Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you..."

Kabanata 22

Nakakahiya ako.

Habang kumakain ay mabilis ang kabog ng puso ko.

Jer brought me lunch, a healthy one...very likely his type of lunch for me. Gulay and meat, tapos may fresh orange juice and cake for my dessert.

He was silently watching me eat, tahimik lang s'yang nakaupo sa tabi ko. He was leaning on the counter, his arms on the table.

"Kain?" I offered him my foods and he smiled a bit and shook his head.

"I'm good," Aniya.

Ngumuso ako at sumimsim ng juice bago s'ya sulyapan.

"Kumusta meeting?" I asked.

"Good, it was a quick one." He said and I nodded, pasimpleng sumulyap sa orasan pabalik sa kanya.

"Eh, bakit late ka dumating?" I asked him non-chalantly and he froze.

Napakurap naman ako at mas dumami ang simsim sa juice na hawak.

"N-Not that I am waiting for you..." Paliwanag ko.

His lip twitched, napailing at pumahalumbaba at sumulyap sa akin.

"Before I went to the meeting, pumunta akong talyer para sa sasakyan n'yo...then sa meeting."

"Hmm," I nodded.

"Then, I brought you lunch. Naghanap pa ako kung saan makakabili n'yan since, ang malapit lang dito ay fastfood."

"I can eat fastfood naman," I said. "Hindi ka na sana nag-abala."

"It isn't good for your health," Aniya. "And you're having a pageant, I know you don't wanna be fat so I brought that, sabi 'nung nagtitinda kaunti lang ang calories."

I chuckled, sumulyap ako sa kanya.

"You asked for the calories?" I chuckled.

"Hmm, coudn't remember exactly pero mababa lang." Aniya.

My heart thumped, matamis akong napangiti at sumulyap sa kanya.

"Sorry again, Jer." I sighed. "And thank you."

He nodded, a small smile left his lips before he lowered his head and stared at his hands.

Gustong-gusto kong abutin ang kamay n'ya, I wanted so badly to hug him, to hold hands with him...to kiss him, like before.

Pero hindi pwede.

He already has a girlfriend, yes, he has.

Kaya hindi na pwede tapos sinaktan ko pa s'ya noon.

"Lena?" Napalingon ako at napatayo nang makita ang mga kaibigan ko.

Floyd is with Cecille, kita kong ngumiti sila pagkakita sa akin pero nagulat nang makita ang nasa tabi ko.

"Oh, Ejercito?" I saw Cecille's mouth parted in shock, napasulyap s'ya sa akin pero kumurap lang ako at napatikhim.

"What in the world..." She murmured.

"Hey, Cess." Jer greeted her and she almost screamed at that, tinakbo n'ya ako para yakapin at magbeso bago dumiretso kay Ejercito at hinampas ito.

"You jerk, bakit ka nandito?!" She exclaimed and Jer just chuckled.

Lumapit si Floyd kaya ngumiti ako sa kanya.

"I'm glad you two came, nasabi sa akin ni Papá kanina." I said.

"We wanted to watch, and wala ang parents mo at wala kang kasama kaya nandito kami." He said.

Floyd kissed my cheek, ngumiti ako at bahagyang yumakap bago ako nagtawag ng staff para makisuyo ng upuan para sa mga kaibigan ko.

"Upo ka muna," I offered Floyd kaya tumango s'ya at naupo rin sa upuan.

Sumulyap ako kay Cess para paupuin rin s'ya pero nagdadaldal pa rin s'ya kay Ejercito. I took a glance at them and saw Jer's forehead creased.

I saw him looking at Floyd then back to me and when he saw me looking, he looked away.

What? May nagawa ba ako?

"Bongga naman 'tong pagkain mo, Lena, ano, fiesta?" Tawa ni Cess habang nakasulyap sa pagkain ko sa may counter.

"Uh," I chuckled. "He brought this." I pointed Jer.

Kita ko ang pag-awang ng labi ni Cess at ang eksaheradang pagharap n'ya kay Ejercito.

"I knew it! Mahal mo pa rin 'tong si Lena--" Bigla kong tinakpan ang bibig ni Cess kaya natahimik s'ya.

Nagkatinginan naman kami ni Jer at maya-maya'y sabay na napaiwas ng tingin.

"U-Uh, excuse..." I said, pasimpleng hinila si Cess at nang makarating sa isang gilid ay hinampas ko s'ya.

"Cecille!" I groaned.

"What?" She chuckled and stared at me.

"H'wag mong i-topic ang ganun, tsaka ano...nakamove-on na 'yung tao!" I said.

"Si Sandejas nakamove-on?" Natawa si Cess sa akin. "Alam mo, com laude ka dati pero ang slow mo."

"Huh?" Takang tanong ko.

"Sinong bumili ng lunch mo?" Aniya.

"Jer,"

"Noong college, sinong tagabili ng lunch mo?" Aniya.

"Uh, si Jer?"

"See?" She laughed. "I knew it, old habits die hard, Lena. Kung nakamove-on na 'yan, sabihin mo, bakit pa 'yan mag-aabalang bilhan ka ng pagkain?"

Natahimik naman ako at napalunok.

"We're friends," I said. "Kaya syempre, concern s'ya."

"Pag-uumpugin ko kayong dalawa." Napahilot sa sentido si Cecille habang ako'y nakatingin lang sa kanya.

"Why?"

"Kagaya dati, s'ya torpe, ikaw manhid. Ano, forever nalang ganito?"

"What do you mean, Cess?" I asked. "I'm confused...tsaka alam mong impossible na, pagkatapos ng lahat ng nangyari noon. I pushed him away, I hurt him, tsaka ngayon ano, bestfriends lang kami."

Malakas na napatawa si Cess kaya napatingin sa amin ang iba. I gasped, marahang kinurot s'ya kaya natahimik s'ya pero natatawa pa rin.

"Damn," She chuckled. "Kawawang Sandejas, nakipag-break na nga noon ang girlfriend, bestfriend zone pa ngayon!"

"Nakamove-on na 'yun!" I said.

"Oh, paano mo nalaman?" She asked.

"May girlfriend na s'ya!" I said and she looks confused for a while.

"Huh? Sinong girlfriend? Ikaw lang naman ata ang naging girlfriend n'yan."

"Si Emily," I said. "Nung reunion, nakausap ko si Emily and she...told me she is his girlfriend."

"Ano?" Napangiwi si Cess. "I didn't know! Tsaka parang impossible, nakausap ko si Jer 'nung reunion, I joked about a girlfriend pero ang sabi n'ya wala daw."

Kumalabog ang lintek kong puso at hindi kaagad nakasagot pero nang may maalala ay bumagsak ang balikat ko.

"She told me it was a secret for now," I murmured.

Umawang ang labi ni Cess at napaisip rin.

"Pero Lena, parang impossible talaga. I get it that Emily took law in Harvard, they're probably colleagues kaya kasama n'ya 'nung reunion pero beyond that? I don't think so. Atsaka, wala silang chemistry, kayo ni Jer mayroon!"

"Ayos lang," I said and smiled sadly. "I'm nothing to him now."

"Oh, kwento mo sa pagong, Lena." She said with sarcasm kaya natawa nalang ako.

"Ayoko nang umasa," I said. "Ayoko nang masaktan ko nanaman si Jer."

"Pero alam mo sa sarili mong walang masamang umasa dahil nararamdaman mong pwede." She speak up my mind and I sighed and shook my head at her.

"Let's go back," I said.

Sa pagbalik namin ay naabutan kong nag-uusap si Jer at Floyd, mukhang seryoso dahil kita ko ang pag-igting ng panga at ang dilim sa mukha ni Jer.

I didn't get to hear their talk because Floyd saw us immediately, nawala ang usapan nila at nakita ko kung paano nag-iwas ng tingin si Jer nang lumapit ako.

"Busy kayo, huh?" Ani Cess pagkarating at tahimik akong naupo pabalik sa tabi ni Jer.

I saw his hand forming a fist on the the counter kaya nangunot ang noo ko roon. Sinilip ko s'ya at nakita nakatingin lang kung saan at mukhang iritado kaya marahan kong inabot ang kamay n'ya.

He froze when I did that, napatingin s'ya sa akin at marahan kong inabot ang kamay n'ya at marahang hinaplos para kumalma s'ya. I slowly opened his palm and when I did, I looked at him.

"You okay?" I asked him.

I saw him stared at our hands then slowly, he nodded, his piercing blue, tired eyes stared deeply at me.

"I'm okay now," He said huskily, his eyes twinkled a bit.

Pagkatapos pa ng ilang minuto ay muli kaming bumalik sa sa shoot para muling mag-umpisa, we did a lot of wardrobe change.

Medyo nakakapagod rin pero nawawala ang pagod ko t'wing nasusulyapan si Jer na tahimik na nanunuod sa akin.

He was just standing at the side, his arms crossed on his chest, leaning in a wall there, just watching me.

"Okay, Lena, look here!" Ani ng photographer at mabilis akong tumingin at ngumiti.

"Go, girl!" I heard Cess exclaiming and Floyd was clapping his hands at me.

I smiled at them, made a turn to do a pose and looked at the camera fiercely.

"There! Great, Lena! I love that look!" The photographer said.

I made a turn, muli akong humarap sa camera but the fierce look I am aiming vanished when I saw a candidate talking to Jer.

Kumunot ang noo ko.

Jer stayed on his position, nakasandal lang roon at nakahalukipkip pero nakikinig sa sinasabi ng babae.

"Lena, look here." The photographer said and I shifted my gaze.

Humarap ako sa camera pero kaagad na nagtaka ang photographer pagkita ng litrato ko.

"Lena, we are aiming for another fierce look. Ang sama ng tingin mo rito, parang sasakalin ako!" He joked.

Nagtawanan sila, natawa rin ako pero mabilis na sumulyap kay Jer na ngayon ay nasa akin na ang atensyon.

Ano, sa akin na ang pansin mo ngayon?

I saw the girl talking to him again but he said I think, something dismissing dahil umalis ang babae pagkatapos 'nun.

He raised his brow when he saw me staring at him, ngumuso naman ako at napairap sa hangin bago muling humarap sa camera.

The whole time, hindi na ako muling humarap sa pwesto ni Jer.

I was annoyed, okay? Lalo na 'nung may mga iilan pang lumapit sa kanya at tinangkang makipag-usap.

I saw him talked to them too, saglit lang dahil maya-maya ay umaalis rin kaagad kapag may sinasabi si Jer.

"That's a wrap! You did a great job, ladies!" Masayang sabi ng manager nang matapos na kami.

Nagpaalam ako sa mga staff at dumiretso sa dressing room para magpalit ng damit. Sumunod sina Cecille sa akin at nang masuot ko nang muli ang damit kong suot kanina ay lumabas na ako.

I went out and saw Jer leaning near my dresser, nagkatinginan kami pagkalabas ko pero tumikhim lang ako at nag-iwas.

Naupo ako sa harap ng salamin roon at inayos ang buhok ko, I saw Cecille with Floyd talking to the manager at ang narito lang ay si Jer.

I tried reaching for the pin at the back of my head pero hindi ko makuha kaya napasulyap ako kay Jer.

"Need help?" He said in a low voice.

I nodded slowly and he walked behind me, sa salamin ay kita ko ang pagtanggal n'ya ng pin sa ulo ko at inabot sa akin.

"Thanks," I smiled.

He nodded, hindi na ako umalma nang ayusin n'ya ang buhok ko at inilagay sa balikat ko.

"Hand me the comb," He said.

I took the comb and gave it to him and he quietly brushed my hair.

Napapangiti ako, habang pinagmamasdan s'ya ay hindi ko maiwasang umasa na pwede pa talaga kami kahit hindi na.

The woman you're marrying will be so lucky, Jer. The children you will have is so lucky to have you as a father.

"Wow, hindi lang abogado, nagpaparlor na rin!" Bigla akong natawa sa entrada ni Cess at nakita ko ang pagngisi ni Jer roon sa likod ko.

"Sideline, Cess." He chuckled. "Want me to fix your hair too?"

Natawa ako roon lalo at nagsalita.

"Wow, I'm lucky, ako pala ang first customer mo." I joked and he chuckled and looked at me in the mirror.

"Hindi 'to libre, Harriet." He said. "Maniningil ako mamaya."

"Aba, anong bayad 'yan?" Ani Cess kaya natawa nalang kami.

Tahimik kami habang naglalakad palabas ng building, magkatabi at nagkekwentuhan si Floyd at Cess habang kami ni Jer ang nahuhuli.

Jer opened the door for me when we went out at ngumiti lang ako ng palihim sa asta n'ya.

You're such a gentleman, hon.

"Wala ang parents mo, Lena?" Napasulyap ako kay Cess nang magtanong s'ya.

"Yes, nasa Manila, may inayos sila ni Papá." I said.

"Oh," She nodded. "Hmm, how about we go to the bar tonight?"

Kaagad na nanlaki ang mata ko roon at kaagad na napatango.

"I like that!" I cheered.

I coudn't remember the last time I went there with Cess and Floyd, matagal na siguro dahil hindi na naulit.

"Ikaw, Floyd?" Ani Cess rito.

"Sure," Floyd nodded.

"Jer?" Napabaling si Cess kay Jer at doon lang ako natigilan.

Kasama nga pala s'ya! Damn, masyado naman akong excited, nagmukha tuloy akong uhaw na uhaw sa bar!

"Sure," Jer said with a half smile and Cecille cheered happily.

"Yehey! Let's do this!" She exclaimed happily.

Cecille and Floyd suggested a bar that we all agreed on, wala naman akong masyadong ideya sa ganyan kaya kung saan nila gusto ay okay na sa akin.

Habang naglalakad kami sa parking ay natigilan ako nang mula sa kaliwa ay lumipat sa kabilang side ko si Jer.

I looked at him, confused, but then realized na may dadaan na sasakyan kaya hinarangan n'ya ako.

Bahagya akong napatid sa suot na heels pero mabilis na naalalayan ni Jer ang braso ko para makatayo ako ng maayos.

"Careful," He whispered.

"Thank you, sabay nalang ako sa'yo?" I said.

"Sa akin ka talaga sasabay," He commented.

I nodded and smiled, nang makalapit kami sa sasakyan n'ya ay tinawag ko ang pansin ng kaibigan ko.

"Cess," I called kaya lumingon s'ya sa akin.

"Bakit?"
"Sasakyan ko si Jer," I said.

Biglang napaubo ng malakas si Ejercito.

I noticed the awkward silence at mamaya-maya ay napahagalpak ng tawa si Cess at nangingiti naman si Floyd.

"Why?" I asked, confused but they are just laughing at me.

"Naku, Ejercito! Yari ka!" Hagalpak ng tawa ni Cess at naguguluhang napasulyap ako kay Jer na namumula na ang mukha at mukhang natatawa.

"Why are you looking at me like that?" Gulong sabi ko at maya-maya napailing si Jer, natawa at pinisil ang ilong ko.

"Nothing," He chuckled and looked at my friend. "She mean, sasabay s'ya sa akin." He told my friends.

"Okay," Tawa ni Cess at binigyan ako ng malisyosong tingin. "Wild naman pala,"

Nanlaki ang mata ko roon at natawa si Jer at biglang tinakpan ang tenga ko.

"Shut up, Cess." Jer laughed and shook his head at my friend. "Stop corrupting her mind."

"What? Wala akong sinasabi!" Tawa ni Cecille roon.

Jer just laughed, nagtaka ako nang binuksan n'ya ang sasakyan at inalalayan akong papasok bago nagtungo sa mga kaibigan ko.

I saw Cess smacked Jer when he said something.

What's wrong with what I said?

Sabi ko lang naman ay sasakay ako kay Jer.

Nang pumasok si Jer ay mukha pa rin s'yang tuwang-tuwa, sinimangutan ko naman s'ya nang magtagpo ang mata naming dalawa.

He gave me a loop-sided smile, fixed my seatbelt and flicked my forehead.

"Why are you looking at me like that?" He asked, amused.

"Why are you making fun of me?" I snorted and he suddenly laughed, umiling s'ya at ngumuso.

"I am not making fun of you, you're just so adorable."

Umirap ako sa kanya at naaaliw na kinagat n'ya lang ang labi at pinaandar ang sasakyan.

"Harriet," He called me habang nasa byahe, umirap ako sa hangin at natatawa nanaman s'ya sa akin.

"I'm not making fun of you, Lena." He smiled.

"You are," Nguso ko. "Why are you laughing?"

"I'm not," He cleared his throat. "Naaaliw lang ako sa'yo."

"Ano ako, clown?" I said.

"No," He chuckled. "Sorry na, hindi na ako tatawa." He said, suppresing his smile.

I rolled my eyes, sinuntok ko ang braso n'ya sa irita at ngumisi lang s'ya sa akin.

When we reached the bar, I was quite amazed and excited. Kumakaway na si Cess roon sa may entrance kasama si Floyd.

Jer opened the door for me, hinawakan n'ya ang braso ko habang naglalakad at nanatili lang akong iniirapan s'ya.

"I am not laughing anymore," He said pero ngumuso lang ako at umirap.

We entered the place and the loud sound of the music bombarded the place, I saw how the disco lights filled the place.

Nagsasayaw ang ilaw sa lugar at sa gitna ay kita kong nagsasayawan na ang lahat. I saw couples dancing, kissing in the middle of the crowd.

Ang iba ay may hawak pang kulay pulang cup galing sa iniinom na alak.

"Hi, Miss, mind if we dance?" Napabaling ako sa tabi ko sa gulat pero bago ko pa man masagot ang lasing na lalaki ay kaagad ako inakbayan ni Ejercito at marahang inalalayan palayo sa lalaki.

Kumapit ako sa damit n'ya, I saw Cess cheering, dancing and joking around Floyd who was just laughing with her.

"Are you always going here?" Jer whispered.

"No, this is my second time." I told him.

He nodded, nang mapadaan kami sa mas maraming tao ay mas hinila n'ya ako palapit sa kanya para hindi mabangga ng mga lasing na nagsasayaw.

"Hi, handsome, mind if we--" A woman went infront of us but Jer just shook his head and spoke.

"Sorry, Miss. Excuse." He said in an icy tone, napaatras naman ang babae roon sa sinabi ni Jer.

We reached the seat for us and I was smiling widely when I get to sit on the couch.

Cecille then hugged me and giggled.

"Yehey! We're back here again! Kailan ka ba huling pumunta rito?" She asked.

"Matagal na, last year?" Tawa ko. "Mga ganun?"

"Masyado ka kasing busy!" She chuckled, "I went here last week and I'm happy na kasama ko kayo dito ngayon, si Floyd busy rin 'nung nakaraan. May bonus lang kasi kasama na ang love of your life." Hagikhik pa n'ya kaya siniko ko s'ya at inilingan.

"Sshh," I hushed her.

She chuckled, sumulyap kami kay Floyd at Jer na nakikipag-usap sa waiter, mukhang sinasabi ang order.

"Inferness, hindi sila nagpapatayan ng tingin ngayon." Cess whispered.

"Bakit naman sila magtitinginan ng ganun?"

"Duh, Leona, kasi syempre sa espirito ng selos!" Aniya at napangiwi lang ako sa kanya at umiling.

"Imposible," Iling ko.

"Anong inorder n'yo? I want hard liquor." Tumayo si Cess para makiusyoso sa dalawang lalaki at nanatili lang akong nakatingin sa kanila.

I looked around, I saw people dancing happily and wildly, the disco lights invading the room. Sa malapit sa counter ay may iilang kalalakihang umiinom at napansin kong nakasulyap sa pwesto namin ang iba.

One man lifted his hand, showing me his drink and I just nodded and smiled a little.

"You don't like hard drinks? I ordered you a mild one." Napaayos ako ng upo at napasulyap kay Jer na naupo sa tabi ko.

I watched him silently as he ran his fingers on his hair and licked his lower lip.

"Yeah, thanks." I said softly.

He glanced at me, I was starled when he lifted his hand, removed the hair on my forehead and slowly put it behind my ear.

My heart quickened, nagkatitigan kami at sa kabila ng maingay na lugar ay tila humina ang tugtog at unti-unting nawala.

He looked at me deeply, I saw his forehead creasing, I saw him took a glance on my lip and back to my eyes.

"Hoy! Tulala kayo!" Sabay kaming napatalon nang pumalakpak si Cess.

"Huh?" Napasulyap ako sa kaibigan ko na may natatawang mukha at sumulyap kay Jer.

"Ewan ko sa'yo, Ejercito!" She smacked Jer's arm.

"What did I do?" Jer asked, confused and Cess just smirked and shook her head.

"Pag-untugin ko kayong dalawa d'yan eh."

Nagtatakang sumandal nalang ako sa couch at ngumuso habang nagmamasid sa paligid. Dumating ang drinks, kaagad akong dumampot roon at uminom at kita ko ang tingin sa akin ni Jer.

"Hinay lang," He said. I nodded, nang ibaba ko ang baso ko ay inabutan n'ya ako ng baso ng tubig na kaagad kong kinuha at ininom rin.

I saw Cess and Floyd drinking, when I caught Floyd's eyes, he smiled and raised his drink. I raised mine too at nag-ngitian kami.

"Uy, Jer, uminom ka!" Baling ni Cess kay Jer na hindi man lang ginalaw ang alak.

"Later," He said and cleared his throat. "I have to be sober, ihahatid ko pa si Lena pauwi."

"Sus!" She chuckled. "Kaya 'yan! Si Floyd nga maghahatid sa akin pero umiinom!"

"I have to be sober too, Cess." Floyd chuckled.

"Kaya ko naman siguro umuwi mag-isa," I told him. "You can drink, don't mind me."

"No, you can't go home alone, ihahatid kita." Aniya.

"Okay pero ayos lang naman siguro uminom ng kaunti," I said.

He nodded, staring at me.

"I will drink...later, maybe. I fetched you safe and I have to take you home safe." He said.

"Woah! Tamis naman!" Cess exclaimed at nang nilingon ko s'ya ay nakita kong kagat n'ya ang lemon pero malisyosong nakatingin. "Nung lemon! Ang tamis 'nung lemon!"

Natawa nalang ako at napailing.

Nang niyaya ako ni Cess sa gitna ay pumayag ako, we danced happily in the middle, kahit may mga gustong kumausap ay hindi namin pinagbibigyan.

I was shaking my hips like crazy and Cess is laughing hard at gumaya rin, dahil nga medyo lasing na ay para kaming ewan sa gitna.

Hindi naman kami napapahamak dahil kahit may kasayaw si Floyd ay kita kong nakabantay s'ya sa amin.

Ejercito isn't dancing yet he was eyeing us from his seat. Kita ko ang pagsimsim nya ng alak.

I can't help but to admire everything about him. His face, his body, his attitude...everything about him.

Nakaupo lang naman s'ya roon at sumisimsim ng alak pero ang lakas na ng dating, he was lethally attractive.

"Hi, Miss, mind dancing with me?" A voice stopped me, sa paglingon ko ay may lalaki na sa likuran ko.

He looks decent, aayaw sana pero tumawa si Cess at marahan akong tinulak.

"Go, dance with him. Susunduin ko ang boyfriend ko at nasa labas." Cess chuckled.

Nagitla ako, nang ngitian ako ng lalaki at inaya na sumayaw ay tumango nalang ako at tipid na ngumiti.

Hindi naman s'ya mukhang bastos at maayos ang itsura.

"I saw you earlier, ako 'yung nasa may counter." Nang maalala ko 'yun ay napatango ako.

"Uh, ganun ba?" I smiled.

"What's your name? I'm Jordan, have I seen you somewhere? Familiar ka kasi." Aniya.

"Uh, Lena." I said. "I'm Lena."

"Oh!" Napabilog ang bibig n'ya. "The beauty queen?"

Natawa lang ako at tumango, he placed his hand on my waist at kahit nag-aalangan man ay iniangat ko ang kamay ko sa balikat n'ya.

We danced a bit, nagkekwento s'ya pero pilit kong nililingon si Jer mula sa pwesto n'ya pero wala na ito.

Nakipagsayaw ba s'ya?

Hihiwalay na sana ako sa lalaki para hanapin si Jer pero isang hawak sa baywang ko mula sa likuran ko ay natigil na ako.

"It's my turn to dance with her, I guess." That voice and I was catching for my breath.

Napalingon ako at nakita si Jer na kunot ang noo at malamig ang tingin.

I slowly pulled my hand on Jordan's shoulder and smiled a bit.

"Uh, nice meeting you." I said. Nagtataka man ay napatango s'ya, hindi na nagsalita at hinayaan ako kay Jer.

Jer's arm possessively wrapped around my waist, napaatras ako nang marahang ilapit n'ya ako sa kanyang katawan at tumama ako sa dibdib n'ya.

I slowly shifted my position, nang magkaharap kami ay inilagay ko ang kamay ko sa kanyang balikat at hinanap ang mata n'ya.

"Akala ko ayaw mong sumayaw?" I asked.

"I want to dance now," He said, staring at me.

I pouted and nodded, I saw his face flushing now, miski ang tenga n'ya ay namumula kaya nagtaka ako.

"Woah, bakit ang pula mo?" I asked.

"I drinked a glass," He breath, kita kong namumungay na ang mata.

"Pero bakit parang ang sobra ng pula? May allergy ka sa alak?" Inabot ko ang pisngi n'ya at parang napapasong napaatras s'ya.

"No, I'm fine, Harriet." He breathe and gripped my waist slowly.

We danced a bit yet he looks kinda drunk now kaya hinaplos ko ang leeg n'ya.

"Lasing ka na ba, Sandejas?" I asked and stopped dancing.

"What? N-No..." Iling n'ya.

Nanliit ang mata ko at pinanliitan n'ya rin ako ng mata, nang-aasar kaya pinitik ko ang noo n'ya.

"Jerk, tara nga, ayaw ko na sumayaw." Humiwalay ako sa kanya at nakita kong napanguso s'ya.

"What? I wanna dance!" He stomped his feet and pouted at ngumiwi lang ako at hinila s'ya.

"No, you are drunk, Jer." I said.

"I am not," He said, he sounds groggy kaya napailing ako at hinila s'ya.

"Tara na," I said.

"No, I wanna dance..." Inarte n'ya, ayaw pahila sa akin pabalik sa couch.

"Ejercito," I called.

"I am not drunk, Harriet." Aniya at napasapo ako sa noo nang humawak s'ya sa baywang at kumendeng s'ya sa harapan ko.

"See?" He said.

Napatawa naman ako at umiling.

"No, Jer." I said.

"No?" He asked and pouted and I just chuckled and pulled him closer.

"Tara na, upo na tayo." I said. I heard him sighed, parang batang sumunod sa akin sa paglalakad at nang maupo kami sa couch ay kaagad s'yang sumandal sa akin at pumikit.

"I'm sleepy," He murmured.

"Then sleep, mamaya n'yan mahihimasan ka. Ang bilis mo naman malasing?" I asked.

"I'm not drunk, Lena." He convinced but his voice isn't convincing.

"Yeah and stone can talk," I said.

Nagmulat s'ya ng mata at tinitigan ako.

"Look, Harriet. Hindi ako lasing." He said and raised his hand, explaining his side.

"Oo nalang, Jer. Shut up and sleep." I said.

"Hindi eh, i-aaway mo ko sabing hindi nga ako lasing." Laban pa n'ya kaya naaaliw na pinagmasdan ko nalang s'ya.

"I have proof," He said, bigla s'yang sininok kaya napatawa ako at kinagat ang labi ko.

"Bakit ka tatawa?" He snorted and pinched my cheek. "Am I funny?"

"No, I just..." Napatawa akong muli nang magmukha na s'yang sobrang antok.

"I have evidence!" He said. "Ilalaban ko 'to sa korte!"

"Talaga?" Napangisi ako sa kanya. "Nasaan ang ebidensya mong hindi ka lasing?"

"Hindi nga!" He said, nang may dumaang waiter ay napasinghap ako nang kumuha s'ya ng isang malaking baso ng alak.

"Jer!" I hissed. "That's enough, you're drunk!"

"I am not," He said, hindi nagpapigil at nasapo ko ang noo nang walang pakundangang ininom n'ya ang isang baso ng alak.

I gasped, napailing ako napapikit ng mariin nang maubos n'ya ang baso at mas namula lang s'ya.

"See?" He said and put the glass down.

Hindi ako umimik, pinagmasdan lang s'ya at napamura nang napasapo s'ya sa bibig ay biglang tumakbo sa banyo.

"This jerk!" I hissed and ran behind him.

Nang pumasok s'ya sa banyo ng lalaki ay hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok. He was vomiting in the sink and I was just shaking my head.

"You're dumb," I groaned, mas nasuka pa s'ya kaya ibinaba ko ang pouch ko at hinaplos ang likuran n'ya.

"Ewan ko sa'yo, Sandejas." I said.

"I'm not drunk--" He vomited again and I just shook my head.

"Yeah, kwento mo sa pagong." I said. Nang matapos s'ya ay nagmumog s'ya at antok na tumingin sa akin sa salamin.

"Lena, sleepy." He groaned.

"Ang kulit-kulit kasi," Nang sumandal s'ya sa may sink at pumikit ay inilabas ko ang panyo ko at binasa ng tubig sa sink.

Piniga ko iyon bago lumapit sa kanya at ipinunas sa mukha n'ya para kahit papaano ay mahimasmasan.

"Upo ka ng kaunti para maabot ko ng maayos ang mukha mo." I said.

He sat on the sink, pinunasan ko naman ng maayos ang mukha at leeg n'ya at sinuklay ang buhok n'ya gamit ang daliri ko.

"You're crazy, Jer." I said and sighed, nagmulat naman s'ya ng mata at tinitigan ako.

"For you," He smirked at binatukan ko s'ya.

"Aww! Sakit!" He groaned and placed his hand on his nape. "Bakit mo ko i-aaway?"

"Shut up," I hissed pero sa loob ko ay naghaharumentado na ang puso ko.

"Totoo naman," He groaned.

Inalalayan ko s'ya palabas ng banyo, kita kong nagtaka ang ilan nang makita kaming dalawa mula sa banyo pero wala akong pakialam at iniisip kung paano kami uuwi ngayong dalawa.

Hindi na s'ya maayos maglakad kaya nagtungo kami malapit sa may hagdanan malapit sa may banyo papuntang second floor at naupo.

Pagkaupo palang ay walang pakundangan na s'yang sumandal sa akin at sumiksik sa leeg ko.

"Jer, you have to be sober later, okay? We have to go home." I said and caressed his hair.

"Hmm, ow...kie." He whispered.

I just smiled and let him rest on my neck, hindi na ako nagsalita nang abutin n'ya ang kamay ko. He drew circles in the middle of my palm then I will caught his hand at napatawa s'ya roon.

"Hala, nahuli ako." He murmured.

"Pahinga ka saglit," I whispered.

He hummed again, hindi pinakawalan ang kamay ko kaya nanatili akong nakatitig roon.

"L-Lena..." He said in a soft voice kaya nilingon ko s'ya ng bahagya.

"Yeah?"

"B-Bakit mo ako iwan?" He whispered and I froze. I felt the painful thump on my chest and my other hand formed a fist.

"J-Jer..." I whispered, natahimik ako at nangilid ang luha ko.

"S-Sobrang sakit," He whispered then sighed. "Masakit 'yung heart ko."

My tears fell, napapikit rin ako ng mariin at pasimpleng hinawi ang luha ko.

"Sorry," I whispered. "I...I only did that for you to be successful. Gusto kong matupad ang pangarap mo."

"I don't want to be the hindrance of your dreams, I want you to reach it, to be successful. Kagaya ng pangarap natin noon, diba gusto mong maging abogado?"

"K-Kung mawawala ka rin, mas gusto ko nalang maging abokado." He said and my mouth parted at that.

Parang bumalik ang luha sa mata ko at pinalo ang hita n'ya.

"I'm being serious here, Jer!" I exclaimed pero hindi na s'ya sumagot.

"Hoy, Sandejas." I said. My forehead creased, I lifted his head to see his face pero nakapikit na s'ya.

"What?" I murmured. Ibinalik ko s'ya sa balikat ko at tinapik ang pisngi.

"Ejercito," I called and I gasped when his face fell from my neck.

"What the heck?" I groaned, mabilis kong sinalo ang ulo n'ya nang lumaylay iyon at muntik pa s'yang mahulog sa hagdan.

"Jer!" I called pero napasapo lang sa noo nang marinig ko ang mahina n'yang hilik.



  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019