Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you..."

Kabanata 25

"You're spacing out again," I lifted my gaze to my friends who was sitting infront of me.

"H-Huh? Ano nga uli ang pinag-uusapan?" I murmured.

"I said...what will you do now?" Cess asked.

"I'm sorry if I was too pre-occupied, medyo marami lang kasing tao sa shop ngayon." I murmured.

"You weren't answering the question, Lena." Floyd commented. "And we're not talking about the shop."

Natahimik ako, I gazed around the cakeshop where we are and I continued biting my lip.

"Hindi ka pa rin nakakatulog ng maayos, ano? Look at your eyes, they look tired and bloodshot." Cess said.

"M-Medyo busy lang kasi, tsaka late na rin nagsasars itong shop."

"How long will you keep on diverting our attention, hmm?" What Floyd said made me stop.

"I...I'm fine." I whispered.

"Come on, stop lying." Cess said. "Just last week and you are crying really hard tapos magkukunwari ka pang ayos ka lang when in fact, you are not."

"I can handle myself just fine, ayaw kong...dumagdag pa ako sa iniisip n'yo." Bulong ko.

"We're your friends, Lena." Floyd said, making me look at him.

"You...helped me a lot about my break up, tho, I haven't really moved on pero marami kang ginawa para kumalma ako. Now, when you're on my situation, hindi kita makalma and I don't want it."

Napasulyap ako sa mga kaibigan ko at sinapo ang ulo at maya-maya pa ay mas nanghina.

"I-I don't know what to do," I whispered.

"Have you ever reached out to him? After that night?"

"No," I shook my head. "I-I've never see him these days."

"This is just my opinion, Lena, but I really do think what you've said is below the belt." Cess said.

"Me too," Ani Floyd. "We are here to give sense to you, for everything."

I nodded and listened to their words.

"Ejercito was hurt," Ani Cess. "I know you are hurt too pero sa ngayon, iba ang sa kanya. We thought he moved on but he didn't, dagdag pang nakita ka n'yang hinalikan ni Augustine."

"I know..." I said. "That's why I was so hurt. Nagsisisi ako kung bakit ko nasabi iyon...I was out of my mind, akala ko talaga ay sila ni Emily at ayokong masira ang relasyon nila dahil sa akin kaya ginawa ko 'yun...I never thought that after all I've done to him, mahal pa rin n'ya ako."

"You know, Lena, men...us, we really don't show people we're hurt pero sobra rin ang sakit. Hindi lang kami nagpapakitang masakit because society expects us to be strong."

I nodded slowly, listening to his point.

"We love you, Lena, but I do think it's you that's wrong that night."

I closed my eyes tightly because I am guilty, I know I am. I am the one to blame this time.

"I should apologize," I said. "It's my fault, I know. Ang sama-sama ng sinabi ko sa kanya. For the second time, I broke his heart again."

"You should," Floyd nodded.

"I think it's time to step up your game," Ani Cess kaya napasulyap ako sa kanya.

"What do you mean?"

"Isang tanong, isang sagot, Lena. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maayos ang mayroon sa inyo ni Ejercito, gugustuhin mo ba?"

"Yes...but I'm ashamed of my--"

"Yes or no, Lena." Cess demanded and I slowly nodded.

"Yes," I breathe.

"If ever Sandejas si willing to take you back, would you consider it?" Floyd asked.

"I-It's impossible, knowing na nasaktan ko--"

"Ang kulit naman ni Leona, yes or no." Cess hissed and I bit my lip and nodded.

"Yes," I murmured again.

"You still love him." Ani Floyd. "Yes or no?"

"Yes." I answered with uncertainty. "You know I didn't stopped loving him."

Nagkatinginan si Cess at Floyd at napatango.

"Then, you should fix this now." Cess whispered. "As your friend, I am rooting for the both of you."

"Talk, Lena. Talk to him." Ani Floyd. "Nothing's better but a good communication."

"Yeah, mag-usap kayo. Apologize, Lena. Alam mo si Ejercito, parang lumang kahoy lang 'yan pagdating sa'yo...marupok."

Baon ko any mga paalala ni Floyd at Cecille habang naroon ako sa shop para tumulong at mag-isip. Umalis na rin ang mga kaibigan ko dahil may pupuntahan raw at mukhang mamamasyal, niyaya ako pero wala ako sa mood at hindi sumama.

Lumabas silang nagtatalo kung saan sila pwede mamasyal at nakangiti ko silang pinagmamasdan palabas.

I was busy the whole morning, helping the crew to serve the customers. It was a lonely day for me pero natigilan nang tumunog ang metal wind chime sa shop at kaagad akong napatayo nang makita ang pamilyar na lalaki papasok.

My heart started pounding, nangilid ang luha ko at kaagad na gustong takbuhin ang pwesto n'ya pero hindi ko nagawa nang may nakasunod sa kanyang babae.

"Attorney, wait." The beautiful lady with angelic face then held his arm and walked with him inside my shop.

Ejercito, wearing a dark blue longsleeve folded up to his elbow, ang tatlong unang butones ng suot ay halatang sinadyang ganoon. He was wearing black slacks and black leather shoes, complimenting his look and...he didn't even glance at me.

"Good morning, Sir!" Bati ng kahera sa pagdating nila.

"Oh, good morning!" The lady said merrily.

"G-Good morning, Ma'am...Sir." I murmured.

The lady smiled, dire-diretso naman si Jer na hindi manlang ako nilingon.

A waiter assisted them to sit near the open balcony, I saw him lifted a chair for the woman before sitting infront of her.

My heart hurt, gustong magwala sa nakikita pero alam kong kasalanan ko ang nangyari.

"Ma'am, mukha pong wala sa mood ang kaibigan mo." Pansin ng cashier ko at tipid akong ngumiti at tumango.

"Uh, baka sa trabaho. S-Seryoso kasi 'yan kapag may trabaho." I whispered.

The lady then raised her hand to order, nakita kong papalapit ang isang waiter kaya tinawag ko ang pansin nito.

"Patrick!" I called, napaharap s'ya sa akin roon.

"Bakit po, Ma'am?" He asked.

"Uh...ako na ang kukuha ng order nila." I said.

"Ah, sige, Ma'am." He nodded, confused.

I took my small notebook and heaved a deep breath before walking towards them with the wild pounding of my heart.

Nang makatayo ako sa gilid nila ay kaagad kong nakita si Ejercito na tahimik na nakasulyap sa bukas na balkonahe at ang babaeng nakasulyap na sa akin ngayon.

"G-Good morning, Ma'am, S-Sir... May I take your order?" I asked.

I saw Ejercito moved a bit but didn't even look at me.

"Hmm, chocolate cake and mango shake for me." The woman said.

I take note of that then slowly glance at Ejercito.

"U-Uh...Sir?" I called.

"Hoy, Jer, tawag ka." Isang sipa sa ilalim ang nakita ko at marahang sumulyap sa akin si Jer.

I almost choked on my voice, tumikhim ako at pinagmasdan s'yang malamig lang ang tingin.

"Black coffee," He said then looked away instantly.

I nodded, with my shaking hand, I wrote it then sighed.

"Y-Yun lang po ba?" I murmured.

He didn't answered, napatawa ang babae kaya sumulyap ako sa kanya at nakangi s'ya sa akin.

"Yes, yun lang. Pagpasensyahan mo na itong kasama ko, huh? He's being moody again, ewan ko ba d'yan at nagsusungit nanaman. S'ya may gustong kumain dito pero kape lang oorderin..." She murmured.

"Fely..." Ejercito warned and she chuckled and rolled her eyes.

"Yun lang, Miss. Salamat."

I nodded, halos manginig ang tuhod ko habang naglalakad roon at nang maabot ang counter ay inabot sa tauhan ang order.

They made it for the two, tahimik akong nakasulyap sa counter at nakatingin sa kanilang dalawa as they engage themselves to a conversation.

I guess it isn't a client meeting, walang kahit anong dala si Jer at mukhang kaswal silang nag-uusap at nagbibiruan.

"Ma'am? Kami na po ba ang maghahatid ng order?"

"Ako na..." Presenta ko.

They nodded, nang inabot sa akin ang tray ay kaagad akong naglakad habang ikinakalma ang sarili.

"You were so stiff last night, Jer!" The lady chuckled.

"Shut up, Fely." Jer smirked at her remark.

"Here's your order po," I said. Slowly I put the girl's order then took a glance at Jer who is now busy looking at his watch, adjusting something.

I put his order infront of him and slowly spoke.

"Uh, enjoy your meal." I said softly.

The woman nodded and smiled sweetly bago bumaling kay Jer.

"Hoy, Attorney, tahimik ka nanaman!" She called his attention again.

Wala na ako sa sarili, nakatulala ako sa counter habang pasimple silang pinagmamasdan.

I have to talk to him...I have to apologize.

I admit I was jealous with the woman he's with but I don't want to assume... Iyon ang mali sa akin, I always assume the worst.

Wala ako sa wisyo, dalawang oras ang nakalagpas at naroon sila at patapos na. Ejercito drinked two cups of coffee and I am worried he'll palpitate pero hindi ko masita.

I panicked when I saw them standing from their seat, naunang lumabas ang babae at sa likuran n'ya si Jer.

The woman went out and when I saw him going out to, naglakas loob akong lumapit sa kanya.

"Jer..." I called.

He stopped pero hindi ako nilingon, akmang lalabas na s'yang muli pero mabilis akong lumapit. I tugged his clothes and he shifted his weight.

"Jer..." I called.

Slowly, he looked at me. I saw how his cold eyes glance at me, his lips on a grim line with his jaw clenching.

"Yes?" He said coldly.

"Uhm..." I cleared my throat. "C-Can we talk?"

He glanced at me confused, with his creasing forehead, he spoke.

"Is it urgent?" He asked.

"Hindi...Hindi naman! Uh, ano lang..."

"Then maybe we can schedule it," He said.

"H-Huh? Hindi ba pwedeng ngayon?" Nahihiyang sabi ko.

"I'm busy," He said cooly and looked away. "I have a client to attend, Miss Abelló. It's better if you just schedule a meeting to my secretary."

Nanuyo ang lalamunan ko, hindi ako kaagad nakaimik nang ilabas n'ya ang wallet n'ya at inabutan ako ng calling card.

"Uh..." I said. "S-Sige."

He nodded, I saw him took a glance at my face then looked away then put his hands on his pocket and walked out.

I am crying the whole night, hindi pa nakatulong dahil pinipilit ako ni Mamá na umattend ng volunteer work gayong wala ako sa wisyo na makihalubilo sa mga tao.

"Anong iniiyak mo d'yan? You should join! Makakatulong ito sa pageant mo!" She said.

I sniffed, nag-aalala na si Papá at inabutan ako ng tissue dahil sa pag-iyak ko.

"Bakit ka umiiyak? This is harmless, Lena!" My Mom said.

"Ayaw kong pumunta..." I sniffed and cried harder.

Akala nila ay ang volunteer work ang iniiyakan ko.

"Let her, sweetheart, mukhang ayaw sumama ni Lena. Hayaan mo na." My father called her attention.

"Pero makakatulong talaga 'to..." My Mom insisted. "Dagdag sa activities sa profile mo, you'll get a better track record, Lena. Simple lang naman ito at kasama mo ang dati mong mga kaklase 'nung college!"

"K-Kaya nga ayoko ko..." I murmured.

"Why? Nag-away ba kayo ni Cecille? Floyd?"

"No..." I murmured.

"Then, why?" She asked.

Umiling lang ako at pinilit kumalma. She sighed and shook her head.

"No, come on, Lena. You better sleep first, baka pagod lang iyan. Sinabi ko na kasi sa'yong magpahinga ka nalang kaysa naroon ka sa shop, marami namang staff roon."

Hindi na ako umimik, magkasama ang magulang ko nang ihatid ako sa kwarto at doon, napuyat nanaman ako sa kakaiyak.

The next morning, napilit nila akong pumunta sa volunteer work ng isang ahensya ng gobyerno. The university where I studied back in college is one of their organizer kaya ang mga guro, estudyante at mga alumni.

We are invited, of course, dadalo si Cess at Floyd at para hindi ako makaligtas ay tinawagan ni Mamá ang mga kaibigan ko at ipinasundo ako. Nakaempake na rin ang susuotin ko kaya wala akong takas.

It was a three-day work, sa unang araw ay magtatanim kami ng libong mga puno sa gubat, sa ikalawa ay mga palaro at sa pangatlo ay free time namin.

We rode a bus towards the location, sa kalapit lang naman na probinsya ito at tatlong oras lang ang byahe but I feel so off and not in mood.

Kanina pa halos magsapakan si Floyd at Cess sa tabi ko pero hindi ako nahihikayat na sumali.

"Cecille! H'wag kang malikot, nagising si Lena!" Floyd hissed at her.

"Hindi 'yan!" She exclaimed. "Ikaw ang h'wag malikot, sabi nang h'wag mong guluhin ang buhok ko!"

"I was just checking at maraming garapata--"

"Hindi ako aso!" Naghampasan pa ang dalawa sa tabi ko at hindi ko sila sinita roon.

"You're so noisy," Floyd hissed.

"Noisy ka d'yan, ikaw nga ang maingay!" Ang bibig ni Cecille ay nangibabaw at nang magsita na ang ibang kasama sa bus ay nanahimik ang dalawa at nagsikuhan.

"Ingay mo kasi..." Sisi ni Cess.

"What? Ikaw nga ang maingay!" Floyd hissed.

"Ikaw!" Cess exclaimed.

"Just kiss already," I murmured, stopping the both of them.

Nakaawang ang labi nila habang nakatingin sa akin, mukhang naeeskandalo. Natawa naman ako sa itsura nilang dalawa, ngumuso ako at ngumisi.

"Bagay kayo," I commented.

"No way!" Halos magkapanabay nilang sita sa akin at napasinghap ako nang kurutin ako ni Cecille.

Pagkababa namin ay malungkot na ako, binati ako ng mga guro at ibang colleague pero tanging tango lang ang sagot ko.

"Cheer up, may mga araw pa..." Cess whispered.

"I...just wanna talk to him." I murmured.

Nagsasalita ang organizer ng event sa harapan at tahimik lang akong nakikinig nang humahangos na lumapit sa amin si Floyd.

I was confused when he was behind me, pumagitna s'ya sa amin ni Cess habang nakaakbay sa aming dalawa.

"What? Ang bigat ng braso mo, Floyd!" Cess hissed.

"Why?" I asked and stared at him.

"I have news for you," He said as if it was something urgent.

"Huh? What?" I asked.

Nakita kong sumulyap kung saan si Floyd bago mahina ang boses na nagsalita.

"Nandito si Sandejas!" He murmured.

My eyes widen, bahagyang napatili si Cess kaya tinakpan ni Floyd ang bibig nito.

My heart pounded like crazy, marahas akong napalunok at napasulyap sa isang banda at nagitla nang matantong tama ang sinabi n'ya.

Ejercito was there, mukhang kararating lang, he was wearing a plain white shirt and maong pants, malamig na nakasulyap kung saan.

I saw the faculty noticed him and greeted, napalunok naman ako nang makita kong ngumiti s'ya roon.

I was about to say something when I noticed Emily coming from nowhere wearing a knee length floral dress and hat.

"The hell? Magtatanim tayo, bakit ganyan ang suot n'ya?" Cess laughed.

"Baka may sun bathing sa sapa," Puna pa ni Floyd at nagtawanan silang dalawa habang ako'y nakatitig lang nang tumabi ito kay Jer.

Hindi mawala ang tingin ko kay Jer habang nag-uumpisa ang event, after the orientation, the real work has started.

I instantly saw Brittany and her friends wearing their skirts and dresses, like Emily. Napansin ko pa ang pagtili nila nang may lumabas na bulate sa lupa kaya natawa ako.

I glance at Ejercito who's effortlessly lifting a sack of seeds and soil, sa tabi n'ya ay si Emily na nakapamaywang at nagpapaypay.

I looked at the outfit I am wearing and noticed how ugly I am today. I am only wearing a black shirt and maong shorts, nakarunning shoes lang rin ako at nakaponytail.

I sighed, hindi ko alam kung paano makakakuha ng pagkakataon para makausap si Ejercito.

We got busy planting trees, kausap ko ang mga kaibigan ko roon na hindi ko alam kung anong pinagpupustahan para maaliw but time to time, I keep on glancing at Jer's place.

I caught him looking one time but I never saw him take a look again.

Lunch came but I wasn't hungry, nagtawag na para sa tanghalian pero ayaw ko pa kumain dahil sa busog pa ako.

Floyd and Cess left when I told them I am good and not hungry. Sinabihan nilang sumunod ako at um-oo lang ako kahit hindi.

I saw the volunteers leaving the area to eat, mainit na pero wala akong gana kumain. I simply looked at the plants I planted then glance around me, I froze when I saw Ejercito sitting in the trunk of a tree, drinking water, pawisan s'ya roon at sinuklay ang kanyang buhok.

I was looking at him when he suddenly shifted his gaze, nagkatinginan kaming dalawa at sa hiya ko ay nag-iwas lang ako ng tingin at nagpatuloy sa pagbungkal ng lupa.

Minutes passed and I started feeling dizzy, hindi man ako gutom ay siguro dahil sa init.

I sighed, kinuha ko ang tubig para uminom.

"Lena!" Let's eat!" Cecille exclaimed.

"I-I'm good!" I screamed.

I smiled at my friends then slowly looked back to where I am working.

Nagbungkal akong muli ng lupa at kumuha ng itatanim sa plastic na paso. I can feel my body become weak pero umiling lang ako at bahagyang sumandal sa puno.

"You should eat," Napatalon ako sa pwesto ko at halos mapaupo sa lupa nang marinig ang boses.

Nag-angat ako ng tingin at nagulat nang makita si Ejercito na nakatayo sa harapan ko.

He was serious, his forehead creased.

"Ayos lang ako..." I murmured.

I saw his jaw clenched with my answer.

"Tss," He sighed heavily. "Go there and eat, I warned you about skipping meals."

"Ayos lang talaga ako," I convinced him, tumayo pa ako para ipakita sanang ayos lang ako pero kaagad akong nawalan ng balanse sa pagkahilo.

He quickly catched my arm, napapikit ako sa katangahan ko at pilit na umayos ng tayo pero nakahawak pa rin s'ya sa braso ko.

"Damn it!" He cursed.

Mariing naipikit ko ang mata at bumuntong-hininga.

"Sorry, uh, pero maayos ako." I said.

"Dadalhin kita roon," He said sharply.

I opened my eyes and looked at him, I saw how annoyed he is while looking at me, tila galit sa ginagawa ko.

"Ayos lang," Bulong ko at nag-iwas ng tingin.

"No," He said and I gasped when he suddenly carried me. Gulat akong napahawak sa leeg n'ya sa gulat at parang walang pakialam lang na binuhat n'ya ako sa ere at naglakad palapit sa mga tao.

Sa sobrang hiya ko sa nangyari at sa narinig na bulungan ay napalunok ako ng marahas at itinago ang mukha sa kanyang dibdib.

I heard the fast pace of his heart.

"Anong nangyari?! Lena?!" Cecille's panicking voice filled the place.

"Water," I heard Jer said.

"Anong nangyari, Ejercito?"

"Is there a medic? She's dizzy." I heard him say.

Marahang ibinaba n'ya ako sa isang upuang rattan na may sandalan at tumabi, I saw the panicking Floyd with a glass of water, si Cecille ay kaagad akong tinakbo at pinaypayan.

I saw commotion around me, sa sobrang hiya ko ay napasulyap kay Ejercito na inabot ang tubig mula kay Floyd at ipinainom sa akin.

"Drink," He whispered.

"What happened?" Mabilis na naupo si Cecille sa tabi ko.

"I'm okay..." I murmured.

Nawala ang sasabihin ko nang may dumating na medic at tinignan ang sitwasyon ko. They checked my temperature and blood pressure, kita ko naman ang naguguluhang tao sa paligid dahil sa akin.

"How is she?" Jer's voice asked carefully, nakita kong nakatitig s'ya sa akin at mukhang nag-aalala.

"She's good, nahilo lang sa init." Sagot ng personnel.

"See? Ayos lang ako." I said weakly.

Kinunutan lang ako ng noo ni Jer sa init, he almost scold me but then looked away and stood.

Napanguso ako nang alisan n'ya ako at kinausap ang mga kaibigang nag-aalala at ang faculty.

"Mamaya n'yo na s'ya kausapin, she needs rest." Ejercito said, nagsialisan ang iba, nanatili s'yang nakaupo sa tabi ko at nang sulyapan ko s'ya ay may hawak na s'yang pinggan ng pagkain.

"Here, eat..." He whispered.

"T-Thanks," I murmured.

Inabot ko ang pagkain at bahagya pang nanginig ang kamay kaya nagulat nang masalo iyon ni Jer.

"Ako na," Aniya at kinuha sa akin ang plato.

Cecille and Floyd exchanged awkward coughs. Sinamaan ko sila ng tingin pero sumipol lang si Floyd at umayos ng tayo.

"Sandejas, ikaw na bahala kay Lena." Ani Floyd.

Jer looked at him coldly, his jaw clenched a bit.

"Galingan mo, huh, Jer?" Biglang ngisi ni Cecille at para pang uod na inasinan. "H'wag kang weak, mahal ang ipinusta ko sa'yo!"

My forehead creased, kita kong nagsikuhan pa silang dalawa bago pasimpleng pumuslit paalis.

Nagkatinginan kami ni Jer, I noticed how cold he looked right now kaya inilahad ko ang kamay ko.

"Ako na," I said.

He scoffed again at me, irritated.

"Open your mouth," He said and awkwardly I did, sinubuan n'ya ako ng pagkain at hiyang-hiya ako sa kanya.

"Jer...I'm dizzy!" Nawala ang atensyon ko sa kinakain nang lumitaw si Emily na nakahawak sa sentido n'ya at nasa harapan namin.

I looked at her and notice her wincing but she seems odd.

"Tom," I heard Jer called someone near us.

"Bakit, Jer?" Lumitaw ang isang pamilyar na lalaki kung saan.

"Pakisamahan si Emily sa medic, nahihilo." He said timidly.

Emily froze, miski ako ay natigilan roon at halos marinig ko ang reklamo ni Emily habang inaalalayan ni Tom paalis.

Sumulyap ako kay Jer at kinagat ang labi ko.

"Jer," I called. Nag-angat sya ng tingin sa akin. "I'm sorry."

I saw his eyes twinkled a bit then cleared his throat.

"Hmm," He only hummed.

Pagkatapos ng awkward na pangyayaring iyon ay hindi na kami muling nag-usap.

Hindi na akong muling nakabalik sa pagtatanim sa payo na rin ng medic, so, I helped in other ways. Tumulong ako sa pag-asikaso ng meryenda at hapunan sa volunteers.

Ejercito worked again after making sure I will get to rest, hinatid pa n'ya ako sa tent para saglit akong makatulog at mabawi ang lakas.

Kinagabihan ay pansin ko ang sekretong usapan ni Floyd at Cecille. Nagtataka ako roon dahil bawat lapit ko ay tatahimik ang dalawa.

Naningkit ang mata ko roon, pinagmasdan ang paligid at napansing nawawala si Jer.

Nasaan na iyon? We have to talk!

"Lena, sumama ka sa akin!" Biglang lumitaw si Cecille kung saan kaya nagulat ako at napahawak sa dibdib ko.

"Huh?" I asked.

"Urgent!" She exclaimed.

"B-Bakit?" Kinabahan ako. "Si Floyd ba? Nasaan?"

"Si Ejercito!" She said. Natigilan ako, mas dumoble ang kaba ko at umawang ang labi.

"Huh? Nasaan?!" I panicked and looked around.

"He needs us!" She said.

"Anong nangyari?!" Inilibot ko ang tingin at napansing walang bago sa paligid.

"Basta! Tara!" She exclaimed.

Nagpaubaya na ako nang hilahin n'ya ako, inililibot ko ang tingin pero abot-abot na ang kaba ko para kay Ejercito.

"A-Anong nangyari, Cess? N-Nasaktan ba?"

"Basta! Bilisan natin!" We almost run towards the farthest cottage, nagtataka ako dahil mas madilim na roon at walang tao.

"Si Ejercito, Cess?" Kinabahan ako. "Bakit s'ya nandito?"

Hindi n'ya ako sinagot at hinila lang para mas bumilis ako.

Hinihingal ako nang makarating kung saan at napansing nasa tapat kami ng isang luma pero konkretong cottage.

"Cess...what's happening? Nasaan si Jer?"

"Nandito sa loob!" She exclaimed.

Mabilis n'yang binuksan ang pintuan roon kaya nagtaka ako.

"Ano namang gagawin ni Ejercito--"

"Bilis na! Bago pa s'ya mawalan ng buhay!" She exclaimed.

"Huh?!" I gasped.

Hindi n'ya ako sinagot at nang buksan ang pintuan ay basta nalang n'ya akong tinulak papasok.

I screamed in shock, mabilis na tinakbo ang pintuan at sinubukang buksan pero hindi ko nagawa.

"Cecille!" I screamed. "What the hell!"

"Sorry, Lena!" She exclaimed back. "Enjoy!"

"Cecille!" Sigaw ko at kinalampag ang pintuan hanggang sa wala nang sumagot.

I started getting scared but got distracted when I heard a moan. Napaayos ako ng tayo at napakurap.

"S-Sino 'yan?!" Sigaw ko at naglakad sa madilim na kwarto.

I gasped when I heard another moan, tila nahihirapan. Kumalabog ang puso ko roon.

Is it a ghost?

I swear, Cecille! Kapag nakalabas ako rito ay yari ka sa akin!

"M-May tao ba?" I murmured.

May nakita akong maliit na ilaw sa siwang kaya medyo nagkalakas ako ng loob.

I took a step forward, muli akong nakarinig ng ungol at ang tunog ng maingay na galaw ng upuan kaya natigil ako.

I sighed heavily, naglakas ng loob at mabilis na sumilip sa ingay at 'yun nalang ang pag-awang ng labi ko nang makita kung sino ang naroon.

It was Ejercito, nakatali sa upuan at may busal ang bibig!



  • (3 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019