Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




THE LATEST WIFE

Image Description ad_sesa   |   07 April 2020


I dont damn care if she is the legal wife Basta ako ang LATEST WIFE Tapos ang usapan-Dhenna Ordeza

"Hello, Dhenna? 'Asan ka na? Nasa place na raw 'yong ka-blind date mo," boses ni Kai sa kabilang linya.

Dhenna's mouth twisted wryly. Kanina pa kasi siya tinatawagan ni Kai, her best friend at katrabaho rin. May ka-blind date kasi siya ngayon kaya tuwang-tuwa ang bruha. Ito pa ang mas excited kaysa sa kanya. 

Ano'ng magagawa niya kung traffic ang Edsa? Tss!

"Oo na! Heto na! Malapit na ako!" sagot niya rito habang titirik-tirik ang kanyang mga mata.

"Okay. Text mo ako 'pag nakita mo na siya, ha?" kilig na huling wika ni Kai bago nito pinatay ang tawag. Bakit hindi? Eh, ito lang naman kasi ang may pakana ng lahat ng kagagahan niya sa buhay. Pakialamera sa kanyang love life ang gaga.

Naluka nga siya, eh, dahil hindi naman talaga siya mahilig sa mga ganito. Hindi naman niya kailangan ang blind date dahil sexy at maganda siya. At saka hindi pa naman siya nawawala sa kalendaryo upang magmadali na makapag-asawa. Pero gawa nang pamimilit ay napapayag siya ni Kai. 

Sabagay wala naman mawawala, eh, kaya pinagbigyan na niya ang mahal niyang abnormal na kaibigan.

Napailing-iling si Dhenna. Ngayon siya nagsisisi kung bakit niya pinatulan ang trip na ito ng kanyang kaibigan. May pangamba rin kasi siya na baka mamaya, eh, pangit pala ang ka-blind-date niya. Kasi naman nakita lang nila iyon sa isang Dating App. 

Well, guwapo naman ang lalaki na 'yon sa mga picture. Lalo na sa profile picture nito sa Facebook. Pero malay ba niya at baka hindi naman pala nito iyon totoong picture. 

Kung sabagay pati pangalan ay guwapo rin ang lalaki. Niel Austria ang name, eh. Pwede na.

Nang sa wakas ay nakadating na siya sa mall na tagpuan nila ni Niel. Tiningala muna niya ang Mall na dating place nila. At nakapa niya ang dibdib, ngayong nandito na siya ay saka pa kasi siya ninerbyos. Naku naman!

Pinayapa niya muna ang sarili bago niya tinext si Niel ng, 'Dito na me'

In fairness mabilis naman na nag-reply ang lalaki. Mukhang inaantay nga talaga siya. 

'Okay. I'm here at Star Cafe. Just sipping coffee while waiting. Naka-white shirt ako at jeans lang. See you.' Nakagat ni Dhenna ang kanyang lower lip nang mabasa niya iyon. Sana! Sana guwapo talaga ang mukong! 

Sinuksok ulit niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay with pose na ngiting-ngiti na siya na pumasok na sa mall. No need na hanapin niya ang place na sinabi ng kanyang ka-date dahil kabisado na niya ang mall. 

And there, nakita na nga niya agad ang naka-white shirt na lalaki sa may labas ng Star Cafe. Nakatayo ito at may inaantay ang hitsura, palinga-linga rin ito.

She paused for a while to regather herself. Nalaglag kasi yata ang kanyang puso, kailangan niya munang pulutin. OM at G! Kasi hindi lang guwapo pala si Niel kundi ang guwapo-guwapo. An'lakas ng dating. He is handsome in a rugged way. Tall, dark and hot! Shit!

Pero bakit iba yata ang kanyang mukha?
Ah, baka tama ang kutob niya na iba ang ginamit nitong picture para itago ang identity nito. 

Saglit ay naglakas-loob na siyang lumapit sa binata. Binalewala na lamang niya ang tanong na iyon sa kanyang isipan. Ang mahalaga ay mas guwapo si Niel Austria sa personal.

Busy na sa pagti-text si Niel kaya tumikhim muna siya. 

Maang na napatingin sa kanya ang binata. Kinilig naman siya dahil for sure nagandahan din ito sa kanya.

"Hi," matamis ang kanyang ngiting bati rito. "I'm Dhenna Ordeza," at saka pakilala niya kasabay nang paglahad niya rito ng kanyang kamay.

Kaso ay hindi umimik ang binata na para ba'y mas nagtaka pa ito. Naglipat-lipat ang tingin nito sa kanyang kamay at sa kanyang mukha.

"You are Niel Austria? Right?" paninigurong tanong na niya. Ang ngiti niya'y hindi mapuknat.

Doon na rin ngumiti ang binata. 

Ayiee! Kinilig na talaga siya. Lalong naging guwapo kasi ang binata sa paningin niya. Ang swerte niya!

Bukas ililibre niya si Kai. Magpapasalamat siya ng bonggang-bongga sa bruha na iyon. Sa wakas nakagawa rin ng matino ang gaga.

"Sorry, Miss, pero hindi Neil ang pangalan ko. I'm Randy. I think you approached a wrong person," subalit sabi ng lalaki sa kanya.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Dhenna at dahan-dahan din niyang naibaba ang kamay niya. Tapos ay tumunog ang kanyang cellphone at... at si Neil ang tumatawag.

"H-hello?" sagot niya sa tawag na hindi naalis ang tingin sa nagpakilalang Randy. 

"'Andito ako sa loob ng Star Cafe, ha? Dito sa pinakadulo," sabi Niel sa kabilang linya.

"S-sige," pero walang gana na niyang sagot sa dapat ay kanyang ka-date.

May sinabi pa si Niel sa kabilang linya pero dahil biglang umalis na ang lalaki na Randy ang pangalan at hindi Neil ay wala sa loob na pinatay na niya ang tawag.

Sunod-tingin siya kay Randy. At ewan niya dahil parang may kumurot sa puso niya nang makita niyang may sinundo si Randy sa may bandang escalator. Babaeng maganda at buntis.

Hinalikan ni Randy ang babae. Aalis na ang mga ito, pero isang sulyap ang ginawad muna sa kanya ni Randy. Ngumiti ito sa kanya na parang nagsasabing 'BYE'.....






•••


"Hon, you know her? Who is she?" tanong ni Manet sa kanyang asawa. Sinundan niya ng tingin kasi ang tiningnan at nginitiang babae ni Randy.

Natawa si Randy. "No. 'Di ko siya kilala, Hon. Pinagkamalan niya kasi akong ako 'yong katagpo niya. Uso pa pala ngayon ang eyeball, noh?"

"Talaga lang, hah? Baka naman iba na 'yon?! Ayokong makasabunot ng kapwa ko babae, Hon, hah? Kahit buntis ako, kaya ko pa rin manapak," pabirong babala ni Manet.

Natawa ulit si Randy. "Ano ka ba, Hon? Huwag kang mag-iisip ng mga ganyan dahil kung gusto kong gumawa ng kasalanan, eh, dapat noon pa. Hindi ko na magagawa 'yon ngayon dahil may baby na tayo. I love you so much, Hon, you knew that." 

Nakuntento naman na si Manet sa mga binitawang mga salita na iyon ng kanyang asawa. At sana nga maging totoo ito sa mga sinabi hanggang sa huli. Sapagkat masaya silang mag-asawa. Kuntento na siya kay Randy. Wala na siyang mahihiling pa, lalo na ngayon na mabubuo na ang kanilang pamilya sa pagdating ng kanilang anak.

Mahal na mahal niya si Randy. Lagi niyang pinapanalangin sa Diyos na ilayo ang kanyang asawa sa mga tukso........



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
29 December 2019