Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




THE LATEST WIFE

Image Description ad_sesa   |   18 February 2020


I dont damn care if she is the legal wife Basta ako ang LATEST WIFE Tapos ang usapan-Dhenna Ordeza

"Hello, hon? Daan ka muna sa palengke, please? Bilhan mo ako rambutan," paglalambing agad ni Manet sa kabilang linya nang sagutin ni Randy ang tawag ng kanyang asawa.


Sinipat ni Randy ang kanyang relo sa kanyang wrist. Alas singko palang naman ng hapon. 

"Okay, hon. No problem," at tugon niya sa pinakamamahal na asawa. 

Hanggang ngayon kasi ay naglilihi pa si Manet which is normal lang daw sabi ng OB. Meron nga raw buntis na halos manganganak na, eh, naglilihi pa rin. Pasalamat na lang niya at hindi siya pinahihirapan ni Manet. Mga prutas lang ang kinukulit sa kanya. 

"Thanks, hon. Ingat ka sa pagda-drive. Love you."

"Love you more."

Pinatay na ni Manet ang tawag. Siya naman ay iniliko ang sasakyan nang maabot na niya ang U-Turn ng high way. 

Pauwi na siya kanina. Buti't tinawagan siya agad ni Manet para konting abala lang.

Pagdating niya sa palengke ay pinark niya ang kanyang kotse sa malapit sa mga prutasan. Tanaw niya agad ang kumpol ng rambutan ng suki na nilang binibilhan. Hindi talaga siya namamalengke pero dahil sa sitwasyon ni Manet ay kailangan. At syempre hindi siya nagrereklamo. Nag-i-enjoy nga siya, eh.

Ang hindi niya alam ay may biglang pares na mata na namamangha habang nakatingin sa kanya.

Napangisi si Dhenna nang makita niyang sa pwesto ng kanyang tiyahin ang tungo ni Randy. What a destiny! Pinagtatagpo talaga sila ni Randy! Ayiee!

Kumilos na si Dhenna. Sumunod siya kay Randy. Buti na lang pala at tinawagan siya ng kanyang tita kanina na siya ang kukuha sa tindera nila ng mga pinagbentahan kahapon. May lakad daw kasi ang tita niya ngayon na importante. Buti na lang pumayag siya. 

"Magkano isang kilo, miss?" Narinig niyang tanong ni Randy sa tindera ng tita niya.

At grabe, parang gusto nang magwala ang puso niya habang napatitig siya rito. Ang guwapo talaga kasi ni Randy. He looks incredibly handsome in his formal suite. Nakatupi ang polo shirt nito na kulay blue hanggang sa siko nito kaya kita niya ang parang nang-aakit nitong mga braso. Ang sarap siguro roong kumapit. Gosh!

Hindi niya alam pero nabuhay ang pagkababae niya. Parang ngayon lang naramdaman ng pagkatao niya na kailangan niya ng lalaki sa buhay niya.

Malinaw na sa kanya ngayon na gusto niya talaga si Randy. Gustong-gusto at hindi lang crush.

Randy is the man of her dreams. Finally she found him. Hindi na siya aasarin ni Kai na tomboy dahil sa wakas nagkagusto na siya sa isang lalaki. 

Well, madami naman siyang manliligaw, lalo na sa Dating App na account niya na ginawa ni Kai. Pero wala talagang nagpasirko pa sa puso niya. Hindi tulad ni Randy na parang any time gusto na niyang ilabas ang kanyang panty at iwagayway. 

"Fifty pesos pa rin, sir," sagot ng tindera. Halatang kinikilig din kay Randy.

"Sige, bigyan mo ako dalawang kilo. Matamis ba ulit 'to?" 

"Of course matamis 'yan, sir," paniningit na ni Dhenna sa dalawa. "Kasing tamis ng mga ngiti ko, sir," ngiting-ngiti niya pang sabi. Kung pwede nga lang ay landiin na niya agad si Randy, eh. Pero hindi niya gagawin dahil baka ma-offend sa kanya ang binata. Ang gusto niya lang muna ngayon ay makilala na niya si Randy nang lubusan. Dapat maging friends na sila.

Nagtaka tuloy si Randy na tumingin sa kanya. Kinilala siya siguro at sa huli ay ngumiti rin. Hindi nga lang nagsalita dahil pumili na ng rambutan.

Nainis konti si Dhenna. Ibig kasing sabihin ay hindi siya naalala or worse hindi ito interesado sa kanya. Tss!

"Ate Dhenna, ready na po 'yong kukunin niyo," sabi ng dalagitang tindera sa kanya. Sinenyasan niya ito sa mata na tumahimik.

"I guess you don't remember me," then parinig niya kay Randy na kunwa'y nalungkot. Humalukipkip siya with a sexy poise.

Nabaling ulit ang tingin ni Randy sa kanya, tingin na may pagtataka. Napatitig ito sa mukha niya kaya ngumiti ulit siya ng matamis at sinabayan niya ng bahagyang pag-tilted niya ng ulo, hinaluhan na niya ngayon ang gesture niya ng konting landi. 

"Ahmm.. Yeah!" Saglit ay napapitik sa hangin si Randy. "Ikaw 'yong girl na may ka-date. Then you mistook of me, right?"

She loughed lightly. "Ang tagal mong naalala, ah?"

"I'm sorry. Iba kasi ang porma mo noon at mas maganda ka ngayon."

Abo't hanggang tainga ang naging ngiti na niya. Damn! Iyon pa lang na papuri ni Randy ay halos himatayin na siya sa kilig. Sinabihan siyang maganda, eh, it means attracted din ito sa kanya. 

Pasalamat din niya sa magiging lakad nila mamaya ni Kai after work. Kaya siya nagpaganda ngayon ay dahil may gimik sila mamaya. Actually after niya makuha ang utos ng Tita niya ay diretso na sila ni Kai roon. Dumaan lang siya rito.

"Sir, ito na po ang rambutan," paniningit ng tindera sa usapan nila.

"Thank you." Kinuha iyon ni Randy at kumapa sa bulsa ng pambayad.

"Ang dami niyan, ah," pansin ni Dhenna upang makapag-usap pa sila. "Kakainin mo lahat 'yan?"

Medyo natigilan si Randy sa pag-open nito sa wallet nito at napatingin sa kanya. 

"Ah, alam ko na. Para 'yan sa babaeng buntis na kasama mo noon sa mall, right? Naglilihi pa ba?" Pasimpleng sinulyapan niya ang daliri ni Randy at nasiyahan siya dahil walang wedding ring. Great!

"Uhmm... O-Oo," tugon ni Randy. Hinugot nito ang isang daang malutong sa wallet at ibinayad sa tindera. "Salamat."

"Jen, dagdagan mo ang binili ni sir. He's my friend," utos ni Dhenna sa tindera ng tita niya. Nagpa-impress siya. "Para 'yan kasi sa ate niyang buntis. Hindi ba, Randy?" pagkuwa'y tanong niya kay Randy. Nais niyang i-comfirm na walang asawa talaga si Randy at tama ang hinala niyang kapatid lang nito ang buntis na iyon. 

Hindi agad nakasagot si Randy. Gusto niyang sabihin na para sa asawa niya ang prutas subalit para kasing may bumara sa lalamunan niya. Ang ganda kasi ng babaeng kausap niya ngayon at ang sexy. Ang liit ng beywang pero ang umbok ng balakang. At ang dibdib pumuputok. Patawarin sana siya ni Manet pero tumango na lamang siya.

Mas ngumiti pa si Dhenna. Kitang-kita na mas nagliwanag pa ang mukha niya. At wala siyang pakialam kung obvious na obvious siya. 

"Wait lang, dagdagan natin 'yan. Alam mo kasi, eh, dapat madaming prutas ang kinakain ng buntis para healty ang baby."
Yumuko si Dhenna. Tinulungan niya ang kanilang tindera na mamili ng idadagdag sa rambutan na pinamili ni Randy. Paraan na rin niya para maitago ang sobrang kasiyahan niya. Her instinct never failed her. Buti na lang at hindi nagdilang anghel ang dila ni Kai na may asawa na si Randy.

Napalunok naman si Randy. Paano'y sa pagyuko ni Dhenna ay medyo nasilip niya ang maumbok na dibdib ng dalaga. Bahagyang napakislot tuloy ang pagkalalaki niya na ilang buwan nang nangangailangan. He wants to undress her with kisses slowly right away. F*ck!

"Ayan. Para suki na tayo," malambing na wika ni Dhenna nang ibalik niya ang supot ng rambutan kay Randy.

Napaubo si Randy at pilit na ngumiti na. He shook his head to clear away the horrible and immoral thing in his head. Hindi siya makaimik sa tindi ng tensyong nararamdaman niya. Nakapang-iinit ng dugo at katawan ang babae. Tingin niya kailangan niya ng tubig. Sh*t!

"By the way, Dhenna Ordeza nga pala." Inilahad ni Dhenna ang kanyang kamay. Kung alam lang ni Randy ay daig pa niya ang tumama ng lotto sa nalamang binata pa ito. Thank, God.

May alinlangan man ay inabot ni Randy ang palad ng dalaga. "I'm Randy, Randy Daseco. Pleased to meet you, Dhenna." Na maling pagkakamali pala dahil muli siyang napalunok. Muli siyang nadarang dahil ang init ng palad ni Dhenna. Parang gusto niya tuloy maramdaman din if gaano kainit ang buong katawan ng dalaga.

Nang biglang parang nag-flash sa kanyang balintataw ang nakangiti at napagandang mukha ng kanyang asawa. Natauhan siya. Para siyang napaso na bumitaw. Mali. Mali na nadadarang siya sa alindog ng ibang babae. May asawa na siya at kasalukuyang buntis pa.

"S-Salamat dito, ha?" Itiinaas ni Randy ang supot upang iwala ang tensyon niya.

"Welcome. Uhmmm.. Uuwi ka na ba? Baka gusto mong mag-snack muna?" Hindi alam ni Randy pero pansin na ni Dhenna ang hindi pagkapali nito. Lihim na napapangisi si Dhenna. Sabagay sino bang lalaki kasi ang makakapag-deadma sa kagandahan niya? Hindi sa pagmamayabang pero perpekto ang hubog ng kanyang katawan, sexy siya at maganda. Hindi lang siya talaga pumapatol ng basta-bastang mga lalaki.

"Ops, 'wag kang mag-isip ng hindi maganda. Friendly lang talaga ako sa mga gusto kong tao," sabi niya nang napatunganga sa kanya si Randy. "I mean sa mga taong mababait like you."

Napakamot sa batok si Randy. Hindi siya tanga para hindi niya maunawaan ang gustong tumbukin ni Dhenna. Gusto siya ng babaeng 'to. Sigurado siya. At sino ba naman ang tatanggi sa maganda at sexy na babae?

Makapaghihintay naman siguro si Manet......


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019