Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




THE LATEST WIFE'S LUCK

Image Description ad_sesa   |   26 March 2020


I dont damn care if she is the legal wife Basta ako ang LATEST WIFE Tapos ang usapan-Dhenna Ordeza


Nakahulukipkip si Dhenna. Tulala siya habang nakatanaw sa kawalan. Halatang ang lalim ng kanyang iniisip.

"Sis, may problema ba?" tanong ni Kai sa kanya.

Sa bahay nina Kai siya dumiretso pagkatapos ang mapangahas na gabing iyon na ginawa niya kasama si Randy. Nasa terrace sila, ayaw pa niyang matulog kahit wala pa siyang tulog magdamag dahil alas singko na ng umaga sila naghiwalay ni Randy sa motel.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago niya hinarap ang kaibigan. May dalang kape si Kai. Iniabot nito sa kanya ang isa. Humigop siya konti. Medyo nagpagaan naman iyon sa kanyang mabigat na pakiramdam.

"May nangyari ba sa'yo? Don't lie to me," tanong ulit ni Kai.

Napamata siya sa kaibigan. Pagkuwa'y sinabi na rin nya ang nangyari. Kai is her best friend and like a sister to her kaya tiwala siya rito sa mga sekreto niya.

"Oh my, gosh! An'tagal mo 'yang iningatan tapos isang iglap ibinigay mo lang sa kakikilala mo palang na lalaki? Kailan pa naging tanga?!" Hindi makapaniwala si Kai. Iiling-iling ito sa kanya. Dismayadong-dismayado.

Nakagat naman niya ang kanyang lower lip at muling napabuntong hininga. Actually wala 'yon sa kanya kung kay Randy niya ibinigay ang pagkababae niya dahil ginusto talaga niya iyon. Mahal na talaga niya si Randy kahit iilang beses palang silang nagkita. She's fuckin' sure of that. Ang hindi niya matanggap ngayon ay ang natuklasan niya. 

"Kai, may asawa na yata siya," diretsahang pag-o-open na niya sa kaibigan sa totoong problema.

"What?! Akala ko ba binata siya?!" At tulad ng inasahan niya ay hysterical ni Kai. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko! Don't say I didn't warn you!"

Hindi siya nakaimik. Mabilis na nag-rewind ang kanyang isipan kaninang nagising siya pagkatapos ng mainit na pagtatalik nila ni Randy.

"'Di ba wala naman siyang wedding ring? Tapos sinabi naman niya sa'yo na ate niya 'yong buntis?"

Umasim ang mukha ni Dhenna. "K-Kasi ano... Uhmmm.. K-Kanina paggising ko sa motel, eh, nakita ko 'yong wallet ni Randy. A-At hindi ko napigilan na pakialaman iyon." Sinadya niyang bitinin ang kanyang pagkwekwento. Tiningnan niya muna ang reaksyon ni Kai. At nang halatang interesado sa pakikinig ang kanyang kaibigan ay itinuloy niya ang sinasabi. "Tapos 'yon nakita ko na.. na may babaeng picture na nakalagay sa wallet niya. At siya 'yong babaeng buntis."

Natampal ni Kai ang sariling noo. "Paktay! So, paano na 'yan? Sa may asawa mo pala naibigay ang virginity mo?! Nalintikan ka na, sis!"

"I don't know. Naguguluhan ako," pag-amin niya. Nahimas-himas naman niya ang batok niya.

Napalatak si Kai. Tila ay ito ang mas namomoblema na sa ngayon.

Saglit na wala muna silang naging salita na magkaibigan.

Mayamaya ay tiningnan ni Dhenna ang cellphone niya, pero inilagay ulit niya sa bulsa nang makitang walang nagti-text o tumatawag pa rin sa kanya.

"May hinihintay kang tawag?" pansin ni Kai.

Tumango siya. "Bago kami umalis sa motel ay may inilagay akong sulat sa wallet ni Randy. Iyon ang magpapatunay sa'kin na may asawa na nga siya. Inaantay ko ang tawag ng asawa niya."

"What?!" Kulang na lang ay literal na lumawa ang mga mata ni Kai sa narinig.....



•••


Masuyong mga halik ang nanggising kay Manet, halik ng kanyang asawa.

"Breakfast is ready," sabi sa kanya nito nang magmulat siya ng mata.

Ngumiti siya. Naglalambing ang kanyang asawa pero nang maalala niya ang paghihintay niya rito kagabi ay naging seryoso ang mukha niya. Hindi na niya namalayan ang pag-uwi ni Randy. Siguro ay nakatulog siya.

"Anong oras ka nakauwi kagabi?" tanong niya.

"Alas kwatro na, hon. Sorry, ha? Na-lowbat kasi ang cellphone ko kaya hindi kita makontak. Nagpainom kasi si sir at 'di ko natanggihan."

"Hindi mo man lang naisip na maki-text o makitawag man lang sa mga kasama mo?" may pagdadamdam ang tinig niyang tanong pa.

"Sorry, hon, nawala sa isip ko. At saka ang nasa isip ko na kasi kagabi, eh, may kasama ka naman na rito. Kasama mo naman na si Aman."

Matagal munang tinitigan ni Manet ang mukha ng kanyang asawa bago siya ngumiti na. Naiintindihan na niya ang kanyang asawa kahit na may konting tampo pa.

Hinalikan siya ng asawa sa lips. "Let's eat? Nag-aantay na sa'tin si Aman," then anito na paanyaya.

Tumango siya. Inalalayan siya ng asawa na makatayo.

Natapos ang breakfast nila na iyon na nagtatawanan. Nagbibiruan kasi sina Randy at Aman, pabidahan sila sa mga kwento nila.

"Aman, ikaw na maghugas ng kinainan ha? Day off mo naman," utos ni Manet sa kapatid.

"Sige, 'te. No problem," ngiting tugon ni Aman.

"Hon, magbihis ka na at baka ma-late ka sa trabaho mo," baling naman ni Manet kay Randy. 

"Sige, hon." Pumunta agad si Randy sa kuwarto nila at naligo.

Nagpasya si Manet na kunin na ang kanyang mga labahan. Maglalaba ang work niya ngayon. 

Pinaghiwalay niya ang puti at de color at mga pantalon. Nang may makapa siya sa pantalon kagabi ng asawa. Wallet iyon. Hindi pa pala natatanggal ni Randy sa pantalon nito ang wallet nito.

Kinuha niya iyon. Subalit anong pagtataka nga lang niya nang may sumabay na papel na nahulog.

Pinulot niya iyon at binasa.

CALL ME! 0908976****! ASAP! -Ang nakasukat sa papel.

Pakiramdam ni Manet ay tumigil saglit ang puso niya sa pagtibok.

Kaninong sulat ito. Sino ang nagpapatawag sa asawa niya? 

Matagal niya iyong tinitigan. Tapos grabe ang kaba ng dibdib niya na sinulyapan ang kanilang banyo. Naroon pa si Randy, naliligo pa.

Pagkuway dumako ang tingin niya sa cellphone niyang nakalapag sa side table ng kanilang kama.........


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019