Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you..."

Kabanata 19


My mouth parted, nakita ko ang seryosong tingin n'ya at kahit nagwawala ang puso at nagdadalawang-isip ay dinala ng puso ko ang kamay ko papunta sa kanya.

He gripped on my hand and slowly pulled me closer. Nang magdikit kaming dalawa ay marahang ipinatong n'ya ang kamay ko sa kanyang balikat.

I felt his hand on my waist, halos mapaso ako sa dalang init ng kamay n'ya.

Nangilid ang luha ko kaya pasimple akong tumungo at marahang sinabayan s'ya sa paggalaw.

"Paano kapag wala kang nakitang gusto mong maging asawa pag matanda ka na?" Out of nowhere, Ejercito asked while we're in the middle of the soccerfield.

"Anong klaseng tanong 'yan?" Natawa ako at ibinaba ang tingin sa kanya.

He was resting, ginagawang unan ang hita ko.

"Seryosong tanong, Harriet." He opened his eyes and stared at me.

I was quiet but deep inside, my heart is pounding with his smouldering blue eyes...I saw how the blue skies reflected on it.

"Bakit? Para saan?" I asked and brushed his hair.

"Para sa research," He said and I rolled my eyes and flicked his forehead. He groaned, napahawak sa noo n'ya at sinimangutan ako.

"Harriet!" He whinned.

"Lena nga kasi," I snorted. Sinuklay ko ang buhok n'ya gamit ang daliri ko at napailing.

"Alam mo, Sandejas, magsuklay ka ng maayos. Baka mamaya may garapata na 'to!"

Napangiwi s'ya sa sinabi ko at inabot ang pisngi ko at kinurot.

"Excuse me, hon, but my hair smells good!" Aniya at tinampal ko ang kamay n'ya.

"Stop calling me by your endearments, I'm not one of your girls." Reklamo ko.

"Who said you're like them?" His forehead creased.

"Wala," I murmured.

"Wala naman pala, you'll never be like them. You're an exemption for everything, Harriet."

"Paanong exemption?" I asked, confused.

"Basta, sagutin mo muna 'yung tanong ko." Aniya.

Napaisip naman ako roon, nang may inilapit sa bibig ko si Jer ay napatingin ako sa kanya.

"Open your mouth," Aniya. Tumalima ako at kinain ang chips na ibinigay n'ya at ngumuya habang nag-iisip.

"Hmm, baka maghanap nalang ako ng kaya kong pakisamahan? O kaya ako nalang mag-isa. Kaya ko naman siguro." I said and I noticed him staring at me.

"Kapag wala ka pang nagustuhan bago ka tumanda..." Panimula n'ya kaya napasulyap ako sa kanya.

"Anong gagawin mo?" I asked.

"Papakasalan kita," He said and winked at tinampal ko ang noo n'ya sa gulat.

Sa kabila ng marahang tunog at maraming tao ay mas nanginginabaw ang malakas na kabog ng puso ko. I slowly rested my head on his chest and felt the loud thud in it.

I love you, Sandejas.

I whispered in my mind.

Whatever happens, kahit alam kong hindi ka para sa akin, ikaw pa rin ang may-ari ng puso ko. Even if we weren't destined for each other, you will always be my home.

Sana maging masaya ka sa buhay na mayroon ka ngayon, you reached your dreams, hon. You have a great life, you have a beautiful girlfriend.

Masaya ako. Sobra, dahil nakamit n'ya ang pangarap namin para sa kanya pero hindi mawala ang hapdi sa puso kong hindi na ako ang nagmamay-ari ng puso n'ya.

Sumagi sa utak ko ang mga pangakong sinabi namin sa isa't-isa, ang mga pangakong hindi kami maghihiwalay.

Ang pangakong pinakawalan ko na parang isang saranggola lang at hinayaang sumabay sa ihip ng hangin palayo sa akin.

My hand started shaking in pain and regrets pero pinilit kong kumalma at mas kumapit sa kanyang balikat.

I felt him stopped for awhile, hindi naman ako umimik at pinigilan ang paglandas ng luha sa mga mata ko pero nang maramdaman ko ang pag-abot ng kamay n'ya sa kamay ko ay nawala na ako sa sarili.

He reached for my hand, bahagyang lumayo ako at napasulyap sa kanya at nakita ko kung paano bumaba ang tingin n'ya sa nanginginig kong kamay.

"You're shaking," He whispered.

Sa takot ko ay inagaw ko ang kamay ko mula sa kanya at bahagyang napaatras.

"P-Pasensya na, medyo napagod lang ako." I lied and looked away.

I heard him sighed, nagulat ako nang hawakan n'ya ang baywang ko at marahang inalalayan palayo sa mga tao.

"I...I can walk alone." I said, panicking and looked at him.

"No," He said, I saw his forehead creased, his jaw clenched a bit and walked with me.

Nang makalabas kami sa mga tao sa gitna at makabalik sa upuan ko ay naghaharumentado ang puso ko.

I saw a waiter near me holding a tray of wine kaya inabot ko iyon pero hindi ko na nagawang inumin nang maramdaman ang kamay ni Ejercito sa wine glass na hawak ko.

Nagkatinginan kami, I saw how his jaw clenched again and spoke.

"That's bad for you," He said.

Napalunok ako at kumuyom ang kamay.

"Kaya ko," I said. "Tsaka ngayon lang ako iinom."

"You've been drinking a few glasses of this since earlier," Pansin n'ya kaya natigilan ako roon at nanlaki ang mata.

"This is gonna be your third glass so I won't let you." He said at wala na akong nagawa at mabilis na binitawan ang wine glass.

I saw relief on his eyes when I let go of the glass, nang umupo ako ay nakita kong inabot n'ya ang tubig mula sa panibagong waiter na dumaan at iniabot sa akin.

"Here, drink this." He said.

"T-Thanks," Tinanggap ko ang tubig at uminom, nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong kunot ang noo n'ya habang pinagmamasdan lang ako.

"Are you even eating right?" He asked and I almost choked.

I saw him panicked a bit and took the glass from me before sitting.

"You okay?" He asked.

Napaubo ako at tumango bago s'ya binigyan ng alanganing ngiti.

"O-Oo, salamat."

He nodded, tumingin sa paligid at pasimple ko s'yang tinitigan at napansin lahat ng bago sa kanya.

He still looks a lot like my Sandejas years ago, smouldering blue eyes, aristocrat nose, thin red lips and sharp jaw but it just got a lot more sharper and matured.

His stance is manly before but now, he holds that kind of authority that my kness could even start wobbling.

He has a clean cut hair and the suit he is wearing fitted his body just as those models from photoshoots I've been...just that he looks better, well, great actually.

I bit my lip, napahawak ako sa dibdib ko at sumulyap kay Ejercito na nahuli kong nakatingin sa akin, nang makita ako ay tumikhim s'ya at nag-iwas.

I wanted to touch him, badly.

Pero hindi naman ako pwede sa kanya.

"I've been looking for you, Jer! Nandyan ka pala!" Nawala ang pansin ko kay Ejercito nang makita si Emily na lumapit sa amin.

I saw how her eyes narrowed at me, her forehead creased. Kita ko ang pagtalim ng mata nito pero kaagad na ngumiti nang bumaling rito si Jer.

"What?" Jer asked.

"Hinahanap kita kanina pa, bigla ka nalang nawawala." Ani nito.

I felt my heart constricted at that, tumayo si Jer nang napatayo ako sa upuan ko.

"Oh, si Lena pala 'to!" Emily looked shock when she saw me, napatakip pa s'ya sa bibig n'ya at napasinghap.

"Emily," I called and nodded.

"Ikaw pala 'yan," She chuckled, nakita ko ang pagkapit n'ya sa braso ni Ejercito kaya napalunok ako.

I lifted my head to see his reaction when a grip on my waist stopped me, napalingon ako sa tabi ko at nakita si Floyd na nakangiti sa akin.

"You okay, sweetheart?" I almost jumped when Floyd kissed my cheek, narinig ko ang igik ni Cecille na nakita iyon habang papalapit.

Damn you, Floyd! Shit.

Gulat akong napatingin kay Ejercito. His eyes are now almost black and cold, kita ko ang pagtikom ng bibig n'ya at ang pagtanggal ng kamay ni Emily sa braso n'ya.

"I have to go, Emily. I have a client to meet tonight, I texted your driver to fetch you." He said.

I saw how Emily's mouth parted.

"Hindi mo ako ihahatid?" She asked, annoyed.

"You want to come here so I let you, I have a meeting to attend so I can't do it." Ani nito.

Emily sighed then nodded.

"Okay, babawi ka sa akin!" Emily demanded and I saw Jer just stared at her and nodded.

I smiled bitterly.

Hindi mo pa rin s'ya matiis, Jer. Mahal na mahal mo siguro.

"I-uuwi na kita, are you tired?" Biglang tanong ni Floyd kaya napasulyap ako sa kanya at ngumiti.

"Yes, thank you, Floyd. Papaalam lang muna ako." I said.

He nodded and smiled, nakita kong nakangisi roon si Cecille sa isang gilid at nang sumulyap ako kay Ejercito ay malamig lang itong nakatingin sa akin.

My heart jumped rapidly, tumikhim ako at pilit na ngumiti kay Ejercito.

"Nice...seeing you again, Jer." I smiled while saying that. "Bye,"

He nodded, his jaw clenched a bit and his eyes darken, kita ko ang pagtapon n'ya ng tingin kay Floyd bago tumingin sa akin.

"Goodbye, Miss Abellò." He said coldly.

My heart felt like it was torn into pieces, I saw how Emily smirked when Jer walked away, hinabol pa n'ya ito at pilit na kumapit sa braso.

"That fucktard!" Floyd hissed beside me but I manage to laugh and stare at him.

"I wish I called him Mr. Sandejas." I joked but he just sighed at me and flicked my forehead.

"Alam mo, sa susunod na pageant mo anong award mo? Best liar of the year." Floyd commented.

"Oh, Leona, ito na ang korona!" Biglang entrada ni Cecille at may ipinatong kuno sa ulo ko kaya natawa nalang ako at hindi pinansin ang sinabi nila.

I woke up the next day feeling tired, hindi pa sana ako tatayo kung hindi pa ako bulabugin ni Mommy.

"Waking up like this isn't healthy, Leona!" My Mom said when I opened my eyes.

I yawned, marahang umupo sa kama at sumulyap sa kanya na ngayon ay nakatingin sa akin.

"Sorry, Mamá." I murmured.

"Okay, take a bath, breakfast is ready." Aniya at tumango ako bago ngumiti.

I sighed when she left.

Paanong hindi ako magigising ng maaga kung halos wala naman akong tulog? I reached home near midnight and slept when it's almost three in the morning.

I just coudn't sleep...

I sighed, naglakad ako patungo sa banyo at naligo. Bumaba ako sa kusina pagkatapos at kaagad na naabutan ang parents kong kumakain na roon.

Nakaupo sa kabisera si Papá, habang si Mamá ay sumisimsim ng tea.

"Lena, sit." She pointed my seat.

I nodded, nagtungo ako roon pagkatapos humalik sa kanila at kumuha ng pagkain.

"Ma, can I go to our cakeshop today?" I asked and I saw her forehead creased at that.

"Don't eat too much sweets, Lena. May photoshoot ka next week." Sita n'ya sa akin.

"Just let your daughter eat whatever she likes," Biglang sabat ni Dad na ibinaba ang newspaper. My smile widened at that, nakita kong napailing si Mamá at napahinga.

"Okay...you can, just for today." Aniya. "Tsaka, okay, I'll allow you to look after our shop for now habang wala ka pang ginagawa."

"Thank you, Mom!" I smiled widely.

"But hija, walang sasakyang makakapaghatid sa'yo." Ani Dad. "Pinapalitan pa ang gulong at baka mamayang hapon pa."

"I can commute," I said.

"Sigurado ka?" Ani Mamá at tinaasan ako ng kilay.

"Yes, kaya ko naman." I chuckled.

"Natatakot ako at makilala ka r'yan sa daan!"

"Hindi naman ako sikat," Tawa ko pa.

"Anong hindi?" She raised her brow. "The magazines, billboards and television has faces of you all over! Impossibleng hindi ka makilala."

"I doubt naman na may gagawin sila." I said.

She just looked at me then sighed, shaking her head.

"Sige, mag-ingat ka."

I was smiling when I got to go out of the house. This is my goal for today, to move on and forget everything! Last night was the last time I'm gonna see him so dapat ay masanay na ako.

I have to he distracted! Kaya mamamalagi muna ako sa cakeshop at maglilibang. Tapos siguro ay tatanggap ako ng maraming modelling ramp? And pageants?

Today is Ejercito-free day!

Masaya ang ngiti ko sa pagiging positive ngayong araw pero habang tumatagal ako sa abangan ng sasakyan at walang dumaraan ay naumpisa na akong mairita.

So, wala akong karapatan maging masaya?

Seryoso ang tingin ko sa daan nang may bumusina na nagpatalon sa akin, I shifted my gaze to a black car and my heart ranaway from my body when I saw who it was.

Ejercito put his sunglasses from his eyes to his head and looked at up. The roof of his BMW E30 Cabriolet is open.

"O-Oh, morning." Hilaw kong bati.

"Need a ride?" I saw him stare at me briefly and went out of the car.

Nagwala ang puso ko, he was wearing a simple white shirt, brown pants and boots yet my heart is pounding wildly!

"Uh, hindi ano...okay lang!" I exclaimed. "Nag-aantay lang akong taxi kasi pupunta akong bakeshop."

He nodded, I saw him licked his lower lip and took a glance at me again.

"Ihahatid kita," Aniya.

My eyes widen kaya dali-dali akong umiling roon.

"No! Baka maiba ka pa ng daan!"

"Which way is it?" Tumingin s'ya sa paligid.

Itinuro ko ang kaliwang parte ng daan at sumulyap.

"Papunta dun," Sinundan n'ya iyon ng tingin at napatango sa akin.

"Doon ang daan ko," Parang wala lang na sabi n'ya.

Oh, shit! Damn, Leona! Think!

"Uh," I cleared my throat.

"Come on, ihahatid kita." Aniya nang hindi ako umimik.

"Hindi na," Iling ko.

"I insist, walang sasakyan ngayon dahil may aksidente sa may unahan. Madadaan ko rin naman doon kaya--"

"No! Ayoko nga!" I exclaimed.

I saw him stopped.

Napasinghap ako nang matantong parang masama ang pagkakasabi ko roon.

I noticed pain on his eyes, kita kong napaiwas s'ya ng tingin at umigting ang panga pero tumango rin sa akin.

"Sorry," He murmured. "Sige, mauuna na ako."

Kaagad akong kinain ng konsensya nang talikuran n'ya ako at padiretso na sa kanyang sasakyan.

Damn it, Leona! You're such a bitch!

"S-Sasabay na pala ako!" I exclaimed, stopping him.

Nang hindi s'ya lumingon ay nagmartsa ako patungo sa sasakyan n'ya at mabilis na binuksan at naupo sa passenger seat.

He remained staring at me and blinked.

"Hindi naman kita pinipilit," He told me, confused. "Kung ayaw mo sumabay sa akin, ayos lang. I understand that you never wanted to see me again--"

"Sakay na o ako ang magmamaneho nitong sasakyan mo?" I stopped him.

He didn't move and just stared at me like a lost puppy kaya napabuntong-hininga ako at napapikit.

"I'm sorry," I said. "I didn't mean to raise my voice like that."

He gulped, closed his eyes and nodded. Binuksan n'ya ang sasakyan at pumasok sa loob at nagkatinginan kaming dalawa nang lumingon s'ya.

He moved closer at pati ang kaluluwa ko ay muntik na akong iwan roon.

"Seatbelt," He whispered.

My eyes widen, nagmamadaling inabot ang seatbelt pero sa sobrang panic ay hindi ko na maipasok ng maayos sa lock.

"P-Paano ba 'to..." I whispered nervously.

I felt his hand on mine, halos maihagis ko na ang sarili ko palabas ng kotse roon!

"Let me," Aniya at inabot mula sa akin ang lock.

"O-Okay." I murmured. Nang ma-lock n'ya ang seatbelt at ayusin n'ya rin ang kanya ay napapaypay ako sa sarili ko at napailing.

"Bakit parang ang init naman sa sasakyan mo?" Reklamo ko roon.

"It is?" Takang tanong n'ya habang minamanipula ang sasakyan.

"Yes, it's so hot." Paypay ko sa sarili ko.

"Hmm," He made a left turn and stared at me. "Sorry, Harriet, my fault."

My mouth parted, nang tumaas ang sulok ng labi n'ya sa joke n'ya ay hinampas ko ang balikat n'ya.

He laughed, napailing ako roon at natawa rin pero nang matanto ang ginagawa naming dalawa ay sabay kaming tumikhim ay nag-iwas ng tingin.

Longest ten minute drive ever!

Wala kaming imik na dalawa habang nasa byahe pagkatapos ng awkward na pangyayaring iyon!

Damn it, Abelló! Damn it, Sandejas! Bakit ang komportable n'yo pa ring mag-asaran?!

I scolded myself silently until I saw our cakeshop.

"Yan! Yan na!" I said.

Jer nodded, ipinarada ang sasakyan sa gilid ng shop namin. Nang akmang lalabas s'ya at pagbubuksan ata ako ay mabilis akong lumabas para unahan s'ya.

He didn't say anything, lumabas nalang s'ya sa sasakyan at pinagmasdan ako.

"Uh...thanks!" I said and smiled awkwardly.

He cocked his head and nodded.

"Anong oras uwi mo?" He asked.

Kumalabog ang lintek kong puso.

"H-Huh? Bakit?" I asked.

He just shrugged and didn't answered me.

"Uh...nine or ten, maybe?" I said. "Wala naman kasi akong gagawin kaya dito lang ako hanggang mamaya."

"Hmm..." He said.

"Uh, ano, sige." Paalam ko at nang tumango s'ya ay nagmamadali na akong tumakbo sa loob ng cakeshop.

Binati ako ng guard at crew pagpasok pero hindi ko pa sila nabigyan ng pansin dahil dumungaw ako sa bintana para silipin si Ejercito na ngayon ay nakasakay na ulit sa sasakyan.

He started the car and I was confused when he maneuvered it and made a turn back to where we came from!

Akala ko ba on the way ang cakeshop sa pupuntahan n'ya?

Tumulong ako sa crew sa pag-asikaso sa shop, it was a simple pastry shop. We offer drinks, cakes, pastries, muffins, brownies and such.

Marami ring mga customer dahil lumalaki na rin ito at mas dumadami ang mga available sa menu.

Naging busy kami hanggang tanghali sa dami ng costumer and I was occupied that time sa sobrang busy.

Nang bandang ala-una na ay kumalma ang mga costumer kaya nagkaoras kaming tumambay muna sa counter at magkwentuhan.

"Ngayon lang kayo napapunta rito, Ma'am Lena?" Ani ng cashier namin.

"Medyo na-busy kasi." I chuckled. "Pero ngayon, dito muna ako maglalagi kasi wala namang ginagawa sa bahay."

"Mabuti, Ma'am, at naisipan n'yo kami bisitahin dito. Napanuod nga po namin ang pageant mo nitong nakaraan. Ang galing ng sagot mo!" Papuri sa akin ni Ben, ang isa sa waiter namin kaya ngumisi ako.

"Tsamba lang," I chuckled. "Salamat,"

The bell from the entrance of the cakeshop made a sound, hindi ko iyon pinansin at nakipagkwentuhan ulit.

"E, anong next n'yo, Ma'am?" Ani nito.

"Hmm, baka doon na ako lalaban sa ibang bansa." I said.

"Ang galing! Hanga kami sa'yo kasi ang ganda mo na tapos mabait pa--"

"I'd like to order..." Nagsitaasan ang balahibo ko nang marinig ang boses na 'yun at mabilis na napasulyap sa counter at napakurap ako nang makita si Ejercito roon.

"Ano po, Sir?" Kita ko ang mangha sa mukha at saya sa boses ng cashier namin habang nakikipag-usap roon.

Nagkatinginan kami, I saw how his blue eyes darkened, sumulyap sa tabi ko at umigting panga.

"I'd like it if she..." He suddenly pointed me. "Ask me for my order."

Napatayo ako, kita kong naguluhan ang cashier ko roon sa sinabi at gulo man ay nanginginig ang tuhod na naglakad ako patungo sa cashier at sumulyap kay Ejercito at nakatitig lang.

"W-What's your order, Sir?" I asked, trying my best to calm down but I was hyperventilating.

I saw the other costumer's looking at him, natahimik rin ang staff ko ay doon ko napansing nakasuit na si Ejercito at mukhang galing sa pormal na meeting.

Nanuyo ang lalamunan ko.

Damn, this is the Attorney Ejercito Sandejas!

"Anong masarap?" Ani Jer na sumusulyap sa pastries roon at wala ako sa sariling nagsalita.

"Ikaw," I said at natauhan lang nang marinig ko ang pagbagsak ng plato mula sa waiter pagkarinig ng sinabi ko.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019