Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




THE LATEST WIFE'S LUCK

Image Description ad_sesa   |   07 April 2020


I dont damn care if she is the legal wife Basta ako ang LATEST WIFE Tapos ang usapan-Dhenna Ordeza

"Dapat lang na iwasan mo na 'yong lalaking 'yon. Aba'y may asawa na siya," nakairap na wika ni Kai habang naglalakad sila palabas ng building na pinagtratrabahuan nila, uwian na nila.
At kasabay nila si Aman pero inutusan nilang bumili muna ng maiinom.

Kumibot-kibot lamang ang mga labi ni Dhenna. Mannerism niya ang panguso-ngusuin ang kanyang cute na lips kapag nag-iisip siya.

"Wala kang laban sa legal wife. Magiging parausan ka lang ng lalaking iyon kapag ipagpapatuloy mo ang kalandin mo na 'yan. Believe me," sabi pa sa kanya ni Kai.

"Eh, paano 'yong virginity ko?" diretsahang tanong niya. Gets naman niya ang nais isiksik ni Kai sa kanyang nagtatangahan niyang utak ngayon pero tulad nga ng naging tanong niya, paano ang virginity niya? Libre na lang? Aba'y no way!

"Forget about it. Kasalanan mo naman, eh, kasi binigay mo agad. Ang laki mong gaga kasi. At saka sa panahon ngayon wala na 'yang virgin-virgin na 'yan. Isipin mo na lang na kahit nga matanda naaasawaan pa rin, pati balo nga, eh. Kaya ikaw pa kaya na bumukaka lang agad-agad. What's the matter now, is you can't ruin a family."

Napalabi si Dhenna. Sa haba ng litanya ni Kai ay iisa lamang na katanungan ang nabuo sa kanyang isipan ang, "Ano naman ang pakialam ko sa pamilya ni Randy?!

"Isipin mo na lang 'yong mga anak nila. Maawa ka sa mga bata," dagdag pa ni Kai.

But she just rolled her eyes. "Pake ko sa kanila?!" naibulong niya ulit sa sarili.

"Hoy! Are you listening?!" Marahang naitulak tuloy siya ni Kai.

"Of course!" paangil na sagot niya. Inirapan niya ang kaibigan habang inaayos niya ang kanyang tayo. Pero iba ang nasa isip niya. Pamilya? Wait! Naisip ba 'yon ni Randy no'ng nasa motel sila? Hindi, 'di ba? Kasi kung naisip ni Randy ang asawa niya at mga anak niya kung meron man, eh 'di sana walang nangyari na gano'n, tama? So,
 bakit niya iisipin ang pamilya ni Randy kung si Randy nga mismo, eh, hindi iniisip ang pamilya nito.

Lihim siyang napangisi. 

Ang hindi niya pa inasahan ay makikita niya ang kotse ni Randy na naka-park sa labas ng building. Sa una ay alinlangan pa siya pero nang magbaba ng salamin ng kotse ang driver niyon ay si Randy nga dahil kinawayan pa siya.

Bigla ay nagwala na naman ang puso niya. Kinilig. Na-excite. 

Sa isang iglap ay balewala na sa kanya kung may asawa na si Randy. 

"Kai, I have to go. See you tomorow na lang." Iyon lang ang sinabi ni Dhenna sa kaibigan at nagmamadali na siyang lumapit sa kotse ng lalaking minamahal niya, kahit pa ito ay may asawa na. WALA NA SIYANG PAKE! 

"Dhe--" Hindi na naituloy ni Kai ang pagtawag sa kaibigan nang makita niyang pumasok na sa kotse si Dhenna. Nailing na lang siya at napamaywang. Alam na niya kung ano or sa tamang word ay kung sino 'yong sinamahan ni Dhenna. An'tigas ng ulo talaga!

"Oh, where's Dhenna?" takang tanong ni Aman tuloy sa kanya nang makitang mag-isa na lang siya sa waiting area nila. Tatlo pa naman ang binili ng binata na coffee. Tamang tama sa paambon-ambon na panahon.

"Wala na! Naglandi na!" Busangot ang mukha na kinuha ni Kai ang kanyang coffee. Sumipsip siya agad upang makapag-relax sa inis niya....




•••


"Where to?" tanong ni Randy kay Dhenna na nakapulupot ang mga kamay sa leeg niya habang nagda-drive.

Bago sumagot ay hinalikan muna ni Dhenna sa lips si Randy. May pilya siyang naisip, hindi niya ipapaalam kay Randy na alam na niya na may asawa ito. He wants game, then she will play with him! 

"Gusto ko sa place mo," nang-aakit na aniya. Nilaro-laro niya ang necktie ni Randy. Kaya naman kitang-kita niya ang pasimpleng paglunok ni Randy.

She hid a grin. Kinagat niya ang lower lip niya para mapigilan niya. For sure magiging masaya ang laro nilang ito.

"No. Hi-hindi pwede ro'n," utal na sagot ni Randy. Naging balisa ang kilos nito.

"Gano'n ba. Eh 'di same place na lang tayo, gusto mo?" Mabilis ding bawi niya at baka mag-iba pa ang mood ni Randy o kaya makahalata. Ayaw niyang masira ang moment na ito. Miss pa naman niya ang yakap at halik ni Randy.

"Sure, much better. Pero mamaya mo na ako yakapin ng mahigpit at baka hindi ko na makayanan ang init," birong ani Randy.

Napahagikgik siya ng malandi. Kumawala naman siya ng yakap. Umayos siya ng upo pero kinuha niya ang isang kamay ni Randy hindi dahil gusto niya itong maka-holding hands lamang, kundi curious lang siya dahil wala naman itong wedding ring. Hinaplos-haplos ng isa niyang kamay ang hawak niyang kamay ni Randy habang ang isa niyang kamay ay naka-holding hands. Ang sarap talagang itanong kay Randy kung bakit wala itong singsing pero hindi pa ngayon. Pero nasa'n kaya 'yon? Itinago para magmukhang binata kapag wala ang asawa tulad ng ibang mga lalaki? Saan? Dito sa kotse? 

Gustong matawa ni Dhenna sa mga tinatakbo ng isip niya. Mga lalaki nga naman! Mga hayup! Such a reincarnated devils!







•••


Pabuntong hininga na naibaba ni Manet ang kanyang cellphone. Unattended na naman ang cellphone kasi ni Randy na kanina niya pa tinatawagan. Tumatahip na naman ang kanyang dibdib sa kaba. Sa ngayon ay napapansin niya na madalas ng naka-off ang cellphone ng kanyang asawa which is unusual. Noon naman ay halos si Randy nga ang tawag nang tawag sa kanya, eh.

Gayunman ay ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano. Kahit na kung naiisip niya ang nakasulat na maliit ma papel na iyon noong isang araw ay hindi niya maiwasang magduda talaga sa kanyang asawa. First time niyang maramdaman ang ganito.

She scrolled her contacts. Tumigil siya sa naka-save na 'Call Me'.

"I'm here." Kaso ay bungad na kasi ni Aman kaya nawala na sa isip niya agad ang nais gawin. Ang tawagan ulit sana ang babaeng iyon.

"Oh, ang aga mo yata. Akala ko ba male-late ka ng uwi?" tanong niya sa kapatid.

"Eh..." Napakamot-ulo si Aman. "Nawalan ng mood 'yong mga kasabay ko sanang kakain sa labas, eh."

"Okay. So, hindi ka pa kumakain? Gusto mo ipaghahanda kita?"

Umiling si Aman. "Ako na. Wait, si kuya Randy wala pa?"

"Wala pa nga, eh. Hinihintay ko nga, eh."

Kahit si Aman ay nagtaka.

"Pero baka OT na naman siguro," kaya sabi niya.

"Weh? Laging over time? Tawagan mo kaya sa trabaho niya. Alamin mo kung 'andoon pa, baka ano na 'yan..." subalit makahulugang sabi ni Aman. "Sige, kain lang ako," tapos paalam nito. Pumasok na ito sa kusina.

Naiwang mas napapaisip si Manet sa living room. Mayamaya ay may denial siya sa kanyang cellphone. Numero iyon ng opisina nina Randy. 

Tama si Aman.

"Hello, Marie?! Si Manet 'to. I just wanna ask if andiyan pa si Randy sa office?" Kilala niya ang boses ng sumagot kaya agad na tanong niya. Sapagkat dati niyang katrabaho ang mga kaopisina ni Randy dahil doon din siya nagtrabaho noon. Doon sila nagkakilala ni Randy bago ma-promote si Randy sa mas mataas na position.

"Oh, Manet, ikaw pala. Ummm.. si Randy? Wala na siya rito? Kanina pa siya umuwi. Ako at si Jho na lang ang 'andito sa office."

Napakunot-noo siya. Hindi na siya kailangang magtanong pa. Ayaw niyang makahalata ang mga dating katrabaho na hinuhuli niya ang asawa niya at baka kantyawan lang si Randy.........


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019