Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Clinic

Image Description djeb   |   19 December 2019


Naligaw ang isang magbabarkada sa isang clinic kung saan pinagmamay-ari ng isang pamilya ng aswang Nakakapangilabot lalo nat buntis pa ang isa sa kanila Pano nila malulusotan ito

Isang pamilya ang naghihinagpis na tumakbo pagkatapos nilang masiraan sa daan at di-inaasahang tinamaan ng panganganak ang isa sa kanila.

"Ku-Kulas! Manganganak na ako! Bilisan mo!"

"Sandali lang, malapit na tayo! Kaya mo 'yan . . ."

"Itay, bilisan n'yo na! Kawawa si Mommy!"

May nakita silang building sa di-kalayuan, at sa unang tingin ay parang isang normal lang iyon na gusali. Masaya sila nang makita nilang clinic ang nakasulat doon, kaya't agad silang dumiretso. Tamang-tama at may doktor silang naabutan pagkatapos nilang kumatok.

Agad naman silang pinagbinuksan nito ng pinto.

Isa iyong matipunong doktor na nakasuot ng salamin at naka-gel ang buhok na mahaba.

Siya si Dr. Romulo. Agad niyang inilapag ang lahat ng mga kakailanganing gamit ng manganganak na pasyente.

"Buti naman at nakarating kayo rito. Kailan ba siya nagsimulang mag-labor?"

"Pagkatapos pumutok ng tambutso namin dahil mukhang na-stress siya, doktor. Nag-aaway kasi kami sa kasagsagan ng pangyayari." Napakamot ng ulo si Kulas.

"Ano pala ang pangalan n'yo, pati ng pasyente?" tanong ng doktor.

"Ako si Kulas Labrador. Ang asawa ko ay si Dionisia Labrador, at ang anak ko namang babae ay si Lilita," sagot niya sa tanong ng doktor.

"Dad, bakit pati ako nasali? Gosh!" maarteng sabi pa ng dalaga nilang anak.

Ipinahiga ng doktor ang babae habang nagle-labor pa ito.

"Saglit lang, ha! Pupunta muna ako sa loob kasi may kukunin lang ho ako. Hayaan n'yo siya riyan kasi sisigaw naman siya kapag manganganak na siya dahil mararamdaman na niya ang binat at sasabog din ang panubigan. Normal lang 'yan sa nanganganak," ani Doctor Romulo.

Doon sa clinic niya ay may isang pinto papasok sa loob at doon siya dumiretso pagkatapos lisanin ang pasyente.

Makalipas ang ilang oras ay sumisigaw na ang babae.

"Sumabog na ang panubigan ko! Tawagin mo na ang doktor, Kulas!"

Mas lalong nabahala ang mag-asawa habang tulog na tulog naman ang dalaga nilang anak sa labas.

Biglang lumabas sa pinto si Doctor Romulo.

"Doktor, dalian n'yo kasi manganganak na siya! Bilisan n'yo na! Pumutok na ang panubigan at lalabas na ang bata," pagmamakaawa pa ni Kulas.

Ngunit dire-diretso pumasok itong si Doctor Romulo na wala pakialam kay Kulas.

Ang nakapagtataka ay noong pagpasok pa lang ng doktor ay agad siya nitong pinagsarhan.

"Di kayo puwedeng pumasok. Ako lang. Kaya pasensya na!" pagalit na sabi ni Doctor Romulo kay Kulas.

Makalipas ang limang minuto ay palakas nang palakas ang paghiyaw at sigaw ng asawa ni Kulas sa loob ng kuwarto na ikinabahala niya at ikinagulat.

"Doctor! Ano'ng ginagawa n'yo sa kanya? Bakit ganyan siya sumigaw? Buksan n'yo 'tong pinto!"

Pilit niyang binuksan ang pinto sa delivery room pero matindi ang pagkakasara nito.

Biglang bumukas ang pinto kung saan nanggaling at pumasok si Dr. Romulo kanina na ikinagulat niya.

"Ano na'ng nangyari sa pasyente? Lumipas na ang dalawang oras. Dapat nanganganak na 'yan . . ."

"Putang ina naman! Sino 'yong pumasok sa loob na kamukhang-kamukha n'yo? Hindi ba kayo 'yong pumasok at ayaw akong papasukin? Sino 'yon? Ano ang ginawa niya sa asawa at magiging anak ko?" galit na sabi ni Kulas na halos maligo na sa pawis at balutin ng takot.

"Hindi ako, kakagising ko lang! Naidlip lang ako sandali. Nagkakamali ho yata kayo. Dapat di n'yo pinapasok!"

Nagtulong na lang silang buksan ang pinto hanggang sa sinipa na nila ito upang mabuksan ang delivery room.

Nagulat sila sa kagimbal-gimbal na pangyayari. Kinakain ng isang matandang may nakakakilabot na mukha ang anak na sanggol ni Kulas habang wala nang malay ang asawa nito.

Sarap na sarap pa ang aswang na halos putol-putol na ang buong katawan ng sanggol sa loob ng bibig nitong duguan.

"Hayop ka!" pasigaw na sabi ni Kulas.

Biglang naging usok naman ang aswang at naging pusang itim sabay tumakbo papalabas sa bintana at di na nahabol pa.

Huli na rin ang pagpasok nila dahil wala na rin ang asawa niya dahil sa takot, matapos nitong makita ang pagluwal ng anak niyang kinakain ng mapagpanggap na aswang.




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019