Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you..."

Kabanata 2

Pareho kaming kinakapos ng hininga ni Ejercito, napadpad kami sa park na malayo na sa unibersidad at hindi na rin kami naabutan ng mga guard.

I was running out of breath. Kahit si Ejercito ang tumakbo sa aming dalawa ay napagod pa rin ako.

"Hindi tayo naabutan... Akala nyo, huh..." Jer's husky voice is what I've heard. Napangiti ako roon, marahan nya akong ibinaba sa bench at iniupo ako roon bago dumukwang sa harapan ko.

"Ayos ka lang?" I asked him. He chuckled and nodded, I saw him ran his hand on his already disheveled hair.

"Hmm, yes... I was just too happy we escaped them..." Aniya na nangingiti.

Napatawa na rin ako at sumulyap sa paligid, nang makitang naghahabol pa rin sya ng hininga ay nailing na ako.

I saw dirt on his cheek, probably the dirt on the floor when we fell. Tila hindi nya iyon alam kaya iniangat ko ang kamay ko.

I slightly touched his cheek, mukhang nagulat sya roon at nag-angat ng tingin.

"Lena?" He called.

I did not answer, marahan kong iniangat ang baba nya para makita ang pisngi nya at kumurap lang sya sa akin at tiningala ako.

I touched his cheek again, softly, to clean the dirt and I saw how amused he was.

Nangingiti na sya, tila hindi makapaniwala sa ginagawa ko at nang mapansing malisyoso na ang tingin nya ay tinulak ko ang noo nya bago sumimangot.

"It's not what you think, Jer..." I hissed.

"Ano bang iniisip ko?" He said playfully.

"Shut it, may dumi ang pisngi mo kaya tinanggal ko lang..." I said.

Ngumuso sya, I saw him touching his cheek as he tried hiding his smile and nodded.

"Alright, Harriet..." He chuckled.

"Totoo nga!" My eyes widen. "M-May dumi ka! Alangang hindi ko tanggalin?!"

"Wala naman akong sinabi, a?" His lips lifted.

I stopped, umirap ako sa hangin at tumikhim. Do I sound too defensive?

"Tara na nga!" I hissed and stood pero biglang namanhid ang paa ko. I gasped, akala ko'y matutumba ako pero kaagad na nasalo ni Ejercito ang baywang ko.

"Woah!" He exclaimed. "Be careful, Lena..." He breathe.

"S-Sorry..." Bulong ko at bahagyang naupo. Inalalayan nya ako, he held my arm softly to sit and his eyes shifted on my knees.

"What..." Napalingon din ako sa tuhod ko at nanlaki ang mga mata nang makitang nagdurugo ang kaliwang tuhod ko.

"God!" I exclaimed in shock.

"It's my fault," He groaned and stared at my knees. "Damn, Lena, I'm sorry..." Nilingon nya ako at nabakas ko ang takot sa mata nya.

"This is when we fell," Ngiwi nya at nang bahagyang iunat ang paa ay napaigik ako sa sakit.

"I'm sorry, Lena..." He breathe and stared at me.

"Ayos lang..." I bit my lip.

"It's not alright," He said frustatedly and groaned. "You scratched your knees! Kung maayos lang sana kitang nabuhat edi sana--"

"Wala nang magagawa 'yang sana mo," I said softly and stared at him. "It's alright, Jer, I swear..."

"But..."

"No buts..." I said. "Just clean my wound..."

"Y-Yeah, alright..." He panicked and stood straight, nakita kong luminga sya sa paligid bago sumulyap sa akin.

"Stay here, Lena, okay? I'll just buy some things..." Hinaplos nya ang buhok ko at masuyong sumulyap kaya ngumiti ako.

"Alright..." I said.

He licked his lower lip, patted my head before turning his back to run pero wala pang ilang sandali ay bumalik kaya nagulat ako.

"What..."

"Here..." I was starled when he removed his coat and put it on my lap. "Cover your legs, I'll be back, promise..."

Tumalikod sya at napatitig ako sa likuran nya nang nagmamadaling tumakbo sya.

I grinned, muli akong sumulyap sa sugat ko at nailing.

I didn't felt that, sabagay, ganoon naman talaga kadalasan ang mga sugat, hindi mo mararamdamang masakit kapag hindi mo pa nakikita...

I waited for him, tahimik akong nakaupo roon habang nagmamasid sa paligid nang may tumawag ng pansin ko.
"Uhm, excuse me, Miss?" Kaagad akong bumaling nang may lalaking nagtungo sa harapan ko.

"Yes?" I asked.

"Uhm, just want to ask if... May malapit na convenient store dito?" Aniya.

Pinasadahan ko sya ng tingin, he was tall, almost as same as Ejercito's, but Jer's way taller. Higante iyon e kaya parang wala lang sa kanya kung buhatin ako!

He has brown hair, black eyes and a cute smile.

"Uh, doon lang sa malapit, pumunta kang kaliwa..." Turo ko.

He nodded and smiled.

"Salamat..." Aniya pero napatigil nang napabaling sa tuhod ko. I saw how his forehead creased at that. "You're hurt?"

"Huh? No! I'm fine!" I nodded.

"No, you have a wound..." He looked concerned, akmang lalapit sya pero umiling akong muli.

"Ayos lang, ano, may bumili na ng panglinis..."

"No," He insisted. "Let me clean it first, the more it was exposed in air, mas maiimpeksyon..." Umawang ang labi ko nang bigla syang dumukwang sa harapan ko at sinuri ang tuhod ko.

"You...don't have too..." I whispered.

"I insist..." He lifted his head and smiled.

"Uhm..." I cleared my throat.

"Don't worry, I'm a med student..." He smiled. Nakita kong may kinuha sya sa bag at nakitang naglabas sya ng maliit na emergency kit roon.

"I always bring this with me, just incase of emergency... Like this..." Ngumuso sya.

"Hindi naman emergency..." Nangingiti ako.

"Still, kapag mas malapit sa hangin, mas mataas ang tyansa ng impeksyon..." Aniya at sumulyap. "Can you extend your leg a bit? I'll clean it..."

I nodded, marahang iniunat ang hita ko para makita nya ang sugat at pinagmasdan sya habang nililinis nya ito. He was softly cleaning my wound with his expert hands, malambot rin ang istraktura ng kanyang mukha at mukhang mabait.

"There..." Ni hindi ko napansing natapos na nya akong linisan, kaagad akong napatingin sa kanya nang makitang nilalagyan nya ng bulak ang aking tuhod at patapos na.

"Lena! Sorry! Wala sa convenient store so I ran to the nearest hospital to--"

I stopped, gulat akong napaangat ng tingin at nanlaki ang mata ko nang makita si Ejercito na mukhang natigilan rin sa nakita.

His hair is wet with sweat, basang-basa rin ang kanyang likuran sa pawis at may hawak na plastic sa isang kamay.

"Ayan, tapos na..." The man said, putting a bandaid on my knee.

"Jer..." I murmured.

Nakita kong natigilan rin ang lalaki at napalingon.

"I was just helping her, baka kasi maimpeksyon..." Ani ng lalaki kay Jer na hindi umimik. He was still catching his breath, ang magulong buhok ay bagsak na sa kanyang noo at pagod ang mga matang sumulyap sa akin.

Suddenly, I felt guilty.

"Jer, h-he was just--"

"Is her knees fine, then?" His cold voice almost mademe shivered.

"Yep," The man stood up and nodded. "Maayos na, hindi ka na namin inantay dahil mahirap na..." Aniya.

I saw how Jer nodded as he ran his hand on his hair.

"Alright, thank you..." Hindi sya sumulyap sa akin at bumaling lang roon.

"Welcome, sige mauuna na ako..." Ani ng lalaki at bumaling sa akin. "Uh, Miss, I gotta go, take care..."

Bumaling ako sa lalaki at alangang ngumiti.

"S-Salamat..." Sagot ko at muling bumaling kay Ejercito na wala pa ring imik roon at mahigpit ang hawak sa plastic.

Hindi ko na namalayang umalis na ito, I remained looking at Ejercito's clenching jaw and cold stares.

Kumalabog ang puso ko sa guilt na nararamdaman.

"Jer..." I called him.

Saglit syang bumaling sa akin at nag-iwas ng tingin. Naglakad sya sa may basurahan at halos sumikip ang dibdib ko nang makitang itinapon nya roon ang hawak na plastic.

Naglakad sya patungo sa akin habang nakatungo lang at nakapasok ang kamay sa bulsa kaya marahan akong tumayo.

"B-Bakit mo tinapon..." I murmured.

"That was useless," Nagkibit-balikat sya at maliit na ngumiti, wala pa ring emosyon ang mga mata.

"H-Huh? No, Jer... P-Pwede pa namang--"

"Magpahinga ka muna, iuuwi na kita maya-maya sa bahay nyo..." Aniya sa malamig na tono.

Marahas akong napalunok. Hinawakan nya ang braso ko bago marahang iniupo ako, nanatili naman akong nakatitig sa kanya na naupo rin sa tabi ko pero walang-imik.

"Jer?" I called. "Sorry... Ano, hindi ako nakahindi..."

"It's alright," He nodded and took a glance at me. "It's my fault anyway, if I only took care of you then, hindi ka sana magkakaganyan."

"Jer..." I whispered.

"Sorry, ang tagal ko... He's right baka maimpeksyon lang--"

"Jer, listen..." I stopped him. Natahimik sya at nag-iwas ng tingin. "Saan ka ba nanggaling? P-Pawis na pawis ka, napagod ka ba? Are you fine?"

"Don't mind me," Nagkibit-balikat sya at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang daliri.

"A-Ang sabi mo, sa may ospital ka pa bumili? Ano, m-medyo malayo 'yun a..."

Hindi sya umimik, I saw him licked his lip and stared at somewhere not particular.

"T-Tinakbo mo? Sana... Sana ano, sumakay ka--"

"Let's go..." Aniya.

My heart thumped painfully.

He's mad! Halos maiyak ako roon pero nanatili akong kagat ang labi ko.

"J-Jer, ngayon na?" I asked. Kinuha nya ang bag ko sa bench at hinawakan ang braso ko para makatayo at maalalayan ako. "Sabi mo, pupunta tayong perya..."

"Next time..." Aniya.

Hindi na ako umimik roon sa panghihinayang at guilt na nararamdaman. I appreciate his effort! I should have just wait for him! What are you thinking, Lena?

Nakakapit ako sa kanya habang naglalakad kami patungo sa sakayan. Everyone is looking at us, specifically to the man I am with, admiring him.

Kung normal lang na araw 'to ay baka nagsasabunutan kami sa daan habang pauwi o nag-aaway sa pagka-isip bata nya pero ngayon... Sobrang tahimik nya.

I felt the gentleness of his touch as he hold me, I can feel his concern, his care but he's not speaking. Bakas ko rin ang sakit sa mga mata nya na pilit yang itinatago but I know better.

Hanggang sa makarating ako sa bahay ay wala ako sa sarili, nang masalubong kami sa gate ng Mommy at Daddy ay pinagalitan pa nila si Jer at nanatili lang itong humihingi ng tawad sa dalawa at nakatungo.

He didn't even say goodbye to me tapos, pinagbawalan pa ako ng mga magulang ko na maglapit sa kanya dahil napapariwara lang ako dahil sa kanya at hindi ako nakinig.

I told them this will be the last time but I know it doesn't...

Wala akong gana pagpasok kinabukasan, hindi rin ako masyadong nakapag-aral kagabi sa sobrang pag-iisip. I want to make it up to him.

Inayos ko ang buhok ko habang naglalakad papasok ng room, I was thinking na tatabi ako sa kanya sa likuran para makipag-ayos.

I entered the room, ready to go at the back when I saw him with a girl there. They were talking, tamad na nakaupo si Ejercito habang naglalaro ang daliri sa mga labi at hinahawi ng babae ang kanyang buhok habang humahagikhik.

He saw me, I am expecting him to call me but he did not say a word, iniiwas nya lang ang tingin at muling nakipag-usap.

Napatungo ako, dumiretso ako sa bakanteng upuan sa harapan at inilabas ang notebook ko. I tried reading our lessons but I coudn't understand anything.

Sa halip ay sumusulyap-sulyap lang ako ng tingin sa likod at nahuhuli pa ang tingin ni Jer na kaagad na umiwas nang makita ko.

I sighed.

"Lena..." Nagitla lang ako nang makitang nasa harapan ko si Winston.

"Uh, bakit?" Ngumiti ako.

"N-Nabasa mo na ba ang sulat?" Aniya. Natigilan ako at napakurap.

"Uh, pasensya na, maaga kasi akong nakatulog kaya hindi ko nabasa..." I apologized.

"Ganun ba?" He smiled. "Ayos lang, siguro mamaya--"

Sa biglang pagpasok ng professor ay nagulat kami, mukhang nagitla rin si Winston roon.

"Yung mga hindi naman dito ang klase o, labas na!" Someone shouted from the back. I stopped, sa paglingon ko ay nakita kong nakangisi na si Ejercito at nakasimangot na naglalakad paalis ang katabi nya kanina.

Winston went out too and when I took a glance at Jer, he was licking his lower lip. Sumandal syang muli sa upuan at kinagat ang dulo ng ballpen na parang naglalaro lang.

The whole duration of our lesson is not really that enjoyable, I was bothered the whole time. Kapag lilingunin ko ang likuran ay nakitang tulog lang ang lalaki roon at halos walang pakialam.

I bit my lip at that, kung katabi ko 'yan hindi 'yan matutulog para lang kwentuhan ako!

"Mr. Sandejas?" Suddenly, the professor called him.

He's dead!

"Mr. Sandejas, wake up..." He was still asleep like he was at home!

"Mr. Sandejas!" Her voice roared like a lion. Miski ako ay nagulat roon, napatalon ako sa lakas ng boses at biglang napatayo ang wala sa sariling si Ejercito habang namumungay pa ang mata.

I was starled when he unconciously carried the chair on the back as he tried putting it on his back, mistaken it for his bag.

My eyes widen, nang hindi sya magtagumpay na isampa ito sa likuran nya ay wala sa sariling hinila nya ito at nakapikit pang naglakad patungong labas.

Laughters roared the room and I bursted out laughing too.

"Mr. Sandejas! To the detention room, now!" Sigaw ni Ma'am na nagpagising sa kaluluwa nito at napabalikwas ng tayo.

Like usual, Ejercito spent hours in the detention room. Yun nga lang ay hindi ako papayag na hindi kami magbati sa araw na iyon at kung aantayin ko sya ay baka magkasalisi kami.

So, I thought of a plan to see him.

Habang nagtuturo ang isa naming professor ay busy ang lahat sa pagsusulat ng notes samantalang ako ay gumuguhit sa papel ng isang palaka na may malaking labi.

Sorry, Ma'am...

I wrote in big, bold letters the words, "Miss Kulugo-kokak" on the paper and when she turned her back on the board ay hinagis ko sa kanya ang papel.

It reached her head kaya nagulat sya at mabilis na iniabot ang papel at binuksan.

I saw how his face reddened when she saw the words.

"Who wrote this?!" She screamed.

Sabay-sabay akong tinuro ng mga kaklase ko at nagtaas rin ako ng kamay at pilit na ngumiti.

"A-Ako po, Ma'am..." I answered.

"Ms. Abelló, to the detention room!" Sigaw nya at ngumiti ako bago tumango sabay buhat sa bag ko.

"Thank you, Ma'am!" I cheered and went out.

Halos mahimatay ang mga staff sa detention room nang makita ako.

"Ms. Abelló? Bakit ka nandito?"

"Uhm, detention po..." I smiled.

"Ano?!" Nanlaki ang mata nila. "Sino? Sinong nagsabi?"

"Uh, si Miss Korales..." I answered and smiled.
"Ano?! Paano?! Nasaan na sya nang makausap--"

"No, Ma'am, it's actually my fault!" I answered. "I...threw a piece of paper at her!"

"What? Bakit mo naman gagawin iyon?" Aniya.

Napaisip ako. Bakit nga ba? Oh my god, Lena! What are you doing?!

"Uh, because... I'm bored?" I chuckled awkwardly.

"Jusmiyo, Leona! Santisima, what are you doing?" She asked histerically.

"Uh, sorry..." Walang pakialam na sabi ko at sumilip sa detention. "Pwede na po ba akong pumasok?"

"O sya, sige! Makakarating ito sa mga magulang mo, Leona!" Histerikal na sabi nya at tumango lang ako. Habang papalapit sa pintuan ng detention ay inayos ko ang buhok ko at kinagat ang labi ko.

I fixed my back, at sa pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng malamig na aircon. I shivered. It's my first time in here!

Sumilip ako at naglakad papasok at halos mapatalon ako sa tuwa nang makita si Ejercito na nakahiga roon sa sofa at mukhang natuwa pang napatapon rito.

"This man!" I hissed and marched.

Nakatakip ang kanyang braso sa mata habang nakahiga roon kaya sinipa ko ang paa nya, napabalikwas sya ng bangon. Nakita kong nanlaki ang mata nya nang makita ako at napakurap pa.

"Leona?! What..."

"Tabi, paupo ako..." Bigla syang umayos ng upo, kaagad akong umupo sa kabilang gilid ng sofa at sya'y nanatiling gulat.

"Ano wala akong karapatan ma-detention?" Nanliit ang mata ko sa kanya.

"No, but..." Sinuklay nya ang buhok at hindi makapaniwala ang asul nyang mata. "This is detention, Lena! And... Your parents, malalaman nila..."

"Hayaan mo na, minsan lang..." I shrugged.

"Bakit ka nandito? I mean, how..."

"Binato ko si Ma'am Korales ng papel tapos may drawing yung papel na palaka na malaki labi..." Sagot ko.

He cursed unbelievably, tila namamangha.

"You what?"

"Paulit-ulit?" Tumaas ang kilay ko.

"Damn..." Naihilamos nya ang mukha sa frustration sa akin. "Are you serious, Leona Harriet? Para lang sa detention?"

"Oo! Kasi nga galit ka sakin!" I groaned. "Hindi ako papayag na galit ka hanggang ngayon! Dapat magbati na tayo! Ngayon na!"

Umawang ang labi nya. "Para lang doon?"

"Hindi 'yun 'lang' lang! Galit ka, magkagalit tayo! Ayaw ko 'nun!" I stomped my feet.

Natahimik sya, napasulyap naman ako sa kanya at nakitang humalukipkip sya at sumandal roon sa sofa.

"Get out of here, tell them that was just an accident, they'll believe you. H'wag mong dumihan ang records mo para lang sa walang kwentang bagay..." Aniya at ipinikit ang mata.

Kumunot ang noo ko at napasinghap.

"Anong walang kwenta?! This has sense, Jer!" I hissed.

"Just get out, Lena. This place doesn't suits you. You're better than this..." He murmured coldly.

"No! I will stay--"

"You two, kanina pa kayo nagsisigawan rito. This is a detention room. No talking!" Istriktang sabi nung sumilip na staff kaya natahimik ako.

"Mr. Sandejas, lumayo ka kay Ms. Abelló!" Ani ng staff at nakita ko kung paano nagmulat ang namumungay na mata ni Jer at tamad na ngumisi.

"I ain't doing anything..." He said and stood, he raised his hand and smiled at the staff.

"Now, Mr. Sandejas!"

"Alright, Miss..." Ngumisi ang lalaki at kumindat pa.

My eyes widen, nakita ko kung paano nagulantang ang staff roon at napasinghap.

"Santisima, mga kabataan!" Sigaw nya roon at sinarado ang pinto. Napahagalpak naman ng tawa si Jer at sumalampak sa kabilang sofa.

"Yeah, I know I'm handsome..." Bulong-bulong nya roon at napatango ako pero nang marealize ang ginawa ay ngumiwi ako at pinalo ang ulo.

"Alam kong na-kikisigan ka sa'kin pero h'wag mong saktan ang sarili mo kapag natanto mo..." Tamad nyang sabi. I rolled my eyes at him, ngumisi sya.

Ilang minuto kaming natahimik. Nanatili syang tulala sa kisame habang nakahiga at mukhang malalim ang iniisip.

Walang mangyayari kung ganito kami...

Naglabas ako ng papel ko, pumilas ako ng maliit at nagsulat roon.

Sorry, magbati na tayo...

Itinapon ko ang nakabilot na papel sa kanya. Napamura sya sa gulat at napabalikwas nang tumama iyon sa mukha nya.

He looked at me weirdly. Hindi ako nagsalita at hinayaan syang mabasa ang papel roon.

I saw how his thick brows lifted at that. I saw him get his pen and started writing on the paper and throw it back to me.

Sinagip ko iyon, excited kong kinuha ang papel pero nangiwi lang nang mabasa ang nakasulat.

Aminin mo munang nakikisigan ka sa'kin.

May drawing pa iyon na mukha na may malaking ngisi kaya napailing ako.

He was just too full of himself!

Pumilas ako ng papel at muling nagsulat.

Sorry na nga, oo na, makisig ka na. Masaya ka na? O baka gusto mong sirain ko 'yang mukha mo?

Itinapon ko sa mukha nya ang papel pero nakaiwas sya. Pinulot nya ang papel at narinig ko ang malutong nyang mura at halakhak roon habang binabasa ang nakasulat.

He seems really amused, I saw how his blue eyes shined. Kagat-kagat ang kanyang labi na nagsulat sya pabalik sa akin at hinagis pabalik.

I opened it and read the message.

Alright, I'm sorry too... Now, come here, say your sorry in personal.

Ngumuso ako. I sighed, nang sumulyap ako ay halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib nang makitang nakatitig sya roon sa akin habang nakahalukipkip at nasa noo ang magulong buhok.

I swallowed hard, mabilis akong tumayo pero kaagad na nahiya sa paraan ng kanyang pagtingin. Para akong rumarampa sa harap ng isang istriktong judge!

I stayed confident as I walked towards him pero nakakapanghina ng tuhod ang asul nyang mata. He licked his lip unconciously at kahit ang bituka at balun-balunan ko ay nagkabuhol na sa loob ng katawan ko.

Nang makalapit ako sa kanya ay tumikhim ako sa kabila ng panunuyo ng lalamunan. I looked at him at the side of his lips lifted for a smirk.

I cleared my throat and stood infront of him. Kumurap ako at naglakas ng loob magsalita.

"I'm sorry, Jer..." I pouted and he remained staring at me. "I... tried saying no but he explained na baka mas maimpeksyon kapag na-expose pa sa hangin, so..."

"Hmm," He nodded.

"Anong, hmm?" Kumunot ang noo ko. "Yun na 'yun? Baka gusto mong sirain ko 'yang makisig mo daw na pagmumukha?"

He laughed, nailing sya at napangiwi ako at sinipa sya nang hawakan nya ang pulsuhan ko at hinigit pabagsak sa kanyang tabi.

"I hate you, Jer!" I groaned.

"Alright, Miss Abelló," Humalakhak sya sa tenga ko at hinanap ang mata ko.

"Damn, hindi kita matiis, Lena..." Iling nya at inilagay sa likuran ng tenga ko ang buhok ko.


  • (7 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019