanya ni Kai. Halatang hindi na interesado sa usapan.

Iningusan niya ito. Minsan hindi niya talaga maintindihan ang taong 'to. Kung makahanap ng jojowahin niya sa Dating App ay wagas, nayong nakakita naman na siya, parang ayaw naman niya. Baliw ang gaga! Aisst!

Nang may tumikhim sa kanilang likuran para kuhanin ang atensyong nilang magkaibigan. "Ako ba ang pinag-uusapan niyong dalawa?" 

Si Aman lang pala, isa sa mga workmate nila. Guwapo ito, matangkad at mabait. Nanliligaw rin ito sa kanya pero laging binabara niya dahil hindi niya ito type. Ewan ba niya pero siguro ay dahil minahal niya ito bilang kaibigan at naging kumportable na siya sana siya rito katulad kay Kai. Nga lang bigla-bigla ay nagtapat ng pag-ibig sa kanya kaya nawalan siya ng gana. Friends with benefits pala ang gago. Tss!

"Bakit masarap ka bang kausap? Masarap ka ngang upakan, eh," supalpal agad niya sa binata. "Do'n ka umupo!" Itinulak pa niya si Aman. Uupo kasi dapat ang binata sa tabi niya pero ayaw niya itong makatabi.

Napakamot-ulo na lang si Aman. Buti at sanay na ito kay Dhenna. Kasalanan naman nito kasi bakit bigla ay ilag na ang dalaga rito.

Kibit-balikat naman si Kai. "Dito ka na lang sa tabi ko, Aman," at alok nito sa bakanteng upuan na katabi nito.

"Thanks, Kai. Ang bait mo talaga hindi tulad ng isa riyan," parinig muna ni Aman kay Dhenna bago umupo.

Dinilaan naman ito ni Dhenna na parang bata.

"Balang araw hahabulin mo rin ako. Who you ka sa'kin," biro ni Aman.

"Nek-nek mo!" patul ni Dhenna na tinuro-turo ang sariling leeg.

Nailing na lang si Kai sa dalawang kaibigan. Madalas ang dalawang ito na mag-asaran 'pag break time nila sa trabaho o uwian na. At siya ang referee.

"Kumain ka na, Aman. Sabay ka na sa'min. May baon ka ba?" tanong ni Kai kay Aman.

Umiling ang binata. Nagseryoso na ito. "Pauwi na ako, eh. Half day ako ngayon kasi maglilipat ako ng house."

"Lilipat ka? May condo ka na? Sino'ng financier mo na bakla rito sa office?" pang-asar ni Dhenna.

Ang lutong ng naging tawa ni Kai. Habulin kasi ng mga bakla talaga si Aman.

Napangiwi naman si Aman. "Grabe ka na sa'kin, Dhenna. Huwag kang mag-alala bibili talaga ako ng condo kapag asawa na kita." 

"Tse!" suplada ni Dhenna. Kahit kailan talaga hindi niya matalo si Aman sa asaran. Laging naibabato sa kanya ang pang-aasar niya rito.

"Eh, sa'n ka lilipat?" nakatawang tanong ni Kai kay Aman. Para iliko na ang asaran ng dalawa.

"Sa bahay ng sister ko. Buntis kasi 'yon kaya doon muna ako pansamantala. Nakiusap sa'kin ang bayaw ko, para raw may kasama ang ate ko kapag wala siya," paliwanag ni Aman.

Tumango-tango si Kai at Dhenna, hindi na sila umimik pa. 

Pero speaking of buntis, deep inside ay naalala na naman ni Dhenna ang buntis na kasama ni Randy. Sa totoo lang, duda pa rin siya na kapatid nga iyon ni Randy........


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019