Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you..."

Kabanata 5

"What's your answer?" Winston asked me. I stopped walking, saglit akong napaisip roon at mabilis syang nagsalita.

"Yung sa sulat ko..." Alangang sabi nya.

Halos masapo ko ang mukha nang maalala ang ibinigay nya. I never had a chance to even read that letter!

"Uhmm..." Think, Lena! Nakakahiya sa tao! "Alright?" I answered.

I saw how his eyes brighten, mabilis nyang nasuklay ang buhok ang ngumiti.

"Great!" He said gladly.

Napakurap ako roon at nayakap ang libro ko.

"Sa senior ball, huh? Sunduin kita sa bahay nyo! Salamat, Lena!" He said at nang kumaway sya sa akin habang nangingiting tumakbo palayo ay umawang ang labi ko nang maintindihan ang sinabi nya.

"Oh my god..." I whispered.

That letter is referring to the senior ball?!

I shook my head. Oh my God! I'm freaking dead!

Mabilis akong naglakad sa hallway at nginitian ang mga bumabati, nang makita ko si Floyd ay natigil ako nang may i-abot sya sa aking bulaklak.

I blinked and spoke.

"Why?"

"Uhm, I just want to make peace with you for...everything I've said that day." Aniya, tinutukoy noong nasabi nya kay Ejercito.

Napangiti ako, gumaan ang loob ko sa sinabi nya at inabot ang bulaklak na iniaabot nya.

"I didn't mean to say that, you know Lena, ayokong nagagalit ka sa akin." He said shyly, brushing his hair.

He's cute!

I smiled softly and brought the flowers on my nose to smell its sweet fragrance.

"Ayos lang..." I answered. "No problem."

"Thank you," He breathe. "And I just want to ask you something."

"Ano 'yun?" I asked. He looks adorable, his soft features really captivates me. Kaya crush ko 'to e!

"I just want to ask kung may date ka na sa ball?" He asked.

Bigla nanaman akong na-praning. I remembered Winston!

"Uhmm..."

"Please, Lena! I promise i-uuwi rin kita ng gabi tapos susunduin kita sa bahay nyo..." Aniya at nakita kong nag-kantyawan anv mga kaibigan nya sa gilid sa sinabi nya.

Nag-init ang pisngi ko. I did not expect this! I mean, my crush is asking me to be my date!

"A-Ano kasi, Floyd..." Si Winston!

"Please, Lena..." He murmured.

I bit my lip, opening my mouth to speak but a large, heavy arm fell on my shoulder at mas lalo akong kinabahan nang makita si Ejercito na seryoso ang mga mata habang nakatingin kay Floyd.

Halos pantay lang ang tangkad nila but Jer stands out in everything.

I saw how his jaw clenched at nanginig ang kamay ko nang makitang napatingin sya kay Floyd at tumaas ang kilay nya.

"Sorry, Sanchez but I'm her date..." Aniya.

Napapikit ako sa sinabi nya at halos paypayan ang sarili.

Damn you, Leona Harriet!

Napatingin sa akin bigla si Floyd at nakagat ko ang labi ko at marahang tumango para makaligtas.

His mouth parted slightly, disappointment showing his eyes kaya nagsalita ako.

"S-Sorry, Floyd..." I smiled awkwardly.

"Oh, alright..." Ngumiti sya pero alam kong hindi iyon sinsero. "I can still dance with you, right?"

I smiled and slightly nodded.

"Hindi rin--" Bigla kong tinalon si Ejercito at tinakpan ang bibig nya. He groaned like a wild beast, halos mapatungo na sya sa akin para maabot ko sya tinakpan ang bunganga nya na napakaingay!

"Good..." Napangiti sya.

I gasped when Jer pulled my hand to speak.

"Sabi nang hindi--"

Hinila ko ang leeg nya at halos busalan ang bibig nya. He groaned, mas tumingkayad ako para abutin sya at napahawak sya sa baywang ko para di ako mawalan ng balanse.

"Sige, Floyd!" I said.

Naguluhan roon si Floyd. Nagtatakang napatango sya pero ngumiti rin at nagsalita.

"See you, Lena..." Aniya at nang umalis na sya ay napangiwi ako.

"Alam mo, ikaw na lalaki ka..." My eyes widen when I saw how close our faces are. His blue eyes stared at my black ones.

Our nose almost touched! Mas bumilis ang tibok ng puso ko at nag-init ang pisngi ko!

Doon ko lang napansin na nakakapit pala ako sa leeg nya habang tinatakpan ko ang bibig nya.

I saw how his eyes twitched playfully, I can see him almost smirking evilly at napasinghap ako at mabilis syang tinulak pero nahapit nya ang baywang ko kaya bumagsak ako sa dibdib nya.

"Jer!" I screamed.

He laughed, hinampas ko ang balikat nya pero nahuli nya ang kamay ko dinala ito sa balikat nya.

"Masyado ka namang kinilig?" Bulong nya.

"No!" Tinulak ko ang dibdib nya pero hinatak nya akong muli kaya sumubson nanaman ako sa dibdib nya.

"Don't deny it, honey. You're flushing." He chuckled sensually.

Halos panawan ako ng buhay, nagwawala ang sistema ko sa sinabi nya at pinilit mang magseryoso ay halos sumabog na ang puso ko.

"S-Stop calling me names!" Reklamo ko. "Ako naiinis na Sandejas!"

"Hindi na," He shook his head and let me go. "Kidding, hon, hindi ko na aasarin ang date ko..."

Nanlaki ang mata ko. I stared at him sharply and he gave me a smug look, licked his lip and brushed his hair with his fingers.

"Oh, I mean my friend..." He quoted. Tinaasan ko sya ng kilay at humalukipkip.

"Baka kung anong isipin ng mga tao, Ejercito..." I said.

"And so?" Parang walang pakialam nyang sabi at hinawi-hawi pa ang buhok ko.

"Anong so? You're my fri-friend!" I stuttered. "T-Tapos ganyan ka kumilos baka isipin nilang mayroon tayong relasyon--"

"Ay, wala ba?" Tinaasan nya ako ng kilay.

I shook my head. Ngumuso naman sya at iniipit sa likod ng tenga ko ang buhok ko.

"B-Bakit may something ba?" I murmured. His lip twitched, hindi nya ako sinagot at nagulat nalang ako nang hawakan nya ang bag ko at kinuha iyon sa akin.

Mas nauna sya sa aking naglakad. Mabilis naman akong nakasunod habang nag-iinit ang pisngi at medyo kinakabahan.

Damn, Lena. First of all, that Sandejas is just your friend! Second, hindi kayo pwede ang magka-date and third, dapat ay hindi ka kinikilig!

"But I'm your date, right?" Aniya at nilingon ako.

Hindi naman ako nakaimik. Nanatili syang nakatingin sa akin at muling nagsalita.

"I declined girls for you, Lena..." He suddenly whinned.

"About that, Jer..." I said. Hinawakan ko ang braso nya at hinila sya sa may bintana at sumama rin sya.

"Why?" He asked, his forehead creased.

Bahagya syang sumandal doon sa pader habang nakikinig sa akin. I heaved a deep sigh and stared at me.

"So, kanina nakita ko si Winston..." I said.

"Bakit ang dami mong lalaki?" Sumimangot sya. Hinampas ko sya, napangiwi sya sa akin.

"Hindi ko sya lalaki!" I groaned.

"First that asshole at the park, Floyd, Winston--"

"Sshh, listen!" Sikmat ko. "Hindi ko sila lalaki, okay?" I rolled my eyes.

His lip protruded, humalukipkip sya at nagsalita.

"What's with that cigarette guy?" Aniya.

"Huh? Cigarette?"

"Winston..." Aniya. Sumimangot ako, tumaas naman ang sulok ng labi nya at ipinaling ang ulo.

"Last joke mo na 'yan, huh?" I said. Ngumisi sya, umiling naman ako at muling nagsalita.

"So, he gave me a letter last time, right?" Tumango sya at kinagat ang labi nya. "Tapos hindi ko nabasa then kanina bigla nya akong tinanong so nakakahiya dahil hindi ko pa nabasa kaya napa-oo ako 'nung sinabi nyang payag raw ba ako..."

"Saan?" Kumunot ang noo nya. "I am telling you, Lena, kapag may gagawin 'yang lalaki sa'yo, I will fucking--"

"Hindi, makinig ka kasi!" Umigting ang panga nya at sinuklay ang buhok.

"Ganito 'yun, ang laman pala ng sulat ay kung pwede daw ba nya akong maging date sa senior ball..." I said.

"What?!" He said exaggeratedly. Nanlaki ang mata nya at nilingon ako. "You said yes?"

I nodded guiltily.

"We pinky promised, Harriet!" He whinned like a child.

"I know..." I murmured.

"Remember, monday afternoon? Under that Narra tree?" Tinuro nya ang puno sa field. "First year tayo 'nun, sabi mo ako magiging date mo sa senior ball!" He stomped his feet.

"Sorry na..." I pouted.

"You didn't kept your promise, ako nga hindi pumayag sa iba tapos ikaw..." He sighed.

"Uy, sorry na..." I sighed. Hindi naman sya nagsalita roon habang nakasimangot kaya inabot ko ang kamay nya.

"Jer, come on..." I said softly. "Hindi naman kami magtatagal, I mean, he's my date pero hindi ibig sabihin ay sya na ang sasamahan ko."

Hindi pa rin sya umiimik kaya nagsalita akong muli at pilit na binuksan ang palad nya na nakakuyom.

"P-Pwede rin namang maghanap ka ng bagong ka-date... Marami namang babae d'yan..." I said.

"Ayoko. Gusto ko ikaw." He said. I bit my lip and stared at his fingers.

"Sige, ganito nalang. Sya magsusundo sa akin pero ikaw ang maghahatid? How about that?" I said and looked up at halos matigilan ako nang makitang matiim na nakatitig sa akin si Ejercito habang nagsasalita ako.

Nanuyo ang lalamunan ko at kumalabog ang puso ko. Nang masalubong nya ang mata ko ay hindi manlang sya nag-iwas ng tingin sa akin.

"W-What?" I stuttered. Sa biglang pagbukas nya ng kamay nya ay nahuli nya anh palad ko kaya nanlaki ang mata ko at sinubukang hilahin ang kamay ko pero nahigit nya ang palad ko.

I felt like electricity ran through my veins, halos mapatalon ako sa gulat sa naramdaman at nang magkatinginan kami ni Jer ay nagsalita sya.

"You felt it too?" He asked.

I shook my head, nakita ko namang tumaas ang sulok ng labi nya at inabot ang pisngi ko.

"My Lena is a bad liar," He whispered. Halos manlamig ako. Nagpalpitate ang puso ko at napakurap, he caressed my cheek softly, bahagya pa akong napapikit roon at sa muling pagmulat ko ay nakita kong namumungay ang mata nya.

"You didn't keep your promise," He sighed and let go of my cheek, halos hilahin ko naman ang kamay nya pabalik sa pisngi ko pero pinigilan ko ang sarili.

"Sorry na..." Bulong ko.

"Yeah, may magagawa pa ba ako?" Ngumuso sya at ginulo ang buhok nya bago iniayos ang bag kong hawak nya.

He held my wrist, mabilis naman akong napasunod sa kanya at sinabayan sya ng lakad.

"But no kissing other men, okay?" Aniya. Mabilis akong napailing roon.

"Hindi no!"

"I know asshole's move, Harriet..." Aniyang naiirita. "Kadalasan sa ball nila hahalikan ang gusto nila..."

"Paano mo nalaman?" My brows lifted. "Ano, na-try mo na?" I hissed.

Napatawa sya at umiling, hinaklit nya ang baywang ko at bahagyang bumulong.

"Nag-senior ball na ba ako?" Humalakhak sya.

I smacked his stomach and spoke.

"E diba, asshole ka? You know how assholes move, you must be one of them..." Ngiwi ko.

"Let's see then, kapag wala ba akong hinalikan hindi na ako ganun?" Aniya.

"Ewan ko sa'yo, ikaw naman ang nagsabi ng ganyan!"

"Tignan natin, kapag may hahalikan ba ako o ano..." He stared at me maliciously.

Sumimangot ako at hinila ang buhok nya. Napahagalpak sya roon at hinuli ang daliri ko at hinawakan.

"Sige, subukan mo..." Sumimangot ako.

"Susubukan ko talaga," Tumaas ang sulok ng labi nya at sumulyap sa akin. Nabasa ko naman ang labi ko nang wala sa sarili at nagkatinginan kami.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019