Fangirl turned Lover: Not a Lucy-Torres-Richard-Gomez Love Story

Image Description ayafernandez_   |   08 August 2018


“Maybe right love at the wrong time is simply the wrong person… Kahit siya pa ang pinapanalangin mong tao noon pa man.”

“You filthy trying hard social climber!” SABAY BUHOS SA ‘KIN NG MALAMIG NA JUICE.

“Bitiwan mo siya! Mahal ko siya, at ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin kahit anumang mangyari.” biglang hila ni Enrique sa akin palayo kay Katarina Saavedra, ang nagiisang anak ng may-ari ng lupang pinagsasakahan ng pamilya ko.

“CUT!!! Good take!”

At natapos din ang eksena. “Maraming salamat iha, pwede ka nang magpalit.” sabi ni direk sa ‘kin dahil pumayag akong mag-double para kay Julia Gomez, ang leading lady sa come-back teleserye ni Enrique Gil. Kamukha ko raw kasi si Julia kaya ako ‘yung kinuha para sa eksenang may tapunan ng juice na naging TATLONG TAKE LANG NAMAN dahil nagkamali ng linya si Enrique nang dalawang takes. Di bale nang nasira beauty ko, dagdag TF naman at higit sa lahat, sa tanang buhay ko e minsan lang ako ipagtanggol at ipaglaban ng isang Enrique Gil… Tatlong beses pa!

Ako nga pala si Lucy. Isang graduating theatre arts student. Bunso sa magkakapatid, scholar ako mula gradeschool hanggang college kaya kahit na gusto akong ipag-doktor ng pamilya ko, pinayagan nila akong kunin ang gusto kong kurso dahil sa aming tatlong magkakapatid, naging madali ang pagpapalaki sa akin sa gastos. Ume-extra rin ako sa mga teleserye at pelikula.

I was named after Lucy Torres dahil hawig ko raw siya. At dahil doon, naging biruan sa aming magiging kwento rin ng buhay ko ang Lucy-Torres-Richard-Gomez love story, kung saan fan-turned-leading-lady ang naging ganap ng madam ate gurl niyo (kahit na malayo ang agwat nila, e sila pa rin nagkatuluyan sa huli). Kaya nang malaman ng pamilya kong e-extra ako sa bagong teleserye ni Enrique Gil, jusko abot hanggang panaginip ang panunukso sa akin tuwing aalis ako ng bahay ‘pag may taping.

Although mariin ko iyong tinatanggi at ‘di ko pinapatulan ang tukso nila… ika nga e ‘wag kang magsasalita nang ‘di pa tapos.

Sabi ng ate ko sa ‘kin, dapat pinagdadasal mo ang future husband mo. Kaya mula 12 years old ako, ang lagi kong panalangin, “Lord, sana po parang si Enrique Gil ang makatuluyan ko.” Never in my wildest dreams kong inakalang MISMONG SI ENRIQUE GIL pala ang ibibigay ni Lord sa akin.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018