Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




SALIGIA

Image Description TheLadyInBlack09   |   02 September 2019


Pitong MASKARAPitong KASALANANPitong KAMATAYAN


Pumasok ang isang babae sa loob ng simbahan at nang makita ang palatandaang may pari sa may kumpisalan ay kaagad na siyang dumiretso doon.

"Father, may ikukumpisal po ako," naiiyak na panimula ng babae. May ilang buwan niya nang kinikimkim ang bigat na nararamdaman at alam niyang maya-maya lamang ay gagaan na ang lahat. Mababawasan ang bigat pagkatapos niyang mangumpisal. "Hindi ko po alam kung mapapatawad pa ako ng D'yos dahil nakapatay po ako ng isang bata. Ipinalaglag ko po ang dinadala kong sanggol dahil hindi na po namin kakayaning mag-asawa na madagdagan pa ng isang anak." Lalo siyang naiyak nang sa wakas ay masabi ang nais na ikumpisal sa paring kausap.

Walo na kasi ang anak nilang mag-asawa at kasalukuyan ay pareho silang walang trabaho. Nagagawa na lamang nilang kumain kapag dumarating ang kanilang buwanang sustento mula sa gobyerno. Ang tatlong daang piso na kailangan nilang pagkasyahin sa loob ng isang buwan.

"Ayoko naman po sana talagang ipalaglag ang anak ko pero Father,  tatlong buwan nang walang trabaho ang asawa ko at kalalabas lamang po ng dalawang anak ko mula sa ospital. Kaya hindi na po namin kayang dagdagan ang gastusin namin sa bahay. Hindi na po namin kayang madagdagan pa ng aalalahanin at papakaining bata." Saglit niyang pinunasan ang mga pisnging basang-basa na ng luha pati na ang sinisipon niyang ilong. Kung bakit naman kasi nagkasabay-sabay pa ang problema nilang mag-asawa. Pero hindi naman talaga sa kanya nanggaling ang ideya na patayin ang magiging anak nilang mag-asawa. Ang kanyang asawa ang nagsabi noon sa kanya. Inutusan siya nitong ipalglag ang kanilang anak. Hindi pa naman daw kasi buo ang bata, dugo pa lamang sa kanyang sinapupunan. Pero nang makita niya kung ano kinuha ng aborsyonista mula sa kanyang pwerta at naiyak na lamang siya. Dahil hindi lamang iyon dugo kung hindi isang maliit na sanggol na binawian nila ng liwanag at buhay.

"Father... Father, gabi-gabi po akong binabangungot.Gabi-gabi ko pong naririnig ang iyak ng anak ko. Gabi-gabi niya po akong dinadalaw mula sa panaginip hanggang sa paggising ko." Tuluyan na niyang hindi napigilan ang mapahagulhol. Dalawang linggo na ang nakakalipas buhat nang patayin niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Dalawang linggo na rin niyang nararamdaman ang presesnya nito sa kanyang paligid. Dalawang linggo na siyang kino-konsensya sa napakabigat na kasalanang nagawa nilang mag-asawa. Bigla siyang napahinto nang makarinig ng kakaibang kaluskos mula sa kabilang bintana ng kumpisalan. "Father?" Napalunok siya ng laway at saglit na nakiramdam. Nang wala pa ring tugon na nakuha mula sa kinakausap na pari ay tumayo na siya at naglakad patungo sa kabilang pinto ng kumpisalan.

"F-Father, nand'yan po ba –" Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang bahagyang bumukas ang pinto at may mga butil ng rosaryo ang gumulong sa sahig mula doon. Nakaramdam siya ng mas matinding takot nang tuluyan na iyong  bumukas. Takot na mas triple pa sa naramdaman niya noon sa sa bawat gabing dinadalaw siya ng sanggol na pinatay niya. 

"D-D'yos ko po!"

Kasunod nang pagkalat sa sahig ng malapot na dugo na bumalot sa mga butil ng rosaryong gumugulong-gulong na tila naglalaro, ay ang pagkatumba ng isang lalaking may kulay itim na kasuotan. Bumagsak sa duguang sahig ang katawan ng isang pari na wala ng ulo.

"Father!!!"



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE