Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




ONE NIGHT MISTAKE

Image Description @justdudz17   |   27 July 2018


One night mistake that can change everything.

Maymay

Two lines. Positive.

Pagkakita ko palang sa resulta nang PT ko ay agad akong napaluha.

Sa dalawang linyang nakita ko gumuho ang mundo ko. Hindi ko inaasahan na sa isang pagkakamali ay mababago agad ang perpekto kong buhay.

Ang tinatawag nilang MARYDALE DE ENTRATA ay isa nang disgrasyada, at nakipagtalik sa hindi kilala.

Habang inaalala ko ang katangahang nagawa ko ay lalo akong nanghihina.

Anu ba tong nagawa ko?

Isang beses lang akong nagrebelde may naging karma agad ako.

Ngayon saan ako pupulutin?

Sigurado akong papalayasin ako ni Mommy.

Si Mommy na perfectionist at hindi tatanggapin anu man ang pagkakamali ko.

At isa pa mahalaga sa kanya ang reputasyon niya. Ang reputasyon nang Pangalan niya, ang reputasyon nang negosyo niya.

Napahawak ako sa tiyan ko, hindi ko pa siya makapa pero nararamdaman ko na siya.

Meroong isa pang buhay sa loob ko.

Natatakot ako sa mga pupwedeng mangayari saaming dalawa.

Kung sasabihin ko kay Mommy siguradong meron akong pagpipilian.

Ang ipaabort ang bata at bumalik sa normal kong buhay, o umalis ako sa puder niya nang hindi ko siya mabigyan nang kahihiyan.

Napabuntong hininga ako, pangatlong buwan palang nang 4th year ko, sana manlang kong darating saakin ang ganitong sitwasyon sana yong malapit na ang graduation nang sa ganun ay nakagraduate pa ako.

Hindi tatanggapin sa pinapasukan kong school ang sitwasyon ko lalo nat sagradong Katoliko ang namamahala.




***

"De Entrata Got the perfect score!" anunsyo ni Mam saakin.

Tumayo ako at kinuha ang test paper ko.

"Congratulations De Entrata, wag mo lang hahayaan ang grado mo na bumaba sigurado akong ikaw ang over all Valedictorian." nakangiting sabi saakin ni Mam, nginitian ko lang siya pabalik.

Sana nga ganun ang mangyari pero kahit anong gawin ko ay hindi na mangyayari yun.

"Babu, may problema kaba? Jusko naman kong ako ang nakaperfect nang lahat nang subject natin baka binili ko na lahat nang paninda sa Cafeteria, tapos ikaw ang lamya mo! Kung sabagay, sanay kana man nang perfect!"

Medyo napangiwi ako sa last part na sinabi niya, sanay na nga akong maging perfect dahil yun ang itinatak saakin ni Mommy. Kailangan perfect ako sa lahat nang bagay.

Habang kumakain kami sa Cafeteria ay nakarinig kami nang tilian mula sa mga babaeng higad.

Sila yong grupo ni Heaven na patay na patay sa Barber na yun na hindi ko maintindihan kong bakit nagkagusto sila sa mayabang na yun na walang ibang alam kundi ang magpagwapo at bumisyo!

Napairap ako sa kanila at napailing.

Kung sino pa talaga ang mahihina sa klase,  sila pa ang malalandi.

Napatigil din ako sa pag iisip ko.

Malandi.

Isa na din akong malandi dahil nagpabuntis ako sa hindi ko kilala.

Okey naman sana yong pagkain ko, para nasatisfied ako sa kini-crave ko.

Bigla akong nawalan nang gana nang may biglang tumabi saakin.

Everyone's gasp.

Hindi nila inaasahan ang ginawa ni Barber.

Walang sino man ang nagtatangkang lumapit saakin dahil narin sa naging banta ni Mommy sa naging General Meeting. Bawal akong magkagusto! Bawal akong lapitan nang kong sino man! Dahil kong hindi gagawa siya nang paraan para mapabagsak ang pamilya nang kung sinoman!

I like it that way. Peaceful ang buhay ko! Walang nangugulo!

"anu ba lumayo ka nga!" singhal ko sa kanya.

Nginisian niya. Ngisi nang nakakakilabot!

Sobrang lapit nang katawan niya saakin kaya panay ang iwas ko sa kanya.

"wag kang mag alala, hindi ako magtatagal! May ibibigay lang ako sayo, naiwan mo sa condo ko!" mahinang bulong niya sa tenga ko.

Kinilabutan ako sa narinig ko mula sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay siya sa akin na matulis na bagay.

Dahan dahan bumaba ang tingin ko.

Nanigas ako nang makita ko ang bagay na yun.

Ito yong pen na ilang linggo ko nang hinahanap.

Confirmed.

Its him.

Siya ang taong nagsamantala nang kahinaan ko.

Tumikhim ako. "this is not mine!" 

Bigla itong humalakhak nang malakas.

"Hoy Edward! Baliw kaba? Tigilan mo nga ang Babu ko! Nakachongki kana naman!" sigaw sa kanya nang bestfriend kong si Elisse.

Hindi siya pinansin ni Edward at nakatingin lang ito saakin nang nakangisi.

"Don't make me stupid De Entrata. We both know na may nangyari saa-----"

"shut Up!" mariing kong sabi sa kanya. Naririnig ko rin ang tunog nang mga ngipin ko sa pagpipigil.

Naramdaman ko ang gulat nang mga taong nandito sa loob nang Cafeteria. Dahil hindi naman ako sumisigaw or hindi naman ako nagagalit.sBut i dont care! Ayokong marinig ang sasabihin niya.

Dali dali akong tumakbo palayo sa Cafeteria hindi ko na tinignan si Elisse na tawag nang tawag saakin. Pero nang maramdaman kong sumakit ang tiyan ko ay huminto ako.

Hindi ako dapat tumatakbo.

Im sorry baby...

Naluluha ako sa isipin na isang walang kwentang tao ang nakabuntis saakin.

Ngayon palang sigurado na ako na hindi ko sasabihin sa kanya kailanman ang tungkol sa anak niya.

Never.






***


Ilang araw akong balisa.

Iniiwasan kong magkita kami ni Mommy dahil nagi-guilty ako.

Ginagawa ni Mommy ang lahat para maging maayos ang buhay ko, wala akong hiningi na hindi niya ibinigay except sa kalayaan na gusto ko.

Ngayon, hindi ko alam kong paano ko siya haharapin. Natatakot ako na baka malaman niya ang totoo at hindi niya matanggap ang nagawa ko.

"Hija? Nakahanda na ang almusal mo, bumaba kana baka malate kapa sa skwelahan mo"

Tipid akong ngumiti kay Manang at saka sumunod sa kanya bitbit ang bag ko.

Pagpasok ko palang sa dinning ay tumakbo na ako palayo.

Nasusuka ako sa amoy nang bawang.

Ilang beses akong nagduwal, pagharap ko ay nakita ko si Manang na seryosong nakatingin saakin. Medyo kinabahan ako!


"Hija, ilang araw ko nang napapansin ang pagsusuka mo. Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mong ipatawag ko ang Family Doctor niyo?"

Mas lalo lang akong kinabahan.

"w-wag na manang, kagabi kasi marami akong nakaing chips kaya nagsusuka ako. Pero okey na po ako, sa school nalang ako kakain baka malste na ako"

Hindi ko na siya inantay na sumagot at lumabas na nang bahay, agad din akong sinalubong ni mang esme at kinuha ang gamit ko.

Pagkahatid ni Mang esme saakin sa school ay hindi ako pumasok, sumakay ako nang Taxi at nagpunta sa Ospital.

Kailangan kong ipacheck up kong anu ang kalagayan nang baby ko.

Kinakabahan akong pumasok sa clinic. Namamawis narin ang kamay ko.

Pero kailangan kong harapin to.

Huminga ako nang maluwag.

"good morning Miss, are you Marydale De Entrata?" tanong nang isang nurse tanging tango lang ang isinagot ko.

Ako lang ang tao dito kaya ako agad ang inasikaso nila.

Pinapasok ako sa isang kwarto kong saan nandoon ang OBgyne na magtitingin saakin.

"g-good morning doc." bati ko sa doctor na medyo may edad na.

"good morning, maupo ka."

Sinunod ko naman ang sinabi niya.

"so, anong ipinunta natin dito? May problema ba sa menstruation mo?"

Tumango ako.

"Doc, magdadalawang buwan na po akong delayed."

Marami siyang itinanong saakin.

"hindi po ako irregular." monthly ay mayroon akong check up sa doctor ni Mommy para siguraduhing hindi ako magkakaproblema sa menstruation ko.


Pinagpalit niya ako nang medical gown at pinaihi para macheck kong anong problema.

Ilang minuto ang hinintay at bumalik siya saakin.

"jusko iha, buntis ka."

Napaluha parin ako kahit alam ko nang buntis nga ako.

"how old are you?"



"17"

Napailing siya sa isinagot ko.

Sino ba namang hindi.

Highschool palang ako at sa ganitong age ay dapat pag aaral lang ang pinoproblema ko.


"alam ba to nang magulang mo?"

Umiling ako.

Nagkaroon ako nang ultrasound at doon ko nga nalaman na 10 weeks na akong buntis.

Healthy ang baby ko pero binigyan parin niya ako nang vitamins at pampakapit.

Lunch na nang dumating ako sa school, kung sino pa ang ayaw kong makita ay siya pa ang nakita ko.

Prenting nakaupo sa student area habang may kalandiang babae.

Hindi ko na dapat siya papansinin pero may lahi ata siyang papansin dahil tumakbo ito palapit saakin.

Tuloy tuloy lang ang lakad ko pero hinawakan niya ang braso ko na agad kong iniwas at sinampal siya nang malakas na siyang nagpagulat saaming dalawa.

Tumulo ang luha ko dahil sa galit.

Gusto kong sabihin sa kanya na dahil sayo, magiging mesirable ang buhay ko.

Dahil sayo namomroble ako ngayon.

Dahil sayo masisira ang future ko na plinano ni Mommy.


"please..." naiiyak kong sabi. "stay away from me."

Nanlalabo na ang paningin ko at nahihilo na ako.

Hindi ko na namalayan na nawalan na pala ako nang malay.








***

Nagising ako dahil sa hagulgol nang babu ko.

"Dale! You're awake. Jusko huhu hindi alam ang gagawin ko nang sabihin nilang nandito ka sa clinic. May sakit ka pala bakit ka pumasok?"

Hysterical na sabi niya.

Wala akong maalala bukod sa pagsampal ko kay Barber at pag iyak ko sa harap niya.

Napatingin ako sa gilid ko nang biglang may tumayo.

Tinignan niya lang ako at lumabas din agad.

"yabang! Psh! Aalis din naman pala bakit di niya pa ginawa kanina pa?" inis na sabi ni Elisse.


Umupo ako mula sa pagkakahiga ko.

"anong nangyari?"

Napatitig saakin si Elisse.

Kinakabahan ako sa naging reaksyon niya.


"babu... Bakit hindi mo sinabi?" bigla na naman siyang umiyak.


"ang aling?" kinakabahan kong tanong.

Bago paman siya sumagot ay pumasok na si Mommy na galit na galit at parang hiyang hiya habang nakatingin saakin.

Naiiyak na ako sa nangyayari.


"tumayo ka diyan! At uuwi na tayo!" sabay labas din.


"babu anong nangyayari?" umiiyak kong tanong.


"babu, kanina habang natutulog ka ay chinek nila kong anong nangyari sayo. Doon nila nalaman na buntis ka. Tinawagan agad nila si Tita. Ngayon kalat na kalat na sa buong school at pinagtatawanan ka."

Bigla akong tumiklop sa narinig ko mula kay Elisse pero nagmadali din akong tumayo para sundan si Mommy.

Paglabas ko maraming studyante ang nakaabang na akala mo ay nanunuod nang laban ni Pakyaw.

Sari sari ang naririnig ko mula sa kanila.

"Miss perfect turns into slut"

"malandi"

Whore"

"slut"

"nakakadiri"

Lalo lang akong naiiyak habang naririnig ko ang mga panghuhusga nila.






Malutong na sampal ang sumalubong saakin pagpasok ko palang sa bahay.

"anong nagawa ko sayo?! Lahat ginawa ko para maging mabuting anak ka! Binigyan mo ako nang kahihiyan! Dinungisan mo ang apelido ko! Kong alam ko lang na ito ang igagante mo saakin matapos lahat nang sakripisyo ko para sayo edi sana pinalaglag nalang kita!"

Isang malaking sampal saakin ang sinabi ni Mommy na wala akong ibang magawa kundi tanggapin ang lahat nang sinasabi niya.

"pinagkatiwalaan kita! Binigay ko sayo ang buong tiwala ko sayo! Pero anong ginawa mo?! Nagpabuntis ka! Malandi ka!"


"lumayas ka sa pamamahay ko! Dahip wala akong anak na katulad mo! Kailanman hinding hindi ko matatanggap yang batang dinadala mo!"


"lumayas ka!"


Humahagulgol na ako nang iyak at umiiling iling.

Lumuhod pa ako sa harapan ni Mommy at nagmakaawa na wag niya akong paalisin, pero tinadyakan niya ako dahilan para matumba ako.

Napangiwi ako dahil bahagyang sumakit ang tiyan ko.


"lumayas ka dito! Hindi kita kailangan!"

Kinaladkad niya ako palabas nang bahay.

Wala akong ibang ginawa kundi protektahan ang nasa sinapupunan ko.

Ako nalang ang saktan mo Mommy wag lang ang anak ko.


Bago pa maisara ni Mommy ang gate ay may huling salita pa siyang sinabi. Ayaw na niya akong makita kahit hanggang sa mamatay siya!




...


Thank you for reading...



Enjoyyyyy flyers.







  • (5 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

She's the Bad boy's Princess

A feisty province girl was tasked to tame the most notorious, most evil and most feared bad boy prince of the all Westside University, Jave Santillan-the Campus Demon Rex.

Image Description
VixenneAnne
11 September 2018
The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
16 September 2018