Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




THE LATEST WIFE'S LUCK

Image Description ad_sesa   |   02 April 2020


I dont damn care if she is the legal wife Basta ako ang LATEST WIFE Tapos ang usapan-Dhenna Ordeza

"Hello?" sagot ng babae sa kabilang linya nang tinawagan na nga ni Manet ang numerong nakasulat sa papel na kanyang nakita sa bulsa ng pantalon ng kanyang asawa.

Napakunot-noo si Manet sa malambing na boses. 

"H-Hello? Umm... W-Who's this please? Bakit mo pinapatawag ang asawa ko sa'yo?" pero lakas-loob niyang mga tanong pa rin kahit na parang tinatambol na ang kanyang dibdib sa kaba. Iba na agad ng kanyang pakiramdam. 

Ang liwanag ng ilaw sa kanilang silid na mag-asawa pero para ba'y kay dilim na ng kanyang kinaroroonan sa ngayon. At tila ba'y bumigat ang awra.

Subalit ay wala nang sumagot. Hindi na sumagot ang babae na may malambing na tinig.

"Hello? I'm asking you. Who are you?" kaya tanong niya ulit. Mas malakas ang kanyang naging tono at madiin. 

Nga lang ay hindi na talaga umimik pa ang nasa kabilang linya na babae.

"Sabing sino 'to?! Speak up!" Nainis na siya. Ayaw naman niya sanang maging bastos at mas lalong ayaw niya sanang mag-isip ng masama pero kasi ay parang tinatambol na ang puso niya sa kaba. Iba na yung feeling, eh. Feeling na misis o babaeng may asawa lang ang nakakaalam at nakakaintindi. 

Hindi niya sana tatantanan ang nasa kabilang linya.

"Hon, halika na," kaya lang ay tawag at silip na sa kanya ni Randy mula sa labas.

Mabuti na lang at naitago agad niya ang cell phone sa kanyang likod.

Mabangis ang mukha niyang nilingon ang kanyang asawa. Tumatahip ng husto ang kanyang dibdib. Tapos ay halos madurog ang cell phone ni Randy sa mga kamao niya na nakatago sa likod niya.

"Hon, you okay?" pansin sa kanya ni Randy. 

Ang animal, ngiting-ngiti pa! Napalunok siya. Ngayon palang ay nais na niyang bangasan ang mukha ng magaling niyang asawa pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng mag-isip agad pa ng kung anu-ano. Hindi pa siya sure kung sino ang babaeng iyon. Maraming posibilidad na ibang babae ito sa iniisip niyang babae. Ayaw niyang pangunahan ang lahat kahit ang malinaw na may posibilidad na tama ang kanyang kutob.

"N-Nothing, hon. Nagulat lang ako. S-sige, hon, susunod na ako." Sa huli ay pinilit niyang kuntrolin ang boses. Nakapag-desisyon siya agad na ayaw niyang ipahalata kay Randy ang namumuong pagdududa niya rito. Aalamin niya muna ang katotohanan.

"Okay." Isinarado ulit ni Randy ang pinto ng silid nilang mag-asawa.

Siya naman ay napabuntong hininga nang sobrang lalim saka natutop niya ang dibdib. Jusko! Sana ay mali ang kanyang hinala. Hindi niya alam siguro ang kanyang magagawa kapag tama. Mabait siyang tao pero ibang usapan na kung may ibang babae ang kanyang asawa. Ibang-iba!

"Hello?! Sino ka ba kasi?!" balik tanong niya sa kausap niya sa cell phone pero nag-TOT-TOT na ito. Meaning ay pinatay na ng nasa kabilang linya ang tawag......





•••


"Aaaaahhhhh!" Ibinalibag ni Dhenna ang kanyang cell phone sa dingding pagkatapos niyang pindutin ang end button, at pagkatapos niyang marinig ang boses ng asawa ni Randy sa kabilang linya. Wala na syang pakialam kung mamahalin ang kanyang cell phone. Basta galit siya. galit na galit siya. She was mad as hell now.

"Luh ka! Sayang naman ang cell phone mo!" bulyaw sa kanya ni Kai. Tinakbo agad nito ang cell phone at chineck. "Ayan! Sira na ang LCD! Basag na! Bruha ka talaga!"

Masa bahay pa rin siya ng kanyang kaibigan. Napaupo siya at sinubsob ang ulo sa lamesa. Napahagulgol na siya ng iyak. Tama nga ang hinala niya na asawa ni Randy ang nasa picture ng wallet nito.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Akala niya ay natagpuan na niya ang lalaking mamahalin niya at mamahalin siya. Shit! How could she be so stupid?!

"What's happening to you? Ano ba 'yon? Sino ba 'yong tumawag at nababaliw ka na naman ng ganyan?" Hinagod-hagud ni Kai ang kanyang likod to console her. But she hadn't calmed down at all. 

At imbes na sagutin niya ang kaibigan ay nagpatuloy siya sa pag-iyak. Nabayo-bayo pa niya ang lamesa. 

Pagkatapos ng lahat kagabi ay ito ang malalaman niya?! Damn it!

She clenched her fists with unwarranted anger. She swears, Randy will pay for fooling her. Hindi siya papayag na mawala na lamang ng silbi ang pinagkaloob niyang pagkababae niya. Never!

"Sis, are you okay? Kuhanan kita ng tubig, gusto mo?" Nabahala na para sa kanya si Kai. Siguro ay naramdaman na nito na hindi basta-basta ang kanyang pinagdradrama ngayon.

"May asawa na siya, sis," sa wakas ay nasabi na niya habang nakasubsob pa rin ang ulo niya sa nga braso na nakapatong sa lamesa at nag-iiyak. She needs her best friend right now, need niyang mailabas ang sama ng loob niya dahil kung hindi ay mababaliw siya. 

Hindi agad nakaimik si Kai. Sabi na nga ba nito't mangyayari ang ganito. Naiiling na lang ang dalaga. Kasi wala itong karapatan na sumbatan ang kaibigan. Sapagkat alam nito na nagmahal lang si Dhenna, nga lang ay sa maling lalaki lamang at sa sobrang bilis na sandali lamang. 

"Niloko niya ako! Ang sama niya! Parehas lang siya ibang lalaki! Ako naman si tanga! Kainis!" atungal ni Dhenna. 

"Tama na 'yan. Ngayong alam mo na na may asawa siya ay tigilan mo na. Dahil tandaan mo, walang nanalo na mistress sa legal wife. Huwag mong ipipilit ang mali dahil sa huli ikaw at ikaw pa rin ang lugi," payo ni Kai.

Pero lalo lamang nag-iiyak si Dhenna. No! Hindi siya papayag! Ngayon pa!.......


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019