Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you..."

Kabanata 20


"Ma'am?" I heard my cashier asked.

My eyes widen and I saw my waiter panicking to clean the broken plate.

I saw Ejercito giving me that look, seryoso pero nakanguso at nagpipigil ng ngiti. Kita ko rin ang pamumula ng tenga n'ya kaya tumikhim ako at nagbaba ng tingin sa mga pastries.

"Ikaw..." I motioned him. "What do you usually like? Cakes, brownies or m-muffins?" Pumiyok pa ako pero sinubukan kong maging seryoso.

Hindi s'ya umimik, I saw how he licked his lower lip with the hidden smirk he has.

Damn it, Sandejas!

"S-Sir?" I called. "What do you like?"

"Ikaw," He said.

My heart thumped rapidly, nanlaki ang mata ko at nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi n'ya at napapangiti na.

"Ikaw, anong masarap para sa'yo?" Bawi n'ya, halatang nang-aasar.

"K-Kahit ano," I murmured, my cheeks flushing like a tomato. "B-But I prefer muffins."

"Hmm," He hummed, a devious smile on his lips. "I'll take that."

"Noted," Tumikhim ako.

Umalis ka na rito, Sandejas! I am trying my best not to get affected! Nakamove-on ka na kaya dapat ay ako rin!

"Take out 'no?" I said.

"Dine in," I froze and lifted my head, I saw him leaning on the counter now, tila pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"D-Diba may trabaho ka? Dapat take out." I said but he shrugged and look around.

"I like the ambiance here, nice place." He nodded. "Dito ako magtatrabaho."

"Huh?!" I exclaimed.

"Ma'am, ayos ka lang?" Nagpapanic na tanong ng cashier kaya tumango ako at kumurap.

"Y-Yes, yes."

"Why?" Jer asked. "Masama bang magtrabaho dito?"

"Hindi naman..." I cleared my throat. "I just...you know, you're a busy person, baka hindi makatulong na nasa ganito ka nagtatrabaho. Kasi maingay."

"It's pretty quiet," He said.

"Maingay na dito mamaya," I said. "Kaya dapat sa opisina ka nalang."

"Dine in," He finalized. "Add a cup of black coffee, Harriet. No sugar."

Tumango nalang ako at halos sumabog na ang puso ko roon sa kaba habang kausap s'ya.

Hinayaan ko na ang cashier ang mag-asikaso ng bayad n'ya, I excused myself to go inside to calm myself.

Damn it! Damn! Hindi pa rin nagbabago ang epekto ng Sandejas na 'yan! Hindi kaya ginayuma ako n'yan dati?

Sinampal ko ang sarili ko at umiling, napahawak ako sa kwintas ko at itinago sa ilalim ng dress ko at huminga ng malalim.

"He's just here as a costumer." I told myself. "So, treat him like one, okay, self?"

Nang makalabas ako ay may ngiti na ako ulit at kalmado.

"Uy, Ma'am, sino 'yun? Boyfriend mo?" Halos mabilaukan ako roon kaya umiling ako kaagad.

"N-No..." I murmured.

"Ex?" Ani ng waiter ko at napaubo ako at muling umiling.

"K-Kaibigan lang," I said.

"Baka gusto ka, Ma'am?" Napasulyap ako kay Marciel, ang cashier ko.

"H-Huh?" Kumalabog ang puso ko roon.

"Wala lang, nung umalis ka nagtatanong kung lagi ka raw ba dito tapos sabi ko hindi."

Napalunok ako at napasulyap kay Ejercito na may binabasa ng papel roon sa may pwesto n'ya malapit sa balkonahe.

"U-Uh, he's my friend." I just said.

"Sabi ko nga, Ma'am sa kanya na 'Ang ganda ni Ma'am 'no?' tapos alam mo anong sabi?" Mabilis akong napasulyap sa kanya.

"What?"

"Ngumiti sa akin tapos tumango! Sabi n'ya, 'Yes, nothing can beat that.'" Ginaya pa n'ya ang boses ni Jer kaya nakagat ko ang labi ko.

"R-Really?"

"Opo," She nodded and teased me.

"Crush mo ba, Ma'am? Ang gwapo-gwapo 'no? Maraming mga customer tayong gwapo pero iba 'to." Komento n'ya. "Ang lakas ng dating, wala naman s'yang gagawin, ngingiti lang ng tipid pero grabe! Kahit hindi ata magsalita 'yan ang gwapo pa rin!" She giggled.

"Akin 'yan," I snorted.

Natigil s'ya at napasulyap sa akin, gulat at nang matanto ang komento ko ay tumikhim ako.

"Akin na 'yang... ginagawa mo, ako na muna magtutuloy." Palusot ko at maguguluhan man sa akin ay ibinigay n'ya ang isinusulat na kaagad kong kinuha.

Leona Harriet! What the heck are you thinking?!

I saw him seriously reading the papers he has, sa gilid ng mga papel ay ang kape at ang muffin na in-order n'ya.

You seriously...gonna work here?

Oh, baka crush n'ya ang cashier ko?

Sinulyapan ko si Marciel na nakasulyap kay Jer at nanliit ang mata.

No! Tinampal ko ang sarili ko.

Eh, ano ngayon? Wala ka na dapat pakialam, Lena. Mag-mo-move-on ka, diba?

I saw the door opened, mula doon ay may isang lalaking pumasok, naka-suit rin ito. Nakita kong nagtungo ito papunta kay Jer at napanguso ako nang matantong kliyente n'ya siguro.

Wow...I'm so proud of you, hon.

So...so proud. You did a great job.

I bit my lip, staring at the man he's been talking to at nang mapansin kong parang gusto nilang um-order ay napatitig ako.

I smiled happily, ang bigat sa puso ko ay medyo naibsan habang pinagmamasdan ang mahal ko.

You're successful, I am so happy.

Tumingin ako sa paligid at napansing busy lahat ang crew, kita kong gustong mag-order ng kausap ni Jer kaya nang walang pwedeng mag-asikaso ay ako na ang lumapit roon.

I walked towards them, holding a small notebook and smiled.

"Good afternoon, what do you like to order, Sir?" I asked the man.

I saw Ejercito lifted his gaze at me, kunot na ang noo at nakatitig sa akin.

"Uhm," I saw the man he's been talking to smiled at me. "Wow, you're Leona Abelló, right?"

Nagulat ako roon pero marahang tumango.

"Yes, Sir." I said softly.

"You work here?" He said, amazed.

"Uh, not really. We own this place, nandito lang ako para tumulong." I smiled.

"Wow!" His smile widened, tumayo s'ya kaya nagitla ako ng bahagya nang ilahad n'ya ang kamay.

"I am Fredo, I work in a pharmaceuticl company nearby, I just went here to talk to Atty. Sandejas para sa mga permit sa negosyo." Aniya.

Napakurap ako at akmang tatanggapin ang kamay n'ya ay malakas na tikhim ang nagpatigil sa akin.

"Mr. Domiguez, I assume Miss Abelló, has a lot of work to do." Ani Ejercito na malamig na ang tingin sa amin.

"Ganun ba?" Ani Fredo. "Sorry, Jer. Natuwa kasi ako, you know she's been my crush for a long time--"

"I have a lot of work to do too, let's proceed." Ani Ejercito na umigting ang panga.

My heart raced, nang magkatinginan kami ni Jer ay mabilis s'yang tumayo sa kanyang upuan. He towered me, kahit anong tangkad ko ay mas matangkad pa rin sa akin ang Sandejas na ito kaya wala kong panama.

"You're busy, right?" He asked me seriously at wala sa sariling napatango ako roon.

I saw relief on his eyes when I said that.

"What's your order, Fred? Ako na ang mag-oorder." Ani Jer at nagtataka man ay sinabi ni Fredo ang gusto n'ya.

I was just standing there when Jer took the small notebook I had and scribbled his client's order in it.

"Here," Inabot sa akin ni Jer ang notebook at gulantang man ay kinuha ko iyon mula sa kanya.

"Thanks," I said.

Naglakad ako medyo palayo pero sumunod s'ya at tinabihan ako.

"Ihahatid kita sa counter," Aniya kaya nanlaki ang mata ko sa kanya.

"What? Andyan lang ang counter." Turo ko sa pwesto nito at nakita ko lang ang pagsimangot ni Ejercito sa akin.

"I know,"

"Oo nga, kaya h'wag mo na ako ihatid." Gulong sabi ko.

"I will get his orders from you," Aniya.

"Ako na, kaya ko namang ihatid sa pwesto n'yo." I said.

"Stop being stubborn, Leona Harriet." He snorted. "Ihahatid kita, I'm gonna get his order so you don't need to walk back and forth."

"Ayos lang," I insisted. "Kaya nga ako nandito para tumulong."

"He likes you," He said, stopping me. "If you come back here, he'll talk to you."

Parang may humalukay sa sikmura ko at napatitig sa mata n'ya.

"S-So?" I murmured.

Nagseselos ka?

"Babagal ang trabaho ko," Aniya at nag-iwas ng tingin.

I slowly nodded and pouted.

Okay, 'yun lang pala...I assumed he's jealous.

Pero para saan, Lena? You broke his heart, remember?

Hinayaan ko nalang s'ya, habang inaayos ko ang order ni Fred ay nakatayo lang s'ya sa may counter at nag-aantay.

I sighed, naglakad patungo sa kanya at inabot ang order ng kliyente n'ya.

"I'd like to order again," He said kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"What?" I asked.

"A cup of coffee," He said and my brow raised at him.

"You just finished your coffee, magkakape ka ulit?" I asked him.

"It's alright," He said.

"Magpapalpitate ka, Sandejas." I warned him. "Sure ka?"

"Yes," His lip twitched then stared at the pastries. "Hmm, after the muffins, what do you like here?"

"Blueberry cheese cake," I said and pointed the cake. "Masarap 'to."

"Yun nalang," Aniya at tumango ako at sinulat ang gusto n'ya.

"Meron pa?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakatitig s'ya sa akin.

Kumalma ka, Abelló!

"Kumain ka na?" He asked me softly and my heart skipped a beat.

"Hmm," I nodded and bit my lip. "I'm done."

"Alright," He glance at me and nodded. "Don't starve yourself too much, your health is much more important than your pageants."

Nang talikuran na n'ya ako ay napapikit ako at napahugot ng hininga. Nagtungo ang kamay ko sa kwintas ko at kinalma ang sarili.

Bakit ba mahal na mahal pa rin kita?

I was pre-occupied the whole day, nairita pa ako kay Sandejas dahil pagkaalis ng kliyente n'ya ay hindi pa rin umuwi at nag-order pa ng kape!

Habang nasa kusina ako ay tinawag ako ni Marciel kaya napasulyap ako sa kanya.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Aniya.

"Sino raw?" I asked.

"Lalaki po, Ma'am, hindi ko kilala." I nodded, confused.

Nang makalabas ako ng kusina ay nagtungo ako sa counter at natigilan nang makakita ng isang lalaking pamilyar.

My forehead creased, he looked at me and my mouth parted when I realized who it was.

"Augustin?" I exclaimed.

"Hi, Lena." He smiled.

Napangiti ako, mabilis akong lumabas sa counter at natawa rin ng bahagya nang yakapin n'ya ako ng marahan.

Augustin is the son of my Mom's amiga, Rosel. Pumunta na s'ya sa bahay namin noong college pa ako para bumisita, that's when I first met him.

We just got close when last year, sumama sila 'nung nag-family outing kami.

"I just came home from States, sina Mom ay nasa mansion n'yo at 'nung sinabi ni Auntie na nandito ka, bumisita na ako." He smiled.

"Ikaw talaga," Natawa ako at napailing.

"Tara upo tayo, Attorney." I teased him and he chuckled at me and nodded.

"Let's go," He said and assisted me, inalalayan n'ya ang braso ko palapit sa isang upuan malapit sa counter at wala sa sariling napasulyap ako kay Ejercito.

He was just looking at us blankly while sipping on his coffee. I saw how dark his eyes is, parang may madilim ba aura sa paligid pero nag-iwas lang ako ng tingin at binalingan ang kaibigan.

"Anong gusto mong order?" I asked him when the waiter came to us.

"Coffee lang and chocolate cake," He said.

"Francis, avocado shake and muffins sa akin." I told my waiter and smiled.

"Noted, Ma'am." He smiled and left, nagkatinginan naman kami ni August at napangiti ako.

"Hindi ka sumama kina Auntie pumunta sa mansyon 'nung nakaraan." I said.

"I got busy with work, may pinatayong law firm si Dad sa States kaya kailangan ko munang mag-asikaso." He said.

"Masyado mo kasing ginalingan, may girlfriend ka na ba?" I asked but he just chuckled at me.

"I told you, Lena, gusto nga kitang ligawan." Aniya at natawa lang ako at umiling sa kanya.

"And I told you a couple of times that it's a no." I told him.

He pouted and stared at me.

"Mas gumaganda ka ata, anong sikreto mo?" Aniya at ngumisi.

"Tulog lang," Tawa ko pero kaagad iyong nawala nang mula sa pwesto ko ay nakita ko ang pagtayo ni Ejercito mula sa pwesto n'ya.

Pasimple ko s'yang sinulyapan at nakitang inaayos n'ya ang papel na hawak.

"Ma'am, ito na po." Inilapag ang order sa harapan namin at nagsasalita si Augustin pero ang pansin ko ay na kay Jer na nakasukbit na ang coat sa balikat.

Wala na rin ang kurbatang suot n'ya kanina at bukas na ang tatlong butones ng puting long sleeve n'ya.

"Sir, kailangan mo tulong?" Narinig kong tanong ng waiter kay Jer nang mapansin n'ya ito.

"I'll just change my seat, medyo mainit na sa pwesto ko. I'd like to take the seat near the counter." He said stiffly and damn I could clearly hear his hard voice!

"Sige, Sir." Napasulyap ako sa upuan sa may tabi ng upuan namin ni August at napainom ng shake, kinakabahan.

"Lena, are you listening?" August asked.

"Y-Yeah," I looked at him.

Sa peripheral vision ko ay kita ko ang paglipat n'ya ng pwesto katabi sa inuupuan namin at para pumilipit na ang paa ko sa sobrang kaba at harumentado.

"May order po ba kayo ulit, Sir?" I heard the waiter asked him.

"Just another cup of coffee will do," He said and nangunot na ang noo ko.

That's his fourth one!

"I have a convention next month to Japan, I got a free pass for a plus one, you wanna come?" Agaw sa akin ng pansin ni August kaya ngumiti ako.

"I'd like to," I said. "Pero che-check ko muna ang schedule ko, baka kasi may gawin. Papaalam rin ako muna kina Mamá."

"Okay, sana sumama ka." He chuckled and I smiled at him.

Nagkwentuhan pa kaming dalawa ni August pero hindi ako makapag-concentrate dahil ang pansin ko ay na kay Ejercito.

He was sipping on his coffee again, sa halip na magbasa ng trabaho n'ya ay nakita kong nakatitig lang s'ya roon, mukhang wala sa sarili at nilalaro lang ang ballpen.

I took a glance at him and saw how blank his expression is, tamad lang s'yang nakasandal roon.

Nang magpaalam paalis si August at medyo dumami ang tao sa shop ay muli akong naging abala, I saw Ejercito seriously looking at the papers he has but it looks like he isn't reading it.

May galit ba s'ya sa papel? Kung pwede lang siguro butasin ang papel ay paniguradong gagawin n'ya sa itsura n'ya ngayon.

Baka nagpapalpitate na?

Sandejas naman!

Nag-umpisa na akong mag-alala, nang nawawalan na ng tao sa cakeshop at nagsialisan na ang mga empleyado pagkatapos kong magpresintang ako na ang magsasara ay napabaling ako kay Ejercito.

He's now sleeping on his seat! Nakaub-ob sa lamesa!

Such a baby...

Nang mawala na ang mga empleyado ko ay marahang lumapit ako kay Ejercito na natutulog sa kanyang upuan.

I sighed, tahimik na hinila ang upuan palapit sa pwesto n'ya at naupo sa tabi n'ya.

"Jer?" I called.

I saw him stirred a bit but didn't moved, he looks tired and a bit sad.

"How are you?" I whispered. Nang hindi s'ya gumalaw ay marahang iniangat ko ang kamay ko.

I hesitated at first but with the courage I have, I slowly put my hand on his head and stroke his hair softly.

My heart swelled when I was able to touched him like this again.

Parang sasabog ang puso ko sa saya at sakit na nararamdaman, nangilid ang luha ko kaya marahang umusog ako sa upuan at umub-ob rin sa lamesa kagaya n'ya.

I shifted my head so I can see his face while he's sleeping.

I love you, Ejercito... Still.

I lifted my hand again, tried to touch his cheek when he suddenly opened his eyes.

I froze on the spot, nagmamadali kong ibinaba ang kamay ko at mabilis na naupo ng maayos at tumikhim.

"M-Magsasara na ang shop kaya kailangan mo ng umuwi," I said stiffly.

He didn't move, I saw him stayed on his place, nakaub-ob pa rin sa lamesa pero ang kaninang nakapikit na mata ay pagod na nakatingin sa akin ngayon.

"I'm palpitating," His husky voice said and I sighed and shook my head.

"I told you to stop drinking coffee that much," I said. "Paano kung ma-ospital ka?" Kunot na noong sabi ko.

"Why? Nag-aalala ka?" He murmured, marahang umayos ng upo at namumungay pa ang mga matang nakatitig sa akin.

"Of course!" I snorted.

"Hmm, really?" A sly smile left his lips as he sighed and placed his hand on his chest. "Fuck, my heart beats so damn fast."

"Sa kape mo 'yan!" I gritted my teeth.

"I hope it's just because of coffee," He chuckled non-chalantly.

He clicked his neck and lip his lip, muli s'yang huminga ng malalim at kinalma ang sarili.

"Damn it," He puffed a breath.

"Ikaw kasi," I said and placed my hand on his chest and his heart is beating so damn fast like he said!

Hindi s'ya umimik kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya habang pinapakiramdaman ang puso n'ya, nag-aalala.

"Masakit ba?" I asked. "Maybe we can go to the hospital."

"It's alright," He shook his head and stared deeply at me.

"Mas masakit pa rin 'nung iniwan mo ko," Aniya.

I stilled, umawang ang labi ko at napatitig sa kanya at nakita ko ang pait ng ngiti n'ya.

Hindi ako nakapagsalita at nakita ko ang pag-iwas n'ya ng tingin at marahang ibinaba ang kamay ko mula sa kanyang dibdib.

"Jer," I whispered.

"I was just kidding, Lena." He gave me a sad smile. "Let's go, ihahatid na kita."



  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019