Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you..."

Kabanata 4

I remained caressing the necklace, a smile never left my lips. Humugot ako ng hininga at gumulong sa kama.

"Bakit ang saya ko?" I whispered and sighed.

Mabilis akong tumayo sa kama at dumiretso sa salamin para titigan ang kwintas, ang ganda-ganda talaga nya!

I can't get enough! I bit my lip and fixed my hair at my side, binalot ko ang katawan ko ng robe at napagdesisyunang lumabas ng terrace para damhin ang malamig na hangin.

I closed my eyes and listen to the soft sound of the wind. Bakit ang oras kapag masaya ay napakabilis? Bakit kapag malungkot ay tila kay bagal?

Hindi ko napansing anong oras na pagkababa namin ni Ejercito sa ferris wheel. Parang hangin lang na dumaan ang kasiyahan ko dahil kailangan na nya akong i-uwi.

Kinabukasan ay masaya kong binati ang mga magulang ko. They were eating in the kitchen when I get down.

"Good morning!" I cheered.

"Good morning, hija..." My Mom said. I smiled at her, umupo ako sa tabi nya at mabilis na lumapit si yaya para lagyan ako ng plato sa hapag.

"Thank you..." I said.

"How's school, Leona?" My father asked me. Natahimik ako, I bit my lip and cleared my throat before speaking.

"Good," I said. "Uh, doing good." Ulit ko pang muli.

He gave me a suspicious look, kumalabog ang puso ko sa tingin na iyon na ibinigay nya pero nanatili akong nakangiti at hindi ipinakita ang kaba ko.

"Are we expecting you to be a comlaude, Leona?" He asked.

"Yes..." I breathe. "I will,"

Tumango sya, ako nama'y nagbaba ng tingin sa pagkain ko at hindi na umimik. If my parents will find out I went to the detention room then I'm dead!

My Papá took me to the university with a message study hard and make them proud. Of course, I would. Hindi naman mahirap sa akin na maging comlaude, I can do it.

After studying Political Science maybe I can be an Intelegence Analyst or a political consultant! Depende, pwede ring pagsabayin ko ito sa pagmomodel ko.

Si Ejercito nga ay gustong mag-abogado. I have nothing against that, infact, he was urging me to be one too but law isn't my life. I mean, I am a good speaker but not to that extent that I can help people out.

Doon si Ejercito magaling, kahit hindi man alam ng ibang mga professor pero pagdating salarangan na iyan ay bihasa na iyong si Sandejas. I am seeing him attentive when we have a subject regarding laws and policies. He was good in both speaking and writing, sa totoo lang ay mas mataas ang grado sa akin ni Jer sa subject na iyon! Pwera nalang sa iba kasi tinatamad daw sya sa mga subject.

Nagtutulungan kaming dalawa, when he's in need to that one particular subject I am good at, I will help him and the other way around. Minsan nga ay napagkakamalan na kaming magkasintahan pero hindi rin naman nila napapatunayan.

Well, Ejercito is too fond of girls! Palaging may lumalapit sa kanya kahit wala naman syang gawa, miski paghikab nya ay may nakikisigan sa kanya. Minsan nga ay nangulangot 'yun at kung anong pandidiri ko ay sya ring pagkamangha nung mga babae nya.

I mean, what's special about this man?

Special child?

Sa isang akbay sa balikat ko ay napasigaw ako sa gulat at nahampas ang libro ko.

"Aww!" My eyes widen, mabilis akong napatingin sa likuran at napasinghap nang makita si Ejercito habang hawak ang ilong nya at nakangiwi.

"Jer!" I hissed.

His forehead creased. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha kaya mabilis kong hinagilap ang kamay nya at tinignan ang mukha nya.

"Oh my God! I'm so sorry!" I exclaimed, worried.

Ngumuso sya. Pilit nyang kinukuha ang kamay nya para ipantakip sa ilong nyang nahampas ko pero hindi ako pumayag.

"Jer, namumula!" I groaned.

"I'm alright..." Ngumiwi sya.

I smacked his arm and shook my head.

"No, namumula!" I said and touch his face. Bigla syang napaatras sa ginawa ko. Miski ako ay nagulat din sa nagawa at nanlaki ang mata.

He blushed profusely, napakurap naman ako habang hawak pa rin ang kamay nya.

"U-Uhm, ano..." I murmured.

"H-Huh?" Tumikhim sya at umayos ng tayo. Nagbaba sya ng tingin at hinawi ang buhok nya kaya nabitawan ko ang isang kamay nya.

"S-Sorry..." I whispered.

"No, it's fine..." Bigla syang humarap sa akin at pilit na nagseseryoso, tinatago ang pamumula. "Let's go, give me your things..." Aniya at kinuha sa akin ang libro ko at ang bag ko.

He followed me on our way to the classroom, pinagtitinginan nga kami, lalo na 'yung lalaking 'to pero walang nagtangkang kumausap.

I was just silent, miski si Ejercito ay wala ring imik at nang makapasok ay dire-diretso kami sa likuran kung saan kami palaging nakapwesto at naupo.

Umupo ako ng maayos sa upuan ko at kinuha ang bag ko na hawak ni Jer. Walang imik rin syang naupo at nang ilang segundong wala kaming dalawang imik ay nagsalita na ako.

"Jer--"

"Lena--"

We both stopped. Nagkatinginan kaming dalawa at wala sa sariling natawa at napailing.

"You're crazy..." We both murmured. Napailing ako, he chuckled and cocked his head before licking his lips.

Nakita kong bumaba ang tingin nya sa leeg ko at umayos sya ng upo.

"Where's my gift?" He asked me.

"Huh? Sa leeg ko." I answered. He pouted, bahagya pa akong nagulat nang hawiin nya ang buhok ko paalis sa balikat ko para makita ang leeg ko.

He placed my hair at the side of my neck and slowly, he pulled my necklace under my blouse and showed it.

"There, let them see it..." Aniya na nangingiti. I nodded, hinawakan ko ang kwintas na binigay nya at inayos sa leeg ko bago sya hinarap.

"Does this look good on me?" I asked.

"Hmm," He nodded, smiling teasingly. "Perfect..."

I nodded, umayos ako ng upo at binuklat ang libro ko at narinig ko ang paghikab nya at ang pagsandal sa pader sa likuran nya.

"Jer, review tayo..." I said.

"Hmm, yeah..." He sighed. Nang lingunin ko sya ay nakapikit na sya roon kaya hinampas ko ang sikmura nya.

"Lena!" He groaned. I chuckled, nagsitinginan samin ang mga kaklase namin kaya ngumiti ako ng maliit at umiling.

"Sorry..." I murmured.

Sumulyap ako kay Jer, nakasandal pa rin sya roon habang nakapikit at pinagdidiskitahan ang buhok ko.

"Jer, come on..." I said.

"I'll be alright," He yawned.

"Talaga?" I asked him. "You haven't review anything, it's our quiz today..." I said.

"Law?" He asked and opened his eyes.

I nodded, nagmulat naman sya ng mata at umayos ng upo. I saw him combed his hair with his fingers before fixing his coat, leaning in on my shoulder to took a glance at my book.

"Saan banda ka naguguluhan?" He asked as if he knows my struggle. I pouted, biting my lip and pointed the part where I am confused.

"Let me see," Iniabot ko sa kanya ang libro at ilang segundo pa lang nyang natititigan ang libro ay ipinatong nya iyon pabalik sa lamesa ko at nagsalita.

"Here, Lena, listen..." Aniya at nagsimulang magsalita roon.

I was amazed how he talked to me about the lesson, I remembered our professor teaching this but I coudn't understand but with Jer, parang napakadali!

I nodded at him, gamit ang lapis ay tinuruan nya ako kung paano kabisaduhin ang mga artikulo roon at napansing miski ang iba naming kaklase ay nasa amin na ang atensyon habang namamangha kay Ejercito.

I stronly believe that if he study well, he will reach the top. Tamad nga lang kasi talaga kaya mahirap.

"Nalaman ba ng parents mo 'yung kahapon?" Aniya habang pinapakialaman ang buhok ko. I shook my head, inabutan ko sya ng sandwich na kaagad nyang tinanggap at bigla akong inakbayan.

"Hindi." I answered.

"Buti nalang," He sighed, nang i-ikot nya ang ang kamay sa leeg ko nang pabiro ay siniko ko ang tyan nya kaya tumawa sya sa akin.

"They're just telling me to be a comlaude," I murmured.

"I believe you will," Ani Jer at ngumiti sa akin. He showed a wide smile, his teeth showing. Mukha nga syang aso roon kaya pinalo ko ang noo nya at napasinghap sya.

"Lena, you keep on hurting me!" He sulked.

"Mukha ka kasing aso..." I murmured. Ngumiwi sya at inilingan ako.

"I don't get your eyes, woman. Lahat sila sobrang nakikisigan sa akin pero ikaw--"

"Jer, kaunti nalang! Liliparin na ako sa hangin mo!" Sinuntok ko ang tyan nya. He groaned at that, inirapan ko naman sya at nagmartsa kaya mabilis naman syang sumunod sa akin.

"Grabe, Harriet. Pwede ka maging boxer!" Aniya. Ngumisi lang ako at hindi sya pinansin.

"Tapos ako ang referee, kapag manununtok ka na babalibagin kita kaagad para--"

"Ah, so sadista ka?" Sikmat ko. He smiled cutely at me and shook his head.

"Di po..." Aniya.

"Porket na-perfect mo 'yung quiz kanina..." I said.

"Wow, coming from Miss Abelló na isa lang ang mali." Aniya. I laughed awkwardly at nang naniniwala nanaman syang natutuwa ako sa kanya ay binatukan ko sya at biglang tumakbo habang humahalakhak.

"Leona! You brute!" He groaned. I laughed more, sa pagtakbo ko ay bigla akong napatid at napasigaw nang matumba.

I was expecting a cold, hard ground but to my shock, someone catched me. Sa pagdausdos ko sa lapag ay sya ring pagbagsak ko sa isang katawan.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na napatingin sa lalaki at 'yun nalang ang gulat ko nang makita kung sino ito.

"Ikaw?" I asked.

"Oh, you're that girl!" Aniya. Mabilis akong napabalikwas, napaupo ako sa lapag at mabilis syang umayos ng upo at inabot ako.

"Here let me help you," Aniya at inilahad ang kamay pero hindi ko pa man naaabot ay may humawak na sa baywang ko patayo at mabilis akong napalingon at napakapit kay Ejercito.

"Jer..." I murmured.

"Okay ka lang?" He asked me and scanned my face. "Where did you fell? Nagdugo ba ang sugat mo?"

"N-No..." I shook my head. Nagulat ako nang sumulyap sya sa hita ko at pinagmasdan ang sugat ko kaya umiling ako at hinila sya patayo.

"I'm fine..." I said.

"Hanggang ngayon, clumsy ka pa rin?" Ani nung lalaki. Mabilis akong napabaling sa kanya at ngumiti.

"Uhm, thank you... Akala ko madadapa na ako."

"Be careful, baka sa sunod wala nang sumalo sayo..." Aniya at ngumiti sa akin.

He's the man in the park! That man who helped me with my scratch!

"I'm here, bakit walang sasalo?" Natigilan ako nang magsalita si Jer sa tabi ko.

"Nandito ka nga kanina e, bakit hindi mo nasalo?" He said and smiled.

I stilled, nang maramdamang napupuno na si Ejercito ay mabilis kong hinawakan ang braso nya kaya napatahimik sya.

"Salamat." I cut him off. "Uhm, what's your name again?"

"Lawrence," He answered.

"Uh, thanks, Lawrence." I said and smiled a little. "Ilang beses mo na akong nililigtas..."

"Ayos lang, you're always welcome..." He said.

I took a glance at Ejercito, nang makitang matiim ang tingin nya kay Lawrence ay mas hinawakan ko ang braso nya. No one will like a mad Sandejas, I knew it.

Tho, I am not scared but 'yung ibang tao? Ayokong kung anong isipin nila kay Jer.

"Ano nga palang ginagawa mo rito?" I asked.

"Intern, d'yan lang sa ospital sa katabi. Nandito rin kasi ang Tito ko sa school nyo kaya nandito ako..." Aniya.

My mouth parted, tumango ako kaagad at ngumiti sa pagkamangha.

"That's good! Wow!" I said. "Salamat nga pala..."

"No problem, Leona..." He said and smiled. Bahagya akong nagulat nang malaman nya ang pangalan ko pero bago pa man ako makapagtanong ay kumaway na sya sa amin.

"See you around, Lena! Ingat! Hindi ako palaging nandyan para saluhin ka!" Aniya.

A smile formed on my lips, kumaway ako pabalik sa kanya at nang mawala na sya sa paningin ko ay 'yun nalang ang pagbaling ko kay Jer pero kunot lang ang noo nya at nakaigting ang panga.

His bluish eyes are even dark at nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay kaagad syang nag-iwas ng tingin at humiwalay sa hawak ko.

"Jer?"

"I won't come to class today," Aniya at maliit na ngumiti.

"Huh? Bakit?" I murmured, suddenly worried at him.

"I just..." He sighed and shook his head. "I'm tired, hatid nalang muna kita sa klase na susunod..."

Wala sa sariling tumango, sabay kaming naglakad patungo sa susunod na klase at walang imikin.

Gosh, this is awkward! Para kaming aso't-pusa! Mag-aaway tapos bati nanaman. It's annoying and sad, I wanted to talk to Ejercito more but he was too quiet.

Nang makarating kami sa loob ng classroom ay kaagad akong dumiretso sa dulo ng classroom habang kasunod sya. He held my arm, marahang inalalayan nya ako paupo at nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay inilapag nya ang libro ko at ang bag ko sa lamesa ko bago nagsalita.

"Hindi ka talaga papasok?" I asked him.

"No," Aniya. "Take care, Leona. I will take you home later."

"Huh? I thought you're going home?" I asked.

"Gonna take a nap at the library, you stay here. Ihahatid kita, baka mapahamak ka sa daan..." Aniya at hindi na ako nakapagsalita nang tumalikod sya at lumabas sa loob ng classroom.

Kaagad syang sinalubong ng mga kabatchmate namin pagkalabas, I saw him removing his coat, leaving him on his white longsleeves and necktie, nang makita iyon ng mga babae ay nagtulakan nanaman sila at nakipag-usap sa kaibigan kong malamig lang ang tingin pero may mayabang na ngiti sa labi.

Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso. My heart is suddenlg aching and I hate it! Bakit kapag ibang babae, palagi syang nakangiti?
Tapos kapag sakin, palaging paiba-iba ng mood!

Sumimangot ako at hinila ang buhok ko at nang dumating ang professor ay wala ako sa sarili habang pinaglalaruan ang kwintas ko.

"According to some people and to those things I've heard before, one of the most meaningful gifts is pieces of jewelry; they have a wide range of meanings. A necklace can be a very meaningful gift." I stopped when my professor said that.

Kaagad akong napahawak sa kwintas sa leeg ko at matiim na nakinig.

"A necklace represents a strong connection between two people, and a willingness to strengthen this relationship."

Strong connection?

Oh, our friendship?

"Necklaces can be very straight forward proclamations of love, sometimes being accompanied with a heart shape pendant at the end or another symbol of love, like padlocks, keys, paper planes and such..."

Love?

Bigla akong napakurap at mas lumakas ang pagkabog ng puso ko. I bit my lip and brushed my hair. Bigla akong pinagpapawisan na hindi ko alam kung bakit.

Yeah, yes, Lena. Of course, Ejercito is your friend for almost six years! Of course you love him as a friend...right?

"Uy, ang ganda naman ng necklace mo!" Halos mapatalon ako sa gulat nang tumabi ang kaibigan ko sa akin.

"Cecille?" I said.

"Hay, Lena... Kumusta naman, huh? Mag-isa ka ata ngayon?" Aniya.

"Uh, Ejercito's resting..." I said.

"Oh, saan?" She asked.
"Library..." Sagot ko.

"Oh, why don't you check on him?" Aniya. "Kanina may umaakyat 'dun na mga babae e, malay mo, pinakialam na nila ang Sandejas mo..."

My forehead creased.

"What? Don't tell me they went all the way there just for Ejercito?" My brow shot up.

"Obviously!"

I rolled my eyes, mabilis akong tumalikod at umalis kipkip ang gamit ko at dumiretso paakyat sa library.

I was irritated, paano pala kung nagkukunwari lang si Ejercito at kunwaring magpapahinga? Hindi kaya ay naroon si Brittany para lang guluhin sya?

Damn that Brittany girl! Sa lahat ng umaaligid kay Jer ay sa kanya mainit ang dugo ko! I was once bullied because of her!

Madilim na hallway ang nakita ko pagkarating ko sa floor kung nasaan ang library. Of course, it was dark! Alas-sais y media na ng hapon, ano ka ba naman, Lena?

I shook my head. Medyo natatakot man ay dumiretso ako sa hallway at pumasok sa library. Like usual, it was quiet but kinda scary this time.

Pasara na kasi ito mamayang alas-siete kaya wala nang pumapasok rito. And I swear if Ejercito isn't here at umakyat pa ako rito, humanda sya sa akin!

Pumasok ako, the librarian isn't here kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tuluyang pumasok. The chairs and tables are empty, naglakad pa ako papasok at kaagad na nanliit ang mata ko nang makita si Ejercito na nakasubsob roon sa lamesa habang may babaeng nagtatawanan sa tabi nya.

I groaned, tulog na tulog ang loko samantalang pinagnanasaan na sya ng mga babaeng ito!

"Yes, Brit, Lena is just his friend atsaka hindi naman nya iyon tipo..." Aniya kay Britanny na mukhang tuwang-tuwa naman.

"I know right, she's brainy, yes but she doesn't have the body and the face..." Ani nito.

What? Huh, sinong model sa ating dalawa? Excuse me?

I cleared my throat, sabay-sabay silang napatingin sa akin at nakita ko kung paano tumawa si Brittany roon at napailing.

"So, that girl is here, huh?" Aniya at ngumisi.

My forehead just creased, I wanted to pull his hair but I have class, I won't do that to her.

Hindi ko sila pinansin, I was abour to go to Jer but they pulled my arm kaya napaatras ako at hindi natuloy.

"What?" I asked.

"Where are you going, huh?" Aniya. Her chinky eyes made her look like a chipmunk.

"I'm gonna wake him so we could go home..." I said stiffly.

Sabay-sabay silang napatawa roon at napailing sa akin.

"Yeah, right?" She laughed. "Hindi ka nya ihahatid..."

"Excuse me..." I said and tried going near Ejercito but I was starled when they pushed me.

"Do you even think Jer will like you? I mean look at you, you're not his type!"

"Did I say something like that?" I asked her. "Wala hindi ba? Why are you triggered then, scared I might get him from you kahit wala pa akong ginagawa?" I asked sharply.

"You--" He was about to slap me when a hand stopped her from doing that.

Sabay kaming napatingin at 'yun nalang ang gulat ko nang makita si Ejercito habang kunot ang noo at nakatiim ang bagang na hawak ang pulsuhan nito.

"What are you doing?" He asked sharply.

"J-Jer..." She stuttered.

"What the fuck are you doing? Huh?" He asked darkly. May diin sa boses nya at nakita ko ang galit sa mga mata nya roon.

Nagsiatrasan ang mga kaibigan ni Brittany. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Britt at mabilis akong umiling kay Jer nang sumulyap sya sa akin.

"I'm fine, Jer..." I murmured. Hindi nya ako pinansin at muling bumaling kay Brittany.

"What did you--"

"Ejercito..." I said. "Let her go, I'm fine."

"But I saw her--"

"Please, Jer..." I whispered. "It's alright."

Nang bitawan nya si Brittany ay nagmamadali itong lumabas kasama ang mga kaibigan nya at nang maiwan kaming dalawa ni Jer  ay humugot ako ng hininga at nilapitan sya.

He closed his eyes, calming himself. I was about to comfort him when he pulled me closer to him, slamming me on his chest as he buried his face at the side of neck before claiming my waist.

"Nagtatampo ka ba sakin?" Bulong ko. He nodded slowly.

I heard him heaved a deep sigh and spoke.

"I will always catch you, Leona... You know that, right? Palagi lang may nauuna sakin..." He whispered. "And I hate it, pakiramdam ko palagi akong nahuhuli sa atensyon mo..."

"J-Jer," My throat went dry. My heart started pumping like a drum.

"If you ever fall, pwede bang h'wag na sa iba?"

"We're not talking about Brittany anymore, r-right?" I whispered.

Mas humigpit ang yakap nya. Napasinghap ako nang maramdaman ang labi nya sa pisngi ko bago dumausdos nanaman sa leeg ko.

"Sakin nalang, uunahan ko silang lahat..." Paos nyang bulong.


  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019