Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



"I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you..."

Paper Planes


Simula


"Mag-iingat ka, hija, huh?" My Mom, Imenda Abelló keeps on caressing my hair.

"Opo..." Sagot ko at ngumiti.

"Remember to always stay away from men, you are our unica hija, you can't get hurt, you understand me?" She smiled softly and I smiled, nodding my head.

"Yes, Momma..." I said and get my shoulder bag from our seat.

"Alright, you take care..." Aniya sa akin.

"Ricardo, ipahatid mo na si Lena sa eskwela!" She exclaimed.

My Papá, went out of the kitchen, wearing his formal wear as he smiled at me.

"Tara na, hija..." He offered his arm. Mabilis akong kumapit sa kanya at nangingiting humalik sya sa aking noo at nagsalita.

"Sinasabi ko sa'yo, Lena... Be good at school, I don't wanna see you around that Sandejas man again..." Aniya.

I bit my lip, lumunok ako at hinawi ang itim na buhok bago sumulyap sa kanya.

"I don't..." I cleared my throat.

"Oh? Your Momma saw you with him at the cinema last time!" He hissed.

Nanahimik naman ako, my lips protruded as I pouted. Muli akong sumulyap sa kanya at nakitang naiiling sya sa akin.

"I'm sorry, were just killing some time..."

"H'wag kang magbabarkada sa lalaking iyon na sakit ng ulo sa pamilya nya! You are an honor student, Leona!" He exclaimed and I nodded, sighing.

"Sorry..." I gave up.

"Pero hindi na ito mauulit, Leona Harriet! I am telling you!" He hissed and I nodded.

I kissed his cheek goodbye and he waved at me, tumango naman ako sumakay sa aming sasakyan.

Hawak-hawak ko ang notebook na sinulatan ko ng aralin namin nitong nakaraan, we have a quiz today yet I didn't study anything!

I sighed, nang makababa sa unibersidad ay kaagad akong napailing at hinawi ang buhok ko.

Another tiring day for school, huh?

Pagkapasok ko palang ay nakita ko na kaagad ang nagkakagulong estudyante sa paligid, nag-uunahan sila sa pagpila sa kainan at ang iba ay nagtatawanan habnang naglalakad.

I fixed my tie and the coat I am wearing, inayos ko ang sapatos ko at niyakap ang libro ko sa aking dibdib.

"Lena!" A voice stopped me from going to my room. I shifted my gaze and saw my friend, Cecille on her way towards me.

"Cecille, bakit?" I asked.

"Kailangan mong sumama sa akin!" She hissed.

"Huh, bakit?" My forehead creased.

"Si Ejercito!" She exclaimed. My eyes widen.

"Huh?! Bakit?!" I panicked.

"Tara, sumama ka!" She hissed and pulled me, halos takbuhin na namin ang pangatlong palapag ng unibersidad sa pagkabahala.

My heart was beating fast! What happened?!

"Ano bang nangyari? Why are you--"

"Nasa guidance sya!" She hissed.

"What?!" I exclaimed exaggeratedly. "Nanaman?!"

Natigil lang ako nang mapunta na kami sa tapat ng guidance. Kaagad kong sinilip ang salamin roon at halos mapamura ako nang makita ang tatlong lalaki na kaedad lang namin at bugbog sarado.

"Don't tell me, he beat--"

"Yes, he did!" She said. I gasped. Napatakip ako sa bibig ko at napapikit ng mariin.

Santisima, Ejercito!

"Nagkakagulo 'yan sila roon kanina, Jer is the one beating those three kaya ayan..." Kwento nya sa akin. 

I saw the poor three guys on their seats, lowering their heads and meanwhile, Ejercito is confidently seating on a chair, nakasandal pa ang kumag sa upuan habang nakabagsak ang magulong buhok sa noo.

He was playing it cool! Walang pagsisisi itong makita sa kanyang mata!

And he's playing with his bloody lips! 

Ngumiwi ako. Halos mapasugod ako sa loob ng guidance pero hindi ko ginawa.

"Salamat, Cess... Sige, pumasok ka na at ako na rito..." I said casually.

"Sigurado ka, Lena? Pwede naman akong manatili dito para--"

"No, ayos lang talaga ako..." I smiled a little. "Thank you..."

"O sya, sige..." Napangiti sya. "Pasok na ako, Lena, bilisan mo rin, huh? May quiz mamaya..." Aniya.

I nodded, nang maglakad sya palayo ay sinundan ko lang sya ng tingin at napabuntong-hininga.

Sa muling pagsulyap ko sa guidance ay nakita kong pinapagalitan na sya. He was just listening, his lips tugged for a smirk and I can almost hear myself scolding him.

That man! Na-major na ata nya ang pakikipagbugbugan! What does he think he is doing?!

Nagmartsa ako pabalik sa may upuan sa tapat ng opisina habang nag-aantay sa kanya. He's unbelievable!

I sat properly when I saw Floyd, my crush walking past me. Tumikhim ako at umayos ng upo, nakita kong napatingin sya sa akin at pagkatapos ay tumango.

"Hi, Lena..." He smiled softly.

My heart almost went out of my chest, marahang hinawi ko ang buhok at malamyang ngumiti sa kanya.

"H-Hi, Floyd..." I murmured.

He smiled and nodded and pointed the door.

"Uhm, sige, mauna na ako..." Aniya. I nodded at him at nang muli syang ngumiti ay halos tumili na ako sa kilig.

My cheeks heated up, napahawak ako sa pisngi ko at nangiti.

Oh my God! He noticed me!

Nawala lang ako sa wisyo nang makitang may grupo ng estudyanteng tumatakbo palapit sa guidance office na nag-uunahang sumilip sa salamin.

"Nasaktan ba s'ya?!" The fair lady exclaimed.

"I don't know! Hindi pwedeng masugatan sya!" Sigaw nung isa.

I almost rolled my eyes in annoyance, here he is again, being surrounded by his admirers...

"Hi, Jer!" I saw the other lady waved at the glass at maya-maya'y nagsigawan sila roon at nagtulakan.

Nanatili akong nanunuod sa kanila roon at maya-maya'y lumabas ang guro sa loob at pinagalitan ang mga babae.

"Magsibalikan kayo sa klase!" Sita nito. Halos magtakbuhan naman ang mga babae paalis at nang mapabaling sa akin si Mrs. Alredo ay ngumiti sya.

"Ms. Abelló," She smiled. "Are you waiting for him?" Aniya.

I nodded, smiling a little.

"Alright, this won't take long... Palalabasin ko rin..." Aniya.

Nang pumasok sya ay napasuklay ako ng buhok gamit ang mga daliri ko.

I shook my head again and glanced at my watch.

"Uh, hi, Lena!" Kaagad akong nag-angat ng tingin at nangiti nang makita si Winston.

"Hi," I greeted back.

"Uh, may ibibigay lang sana ako sayo..." Aniya na nahihiya. 

My forehead creased, nakita kong siniko sya ng kanyang kasama at maya-maya'y may iniabot sya sa aking isang papel na sa tingin ko ay liham at isang pirasong bulaklak.

"S-Sana m-mabasa mo, a-aantayin ko ang sagot mo..." Aniya at hindi pa man ako nakakasagot ay kaagad syang tumakbo paalis.

I smile left my lips, inayos ko ang bulaklak sa hita ko at saktong pagsulyap ko sa pintuan ay syang pagbubukas nito at tumambad sa akin si Ejercito na nanlalaki ang mata nang makita ako.

"Lena!" He exclaimed. My brows raised, kaagad akong tumayo at pinasok sa bag ko ang sulat at bulaklak bago humalukipkip.

"Ano nanamang ginawa mo?" I scolded him.

Hindi sya sumagot, nakita kong nakatitig sya sa bag ko kaya inayos ko iyon sa balikat ko at muling nagsalita.

"Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo, huh..." I said. "Anong gusto mo, dito na sa opisina tumira?"

Nakita kong napakurap sya at binasa ang labi at hinawi ang kanyang buhok.

"Look, Leona, I'm sorry..." He breathe, his ocean blue eyes soften.

"Your sorry isn't enough!" I hissed. "Palagi ka nalang ganito!"

"I'm sorry, okay?" He licked his lower lip again and I took a glance at it and gulped.

"Puro ka nalang sorry tapos uulitin--"

"Magpapaliwanag ako!" Bigla syang lumapit sa akin at akmang hahawakan ako.

"Kaya nagagalit sa'yo ang magulang mo! You weren't--"

"Lena, please..." His red, bloody lips protruded. "Ayokong nagagalita ka--"

"Shut up, Sandejas!" I exclaimed and walked away. He called my name, pinagtitinginan kami habang naglalakad ako at humahabol sya habang tinatawag ako.

"Harriet..." He called and my lips forms a thin line.

"H'wag mo akong tawaging ganyan!" I hissed.

"Harriet..." He teased again. I groaned, nang hawakan nya ang braso ko ay mabilis ko itong hinila paalis at sumimangot.

"Shut up, Jer..." I hissed. He walked near me, nang agawin nya sa akin ang bag ko ay halos ihampas ko na sa kanya iyon.

"Ayan, dalhin mo!" I groaned.

Pumasok ako ng classroom, kaagad na nagsitinginan sa amin ang mga kaklase ko at nalipat ang tingin nila kay Ejercito.

"Lena..." Jer caught my arm but I just raised my brow, inagaw ko ang bag ko pabalik at naupo sa harapang silya.

"Lena, sa likod tayo..." Sunod nya sa akin. Hindi ako nagsalita, tahimik ang buong room dahil sa amin at nang maupo ako ay kaagad na napunta sa harapan ko ang huli.

"Lena, Harriet, come on..." He said. Hindi ako nagsalita, at diretso ang tingin.

"Ayokong nagagalit ka sa akin..." Aniya. I gasped when he kneeled infront of me, halos manlaki ang mata ko nang magtapat ang mukha naming dalawa.

I saw his ocean blue eyes begging, nang hindi ako naimik at nanatiling gulat ay inabot nya ang kamay ko at hinaplos.

"Lena, come on, I am really sorry..." His lips protruded cutely. I saw the wound on his lips and the small bruise at the side of it.

His pointed nose is on my view, his black hair was on his forehead, scattered that gives him a smug look.

"Kasi kanina, naririnig ko 'yung asapan nila..." Paliwanag nya habang nakaluhod roon sa harapan ko at pilit hinahanap ang mata ko.

"Nakita daw nila 'yung larawan na kinuhaan kahapon, 'yung sa beauty contest mo?" Aniya. I saw how his jaw clenched, his blue eyes suddenly changed to a darker shade as he looks pissed.

"Sabi nila ang ganda ng katawan mo--"

"Totoo naman..." I cut him off.

His mouth parted, napapikit sya at muling kinagat ang kanyang labi at mas umigting ang kanyang panga.

"Lena, nagalit lang naman ako kasi pinagnanasaan ka nila!" He explained.

"Hindi ba ay sinabi ko na sa'yong h'wag ka nang manggugulo? Mahirap bang intindihan 'yun?" I scolded.

He sighed, I saw how his adam's apple moved when he gulped. The fairness of his skin almost melted me, walang bahid ng kung ano mang problema, pwera na lamang sa sugat at pasa.

"Patawad..." He sighed, pinching the bridge of his nose. "I just can't help but to be mad at them..."

Umirap ako, inabot naman nya ang pisngi ko at hinaplos kaya tinampal ko iyon at suminghal.

"Don't talk to me, hindi ako natutuwa sa'yo..." I said.

"Lena..." He whinned. "Sorry na, sorry na..." 

"No," I hissed. He was about to caressed my cheek again when I pushed his hand.

"Ejercito! Baka isipin nilang kasintahan kita!" Sita ko. Mas nangunot ang noo nya, walang pakialam na hinawakan nya ulit ang pisngi ko at inayos-ayos pa ang buhok ko habang nakaluhod roon sa harapan ko.

"Jer!" I exclaimed.

"Sorry muna..." He smiled cutely.

"Ayoko."

"But--" He stopped when the professor entered the room, napatayo sya bigla. Sumulyap sya at nginuso ang upuan namin sa likuran pero inilingan ko sya at inirapan.

"Mr. Sandejas, maaari bang bumalik ka sa iyong silya?" Ani Mrs. Reyes.

He groaned, bigo syang sumulyap sa akin bago napahawak sa batok at bagsak ang balikat nanaglakad sa likuran.

I shook my head, nang mag-umpisa ang klase ay nakita kong tamad na tamad si Ejercito sa likuran.

He was glancing at me, tuwing mahuhuli nya akong nakatingin ay i-ngunguso nya ang upuan sa tabi nya at umiiling lang ako at dismayado syang mapapakamot ng kilay.

He was seating non-chalantly on the seat, with his back against the wall and staring at nothing.

He was playing with his lips, nakita kong maluwang ang kanyang kurbata at bukas ang coat na suot kaya napangiwi ako.
He's hopeless...

Nagulat ako nang may kumalabit sa akin. I took a glance at my back at kaagad na may iniabot sa aking papel kaya nangunot ang noo ko.

I opened the piece of paper and saw a familiar handwriting.

Sorry, h'wag ka nang magalit. I-lilibre kita sa perya mamaya.
-E

I stopped, napasinghap ako at nakagat ang labi ko.

This man knows my weakness! Always!

I gave up!

Sumulyap ako sa likuran at nahuli ang tingin ni Jer sa akin. He was seating there and when he saw me, his lips twitched. Nakita kong kinakagat nya ang dulo ng kanyang ballpen at ngumiti ng pilyo.

I sighed, nakita kong nangingiti na sya pero pinipilit magseryoso.

I lifted my hand and tugged my ear, showing him my approval. Our sign language, and when he saw that, he grinned.

"Yes!" He exclaimed and raised his arm.

Natigilan ako roon.

"Mr. Sandejas, are you with us?" The professor asked strictly and I saw how Jer's blue eyes smiled and nodded.

"Sorry, Ma'am..." He said but still smiling, muli syang sumulyap at kinalabit rin ang tenga nya at halos hindi na maibsan ang kasiyahan sa mata kaya nailing ako.

Isip-bata...


  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE