Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you..."

Kabanata 28

"So, kailan n'yo balak sabihin sa aming ayos na kayo?" Mataray na sabi ni Cecille na iniirapan kami.

Nakaupo kami ni Jer sa batuhan at magkatabi habang pabalik-balik na naglalakad si Cecille sa harapan.

I saw Floyd grinning in the side, nakasandal sa puno at pinagmamasdan kami.

Para kaming preso ni Ejercito sa gitna habang nakaupo at naglalakad ng pabalik-balik si Cess.

"Hoy! Sagutin n'yo ako!" I jumped when she hissed.

I bit my lip and I saw Jer's lips lifted for a smirk.

"Calm down, Cess." He grinned.

"How can I calm down, aber?" She groaned. "Ang sabi n'yo, hindi kayo ayos tapos malilingat lang kami ni Floyd naghahalikan na kayo?"

"Hindi nga kami naghahalikan," Paliwanag ko.

Floyd laughed, Jer bit his lower lip then glance at me before glancing at Cecille.

"It's true, we weren't kissing...nagpapractice lang gumawa ng bata." Ani Jer.

Nag-init ang pisngi ko, hinampas ko ang hita n'ya at napatawa s'ya roon na sinabayan naman ni Floyd sa sobrang aliw nilang dalawa.

"Sandejas!" I whinned.

Jer chuckled, caught my fingers and intertwined our hands.

"Na-ha-highblood ako sa inyo!" Hinilot ni Cess ang sentido. "Paliguan ko kayo ng holy water d'yan nang maging banal kayo ulit!"

Ngumuso lang ako at napailing si Jer.

Mag-ngangawa at magrereklamo pa sana si Cess kung hindi lang lumitaw si Floyd at mula sa likuran ay tinakpan n'ya ang bibig ni Cess.

Cess groaned and slapped his arm while Floyd just laughed at her.

"Kumalma ka, boss. Kapag nakarecover 'yan si Lena baka itulak ka sa bangin." He said.

"Gumaganti lang ako 'no," I snorted kaya napasulyap sila sa akin.

"Sa?" Hinila pababa ni Cess ang kamay ni Floyd kaya lumaylay iyon sa balikat n'ya.

"You caged us on that dirty room!" Reklamo ko.

Nanliit ang mata ni Cess at namaywang, nakaakbay pa rin si Floyd sa kanya at tinitignan kaming dalawa.

"So...who made the first move?" Biglang nagbago ang itsura n'ya at naging kuryoso.

Mabilis kong tinuro si Jer at nanlaki ang mata nito sa akin.

"Hindi ako!" He exclaimed.

"Ikaw!" Turo ko pa ngumiwi si Jer at muling hinuli ang kamay ko at ibinaba.

"Pinagsamantalahan ni Lena ang kahinaan ko," Biglang drama ni Jer kaya umawang ang labi ko.

"Liar!" Sinipa ko ang paa n'ya at napasinghap s'ya.

"See? Inaalipusta n'ya ako!" Nang samaan ko s'ya ng tingin ay humagalpak s'ya ng tawa at inabot ako para bahagyang yakapin.

"Kidding," He chuckled and kissed my head. "But she made the first move, liligawan raw ako."

Cecille's eyes widen and she froze.

"H-Huh? Si...Si Lena ang manliligaw?!"

"Yep!" Jer grinned. "Ganyan s'ya kapatay na patay sa akin."

I rolled my eyes at maya-maya napatawa si Floyd at pinisil ang pisngi ng tulalang si Cecille.

"Cess! I won!" He exclaimed.

Nagtatakang napatingin kami sa kanilang dalawa.

"What the heck? Akala ko ba, Ejercito, marupok ka kay Lena? Bakit hindi ikaw ang nag-first move?!" Cess groaned.

"Kasi hindi kaya ni Lena na wala ako sa buhay n'ya?" Suhestyon pa ni Jer at napatili si Cess at sinabunutan si Floyd na tawa ng tawa.

"Natalo ako, Floyd!" She screamed.

"You owe me a dinner!" Tawa ni Floyd at halos mamula na si Cecille sa pagkakatalo n'ya kung saan.

"Ano bang meron?" I asked curiously.

"Nagpustahan kami," Ani Floyd nang sinugod ni Cecille si Ejercito at si Jer ay nabitawan ako at tumakbo dahil sa pagbatok ni Cecille.

"You jerk! Umasa ako sa'yo! Bakit ang kupad mo?!" Cecille exclaimed and Jer laughed harder and ran.

"Ng?" I asked curiously.

"It was her plan to cage you both in that room to talk, then we made a bet...kung sino sa inyong dalawa ang unang gagalaw para makipagbati." Ngisi ni Floyd.

Nasapo ko ang noo at napatawa s'ya.

"Nauna s'yang pumili kay Sandejas kasi nga raw ay marupok kaya wala akong choice at sa'yo ako boto."

"So, napilitan ka lang?!" Tumaas ang kilay ko at humagalpak ng tawa si Floyd.

"Palugi ang investment ko sa'yo, Lena! Pero salamat kasi hindi mo ako binigo!" Asar n'ya at napatili ako at pinaghahampas s'ya.

Floyd laughed at me, pilit na iniiwasan ang palo ko.

"Sorry na! Sorry!" He laughed. "Nakisali lang naman ako kasi na-excite akong busalan si Sandejas!"

"Tangina mo, gago!" Narinig kong sigaw ni Ejercito kay Floyd na nahuli ni Cess at sinabunutan roon.

"Mga walanghiya kayo, kinabahan ako kagabi!" Binatukan ko si Floyd na aliw na aliw sa nangyayari. Hinuli n'ya ang kamay kong humahampas sa kanya at balak sanang batukan rin ako pero hindi nagawa nang may sumigaw.

"Tangina, Floyd, subukan mong batukan 'yang manliligaw ko ikaw ang bubusalan ko sa sunod!" Jer screamed and ran away from Cess at mabilis na naibaba ni Floyd ang kamay at nanlaki ang mata.

Jer immediately caught my waist when he escaped from Cess. Hinihingal pa s'ya habang nagtatago sa likuran ko at nakahawak sa balikat ko.

"Lena! Lena, save me!" He exclaimed when Cess was infront of me, pilit na pinupunterya si Ejercito.

Akala mo naman at hindi malaking tao kung makatago sa likuran ko! At bakit ako ginagawa nitong shield?

"Nalugi ako sa'yo!" Cess exclaimed pero bago pa man n'ya maabot si Jer ay hinuli s'ya ni Floyd na walang hirap na inangat s'ya sa ere hawak ang baywang n'ya.

"Kumalma ka nga," Floyd laughed when she groaned and pointed Jer who was catching his breath behind me.

"Fuck, I'm exhausted!" Reklamo ni Jer sa likod ko.

Ang ending, bumaba kaming apat na pawis na pawis. Turns out, kami nalang pala ang inaatay para ma-announce ang nanalo.

We didn't win but still...we were all happy.

Kita ko kaagad ang nakakunot noong tingin ni Emily sa amin ni Jer. I saw him stared him then looked at me with her curious, sharp eyes.

I just looked at her non-chalantly and smirked, naramdaman ko pag-abot ni Jer sa kamay ko kaya nilingon ko s'ya.

"Anong tinitignan mo d'yan?" He asked curiously.

"Wala," I said and pouted.

"H'wag kang titingin sa iba, dito lang sa akin. Ako ang pinakagwapo d'yan." He said.

Natawa na ako, nang akmang papaluin ko s'ya ay hinuli n'ya ang kamay ko at mabilis na hinawakan.

"Punasan mo pawis ko, Harriet." He demanded like a king. Napangiti nalang ako nang hilahin n'ya ako palapit sa may upuan at inilahad sa akin ang towel.

I shook my head but I dried his sweat, smiling.

Sa ikatlong araw ay tumulong lang kami sa pag-pack ng mga ginamit sa mga activity at volunteer work, ito nalang ang pinagkaabalahan namin habang ang iba ay nagdesisyong mag-ikot nalang.

Sa malayo ay kita ko ang paglapit ni Emily kay Ejercito. He was lifting a sack of soil and she came to him.

Hindi ko malaman kung anong pinag-uusapan nilang dalawa roon pero nakakunot lang ang noo ko.

I saw Floyd and Cess curious too, ang makulit kong kaibigan ay gusto makiusyoso pero pinipigilan ito ni Floyd.

"Cess," He warned.

"Curious lang ako!" She exclaimed.

"Cess, h'wag na..." I called her attention kaya napalabi s'ya at napasulyap sa akin.

"Aren't you curious?" She asked.

"I am..." I said and bit my lip. "But they're still friends, wala naman sigurong masama."

Ayos lang talaga...wala akong reklamo pero hindi ko pa rin maiwasan ang maging malungkot. Habang naaalala ko kung ilang taon silang magkasama sa Cambridge ay naiingit ako.

Paano kaya kung ako ang nakasama n'ya noon?

Kasalanan ko naman...ano bang karapatan kong maging malungkot?

Lunch came and I know Ejercito noticed my silence.

"Come on, Jer. Sige na, let's go get foods!" Emily cheered and tried tugging his shirt. I noticed her looked at me too with a hidden smirk on her face.

"Kumain ka na roon, hindi ako sasabay." Ani Jer sa kanya.

"Sige na!" She whinned. "Kanina pa ako gutom, hindi ka ba naaawa sa akin?"

"You go get your food, desisyon mo kung kakain ka o hindi?" Jer now looks irritated.

"At ano nanaman? Saan ka nanaman lalapit? Sa babaeng 'yun, eh, wala naman iyong ginagawa kundi saktan ka! Are you really sure you will settle to that conniving bitch--"

"One word from you and I will not think twice but to kick you out of my firm." Ejercito said coldly na miski ako ay nagulat.

Kita ko ang pagkunot ng noo ni Emily at ang pag-irap n'ya sa akin bago tumalikod at nagmartsa paalis.

Ejercito ang my eyes met the moment he shifted his gaze, kaagad akong ngumiti sa kanya pero kumunot lang ang noo n'ya sa akin at mabilis na tumabi.

"Come on, I know you wanna say something." He encouraged me, napalabi naman ako at napabuntong-hininga bago marahang sumulyap sa kanya.

"Sorry...nagseselos lang ako." I murmured.

He chuckled at that, marahang inabot ang baywang ko kaya sumandal ako sa kanya at huminga ng malalim.

"Bakit ka nagseselos?" He asked, kissing my hair.

"Kasi mahal kita," I sighed.

I heard him chuckled again kaya nag-angat ako ng tingin at sinamaan s'ya ng tingin.

"Are you playing with feelings, Jer?" I accused him.

Mas natawa s'ya, iniangat ang baba ko para patakan ng halik ang noo bago ngumisi.

"No, I was, I think, kinda selfish because I like watching you get jealous."

Siniko ko ang sikmura n'ya at napatawa s'ya.

"But I don't want you jealous...ayokong nasasaktan ka." Bulong n'ya kaya napaharap ako sa kanya at nangiti.

During our ride home, we were inseparable, nang makita ko palang na naglalakad na si Emily papunta kay Ejercito sa bus ay nagmamadali rin akong tumakbo at inunahan s'ya sa pag-upo sa tabi ni Jer.

Ejercito was shocked but then he expected na magtatabi talaga kami pagkauwi kaya niyakap n'ya lang ang baywang ko at nangulit.

Sa byahe ay salitan kami sa pagtulog na dalawa, minsan ay s'ya at minsan ay ako. Nakikita ko pa s'yang tinititigan ang kwintas ko kaya iniangat ko iyon at ipinakita sa kanya.

"Remember this?" I asked and smiled.

I saw how his eyes soften, inabot n'ya ang kwintas ko at marahang hinaplos.

"You...kept this?" He whispered.

I slowly nodded, watching him caressed the necklace.

"Matagal ko nang nakitang suot mo 'to," Bulong n'ya. "I wanted to ask you...gusto kong itanong kung bakit mo pa rin ito suot sa kabila ng lahat pero natatakot ako na baka sabihin mong walang kahulugan ang pagsuot mo nito."

"Ikaw lang ang mahal ko," Sagot ko sa kanya at nakita ko ang pamumula ng pisngi n'ya sa sinabi ko. "I never imagined myself having my family of my own if you weren't the father of my kids."

He gasped, napahawak pa s'ya sa dibdib n'ya at inilingan ako.

"Leona Harriet, why are you always love making my heart beat like this?" He groaned.

Inabot ko ang dibdib n'ya at napatawa nang maramdaman ang tibok ng puso n'ya.

"Ikaw lang ba? You make my heart beat like that too." I said. "Sa reunion pa nga lang, para na akong aatakihin sa kaba at saya 'nung nakita ka. Parang medyo nakakabaliw kasi 'yung kagwapuhan mo."

Napatulala s'ya sa akin at mamaya ay napatawa, ngumuso ako nang mag-ingay s'ya at napatingin sa amin ang iba.

"Jer!" I hissed, tinakpan ko ang bibig n'ya pero natawa lang s'ya at marahang tinanggal ang palad ko sa labi n'ya.

"Honey, let me remind you na sa ating dalawa...ako ang lalaki." Aniya at tumango ako.

"Yeah, I know, mukha ba akong tomboy?" Nanliit ang mata ko at natawa nanaman s'ya at pinisil ang pisngi.

"I love you, woman. Fuck." He cursed and laughed again.

Hinuli n'ya ang pisngi ko at humalik bago isinandal ang baba sa balikat ko.

"What I mean is...ako dapat ang nagpapakilig ng sobra sa'yo at hindi ikaw. Your moves are making me feel gay, kinikilig ako ng sobra, Leona. Para akong bakla!"

Natawa na ako roon at sumulyap sa kanya.

"Grabe ka, Ejercito, ganyan ka kapatay na patay sa akin?" Ganti ko.

He eyed me seriously then flicked my head.

"That's my line!" He whinned.

"Nililigawan kita, okay?" I said at parang maamong tupa s'yang tumango sa akin.

I saw his eyes twinkling kaya nagtago ako ng ngiti.

"Ganyan mo ako kamahal?" I teased him at doon na sumeryoso ang mukha n'ya at sinundot ang pisngi ko.

"Mahangin ka na ngayon, Abelló." He hissed and tickled me kaya napatawa ako at pinalo s'ya.

Panay ang reklamo ni Cecille at Floyd habang pababa kami ng bus, mukhang iritado sa kaharutan naming dalawa ni Jer.

Hindi pa ako sinasagot nito ah? Paano pa kaya kapag kami na? Baka pakasalan ko 'to agad.

"Ang harot-harot ni Leona..." Pakanta pang reklamo ni Cess habang inuutusan si Floyd dalhin ang gamit n'ya. Nakasimangot si Floyd at halos sipain na Cess pero nagpapalakihan lang sila ng matang dalawa.

"Ihahatid kita," Biglang sabi ni Jer sa tabi ko kaya nilingon ko s'ya at nginitian.

"Okay, akin na ang ibang gamit ko. Let me carry it." I said and offered my hand pero umiling s'ya sa akin at ngumiti.

"Manliligaw kita pero lalaki pa rin ako, ako na magdadala ng gamit natin."

"Hindi ka ba nahihirapan?" I asked.

He shook his head and smirked.

"Kaya pa nga kitang buhatin kahit may hawak ako, Lena." He chuckled.

Kumapit ako sa braso n'ya habang naglalakad kaming apat patungo sa parking lot, saglit pa akong napatigil nang mapansing hindi ko nasintas ang sapatos ng maayos.

Humiwalay ako kay Jer at nakita kong napatingin s'ya sa akin.

"Una ka na, ayusin ko lang sintas ko." I said and lowered my body to fix my lace when he suddenly went infront of me.

Nagulat ako roon pero hindi nakapagsalita nang kunin n'ya ang sintas ko at s'ya na ang nagbuhol.

My heart pounded inside my chest when I saw him did that, napakasimpleng bagay pero para na akong hihimatayin sa tuwa.

"There, it's fixed. Come on, hon, let's have dinner outside." Aniya at kinuhang muli ang gamit namin sa lapag at nilahad ang braso n'ya kaya nakangiting kumapit ako sa kanya.

Papalapit na kami ng sasakyan nang matigilan nang makita namin si Cess na umiiyak habang nasa likuran ng galit na galit na si Floyd.

I panicked, humiwalay ako kay Jer at kaagad na lumapit roon at nanlaki ang mata nang makita ang ex ni Cess na si Joseph.

"Sino ka ba, huh?! Anong pakialam mo sa amin! Gusto kong makausap ang girlfriend ko!" Joseph exclaimed, trying to reach the crying Cecille behind Floyd pero hinarang ni Floyd ang katawan n'ya.

"Don't touch her!" He said hardly, nakita kong nakakapit si Cess sa likuran ni Floyd at ayaw bumitaw.

"Cess...Cess, please! Mag-usap naman tayo! Hindi ko naman sinasadyang mangyari 'yun--"

"Cheating is a choice, asshole." That's when I decided to showed up.

Nakita kong napasulyap sa akin si Joseph at doon s'ya lumapit.

"L-Lena, please...Hindi ko sadya, h-hayaan mo akong kausapin si Cess--" Akmang hahawakan ako ni Joseph pero mabilis kong naramdaman ang presensya ni Jer sa tabi ko at pasimpleng iniharang ang sarili n'ya para hindi ako maabot nito.

"Learn to respect when a woman said no." Jer's cold voice surrounded the place.

Napahawak ako sa likuran n'ya at nakita kong nanginginig na si Cess sa kakaiyak at nakayakap kay Floyd na halatang galit na galit.

"At sino ka naman?" He said. "Tangina, bakit ba kayo nakikialam! Usapan namin 'to ni Cecille! Hindi ko sinadya ang nangyari! Malandi lang ang babaeng 'yun! Cecille, mag-uusap tayo!"

"I can actually sue you for saying that," Jer's irritated yet cool tone said.

"Sino ka ba?! Pakialamero ka rin eh!" He said, ambang sasapakin na si Ejercito pero naunahan s'ya ng sasabihin nito.

"Go, punch me, one call and I can file a case against you. Cecille can file a case against you too, I can make that happen." Malamig n'yang sabi.

Nakita kong natakot roon si Joseph pero ang mukha ay pilit pa ring nagpapakatapang.

"Sino ka ba, huh--"

"Attorney Ejercito Sandejas," Aniya at parang kinilabutan rin ako roon sa sinabi n'ya. Sa boses n'ya ay naramdaman ko ang awtoridad roon.

Joseph stilled and glance at us before taking a step back.

"Hindi pa ako tapos sa inyo... Cecille, mag-uusap pa tayo." He said and turned his back to walk away.

Kaya ang nangyari, sabay-sabay kaming kumain lahat para sa hapunan. It was quiet and kinda awkward because Cess seems so stressed and Floyd is mad.

Katabi kong kumain si Cess at kahit na nakangiti s'ya ay alam kong malungkot s'ya. I saw Floyd and Jer talking kaya bahagya kong niyakap ko ang kaibigan ko.

"We're here for you," I told her and she smiled at me.

"Salamat, Lena..."

"Do not hesitate to tell us if you wanted us to do something, we will help you, okay? Dito lang kaming tatlo para sa'yo, Cess. Mahal ka namin."

"I love you too, Lena. I love you." She hugged me back.

Habang nasa parking na kami pauwi ay nakasunod lang kami kay Cess sa pag-aalala.

"Don't worry about me, okay lang ako." No matter how much Cess tried hiding it, we know how she feels.

"Bibisitahin ka namin ni Jer bukas," I said. Naramdaman ko ang paghawak ni Jer sa baywang ko.

"H-Hindi na, Lena. Ayos lang ako." Mahinahon n'yang sabi.

"Sasamahan kita sa inyo," Ani Floyd kaya napatingin kami sa kanya.

"Huh? H'wag na...masyado na akong nakakaabala sa'yo, Floyd."

"Hindi naman ako nagrereklamo," Ani Floyd na ang sungit-sungit nanaman. "Sasamahan kita, hindi kita guguluhin, lulutuan lang kita ng pagkain."

"Oh, okay." She smiled then looked at me. "Salamat, Lena, Jer. Goodnight."

"Goodnight, Cess. We will visit you tomorrow, okay?" Ani Jer roon at tumango si Cess na may ngiti.

Habang papauwi kami ni Jer ay halo-halo ang nararamdaman ko, masaya dahil bati na kami...kahit hindi pa n'ya ako sinasagot at malungkot at the same time dahil sa nangyari kay Cecille.

Pagkatapat namin sa mansion ay napalabi ko at kinalas ang seatbelt ko. I saw him staring at me kaya hinarap ko s'ya at ngumiti.

"So... Goodnight?" I said.

He slowly nodded, staring at me.

"Did...you cry that much when we broke up?" He asked, stopping me.

"Like Cess?" He nodded slowly and I bit my lip.

"Oo...medyo." I said. "Hindi ko alam kung paanong klaseng pag-iyak but I honestly had sleepless nights because of it."

"I just can't imagine you cried that hard," He removed his seatbelt and reached for my face.

Napangiti ako roon at ipinikit ang mata.

"You can't love without getting hurt, Jer. Ganyan talaga ang buhay." Bulong ko.

"I wish I was there to wipe your tears," He said softly, hinaplos ko ang kamay n'ya sa aking pisngi at hinalikan ang palad n'ya.

"I also wish to be there with you when you reached your dreams...when you succeed."

"Lena, you're here with my success." Aniya. "Holding you like this now, this is my success."

Napatitig ako sa kanya at dinama ang malakas na pagkabog ng puso ko.

"I love you, Jer." I whispered softly and smiled.

"Mahal din kita," He chuckled then moved his face closer to kiss my cheek. "Sagad hanggang balun-balunan, Leona."

Napalabi ako at ngumuso para doon s'ya humalik pero natawa lang s'ya at pinisil ang ilong ko.

"This is just mutual understanding for now, hon. Hindi pa kita sinasagot." Aniya at umawang ang labi ko sa kanya.

"Pagkatapos mo akong harutin?!" I exclaimed at napangisi s'ya at ginulo ang buhok ko.

"Bata pa nga ako, mapili ako kaya hindi ako nagpapahalik." Aniya.

"Pinapak mo nga ang labi ko kanina!" Reklamo ko.

"No, I'm not!" He chuckled. "We're just practicing how to make babies!"

"Jer! Joke nga lang 'yun!" Halos mag-init ang pisngi ko at isinandal n'ya ang mukha sa manibela at tinitigan ako.

"Should we start family planning, hon?"

"What?!" Naeeskandalo akong napatingin sa kanya, nanlalaki ang mata.

"Ilan bang anak gusto mo? Isang dosena? Tell me, nang mapag-ipunan ko kaagad--"

"Sandejas!" I groaned and he was laughing again.

Napatitig lamang ako sa kanya habang may masayang ngiti sa labi n'ya. I didn't dare looking away when he caught me admiring him.

His smile faded and amusement filled his eyes while staring back at me.

I moved my face closer to him and stole a kiss, kita ko ang pagpigil n'ya ng ngiti sa ginawa ko sa kanya.

"Nagnanakaw ka ng halik, hindi pa nga kita sinasagot." Masuyong sabi n'ya sa akin.

"Goodnight," I said.

He nodded, mabilis s'yang lumabas sa sasakyan, kinuha ang gamit ko at inalalayan ako palabas. Magkahawak-kamay kaming naglalakad patungo sa mansion namin at nang magtapat kami ay tumingala ako sa kanya.

"Saan ka bukas? I will fetch you so we can visit Cess."

"Hmm, baka nasa shop ako. Wala naman akong shoot bukas, ikaw?"

"I have a meeting tomorrow, before lunch, sunduin kita para makakain rin tayo." I nodded slowly and stared at him.

"Pasok ka na..." He said, pointing our gate.

"Ikaw?" I asked.

"Uuwi na rin, iisipan ka buong magdamag." He said smoothly and I pouted and sighed heavily to control myself from hyperventilating.

He winked when he saw my face.

"Stop it, Jer! I'm hyperventilating!" Reklamo ko at natawa s'ya at hinawi ang buhok ko sa likuran ng aking tenga.

Bahagyang bumukas ang gate, nanlaki ang mata ko roon at kaagad na sumilip, itinulak ko ng bahagya si Jer kaya napadaing s'ya at tumama sa gate.

Napangiwi ako roon at napasulyap sa kanya.

"Sorry, hon." I whispered at nang makita ang guard ay nagmamadali akong sumilip.

"Uh, hi, Kuya." I chuckled.

"Ma'am Lena! Akala ko po kung sino ang nagbubulungan kaya binuksan ko." Aniya.

"Uh, ano, may kausap lang." I said, nakasilip pa rin. "Andyan na ba ang Mamá at Papá?"

"Ay, Ma'am, mukha pong hindi makakauwi ngayon at nasa Maynila. May kailangan daw pong asikasuhin."

I nodded slowly, pouting and getting my things from Jer and showed it to the guard.

"Uh, Kuya, pwede bang papasok muna sa bahay? Ano, labas lang ako sandali at may bibilhin lang."

"Sige, Ma'am." He nodded at me. "Gabi na po, Ma'am, gusto n'yo po bang pasama sa security?"

"No!" I exclaimed. Pinisil naman ni Jer ang baywang ko kaya napasinghap ako at muling umiling. "H'wag na, Kuya. Mabilis lang ako."

Nang makapasok na ang guard at naisara na ang gate ay malaki ang ngiti ko kay Jer na napailing sa akin.

"What are your plans now, huh, Harriet?" Hinuli n'ya ang baywang ko.

"Hmm, papa-impress ako sa nililigawan ko." I said and his brow raised at me.

"Paano?" He chuckled.

"Papaibigin kita ng sobra," I said and he smirked at me.

"Impress me then, love." He said and I giggled and pulled him closer to his car.

"Let's drive, doon tayo sa may parke." Sinunod n'ya ang sinabi ko.

Pagkarating kaagad namin ay namangha na ako sa mga bagong atraksyon sa palaruan. Huling punta ko rito ay matagal na pero ngayon ay mas gumanda.

Nang makita ko ang walang taong swing ay kaagad kong hinila si Jer at pilit na pinaupo roon.

"This is a children's swing, hon." Reklamo n'ya nang natatakot na mabuwal ang swing.

"Kaya 'yan!" I said.

Tinawanan ko s'ya habang pilit na pinagkakasya ang sarili n'ya sa swing at naglakad ako para bumili ng pagkain.

"Saan ka, Lena?" He called.

"Bibili lang ng pagkain! D'yan ka lang, mabilis lang ako."

"Don't get too far, three minutes at wala ka pa, susundan kita." He exclaimed.

Napangiti nalang ako at bumili ng ice cream, pagbalik ko ay naabutan ko s'yang kausap ang pusa kaya nakagat ko ang labi ko.

"What do you think, kitten? Sagutin ko na ba? Kawawa na eh." The cat purred, natawa si Jer at ako naman ay napailing roon at lumitaw.

"Hay naku, Jer, kainin mo lang itong pagkain mapapasagot na kita." I said.

He smirked, inabot n'ya ang cone at pinagmasdan akong maupo sa swing katabi n'ya.

We were quiet at first, pinapaandar ko ang swing habang kumakain ng ice cream at s'ya nama'y nakatitig lang sa akin sa ginagawa ko.

"Ilang anak ang gusto mo?" Muntik na akong mabulunan sa tanong ni Ejercito kaya nanlaki ang mata ko at nilingon s'ya.

"What?"

"I said, ilang anak ang gusto mo?" He chuckled.

I pouted, humawak ako sa swinh at nilingon s'ya.

"Bakit mo tinatanong?" I asked. He shrugged and licked his ice cream.

"Nothing, I am starting to invest stocks in some companies besides sa firm. Maybe, so I can plan and save for the future?" That made me smile.

"Sigurado ka na talaga sa akin, hmm..." Asar ko at nakita ko ang pagtango n'ya at ang pagsulyap.

"Hmm, three or four kids are enough for me." I said and smiled. "I wish na lalaki ang panganay tapos seryoso para maging tagapagtanggol ng mga nakababatang kapatid."

"Ayaw mo ng loko-loko kagaya mo?" Ani Jer kaya sinipa ko ang paa n'ya na nagpatawa sa kanya.

"Matino ako, Jer! Ikaw nga ang loko-loko!"

He chuckled more at that.

"Tapos ako, maybe if we got married, I will quit pageants. Syempre, may asawa na ako, as if I can still join that." Natawa ako roon at napasulyap sa kanya na nakatitig lang sa akin.

"Hmm, I will train sa kompanya ni Papá so I can still earn, may saving na rin naman ako pero kailangan pa rin sa pamilya."

"Saan mo gusto tumira?" He asked.

"Kung saan ka magtatrabaho, sabi mo ang main branch ng firm n'yo ay nasa Manila, we can build a house there. Tapos resthouse or bahay rito sa Sta. Monica, kapag bakasyon."

"I can do that," He nodded and stared at me. "May nagustuhan na akong lupa doon, maybe we can check sometime?"

Nagulat ako roon at napatitig sa kanya.

"Agad?!"

He chuckled and nodded shyly.

"Don't worry, I will work hard more for us. I need to talk to your Mom and Dad, tapos mamamanhikan kami." Nanlaki ang mata ko roon at napaubo pa.

"M-Manhikan agad?! Hindi pa nga tayo!" I said.

A boyish grin left his lip as he stared at me.

"We still have to plan more so, definitely, makakapanligaw ka pa rin." Aniya.

Ngumuso na ako at inubos ang ice cream bago s'ya nilingon.

"Let's play, Jer." I said.

"Hmm?" Gulat n'yang sabi.

"Laro tayo." Tumingin s'ya paligid at ngumiwi. "I can't, Lena, hindi na ako magkasya sa swing eh. Paano pa pag lumusot ako sa slide."

Napatawa ako ng malakas at umiling.

"No, not that."

"Okay, what game?" Sumulyap s'ya sa orasan n'ya. "It's getting late, hon, I have to take you home safe para makapagpahinga ka pa."

"Saglit lang 'to, tapos uwi na tayo." I said.

He nodded slowly, staring at me.

Syempre, hindi uuwi si Leona Harriet na hindi napapakilig ang niligawan.

"Simple lang, I will just think of something tapos huhulaan mo." I said.

"Huh?" Gulong sabi n'ya.

"Nilalaro namin 'to nina Cess at Floyd minsan eh, madali lang, kunwari hmm, iisipin ko si Floyd."

Biglang sumama ang mukha n'ya roon.

"Ako ang iisipin mo, Leona Harriet!" He groaned at napangisi ako.

"Example nga!"

"Edi ako ang example," Ngiwi n'ya kaya pinagbigyan ko na.

"Sige, kunwari iisipin kita tapos papahulaan ko sa'yo na ikaw iniisip mo. Una mong itatanong sa akin kung tao na, hayop, ganun."

"So...if you think of a chair, I will ask you if it's a thing or what?"

"Yep!" I said and smiled.

He nodded and looked at me.

"Okay, game." Aniya.

Inisip ko na kaagad kung anong ipapahula ko at nang tumango ako sa kanya.

"Tao?" He asked.

"Hindi."

"Bansa?" He asked again.

"Hindi."

"Hayop?" His brow raised at nang umiling ako ay ngumiwi s'ya.

"This is boring, Lena." Reklamo n'ya at napatawa ako roon at umiling.

"Come on, hula ka pa."

He sighed and nodded.

"Okay, swerte mo mahal kita..." He murmured. "Tao, hayop, bansa?"

"Hindi." I answered.

"Lugar?"

"Hindi."

"Pangyayari?" He asked.

"Nope."

"Bagay?" He asked.

"Tayo." I answered and grinned.

Bigla s'yang nalaglag sa swing at napahagalpak ako ng tawa nang mamula s'ya. He eyed me seriously at nabigla nang umiling s'ya at walang sabing binuhat ako at sinampay sa balikat n'ya.

"Jer! What?!" I exclaimed and slapped his back.

"I quit, Lena." He said and walked faster while carrying me.

"Quit what?!"

"Hindi na kita sasagutin," Aniya. Namutla ako at napanganga.

"What? Dahil lang doon? I was just joking--"

"Papakasalan na kita," Aniya at napasinghap ako nang ipasok n'ya ako sa kanyang sasakyan at tumakbo sa manibela.


  • (6 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019