Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you..."

Kabanata 13

"Leona! Quick!" I almost jumped when I heard my Mother calling me. Mabilis kong inayos ang buhok ko at nagtungo sa kanila.

Today was my shoot for a magazine, it started three days ago, meaning I am not going to school for four days and today will be the last day for this shoot.

My Mom got me a shoot where I could spend my time with, pumayag rin ang university sa request ni Mamá kaya hindi na ito naging mahirap para sa amin.

"Ma..." I called when I saw her. Mabilis s'yang lumingon and I was starled when I saw how horror flashed on her face when she saw me.

"Santisima, Leona! Hindi ka pa ayos?!" She exclaimed. I stayed quiet and gulped.

"I just..."

"Quick, Rudos! Pakiayusan na si Leona!" She exclaimed at the make up artist kaya wala na akong nagawa. I was about to say something but then, I saw her chit-chatting with the director again.

Tahimik akong nagtungo sa malaking salamin at pinaupo ako ni Rudos sa isang upuan roon at sinimulang ayusan ang buhok ko. The team made me look way too mature than I look, I looked kinda sophisticated and glamorous this way, as if I can see myself years from now.


"You really don't have that much make up, Lena." Rudos commented as he finished my hair.

"Why?" Sumulyap ako sa kanya.

"Because you're beautiful! You won't be a beauty queen for nothing! Kung hindi lang dahil sa theme ng shoot ay hindi ganito ang make-up mo." He smiled.

"Thank you," Masuyong sabi ko.

"No worries," Tumitig s'ya sa salamin. "But I guess, something's bothering you?"

Gulat akong nag-angat ng tingin at nahuli ang tingin n'ya sa akin.

"P-Paano mo naman nasabi?" I asked.

"I can see it in your eyes, Lena. You don't glow that much today, your smile didn't reached your eyes. Usually, you're cheerful lalo na kapag shoot but now... You're sad and gloomy."

Umayos ako ng upo roon at mabilis na ngumiti.

"I'm sorry... M-Masyado bang nakakaapekto?--"

"No, no..." He shook his head. "Just smile at the camera and enjoy, Lena."

I nodded and when he got quiet, thoughts came back, playing with my mind and emotion starts coming.

Pinilit kong maging masaya sa shoot but it was ineffective, the usually one hour shoot turned to two hours. Hindi natutuwa ang photographer dahil hindi abot ang aking ngiti sa mata.

"Leona! What are you doing?!" My mother pulled me and hissed when we had our break.

"Mamá..." I murmured.

"Anong ginagawa mo, hija? We usually get our shoot done in an hour."

"Sorry..." I whispered softly and sighed. "Masama lang po ang pakiramdam ko."

"Then you have to do this quick, magpapahinga ka at uuwi na tayo, okay?" Aniya at marahang tumango ako.

"Sorry, Ma..." I murmured again.

"I understand," She sighed but then, I saw the disappointment on her eyes. "Just do this gpod this time."

Sa paghila muli sa akin ng glam team ay nagpaubaya ako para sa panibagong damit na susuotin.

I did my very best to get our shoot done, para maging totoo ang aking mga ngiti ay muli kong inalala ang mga ngiti ni Ejercito. I began thinking about his screams on the ferris wheel kaya mas gumaan ang loob ko at napangiti ng matamis.

"There!" The photographer exclaimed. "Great, Lena! I love that smile!"

Hinayaan akong matulog ni Mamá habang nasa byahe pauwi at ginising n'ya lamang ako nang marating namin ang subdivision.

I yawned, my head hurt a bit and looked at the window and my breath hitched when I saw a familiar man blocks away from our mansion.

Ejercito on his uniform, leaning on the pavement while kicking a stone. Tulala s'ya roon at nakapamulsa. I saw his coat on his shoulder, bukas ang butones ng uniporme at wala ang kanyang kurbata.

"Ma..." Tawag ko kay Mamá kaya napaharap s'ya sa akin.

"Can I go out for a while?" I said and I saw how her forehead creased.

"Why? It's late, hija." Aniya.

"May bibilhin lang pong pagkain sa may tindahan." I said, my eyes left Ejercito.

"You can ask the maids--"

"No..." I said at nakita kong nagtaka s'ya. "Parang gusto ko po kasi ng tinapay, baka...kapag wala 'yung gusto ko, pipili ako ng iba." I said.

Taka man ay tumango s'ya at binasa ang kanyang labi.

"Alright," She nodded. "Umuwi ka kaagad, okay? May pasok ka pa bukas."

"Sige po..." I nodded, kumakalabog ang puso. "Kakausapin ko rin po sana saglit si Cess, baka may kailangan bukas."

"You're excused, hindi mo na kailangang gumawa--"

"I-I have to, Mamá." I said.

"Okay," She nodded. "Umuwi kaagad, ayokong aabot ka ng alas-syete."

"Opo..."

Nang pumarada ang sasakyan sa aming garahe ay dali-dali akong lumabas sa gate at halos takbuhin na ang pwesto kung saan ko nakita si Jer.

He looks lost, nakapamulsa at sinisipa n'ya pa rin ang bato, hindi pansin ang aking presensya.

My heart thumped harder, nangilid ang aking luha at para pumormal ay umayos ako ng tayo at tumikhim.

I saw him stopped and shifted his stare at me, akala ko'y tatakbuhin ako sa yakap pero hindi nangyari dahil napatawa s'ya ng wala sa sarili at napailing, muling bumaling sa paa.

"And now, I'm seeing her." He murmured, chuckling humoressly.

"Fuck, I'm hallucinating." He murmured and my eyes starts watering.

"J-Jer..." I called his name and that's when he froze. Mabilis s'yang napaharap sa akin at nakita ko kung paano umawang ang labi n'ya.

"Lena..." He murmured, his eyes shining with the light post.

"Hi," Pumiyok ang boses ko at nakagat ang labi ko nang mangintab ang mata n'ya at kaagad akong nanginig nang dambahin n'ya ako ng yakap.

"Hon..." He whispered, nagilid ang luha ko nang humigpit ang yakap n'ya at isiniksik ang ulo sa aking leeg. "I-I'm sorry... I'm sorry, Lena. Hon, please, don't be mad at me anymore."

Unti-unting umangat ang aking kamay ay mabilis s'yang niyakap pabalik. I touched his nape and kissed his ear.

"H-Hindi naman ako galit." I whispered.

"I-I'm sorry..." He whispered, mukhang takot. "I-I'll be a good boy, hindi na kita sasaktan. I'm sorry... H'wag mo akong iwan."

Napasinghap ako at napaiyak.

"S-Sorry," He whispered on my ear and kissed my hair. "I'm so sorry, Lena. It's my fault, I'm sorry."

"Hindi mo kasalanan..." I whispered.

Lumayo s'ya sa akin at nangilid pang lalo ang luha ko nang makita ang luha sa mata n'ya.

Napahikbi ako at tinitigan ang mata n'ya. Nag-iwas ang tingin n'ya at marahas na pinunasan ang kanyang luha.

"Fuck..." He cursed and gasped.

"Jer," I called. Mas tumulo ang luha ko at mabilis s'yang lumingon sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

"Sshh," He murmured. "No, hon. Don't cry." Masuyong pinunasan n'ya ang aking luha.

"I-I had my shoot, hindi kita nasabihan."

"It's alright," Bulong n'ya at pinunasan ang aking luha. "Don't cry, Harriet, please. You're making my heart hurt."

"Sorry..." Tinulungan ko s'yang punasan ang aking luha at mabilis na yumakap sa kanyang leeg.

"I missed you, Lena." He gasped sharply. "Akala ko iniwan mo na ako, damn, I'm scared."

"Sorry..." Humilig ako sa dibdib n'ya at mas itinago n'ya ako sa kanyang bisig.

"It's alright," He murmured. "I'm so sorry too, don't be mad at me, please. Ayokong...nagagalit ka sa akin."

"Hindi ako galit," I whispered at sa muli n'yang paghiwalay sa akin ay hinaplos n'ya ang aking pisngi na tila kinakabisado ang mukha ko.

"Damn, I'm going crazy." He inhaled sharply. "Natakot ako. Akala ko hindi ka na babalik."

I smiled a little and lifted my hand to touch his face.

"I'll always come back," I said and smiled.

"H'wag ka na ring iiyak." I chuckled and dried his tears. "Boys don't cry."

"Damn that, if it's you, then, I don't care if I'll look like a fool." Iling n'ya at natawa ako roon.

"Okay, you adorable man." I tiptoed and kissed his chin.

"Lips," Sikmat n'ya. "It's not funny, Lena, going just like that."

"Hindi pwede," l sneered. "Nasa malapit lang ang mansyon namin."

"Let's go, then." Nanlaki ang mata ko nang hilahin n'ya ako sa sasakyang itim na nakaparada sa hindi kalayuan at napakurap ako nang buksan n'ya iyon at inilagay ang kanyang kamay sa ulo ko habang papasok ako para hindi tumama sa bubong ng sasakyan.

Pagkatapos ay kaagad s'yang tumakbo sa kabila at hindi pa man nakakaayos ng upo ay kaagad akong inabot at hinuli ang labi ko.

"Hmp!" I gasped in shock but he just chuckled, marahang hinila ang aking leeg at hinuling muli ang aking labi.

"I missed you," He breathe and my breath hitched when he suddenly captured my lips again for a kiss.

For that time, I didn't fought back and gave in. I kissed him back with the same ferocity he is giving me. I opened my lips and welcomed him, naramdaman ko ang paghatak n'ya sa aking baywang kaya napaawang ang labi ko at hindi na nagulat nang matagpuan ang sarili kong nakakandong sa kanya.

He was seated on his seat, halos nakasandal habang ako'y nakaupo sa kanyang hita. Our eyes met again, I saw his blue, blazing eyes and in instant, we were kissing again.

I missed him so much!

I kissed him like how much I really do miss him, I pulled his hair and groaned when his lips landed on my jaw down my neck. Naipaling ko ang leeg ko nang paulanan n'ya ng halik ang aking leeg. I felt his hand caressing my exposed leg, tumaas ang palda ko sa haplos n'ya.

I purred, I felt his other hand unbuttoning my blouse and I was drowning in pleasure. Naipikit ko ang aking mata ng mariin at naghabol ng hininga.

Pero biglang nawala ang kanyang kamay sa aking hita at naramdaman ko ang pag-ayos ng mga butones ng blouse ko.

My eyes opened and saw his lips smiling.

"Jer?" Gulat kong sabi. "Why...did you stop?"

I saw the hidden smile on his lips as he shook his head and fixed my blouse.

"No, hon." He smirked. Marahang ibinaba n'ya ang palda ko at inayos ang blouse ko habang gulo akong nakatingin sa kanya.

"As much as I want, I won't." Hinaplos n'ya ang pisngi ko.

"B-Bakit?" I blinked and bit my lip.

"Because I love you," He said and fixed my hair. "So much, I love you, Harriet ko. I'll wait for the wedding."

Kumalabog ang puso ko.

"P-Papakasalan mo ako?"

"Of course," Nailing s'ya at hinaplos ang pisngi ko. "I didn't told you I love you for nothing, I want you to be my wife."

"A-Agad?" Nag-init ang pisngi ko.

"Yes," He kissed my chin. "After we graduate, I'll ask for your hand."

I sighed heavenly and lowered my head and kissed his forehead.

"Mahal din kita." I murmured. "Sobra."

Kinabukasan ay masaya akong nagising. My mood is suddenly lifted again, nabawi nito ang ilang araw kong kalungkutan. Masayang binati ko ang aking mga magulang na nagtataka sa kilos ko pero hindi na nagtanong.

Habang nakasakay sa kotse patungo sa unibersidad ay nakangiti lang ako at hinahaplos ang kwintas na ibinigay sa akin ni Jer at kagat ang labi ko.

I am looking forward for today!

When we reached the university ay hindi na ako nagpapasok sa parking ng unibersidad. Bumaba ako sa labas at sinabi kay manong na mauna na kaya umalis s'ya kaagad.

Naglakad ako papasok habang malaki ang ngiti, yakap-yakap ko ang libro at ang shoulder bag sa aking balikat.

My mouth lifted for a smile when I saw Ejercito on the parking lot. Lalapit sana ako para tawagin s'ya pero hindi ko nagawa nang mapansing may kausap s'ya.

Kaagad akong nagtago sa kotse roon at sumilip at nagitla nang makitang kausap n'ya si Auntie, ang kanyang Mommy at mukhang nag-aaway.

"I told you, Mom! I won't!" I heard Jer's frustated voice.

"Ejercito! We only want what's best for you!" Auntie exclaimed. "You passed the exam! It's a big opportunity for you! We are fixing your visa! You are going to Harvard!"

"You can't rule me!" Galit na sabi ni Jer at galit na sinuklay ang kanyang buhok. "You can't dictate me what to do!"

"Ejercito!" Auntie's voice roared at sumikip ang puso ko nang makita ang disappointment sa mata ni Auntie.

"I won't, Mom! I would never go there! I will stay here in the Philippines!"

"Dahil kanino? Kay Lena ba?!" Auntie's voice roared and my eyes swelled in tears.

"It's none of your business, Mom!" He exclaimed. "I am not going to leave this country!"

"Hijo, think of your future! Hindi ko ipinagkakait si Lena sa'yo! I don't care if you have a relationship with her! I'll let you keep her! Just do what I ask of you, we asked you this in behalf of your father. H'wag mo naman akong biguin, anak!"

"No, Mom." Ejercito shook his head.

"Lena will understand, hijo..." Auntie said desperately. "You just have to tell this to her--"

"No..." Ejercito shook his head. "Don't tell her, she can't know."

"Why? Because she'll push you to take it? Kung ayos lang sa kanya, anak, walang problema--"

"There is, Mom." Jer gasped sharply. "I can't leave her. I won't, Mom."

"Jer, please..." Auntie murmured, her eyes glistening in tears.

"No, Mom." Jer shook his head at sumikip ang puso ko nang punasan n'ya ang luha ng ina n'ya at humugot ng hininga.

"I'm sorry, Mom, I love you but you can't ask me to do anything if it means leaving her." He said and sighed before turning his back at his crying mother.

With a heavy heart, after his mother's car left, doon na ako pumasok ng gate mismo ng university.

I saw the usual, loud crowd. Kaagad akong bumaling sa hagdan kung saan palaging nag-aantay si Jer at nagtaka nang hindi ko s'ya makita.

My forehead creased at that, nang makita ko s'ya palapit sa akin ay kaagad akong lumapit.

"Hey, hon, morning." He said and smiled.

"Morning," I smiled back at him, feeling the heavy feeling inside my heart.

Hindi ako umimik masyado pero pansin ko ang pagiging tahimik n'ya at ang pagkunot ng noo.

"Are you alright?" Hinawakan ko ang braso n'ya at mukhang nagulat s'ya at napaharap sa akin.

"Yes," He said, nakita kong inabot n'ya ang yakap kong libro at dinala.

"Something's bothering you," I said. "What is it?"

He sighed, tila hirap at nasasaktan rin. Nang hindi s'ya umimik ay hinaplos ko ang kanyang braso at hinanap ang mata n'ya.

"Hey, Jer, tell me." I said.

"It's Mom." He sighed and shook his head. "We fought."

I acted shock and spoke.

"What? Why? May problema ba?" I asked.

"Nothing, I just..."

"Tell me, Jer." I sighed. "I am not your girlfriend for nothing, right? Tell me."

"It's nothing important, Lena." Nag-iwas s'ya ng tingin.

"Come on, Jer--"

"No, I don't want to talk about it." Giit n'ya.

"But you can tell that to me so, I can give you advices and--"

"Stop," He gasped and shook his head, nabakas ko ang inis sa kanya. "I said no, walang kwenta lang iyon. It's nothing."

I sighed, nanikip ang dibdib ko at hindi na umimik roon.

Pagkarating namin sa room ay kaagad na napangisi si Cess nang makita ako. I saw her waved at me kaya ngumisi ako, nang salubungin n'ya ako ay nauna na si Jer sa likuran kaya naiwan kaming dalawa.

"Ayos na kayo ulit?" Nakita kong sulyap n'ya kay Jer sa likuran at tumango ako.

"Good," She sighed. "Natakot ako para sa inyo, Jer's a mess when you're gone, palaging absent at aabangan ako para tanungin kung nasaan ka o nakita ba kita. He's been going to your mansion everynight, just to check on you."

"Napapabayaan na n'ya ang sarili n'ya." I sighed. "He really is a mess, Cess. I want him to talk to me regarding his problems but he doesn't want to."

"Kung i-open mo kaya?"

"Ayoko s'yang pangunahan." I sighed. Sa muli kong pagsulyap kay Jer ay naabutan ko s'yang nakayupyop sa kanyang lamesa.

I sighed, nagpaalam ako kay Cess at lumapit kay Jer. I slowly sat on the seat beside him and caressed his hair, nang mag-angat s'ya ng tingin ay maamo na kanyang mata at sumandal sa balikat ko.

"You okay?" Hinalikan ko ang noo n'ya.

"Hmm..." He hummed.

"Kapag may problema ka, sabihin mo lang sa akin, okay?" Masuyong sabi ko at tumango lamang s'ya at inabot ang daliri ko.

The class started, nasa kalagitnaan kami ng lecture nang makita ko ang lalaking kumatok sa pintuan ng room kaya nagtungo roon ang professor.

I saw Jer's forehead creased. Nakita ko ang tiim ng tingin n'ya sa lalaking nakapormal na suit sa labas at maya-maya pa ay bumalik ang professor at nagsalita.

"Mr. Sandejas, you can go, you are excused." Ani nito.

My forehead creased, napalingon ako kay Jer na alangang tumingin sa akin at tumango ako sa kanya at ngumiti.

"The driver will fetch me," I said.

He nodded, pinisil ang kamay ko at nagmamadaling inabot ang bag at umalis sa loob ng room para salubungin ang lalaking nakasuit.

Nagpatuloy ang klase pero ang mata ko ay nakapako kay Jer at sa lalaking mukhang nagtatalo roon sa labas. Curiousity kicked in the moment Jer shook his head, mabilis na naglakad paalis at nagmamadaling sumunod sa kanya ang lalaki.

I raised my hand abruptly.

"Yes, Ms. Abelló?"

"Can I go to the clinic?" Humawak ako sa tyan at ngumiwi. "I am having stomach cramps."

Nang pumayag ang professor ay dali-dali akong lumabas ng room at hinanap sa paligid si Ejercito. My forehead creased when I didn't saw him, nagtungo ako sa parking at kaagad na nagtago nang makita sila roon.

"Ejercito! For once, makinig ka naman sa akin!" Sa gulat ko ay umawang ang labi ko nang makita ang ama ni Jer na naroon at galit sa kanya.

"You can't force me to go." Pagmamatigas nito.

"For what?! Just for the mere girl?! Mayaman ang pamilya nila pero mayaman rin tayo at wala akong pakialam sa kaya nilang ibigay! That woman will reach her dreams while you fail because you always depend on her!"

"She's my girlfriend, Dad! She isn't just a girl! She is my woman so stop calling her names!"

"Leona! Leona, puro ka nalang Leona!" His father groaned angrily. "Walang mabuting maidudulot sa iyo ang babaeng 'yun! She'll pull you down! May mga pangarap ka at nakahain na sa'yo but you chose to stick with that woman!"

"Because I love her!" He exclaimed forcefully and my eyes swelled in tears.

Napahawak ako sa dibdib at dinama ang sakit roon.

"Putanginang pagmamahal, Ejercito! Sandejas tayo at hindi namamalimos ng pesteng pagmamahal na 'yan!"

"You don't know her kaya mo 'yan nasasabi!" Gigil na sabi ni Ejercito, ang lalaking nakasuit kanina ay tahimik na nakatayo lang sa tabi ng mag-ama.

"Stop disappointing me, Ejercito! Go to Harvard and I will let you go crazy for your woman! Kung hindi ka pupunta ay kakausapin ko s'ya--"

"Don't you dare, Dad!" Jer groaned like a beast. "Don't you dare tell her about this! I am staying and you can't do anything about it!"

"You bastard--" I gasped in shock when I saw how his father froze, nakita kong napahawak ito sa dibdib at nanigas.

"Dad!" My eyes widen and swelled more when I saw his father lost his balance, nakita ko ang takot sa mata ni Ejercito nang saluhin ang ama at sumigaw.

"The car, Owen! Call Mom!" He exclaimed at sa bilis ng pangyayari ay nawala sila sa harapan ko at nakita ko ang sariling lumuluha habang hawak ang dibdib ko at nakaupo sa semento.

This is all my fault! I am a poison to Ejercito! Hindi ako dapat narito at sinisira ang kanyang pangarap!

The next days has been one of the worst, sa kasagsagan ng finals ay wala si Ejercito para sa kanyang ama. He never told me about his father, basta nasalubong ko nalang ang lalaking tinawag n'yang Owen at sinabing may emergency sa pamilya kaya wala si Jer.

Tulala rin ako at wala sa sarili, ni hindi nagawang magreview para sa eksaminasyon.

My Mom even showed me a copy of the magazine where a was featured, ang damit na pulos pormal at corporate at meron ring nakaone-piece bikini pero wala ang intensyon ko roon.

Sa gabi bago ang araw mismo ng exam ay nagpuyat ako para ipilit ang sariling mag-aral pero walang pumapasok sa utak ko.

I barely sleep that night, parang kakapikit ko palang matapos dalawin ng antok ay ginising na ako ng kasambahay dahil sa huli na ako sa klase.

I panicked, halos hablutin ko na ang gamit ko matapos maligo at hindi na nakapagpaalam sa pagmamadali.

Aasa ako sa stock knowledge! Gahol ako sa pagbuklat ng notes sa sasakyan at nang sumulyap sa orasan ay sampung minuto nalang para sa exam!

I almost ran when we reached the university, halos hatak ko na ang bag at yakap ang sabog na mga libro.

I was in the middle of the stairs towards the room when I heard someone calling me.

"Lena! Lena!" My eyes shifted and saw the panicking Cess.

"Why?"

"Ejercito!" She exclaimed at kumalabog ang puso ko.

"W-What happened?"

"He's fighting with the other seniors in the quad!" She exclaimed.

"I-I should go!" I exclaimed pero hindi pa man ako nakakalayo ay hinawakan n'ya ang kamay ko.

"We're late for the exams, Lena! May mga umaawat na rin--"

"N-No..." My voice broke. "M-Mauna ka na, Cess, I have to check Jer."

"But Lena... The exam!"

"I-I'm alright," I sighed and looked at her. "Go, mauna ka na."

Alangan man ay tumango s'ya bago tumakbo paakyat at ako nama'y mabilis na tumakbo sa quadrangle at halos magwala ang puso nang makitang nakikipagbuno si Ejercito sa isang lalaki roon na nanligaw sa akin noon.

Mabilis akong tumakbo nang makitang napatumba ni Jer ang lalaki at paulit-ulit na sinapak ito sa mukha.

"Fuck you! You don't get to sexualized my girlfriend!" My mouth parted when Jer groaned angrily.

Pumako ang tingin ko sa magazine na nakakalat sa lapag at nakita ang pahina kung saan suot ko ang aking bikini.

"Fuck you!" Gumanti ang lalaki ang nakita kong hindi makalapit ang mga guard sa dalawang agresibong lalaki. "Paanong hindi pagnanasaan e, halos nakahubad na!"

"Fuck you!" Jer groaned, may dugo na ang labi at malalakas ang patama ng suntok. Nawalan ito ng balanse nang suntukin ng lalaki ang kanyang panga.

"Ejercito!" I exclaimed when I saw him attempting to throw a harsh punch again.

He froze, nakita ko ang maluwang na paghinga ng mga tao sa paligid sa pagkalma ni Jer.

His blue eyes shifted to me, I saw his mouth parted at mas nawalan ng balanse nang suntukin s'ya ng lalaki sa pisngi.

"Stop!" I screamed at the top of my lungs when Jer stopped fighting kaya nagpatama ng suntok ang kaaway.

"Stop! Stop them!" I said at mabilis na tumulong ang iba para ilayo sila sa isa't-isa.

Kaaagad kong tinakbo si Jer na nakasalampak sa semento at lumuhod roon. I cupped his cheek and my tears fell when I saw his bleeding lips and the bruise on his cheek.

"H-Hon... H-Hindi ako papayag na bastusin ka nila." His eyes soften, tila nagsusumbong. "I-I was mad and..."

"S-Stop protecting me." I gasped loudly.

"N-No... Po-protektahan kita kahit anong mangyari." Nakita kong nabasa ang mata n'ya at sinapo ang pisngi ko.

"N-No..." I shook my head and I heard the guidance councilor calling the attention of two men involved at walang nagawa si Jer kaya sumama s'ya roon.

Wala ako sa sarili habang tulala at inaantay si Jer sa labas ng guidance habang kausap ang dean.

I can't feel anything, I feel numb and out of focus. Tulala ako sa aking nanginginig na kamay at malalim ang paghinga.

I am a poison. I am the poison.

Kung hindi dahil sa akin ay hindi susuwayin ni Ejercito ang mga magulang, kung hindi dahil sa akin ay hindi maoospital ang Daddy n'ya! Kung hindi dahil sa akin ay hindi s'ya mapapaaway!

If it isn't for me, he'll go to Harvard and live his biggest dream! How can I be the hindrance of my love's dreams?

"Hon," Pagod akong napasulyap at naabutan ang nagmamadaling si Ejercito na kakalabas lang.

His wound is dried, magulo ang buhok at bukas ang uniporme.

"Hon," He called me but I sighed and stood.

"Let's go," I murmured, hawak ang binili kong panlinis ng sugat at naunang maglakad.

He followed me, wala sa sarili ang paglalakad ko at lumilipad ang utak.

"Hon," Hinawakan n'ya ang kamay ko at malamig lang akong sumulyap roon at nagpatuloy sa paglalakad.

We reached the soccer field and sat under the tree where we often sleep together.

Naupo ako sa damuhan at nakita kong nag-aalangan man ay naupo s'ya sa harapan ko. I saw the gloomy, blue eyes he has. Halo ang taka at takot roon.

"H-Hon..." He murmured. "What's wrong?"

Hindi ako umimik, inayos ko ang cotton para sa sugat n'ya at idinampi para sa kanyang sugat sa labi.

He looks lost, staring at my cold eyes.

Tahimik kong nilinis ang sugat n'ya at inabot n'ya ang kamay ko at nakita kong tila may naalala s'ya.

"E-Exam..." He whispered. "H-Hon, the exam. What are you doing here? You should be taking it now."

Hindi ako umimik, sumakit ang lalamunan sa pagpigil sa pag-iyak.

"Lena... You should be taking the exam!" He exclaimed, mabilis s'yang lumayo at hinawakan ang pulsuhan ko para sana hilahin pero hinatak ko ang kamay ko mula sa kanya.

"Lilinisin ko ang sugat mo," I murmured at gulo s'yang napatingin sa akin.

"L-Lena, the exam..." He whispered, inabot ang kamay ko. "M-Masama ba ang pakiramdam mo? Should I take you to the clinic?" May pag-aalalang sabi n'ya pero nanatili akong tulala at pinipilit na linisin ang sugat n'ya.

"L-Lena..." He called. "Hon, are you alright?"

Napasulyap ako sa malungkot na kalangitan.

"P-Pagod ka na ba?" I heard his breaking voice.

My tears fell when I heard that, bumagsak ang kamay ko mula sa kanyang pisngi at napatungo.

"L-Lena..." Hinawakan n'ya ang braso ko at doon na ako napahagulgol ng iyak.

"P-Pagod na ako." Pumiyok ang boses ko.

"L-Lena... Come on, listen..."

"Pagod na pagod na ako!" I cried harshly and pushed his hand away.

I saw his bloodshot eyes, umawang ang labi n'ya at kaagad na inabot ako.

"I-uuwi kita... M-Magpahinga ka, kung pagod ka, ihahatid kita..." Takot n'yang sabi at nanginig ang boses.

"Pagod na ako sa'yo!" I groaned harshly at nakita kong natigilan s'ya. His eyes reddened more and a tear escaped his eyes.

"W-What are you saying?" His voice broke and reached for me. "D-Don't scare me like that, i-uuwi na kita kung pagod ka. W-We'll talk about this when we are both cool--"

"Hindi mo ba naiintindihan?!" I exclaimed and sobbed, tinutulak ang kamay n'ya. "Ayoko na sa'yo! Pagod na pagod na akong pakisamahan ka!"

"N-No..." He chuckled humorlessly. "N-Not funny, Hon."

"Do I look like joking, Sandejas?!" Galit kong sigaw at tinulak s'ya. "Ang sabi ko, pagod na ako sa'yo! Pagod na pagod na ako sa'yo!"

"P-Pag-usapan natin 'to," He whispered, his voice breaking, lost and confused.

"Ayoko na sa'yo! Pagod na ako sa'yo! You selfish manipulative asshole! Wala kang kwenta!" I exclaimed and I saw how his eyes broke.

Mas namula ito at nalaglag ang marahas na luha sa mga mata n'ya.

"Wala kang iniisip kung hindi ang sarili mo! You're nothing but a selfish asshole! Pagod na pagod na ako sa'yo! Pagod na akong mahalin ka!"

Tinatagan ko ang boses ko kahit na durog na durog ako habang nakatitig sa mga lumuluha n'yang mata.

I'm sorry... I'm sorry, Jer...

I'm sorry, my love.

"Simula ng makilala kita, nagkandapeste-peste na ang buhay ko!" Sigaw ko.

Tumungo s'ya at nakita ko ang pagtulo ng luha n'ya na marahas n'yang pinunasan gamit ang nanginginig na kamay.

"S-Sawang-sawa na ako sa kakaintindi sa'yo! Sawang-sawa na akong mahalin ka!"

I heard his soft sobs, tahimik s'yang nakatungo at nanginginig ang balikat.

"L-Let's break up," I murmured and I saw how he shook his head harshly and sat straightly.

"N-No, Lena... Don't leave me." He cried violently and took my hand.

"L-Let's stop this." Tumulo ang luha ko at umiling s'ya at lumuhod para yakapin ang katawan ko pero tinulak ko s'ya at lumayo.

"M-Magbabago ako... S-Sabihin mo lang kung paano, pangako." He begged me. "K-Kung ayaw mo ng ugali ko, babaguhin ko."

Lumuhod s'ya sa harapan ko at patuloy na nalaglag ang luha ko at marahas na umiling.

"A-Ayoko nang mahalin ka."

"D-Don't leave me..." He sobbed. "N-No, hon, y-you can't leave me. M-Magbabago ako."

Umiling ako at lumayo sa kanya.

"You're the worst. Nagsisisi akong minahal pa kita."  I said harshly and pushed him, napaupo s'ya sa damuhan, tulala at dali-dali kong kinuha ang bag at tumakbo paalis.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
31 July 2019