Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Hinagpis At Panaghoy

Image Description @marcryanwp   |   20 November 2019


Different short storiesDiffirent heart breaksDifferent love stories youll never missed

A/N:



Nakakaubos ng luha. Please magdala po kayo ng tubig at panyo o timba.




Spoiler Alert!




Nakakaubos ng tubig sa katawan lalo na't may sad music ito.



My Mother's Sacrifice

(One Shot)

Sa panulat ni: Marc Ryan Aragona

Now playing...

Iingatan ka

Maagang nagising si Manna dahil marami na naman itong gagawin. Ito na ang laging ginagawa ni Manna dahil na rin sa suwail na anak nito. Walang araw na hindi lasing ang anak nitong si Oto. Napatingin siya sa altar na nasa harapan ng kama niya,ngumisi siya tsaka nagdasal.

Matapos nitong magdasal,pumunta siya sa kusina para magluto ng kanilang almusal. Pumunta si Manna sa kwarto ng kanyang anak ngunit wala siya roon. Naisip niyang ilagay na lang ang ulam at pagkain sa lalagyan kung saan hindi makukuha ng pusa at aso. Pagkatapos ay umalis na siya para pumunta sa pinagbibilihan niya ng balut para may maibenta siya mamayang gabi. Malapit na ang birthday ng kanyang anak at pinaghahandaan niya iyon. Kahit lasenggo,suwail,at hindi sumusunod sa utos ng magulang si Oto,mahal na mahal pa rin ito ng kanyang ina.

Sa buhay kong ito
Tanging pangarap lang
Ang iyong pag mamahal
Ay ma kamtam

Panay ang kayod ng kanyang ina para lamang sa kanyang anak. Kung minsan naglalako ito ng sampaguita sa simbahan. Kung minsan labandera sa kapitbahay. Ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pagkayod sa pagsapit ng gabi. Maglalako siya ng balut sa kung saan-saang iskinita o kung saang lugar,magkapera lamang at may maibigay sa kanyang anak.

Hindi kailanman inisip ni Manna na naging sagabal at naging suwail ang kanyang anak. Imbes na isipin niya iyon at magalit sa anak,mas lalo siyang kumayod maibigay lang ang gustuhin ng kanyang anak kahit na may sakit na ito.

Palibhasa,in-spoiled niya ito mula pagkabata.

Dumaan siya sa isang maputik na bahagi ng daanan at nakita niya ang kanyang anak na umiinom. Lumingon naman ang kanyang anak.

"Anak umagang-umaga naglalasing ka nanaman."mahinahong tugon niya. Ngunit nagulat siya nang itapon ng kanyang anak ang bote ng alak na wala ng laman sa harapan nito. Saktong bumagsak sa bato ang bote ng alak kaya tumalsik ang bugbog ng bote sa paa niya. Dumugo iyon at mayroon pang mga nakatusok na maliliit na bote sa paanan nito.

"Wag mo nga akong ipahiya sa mga barkada ko!"malakas na sigaw nito ngunit nangibabaw ang pagkamaunawain ng ina.

Kahit na sandali
Ikaw ay mamasdan
Ligaya tila ay
Walang hangan

Lumapit ang ina niya sa kanya saka niya ito niyakap.

"Anak,mahal na mahal kita."bulong nito sa anak. Pumiglas naman ang anak niya sa pagkakayakap.Itinulak niya ito at saktong napaupo siya sa may putikan.

"Wag mo kong matawag-tawag na anak. Hindi kita ina!"sigaw nito sa ina nito.

Sana ay di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin

Tumayo siya at inayos ang sarili.Madungis na ito ngunit wala siyang pakealam.. Umalis ito dala ang masasakit na salitang binitawan ng kanyang anak ngunit hindi niya inisip kailanman na hindi na magbabago ang anak nito. Inisip niya na baka isang araw ay mamulat siya na meron ng anak na gaya ng iba ay mabait at masunurin.

Pumunta siya sa pinagbibilhan ng balut para bumili at para may maibenta ito sa gabi. Kinuha niya ang wallet niya sa kanyang sira-sirang bag. Pagkatapos ay kumuha siya ng pambayad para sa balut na binili niya. Umalis siya dala ang balut. Pag-uwi sa bahay,bandang alas-singko na ng hapon agad niya itong iniluto para makapagbenta na sa mga iskinita. Tinignan niya ang pinaglagyan niya ng kanin at ulam. Hindi iyon nagalaw kahit sino,hindi dumating ang anak nitong si Oto.

Minsan ay nadarama
minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
pagkat sa buhay mo
ay may nag mamahal parin

Pagkatapos maluto ang balut,umalis siya ng bahay para ibenta ang mga iyon.

Napadpad siya sa isang hindi masyadong matao. Naglalakad pa rin ito kahit ito'y inuubo na't nilalagnat. Hindi niya inisip 'yon bagkus ay inisip niya ang kinabukasan ng kanyang anak.

"Balut!"sigaw nito. Nakita naman iyon ng kanyang anak na nasa tindahan kasama ang kanyang mga barkada. Medyo lasing ito ng konte at gumegewang-gewang na ito.

"Anak,gabi na. Umuwi ka na inilagay ko na yung pagkain mo dun."lumapit ang kanyang ina't hinaplos ang likod ng kanyang anak. Tinanggal naman kaagad iyon ng kanyang anak.

"Nakakahiya po kayo! Nagtitinda kayo ng balut. Wala ba kayong matinong trabaho?"sigaw nito sa ina nito. Inuubo pa rin ang kanyang ina ngunit isinawalang bahala niya lang 'yon. Ngumiti ang ina nito sa kanya.

"Anong masama sa pagbebenta ng balut anak?"tanong ng kanyang ina. Lumingon ito sa mga barkada niya na tumatawa habang tinitignanang ina nito.

"Tol,maglalako pala ng balut ang nanay mo."sabi ng isang barkada niya. Imbis na magalit si Oto sa mga barkada nitong tumatawa mula nang makita niya ang nanay niya naglalako ng balut,hindi siya nagalit sa mga ito. Bagkus ay nagalit ito sa ina niyang na kumakayod upang may maipakain at may maibigay siyang pera sa kanya..

"Ma,nakakahiyayang ginagawa niyo. Ako ang nahihiya sa inyo! Sana mamatay na lang kayo! Sana hindi ko na lang kayo naging ina! Sana nawala na lang kayo sa mundong ito! Sana mamatay na kayo!"sumbat nito sa kanyang ina. Napahagulgol ang kanyang ina sa sinabi nito ngunit hindi niya 'yon pinansin bagkus ay umalis ito kasama ang mga barkada niya.

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa

Naiwang umiiyak si Manna habang nakatingin sa anak niya. Naupo siya sa upuan tsaka pinunasan ang luha nito gamit ang damit niyang gula-gulanit.

Napatingin siya sa tindera na nakatingin din sa kanya. Naaawa ang tindera sa kanya ngunit wala 'tong magawa kundi ang tumahimik at baka madamay pa siya sa alitan nila ng kanyang anak na suwail at basagulero.

Bandang alas dyes na ng matapos magbenta ng balut si Manna. Umuwi ito sa bahay dala ang perang pinaghirapan niya para ilagay sa alkansya para sa darating nakaarawan ng kanyang anak.

Sa 'ting mundo'y
may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko

Pinihit niya ang pintuan ng kanilang bahay ngunit nakalock ito. Inilock iyon ni Oto dahil sa sama ng loob nito sa ina niya. Ang hindi niya alam,may sakit na pala ang nanay niya dala ng paglalako ng kung anu-ano,mabigyan lang siya ng pera na pambili niya ng alak at sigarilyo. Tumingin siya sa loob at nakita niya ang anak niyang naka-upo at relaxed na relaxed sa may upuan habang naninigarilyo.

Tumawag ang ina nito sa kanya ngunit hindi niya iyon pinansin na para bang wala siyang naririnig. Mas lalong lumala ang sakit ng kanyang ina nang umulan. Basang-basa na ito at walang magawa kundi ang antayin ang pagbukas ng pintuan ng kanilang bahay. Hindi niya namalayan ay nakatulog na pala ito. Si Oto naman ay kanina pang tulog. Hindi niya pinansin ang kanyang ina na may sakit bagkus ay hinayaan niya lamang.

Kinabukasan...

Tumambad sa harapan ni Oto ang ina nito nakasandal sa may pintuan ng bahay nila. Hinayaan niya lamang iyon. Hiningian pa niya ito ng pera para sa sugal.

May nag mamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Pumasok sa loob ang ina nitong mahinang-mahina. Ngunit kahit ganun ay hinayaan niya lamang iyon. Nagluto siya ng makakain nila. Umalis na si Oto sa bahay.Biente-singkong barya at isang tinggal ang naiwan sa kanya. Naisip niya na ihulog na lamang niya ito sa alkansya para sa kaarawan ng kanyang anak bukas.

Hinang-hina na ito,hindi na niya kayang magbenta kaya nagbihis siya ng punit-punit na damit at humiga sa kama nila.

Nang gabing iyon,dumating ang kanyang anak na lasing na lasing. Hinanap niya ang kanyang ina. Nang makita niya itong nasa kama at nakahiga,nagalit ito. Wala siyang maipambibili na naman ng alak at wala na naman itong pangsugal.

Halos saktan na niya ang kanyang ina nang malaman niyang hindi ito nagtrabaho dahil may sakit ito. Hindi iyon pinakinggan ng kanyang anak.

Tumingin ito sa nanay niya at minura ng minura.

"Bigyan mo ko ng pera! Wala kang kwentang ina!"sigaw nito sa ina nitong nakahiga sa kama. Wala namang magawa ang kanyang ina kundi ang umiyak na lang habang nakahiga at hinang-hina. Ubo pa rin ito ng ubo.

Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin

"Wala kang kwentang ina! Nakakagutom ka!"sigaw nanaman nito.

"Anak,ka-kaarawan mo na bu-bukas. A-anong gusto mong regalo?"ngumiti ito sa anak.

Tumingin naman ang kanyang anak na mukhang galit na galit.

Minsan ay nadarama
minsan di na iluluha
Di ka na maninilbi
pagkat sa buhay mo
ay may nag mamahal parin

"Gusto mong malaman kung anong gusto kong regalo sa kaarawan ko? Ang gusto ko lang naman ay sana mamatay ka na!"sigaw nito.

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa

"Nasan yung pera?"tanong nito.

Hinalungkat niya ang buong kwarto. Nang mahanap niya ang alkansya na may nakasulat na 'para sa iyo 'to anak,maligayang kaarawan!'tumawa siya

Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko

Agad niyang binuksan iyon at kinuha lahat ng laman.

Umalis siya. Hinayaan niyang makalat ang buong paligid habang ang kanyang ina ay walang humpay sa pag-iyak.

May nagmamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Kinabukasan...
Kaarawan ng kanyang pinakamamahal na anak

Hindi umuwi ng bahay ang anak nito. Napadaan siya sa eskwelahan at saktong nakita niya ang mga estudyanteng may mga inang nakasuporta sa kanila. Pinanood niya lamang iyon. Nakita niya ang isang ina na grabe ang suporta sa anak nito.

Bigla siyang natauhan sa nangyari. Nakita niya ang sarili niya sa inang 'yon. Bigla niyang naisip ang ina niya.

Pinanood niya lamang iyon habang umiiyak ang inang 'yon habang nakatungtong sa entablado ng eskwelahan. Panay ang pasasalamat nito sa anak nito.

Biglang napaiyak si Oto. Naisip niya ang ginawa niya sa kanyang ina na kahit inapi,pinagtawanan,hinayaan at sinaktan niya ay ngumingiti pa rin ito. Umuwi ito sa bahay at nadatnan niyang makalat ang buong paligid.

Sigaw siya ng sigaw ng 'ina' ngunit hindi niya ito marinig na sumasagot.

Magulo ang buong bahay,makalat at maputik. Pumasok siya sa kwarto ng kanyang ina. Tanging isang mahimbing na natutulog na ina ang nakita niya. Nakita niyang may luha sa gilid ng mata nito.

Napahagulgol na siya. Panay ang gising niya sa ina niya ngunit hindi niya ito magising.

Wala na. Wala na ang kanyang ina. Patay na siya.

Napadako ang tingin nito sa isang sulok kung saan may papel at pluma. Agad naman niya itong kinuha. Nakita niya ang sulat ng kanyang anak.

Mahal kong anak,
Anak,patawad kung naging ganito ako. Patawad kong hindi ko naibibigay sa'yo ang mga bagay na nais mo. Patawad kung minsan hindi ako kumakayod. Anak pero ngayon,matutupad ko na ang kahilingan mo ngayong kaarawan mo. Ang mamatay ako. Ito na ang pinakahihintay mo.

Anak,ginawa ko ang lahat. Nagpakakayod ako para lang mabigyan ka ng pera. 'Yong kinuha mong pera mula sa alkanya? Sayo talaga iyon. Ngunit napaaga nga lang kasi kinuha mo na. Ibibigay ko sana iyong pera sayo sa araw ng kaarawan mo para naman mapasaya kita kahit papaano.

Anak natupad ko na. Natupad ko na ang 'sana' mo. Ang sana mamatay na ako. Anak,malaya ka na. Malaya ka ng gawin ang gusto mo.

Ginawa ko lamang ang mga bagay na 'yon para maibigay lahat-lahat ng meron ako ngunit hindi mo 'ata nagustuhan.

Anak,lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ngayong wala na ako,sana ingatan mo ang sarili mo.

Hindi kita sinisisi. Ako ang nagsisisi sa sarili ko kung bakit napalaki kita ng ganyan. Pero sana patawarin mo 'ko sa kung ano man ang ginawa ko.

Mahal na mahal kita anak!

Nagmamahal,

Iyong ina

Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na

Napahagulgol siya. Naisip niya lahat ng ginawaniyang katarantaduhan sa nanay niya. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak,yakapin at bigkasin ang gusto niyang sabihin sa ina niya.

"Nay,patawad. Patawad po sa lahat ng ginawa ko. Nay,nagsisisi na po ako. Nagsisisi na po ako sa mga ginawa ko. Sana hindi kita pinabayaan. Sana ngayon nasa tabi pa rin kita. Nay,mahal na mahal kita."

Napahagulgol ito sa pag-iyak habang pasan-pasan ang ina nitong malamig na ang buong katawan.

Naisip nitong huli na,huli na nang siya'y magsisi sa kasalanang ginawa niya sa kanyang ina.

WAKAS



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019