Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you..."

Kabanata 6

Of course, if there's a ball, hindi mawawala ang sayawan. They have chosen a couple of students to dance in the middle to formally start the program and I was chosen.

Dahil ka-partner ko at date si Winston ay sya ang kasayaw ko ngayon. Isang oras na ang nakakalipas simula nung nagpractice kami, all in all, there are ten pairs.

Kanina pa ako lingon ng lingon pero hindi ko makita si Ejercito. Excused kasi kami sa klase para sa ball at umaasa akong narito sya pero wala naman pala.

Isa pa, I know he was chosen to dance here too pero hindi sya sumipot. Ang babaeng ka-partner nya sana ay grabe ang pagkadismaya habang nakikipagsayaw sa ipinalit sa kanya.

At ayos lang 'yun sa akin, bakit hindi? Brittany is the girl who's supposed to be his partner at medyo nagdiwang ako na wala rin sya dito.

Duh, I won't like to give that girl a satisfaction to be happy!

"Ayos ka lang ba, Lena?" Winston asked me. I smiled and nodded, nang bahagya nya akong i-ikot at isandal sa kanyang dibdib ay nagsalita sya.

"Anong susuotin mo, Lena? So I could customize my suit?" Aniya.

"I am really not that sure." I answered him. "Maybe a blue gown or so?"

"Oh," He chuckled. Inilagay nya ang kamay ko sa kanyang balikat at muli kaming nagsayaw. "Maybe I'll just choose black as my suit, then? Para bagayan kahit anong kulay ng suot mo?"

"That's great," Marahang sabi ko.

"Anyway, Lena, thank you for accepting my invite." Aniya. Bahagya akong napalunok roon, nakita kong masaya sya at muling nagsalita.

"Nahihiya kasi talaga akong ayain ka ng personal kaya idinaan ko sa sulat..."

"Walang anuman," I smiled. "I would love to be your partner too,"

He smiled and nodded at me. Kung alam mo lang, Winston. I almost sigh.

Nagpalit-palit kami ng partner sa sayaw, nakasayaw ko rin si Floyd at ang iba ko pang mga kaklase.

"I thought, Sandejas is your partner?" Ani Floyd na marahang inisasayaw ako.

"Uhm," Nakagat ko ang labi. "M-May nangyari kasi kaya 'yun..."

Tumango naman sya at muli akong tinitigan. Medyo nahiya ako kaya medyo napatungo.

I mean, he's my crush alright! Tapos tititigan nya ako ng ganyan!

"Then, can I dance you?" Aniya. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya at nasalubong ang itim nyang mga mata.

"Uhm..."

"Please, Lena? I want to dance you." Aniya sa mababang tono. I stared at him and saw how hopeful he is kaya tumango ako.

"S-Sure," I said.

Oh my gosh! Floyd will dance with me!

Humawak sya ng mas marahan pa sa baywang ko. He swirled me softly with the music at nang bumaling ako sa may pintuan ay bahagya akong nagulat nang makita si Jer na nakamasid roon at seryoso ang tingin.

My eyes widen at that, I saw how his jaw clenched at aalis na sana ako sa pagsasayaw para puntahan sya pero kaagad syang tumalikod habang nakahawak sa kanyang batok.

My stomach clenched, ilang minuto pa ang nakalipas bago matapos ang ensayo at mabilis akong nagpaalam na aalis na at sinubukan syang hanapin.

Sa pagsulyap ko sa orasan ay alas-singko na ng hapon.

Umuwi na kaya sya? Ejercito naman kasi! Hindi um-attend sa practice! Pero kung um-attend sya, si Brittany...

Hinanap ko sya sa library ay wala sya, I also checked the rooms pero wala rin sya.

Magpapahatid sana ako pauwi. Ngumuso ako at pinaglaruan ang kwintas kong bigay nya. Habang naglalakad ako nang walang direksyon ay kaagad akong natigil nang may maaninag sa hindi kalayuan.

My forehead creased, sa may mataas na parte ng soccerfield kung nasaan ang isang puno ng Narra ay may lalaking nakahiga.

Hindi na ako nagdalawang-isip na pumaroon.

"Lena!" The players greeted me when they saw me.

"Hi," I smiled.

"Saan ka?" Ani ng team captain.

"D'yan lang, sige." Ngiti ko bago sila tahimik na lagpasan at hindi na ako nagulat nang malamang si Ejercito nga ang narito.

He was leaning on the Narra tree, nakasalampak sya sa lapag habang nakasandal ang ulo sa puno. I saw a book covering his face at napailing ako nang makitang baligtad ang libro na nakatabon sa mukha nya.

"Ejercito being Ejercito," Bulong ko sa hangin at nangiti.

I bet my life he tried studying but end up sleeping instead. Ang lalaking ito talaga!

Naupo ako sa harapan nya, ipinagkrus ko ang aking hita at marahang tinanggal ang libro sa mukha nya.

"Cute," I chuckled when I saw him sleeping, his lips slightly parted. Inilapag ko ang libro sa gilid at pinakatitigan sya.

His pointed nose, tight jaw and reddish thin lips. I lifted my hand and traced his thick brows down to his eyes and smiled.

Mukhang anghel kapag tulog ang Ejercito ko...

"Patay na patay ka na n'yan?" Biglang nagsalita sya at sa gulat ay nasampal ko sya.

"Ouch!" Nagmulat sya ng mata at napahawak sa kanyang pisngi.

"Oh my God!" My eyes widen. "Sorry!"

Ngumuso sya at pumungay ang mata.

"It hurts," He sulked.

"I'm really sorry!" I said and pulled his hand. Nang matanggal ko ay kaagad kong sinulyapan ang kanyang pisngi at napansing namumula iyon.

"Sorry, Jer..." I said softly. Tumunog pa naman ang sampal ko! "Kung hindi ka kasi biglang nagsalita, nagulat ako."

"Masyado ka kasing nakatitig. Sobrang nakisigan ako bigla sa sarili ko kaya--" Winasiwas ko ang kanyang kamay ay sinamaan sya ng tingin.

Ngumisi naman sya at mabilis na hinuli ang kamay ko at inilagay sa kanyang pisngi.

"Joke lang, Lena. Gamutin mo na ulit." Aniya. Umiling ako, marahang chineck ko ang kanyang pisngi habang nangingiti sya roon.

"Nag-try kang mag-aral 'no?" I asked him. He nodded.

"Yep, but I ended up sleeping..." He sighed. Nailing ako, tinuro naman nya ang kanyang magulong buhok sa akin kaya iniangat ko ang kamay ko at sinuklay iyon.

He lowered his head and ipinatong nya ang noo sa balikat ko, sinuklay ko naman ang magulong buhok nya ng daliri ko.

"How's your day?" He whispered.

"Tired," I said. Umangat naman ang mukha nya at lumamlam ang asul na mga mata.

He lifted his hand and caressed my cheek.

"Nangangayat ka na, Leona. Hindi ka ba inalagaan ng crush mo?" Aniya.

Natawa ako at pinalo ang hita nya.

"You're overreacting, Jer..." I chuckled. Ngumuso sya at nagsalita.

"Kahapon lang tumataba ka na tapos ngayon," Napailing sya.

"Oo na, tignan mo ikaw, puro ka tulog, may muta ka pa..." Tawa ko. Inialis ko ang muta sa gilid ng mata nya at bahagya pa syang kumurap doon at napahikab.

"I'm still sleepy, honey..." Bulong nya at umuungot na sumubsob sa balikat ko.

"Honey your face..." I said sharply but I can't deny the hurricane inside my stomach. Damn!

"Edi mahal?" Aniya at yumakap pa sa baywang ko. Kinurot ko ang tagiliran nya, napaigtad sya roon pero hindi natinag.

"Lena, I think I'm going crazy..." Bulong nya sa akin.

"Hmm? Bakit, hindi ba?"

"Lena naman e!" Reklamo nya. I laughed, bahagya ko syang tinulak palayo sa akin at inayos ang necktie nyang tabingi na.

"Ano 'yun?" I asked.

"Nothing... I just, uhm, you know..." Lumunok sya at tumitig.

"Hindi ko pa alam," Sagot ko at tumitig sa kanya pabalik. Bigla syang napaiwas ng tingin roon, nakita kong napakamot sya ng kilay at humugot ng hininga.

"A-Anong isusuot mo?" Aniya at naramdaman kong iniiba nya ang topic.

"Hmm, I'm wearing a black gown..." I smiled.

"Anong magandang kulay ng suit na babagay dun?" Tanong nya sa akin.

"Hmm, I suggest you wear a white one para maganda ang kulay pag magkatabi tayo." I suggest.

He nodded at that instantly, hindi na nagdalawang-isip.

"Anyway, bakit hindi ka kasama sa practice kanina?" I asked. "Ang balita ko kasama ka daw dapat."

Humugot sya ng hininga at sumandal sa puno, bahagya nya akong hinila palapit roon kaya sumandal na rin ako katabi nya habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

"Kasi ayoko," He said. I saw him removing his coat and placing it on my skirt to cover my legs.

"Ikaw nga lang kasi gusto kong partner," Aniya sa akin.

"May...ibang babae pa naman diba? I am sure there's a lot of woman na willing na maka-date ka." I said, feeling salty with my words.

"Paano mo nasabi?" Aniya at lumingon sa akin. "Yung gusto ko ngang maka-date iba ang sasamahan, sila pa kaya?"

Nanuyo ang lalamunan ko, nakagat ko ang labi at hindi kaagad nakapagsalita.

"I-I'm sure, maraming magandang babae d'yan, Jer and you're handsome! Mag-uunahan pa 'yan..."

"I know, ako pa ba?" Aniya at ngumisi. I smacked his arm. Tumawa naman sya at hinuli ang daliri ko.

"Kasi kung tumutupad ka lang sa pangako diba?" Aniya at gumuhit ng kung ano roon sa palad ko. "Remember this place, Lena? Dito tayo nagsumpaan."

"Grabe naman 'yung sumpaan na 'yan." Natawa ako. "We're just a kid back then..."

"Kid, huh?" Tinaasan nya ako ng kilay. "That was just years ago, Lena. Atsaka diba, tatlo nga crush mo 'nun tapos sasabihin mong kid?"

"Oo, ang bata pa ng isip ko 'nun!"

"Sabagay, magmamature ka lang kapag ako na ang gusto mo..." Bigla akong nabulunan sa sarili kong laway. Nanlalaki ang matang tinignan ko sya.

"Y-You're my f-friend, Jer!" I hissed.

"Uh-huh?" Ngumuso sya. "You're stuttering, love, aminin mo na kasi..."

"Ejercito nga! Seryoso kasi!" Nag-init ang pisngi ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bakit? Seryoso naman ako sa'yo, huh?" Aniya. Nanlalaki lang ang mata ko roon, napatulala ako sa kanya at nakita kong napatitig sya sa akin habang naaaliw ang mga mata.

"I know you, Lena..." He smiled at me. "I know that stare of yours, you never looked at me like that before..."

"H-Huh? Bakit paano ba kita tignan dati?" Kumunot ang noo ko. "Ganito pa rin naman, huh?"

"Hmm," He bit his lip and played with my fingers. Kumurap-kurap ako roon at halos marinig na ang tibok ng puso ko.

"Jer, answer me..."

"What?" He stared at me, amused. "I can't explain, basta iba."

"Everything has an explanation! Hindi naman pwedeng mag-iiba ang tingin ko sa'yo ng walang dahilan--"

"Then, can you explain why my heart is suddenly beating like this?" Inilapit nya ang kamay ko sa dibdib nya at nagulat ako nang maramdamang mabilis rin iyon.

It was imitating mine! My heart is frantic! I can't even explain why is it like this! Natatakot akong baka naririnig nya ang malakas nitong tibok!

"J-Jer..." I bit my lip.

"W-We're just friends..." I said softly.

He nodded, ibinaba nya ang kamay ko mula sa dibdib nya at parang gusto ko iyong ibalik pero hindi ko nagawa.

"I know..." Bigo nyang sabi.

"I just want to be vocal about this to you," Aniya at binitawan ang kamay ko. "I am comfortable sharing my feeling to you, so..."

"Jer..." I murmured. Hinanap ko ang mata nya pero ngumiti lang sya sa akin at muling nag-iwas ng tingin.

"Tara na, lumubog na ang araw. Ihahatid na kita." Aniya at pinagpagan ang kanyang pantalon. He helped me get up, nanatili naman syang umiiwas ng tingin sa akin kaya nanakit ang dibdib ko.

Why are you hurting now, Lena? Ejercito's your friend!

Kumirot ang puso ko nang mauna syang maglakad sa akin, he was quiet at hindi ko napigilan ang sarili kong tumakbo palapit sa kanya at inabot ang braso nya.

Napalingon sya, nakita kong nagulat sya sa bigla kong pagsulpot kaya napakurap sya.

"S-Sabay tayong maglakad." I said softly. He nodded, bumaba ang kamay nya sa pulsuhan ko at marahan akong inalalayan habang nag-iiwas ng tingin.

Habang palabas ng sasakyan ay wala kaming imik na dalawa. I know this will be really awkward. My bestfriend for years indirectly confessed his feelings! Anong dapat kong gawin?!

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko! I am confused!

Sabay kaming natigilan ni Jer nang makakita ng isang pamilyar na sasakyan. My eyes widen, mabilis kong nakuha ang kamay ko kay Ejercito at kumalabog ang dibdib ko nang makita si Papá na naroon sa sasakyan at mariing nakatingin sa akin.

"Leona..."

"P-Pa..." Bulong ko.

I saw how my father's cold eyes shifted from me to Ejercito. Kumunot ang noo nya at kaagad akong kinabahan sa sasabihin nya.

"Tito..." Ani Jer sa pagbati.

"Magkasama pala kayo..." Ani Papá at sumulyap sa akin.

"Opo." Jer nodded, lowering his head a bit.

"Kaya pala..." Tango niya at mariing bumaling sa akin. I saw him stared back at Jer and lifted his brows.

"Ako na ang maghahatid sa anak ko, umuwi ka na." Aniya kay Jer. I saw Jer shifted his gaze at me, tumango naman ako sa kanya at nakita kong tumango rin sya ng marahan roon at bumaling sa Papá ko.

"Sige po, pasensya na. Mauuna na po ako." Magalang nyang sabi bago tipid na ngumiti sa akin at tahimik na umalis.

I watched his back as he disappear at nawala lang ang atensyon ko roon nang magsalita si Papá.

"I am disappointed of that friend of yours, Leona!" He said hardly and mentioned the car. "Pasok!"

"Pa," I said.

"Kaya pala, huh? Sa tingin mo ba hindi ko napapansing nagpapabaya ka na?!" He hissed at pumunta sa harapan.

I lowered my face and sighed.

"I-I'm doing great in school,"

"Huh? Great?" Sinulyapan nya ako sa salamin at umiling. "That's why you went to the guidance? Dahil sa lalaking 'yun?!"

"P-Pa, it's not that... Hindi 'yun dahil sa kanya." I whispered.

"Oh, really?" I saw his sharp eyes. "Once you failed this, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, Leona! I warned you about this man! Sinabi ko nang patapon iyon at walang magandang maidudulot-"

"It's my fault, Pa!" I said. "I insisted of going in there! Hindi nya kasalanan iyon!"

"At ipagtatanggol mo pa ang lalaking 'yan!" He groaned. "Wait until your mother find this out!"

I sighed, napatitig ako sa daan namin pauwi at hindi na umimik habang nasa byahe. My heart has been hurting, not because of my father finding out about us.

It's because of Jer, I saw how sad he is! At ayokong...ayokong ganito ang tingin sa kanya ng mga magulang ko. He isn't a failure! I know he isn't!

I've known him for years and that man is beyond amazing! They can't degrade him like that!

I know how rude I was pero hindi ko pinansin ang galit ng Papá pagkauwi ng bahay. My Mom is staring at me sadly, wala syang gaanong sinabi pero nabakas ko ang disappointment sa kanya.

Sino ba namang magiging masaya kapag napa-detention ka? Ako oo, kasi nagkabati kami ni Jer pero sila... Alam kong hindi.

We have no classes the next day, in preparation for the ball. Iniayos ko ang damit ko at nag-final fitting na para masigurado ang sukat nito.

Kumusta kaya si Jer? Did he find a suit to wear? Sabi ko ay puti para makapartner kami, gusto kong magkabagay ang suot namin. I lied to Winston for that.

Wala pa rin ako sa sarili habang inaayusan na ako para sa ball mamayang gabi. My Mother's glam team is at my back, fixing my hair in big curls to enhance my facial features.

Naglagay sila ng perlas na hikaw sa tenga ko at iniayos ang mukha ko. I saw how they emphasized my cheek bones, ang labi ko ay nilagyan nila ng kulay pulang lipstick at napansin ko ang pagiging matapang ng maamo kong mukha.

"Come on, let's wear your gown, darling." My mother said kaya marahan akong tumayo. Sumama ako sa kanya sa closet at doon ko nakita ang gown na isusuot ako.

"Come on, Lena. Smile." Aniya. Sumulyap ako sa kanya at humugot ng hininga.

"Sorry, Mamá." I said.

"Oh, darling. It's alright, I know you're just enjoying yourself..." Aniya at marahang hinaplos ang pisngi ko.

I stared at her softly and pouted.

"I'm sorry if I disappoint you," Marahang sabi ko.

"Oh no, not really." Aniya at ngumiti. "You're still young, Lena. Hayaan mo ang Papá mo, kunwari lang iyan pero mas malala pa 'yan noong kabataan pa namin."

"You're doing great, Lena. I'm proud of you, hindi ko nga lang naipapakita sa iyo pero ang layo na ng narating mo, anak." Aniya sa malambing na tono.

I smiled softly at that. Marahan ko syang niyakap at niyakap nya ako pabalik.

"Salamat," I whispered.

Winston fetched me that night at our house. Nakita ko pang binabasa ni Papá ang mga kilos nya pero walang sinasabi.

Bakit kapag si Jer ang dami nyang sinasabi?

"Be home before twelve," Ani Papá at tumango ako bago sumama kay Winston patungo sa kanilang sasakyan.

Ipinagbukas nya ako at kaagad na umikot para tumabi sa akin.

"You look beautiful, Lena..." Aniya sa mababang tono.

I smiled at him.

"Thank you, you looked handsome too." I said, complementing his outfit, nakakulay itim syang suit at pants.

"Thank you for being my date tonight, Lena." Aniya at tumango ako bago ngumiti.

During our ride I am nervous, hindi lang dahil sa itsura ko kundi dahil na rin sa mga bagay na pwedeng mangyari ngayong gabi.

Will Ejercito be there?

Pagkarating palang namin sa venue ay kaagad na lumabas si Winston para alalayan ako palabas.

"Thanks." I smiled.

"Welcome," Pinasadahan nya ako ng tingin at ngumiti. "You look gorgeous, I don't know what to say."
Bigla akong nahiya, umiling ako sa kanya at nangiti sya at hinawakan ang braso ko para makahawak ako sa kanya. I held his arm softly, inalalayan nya ako papasok sa bulwagan kung nasaan may kulay pulang carpet sa gitna.

They really did their best here, huh?

Wearing a tube all black gown and black gloves covering my hand up to my elbow, I walked softly inside. Kaagad kong nakita ang pagbaling ng mga tao sa amin at medyo nahiya pa ako roon.

I shoudn't be, I know. I'm a model for pete's sake pero hindi ko maiwasan dahil sa tingin nila.

I fixed my curly hair and smiled at those people who greeted us. I saw Floyd staring at me as I walked kaya ngumiti ako.

He blinked and smiled back at me, hindi pa rin nawawala ang tingin. Nang naupo kami sa aming assigned seats ay kaagad kong binati ang mga kasamahan ko sa lamesa.

I saw Britanny here with Freed, his partner. Miski ang iba rin naming kasama ay narito sa aming lamesa.

Saglit akong sumulyap sa paligid para hanapin si Ejercito pero hindi sya mahuli ng paningin ko.

"Lena!" My eyes widen when I saw Cecille.

"Cess!" I smiled and stood to hug her, kaagad syang tumabi sa akin at pinagmasdan ako.

"You're beautiful, Lena!" He complimented.

"You're beautiful too, Cess! H'wag ka nga!" I chuckled. Wearing her red, off shoulder dress, she looked gorgeous!

"Asus! Dinaan mo kasi sa pagmomodel! Look at you, you looked like a celebrity!" Aniya. Nag-init ang pisngi ko at pinalo sya.

"Cecille!"

"Hindi na," Tawa nya. "Oh, nasaan ang buntot mo?"

"Huh? Buntot?"

"Si Sandejas!" Aniya at tumawa.

"Oh..." Ngumuso ako at umikot ang paningin. "Hindi ko pa sya nakikita, I don't know where he is..."

"Ladies and Gents, let's formally start the program..." Ani ng emcee at kaagad kaming tinawag sa daan kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo at kumaway sa kaibigan ko.

The song started and I placed my hand on Winston's shoulder as we started swaying with the beat.

I go with the flow, sa bawat pagpalit ng partner ay pulos pagbati ang natatanggap ko.

I humbly thanked them and I stopped when I saw Floyd extending his hand on me, ngumiti ako at medyo nakaramdam ng kilig.

He's handsome! Nakasuot sya ng kulay itim na tuxedo at tie! His hair is cleanly fixed on his head, making me see his features more.

"Ang ganda mo..." Pagbati kaagad nya sa akin. I smiled shyly, hinawakan nya ang baywang ko at marahan akong isinayaw.

"Thank you," I whispered. "You're handsome too..."

We swayed, iniikot nya ako at muling idiniin sa kanyang dibdib.

I chuckled and danced again, nangingiti ako dahil kasayaw ko ang crush ko!

"Isasayaw muli kita mamaya," Mahinang sabi nya. "Lena... Gusto kita."

I stopped at that, mabilis akong nag-angat ng tingin sa gulat roon.

"H-Huh?"

"I...like you."

"Floyd,"

"Don't stress yourself," Aniya. "I am not pressuring you, gusto ko lang na malaman mong gusto kita..."

Nanuyo ang lalamunan ko, bago pa man ako makapagsalitang muli ay nagpalit na kami ng partner.

When the song was finished, hindi ako mapalagay.

My crush just confessed! He likes me! Gusto ako 'nung gusto ko!

I should be happy... I should be pero wala akong maging pakiramdam. Tanging ang kaba lang sa isasagot ko sa kanya ang naiisip ko.


I sighed, sumimsim ako ng juice sa baso at tahimik na nagmasid. I saw Floyd looking at me, kapag nahuhuli ko sya ay tatango sya sa akin at tipid lang akong ngumingiti.

"Si Jer? Hindi ba pupunta?" Natigil ako at napaangat ng tingin nang magsalita si Brittany.

"H-Huh? Hindi ko alam." I said and gulped. Napairap sya sa hangin roon at siniko naman ako ni Cecille kaya humarap ako sa kanya.

"Si Jer? Wala talaga? Maraming naghahanap 'dun a,"

"Oh?" Kinagat ko ang labi ko at inilibot ang tingin.

Jer, nasaan ka na ba?

I was pre-occupied the whole time, halos wala akong ganang kumain at habang nagsasayaw sa gusto akong isayaw ay nananahimik ako.

I was looking around me, praying silently that Ejercito is here.

"Lena--" Nawala ang tingin ko kay Jack nang magkaroon ng komosyon. My forehead creased, kaagad akong sumilip roon at naiwan ko si Jack na nagtataka rin.

I was starled and my mouth parted in shock when I saw Ejercito entering the place.

"Oh my god..." I heard the giggles everywhere. Napakurap ako at napahawak sa puso ko nang makita sya.

He was wearing a white button up dress shirt and white coat. His strong legs covered with a black slacks and he's wearing a brown leather shoes.

Nanuyo ang lalamunan ko.

"Oh my God, ang kisig 'nung buntot mo!" Cecille whispered ang giggled.

Napatango ako at halos hindi na kumurap. His hair is kinda disheveled as he bit his lower lip when he was approached by a few girls in the entrance.

My stomach clenched, I saw how he was greeted by those people. Still an eye catcher, huh?

Nang medyo mawala sya sa paningin ko ay napatungo ako at marahang bumalik sa upuan ko.

"Lena, tara! Puntahan natin si Jer!" Aniya sa akin at umiling lang ako sa kanya at ngumiti.

"Mamaya na..." I breathe. "May mga kausap pa sya."

"Sus, come on, Lena! Aagawan ka 'dun!"

"D-Di naman sakin 'yan..." Uminom ako ng juice at nag-iwas ng tingin.

Sumalampak sya ng upo sa harapan ko at ngumuso.

"Talaga ba?" She raised her brows.

"O-Oo," Bulong ko. "M-May mga babae 'yan..."

Nang makitang naupo na si Brittany sa harapan ko na parang kinikilig ay napatingin ako. She rolled her eyes when she saw me looking.

"He's gonna dance with me," She said, boasting.

"So? Pakialam ni Lena? Isasayaw nya rin si Lena 'no! Last pa!"

"Cess," Pigil ko kay Cecille.

"Huh, akala mo ba gusto ka talaga--" Bigla syang natigil at biglang kumaway sa likod.

Miski si Cess ay natigil kaya napalingon rin ako at halos manuyo ang lalamunan ko nang makita ang naglalakad papunta kaya napabalik ako ng tingin sa baso kong iniinuman.

"Jer! Here!" I heard Brittany saying.

Magsasayaw na sila? Parang nanuyo ang lalamunan ko. Humugot ako ng hininga nang maramdaman ang hapdi sa dibdib ko.

It's alright, Lena!

Napainom ako ng tubig.

Nakarinig ako ng tikhim sa likuran at ang tili ni Cecille bago ako hinampas kaya napaubo ako ng bahagya at natakpan ang bibig ko.

"What?" Mariing sabi ko at lumingon kay Cess pero para lang syang bulateng nangingisay at ngumuso sa likuran kaya nilingon ko ito.

The oxygen almost left my lungs when I saw Ejercito standing beside me, looking dashing and utterly manly on his white suit.

Nanlaki ang mata ko roon sa kanya at ngumuso sya at mas napatakip ako sa bibig.

"B-Bakit?" Nanginig ang boses ko.

His lips lifted for a boyish smile.

"Come on, harap ka sakin." Aniya. Parang sinuntok ang sikmura ko at marahang humarap.

I saw him checking me out, bahagyang napataas ang kilay nya nang mapadako sa dibdib ko at ngumuso.

"I don't trust your wardrobes, Leona..." Giit nya. Nakagat ko ang labi ko at pilit magsalita.

"Y-You never trusted any of it," Pabulong kong sabi.

He chuckled. Napasinghap naman si Cecille at parang nangisay nanaman. Napatuon ang atensyon ng mga tao sa amin.

He offered me his hand, nag-aalangan kong iniangat ang kamay ko palapit. His deep blue eyes stared at me that I got drowned with it.

He held my hand softly, bending a little,  lowering his face before kissing the back of my hand softly as he stared at me.

Mas nagwala ang puso ko roon at napatitig lang sa kanya.

"I'm speechless," Bulong nya bago ngumiti at halos mapasinghap ako nang mawala ang labi nya sa kamay ko.

I thought he'd let go of my hand pero may iniipit sya roong papel galing sa kamay nya kaya nagtaka ako. He closed my palm, softly placing it on my leg before smiling and turning his back.

"Gosh!" Hinampas ako ni Cess pero bumaba ang tingin ko sa palad ko at hindi sya pinansin.

Marahan kong binuksan ang papel at may gumuhit na ngiti sa labi ko habang pinapakiramdaman ang puso ko.

Save your last dance for me, please?
-E



  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019