Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Heart will Decide

Image Description Kiekiekingly   |   10 September 2019


Im your past and she's your present Bakit siya pa? Bakit kapatid ko pa?

Maeve's POV,

Hawak-hawak ko ang papel na inabot sa akin ng babae kanina after kong makapag-enroll. Hindi ko pa ito natitingnan simula nang ibigay ito sa akin. Ayon sa kan'ya ay schedule ko raw ito para sa darating na pasukan.

Patuloy lamang ako sa paglalakad habang nag-iisip ng kung ano pa ang pwedeng maging raket ko para magkapera. Part time job kumbaga. Meron naman na akong part time job, sa isang coffee shop pero kulang pa talaga ang nakikita ko mula roon para sa gastusin namin ni mama sa bahay. May nga utang pa kami na kailangan bayaran, utang iyon mula sa hiniram naming pera pampagamot kay mama. 

No'ng nakaraang buwan lang ay nadisgrasya si mama kasama ang pinsan kong si Mikee. Dahil sa 'kin... pero mas malala ang natamo ni mama. Si Mikee naman, minor lang ang natamo. 

Grabe no? Isang beses ko lang sinubukang maging masaya. Isang beses ko lang sinubukang takasan lahat... Isang beses ko lang sinubukang tumakas para maging masaya kahit saglit lang pero gano'n pa 'yong nangyari. 

Malas!

May favoritsm ang tadhana. Ayaw akong maging masaya at malaya kahit isang beses man lang. Wala pa nga akong balak bumalik no'n, may problema ng naghihintay sa 'kin. Unfair.

...bakit nga ba ako nagrereklamo ngayon e nangyari na ang dapat nangyari? 

Umiling na lamang ako dahil sa pinag-iisip ko. "Tama na ang reklamo, Eva. Maging masaya ka nalang. Kahit mahirap..."

Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa bahay. "Ma? Andito na po ako!" Usal ko nang makapasok na ako sa bahay. Nilapag ko ang papel sa maliit na table sa sala kasama ang maliit kong bag. 

Lumabas si mama mula sa kwarto habang nakasakay sa wheel chair niya. Nag-aalala nakatingin sa 'kin. Lumapit ako sa kaniya't hinalikan siya sa pisngi. "Eva, ba't natagalan ka anak?" Tanong nito. Sa tuno pa lang nito'y nag-aalala na siya. I shrug. "Naglakad ako pauwi, ma." saad ko't ngumiti pagkatapos. 

"Ano? May pamasahe ka naman, Eva. Ba't naglakad ka lang?"

"Sayang po 'yong pera. Tsaka malapit lang naman 'yong school na pinag-enroll-an ko rito." Sabi ko para mapanatag siya. Umupo ako sa sofa tsaka tinanggal ang sapatos ko. "Ma, may lakad pala ako bukas." Pagpapaalam ko. Kailangan kong maghanap ng trabaho bukas. Malapit ng magsimula ang pasukan kaya kailangang may pera.

Wala namang problema sa tuition ko sa school kasi scholar naman ako ron. Kaibigan ni mama ang nagpapaaral sa akin sa school na 'yon... kaibigan ni mama sa trabaho niya.

"Saan?"

"Maghahanap po ako ng part time job, Ma."

"Bumili ka muna ng mga gamit mo sa school, Eva. Malapit ng magsimula ang pasukan niyo." Napatingin ako sa kan'ya tsaka mabilis na umiling. "May mas mahalaga pa po kaysa d'yan. May mga kailangan po tayong bayaran na mga utang. Uunahin ko po 'yon."

Narinig ko ang pagtikhim ni mama. Tumayo na ako bitbit ang sapatos na hinubad ko't dumeretso sa kwarto kung saan lumabas si mama kanina. Kwarto namin 'yong dalawa.

Maliit lang naman ang bahay namin. Simple lang. Hindi mayaman. Hindi rin naman sobrang hirap. May mga pinagkakautangan pero hindi tinatakbuhan. Pinagtatrabahuhan para mabayaran.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto habang tinatali ang buhok ko. "Alis na ako, Ma." Paalam ko tsaka mabilis na kinuha ang bag ko. "Eva, anak." Tawag nito sa akin nang papalabas na ako ng bahay. Tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi ko siya nilingon. Nakatayo lamang ako.

Hinihintay ang sasabihin niya.

"Umuwi ka agad." Kinagat ko ang aking labi. "Uuwi ako... uuwi po ako."

Hindi ko na hinintay pang magsalita si mama. Umalis na ako agad. Nagmamadali.

`~`

Pagkarating ko sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho tuwing sumasapit ang alas sinco ay natigilan ako dahil sa dami ng tao. Walang duda, tag-ulan din naman kasi ngayon. 

Nang makita ako ng isa sa mga kasama ko sa trabaho ay sinenyasan niya akong pumunta na roon. Tumango ako't mabilis na kumilos. Tinakbo ko ang pagitan ko sa isang pinto kung saan nakalagay ang authorize person only. Mabilis akong nagbihis at nilagay ang bag ko sa locker ko. Pagkatapos kong nag-ayos ay lumabas na ako agad at dumeretso sa counter kung saan hindi magka-uga-ugang magtrabaho ang mga kasama ko. 

"Eva, ikaw na rito. Kailangan ko ng umalis. May klase pa ako." Sabi ni Sam. Isang college student na nagpa-part time rin gaya ko. Tumango lamang ako tsaka ko siya pinalitan sa pwesto niya kanina.

Nagtrabaho lang ako.

Fucos ako sa mga ginagawa ko, sa pagkuha ng mga order ng costumers tsaka sa pag-abot sa kanila nito. "Thank you, sir! Come back again." Nakangiti kong sambit sa lalaking costumer pagkatapos kong iabot sa kan'ya ang in-order niya pati na ang sukli niya. "Welcome to Happy Coffee, Ma'am! What's your order po?" Bati ko sa babaeng sunod na o-order. Matangkad ito, morena, maganda tsaka mukhang galante. "Isla?" Saad nito. Napatingin ako sa likod ko kung may nakapwesto ba rito na kasamahan ko pero naalala kong wala pala akong kasama na nagta-trabaho rito na Isla ang pangalan.

"Ano po 'yon?" Sa taas naman ako tumingin, kung saan nakalagay ang iba't ibang pangalan o klase ng coffee pati na rin ang pangalan iba pang dessert namin. May bago bang dumagdag sa menu namin? Tinawag ko si Lea. Isa sa mga kasama ko. "Bakit?" Tanong niya. "May Isla ba tayo? Bakit kayo nagdagdag sa menu na hindi man lang ako sinabihan?"

"Ha? Isla? Wala. Sinasabi mo d'yan?" Nagtataka nitong saad pero umalis din naman at ginawa ang dapat niyan gawin. 

Muli kong binalik ang tingin ko sa babaeng nagsabi ng Isla. Sumingkit ang mga mata ko dahil sa titig niya sa akin. Sa tingin ko'y parang matutunaw na ako dahil sa titig niya. Tutok na tutok siya. Parang nagtataka. Parang naguguluhan.

Ano?! Diba dapat ako ang nagtataka't naguguluhan dahil sa tingin niya sa akin? "Excuse me, Ma'am? Wala ho kaming Isla."

"B-bakit ka nandito?" Natigilan ako dahil sa tanong niya. Ano raw? Kilala ko ba 'to? O... kilala ba ako nito?

Tiningnan ko ang ibang costumer na naghihintay para makapag-order. Naiinip. Na parang balak nalang umalis dahil sa tagal ng usad ng linya.

"Excuse me, ma'am. Mawalang galang na po pero kung wala po kayong order o kung wala pa po kayong naiisip na io-order can you please excuse the line? May mga iba pa pong costumer na naghihintay e." Parang nabigla ito dahil sa bigla kong pagsalita. Para naman itong nataranta. Tumayo siya ng matuwid. "Sorry..." she said and stated her orders. Mabilis naman akong gumalaw at hinanda ang order niya. 

Pero... hindi pa rin ako mapakali dahil sa titig niya. Weird.

Problema nito?

Emily's POV,

Eva? 

Hindi ba si Misla 'yon?

Impossible.

O baka possible talaga?

Baka si Isla talaga 'yon, nagpapanggap lang siya? Pinalitan ang pangalan?

Kasi kung si Isla 'yon, makikilala niya ako.

Paano magiging si Isla 'yon e wala nga siya rito. Umalis siya. Tsaka hindi naman gano'n si Isla. Hindi naman siya 'yong klase ng tao na magtatrabaho sa kung saan, maarte 'yon manamit e, mayaman tsaka mabait 'yon. Kaya impossibleng siya 'yon. Wala na rin naman akong pake sa kan'ya. Umalis lang naman siya. Umalis nang hindi namin nalalaman ang totoong dahilan. Umalis dala-dala ang puso ng taong nagmamahal sa kan'ya ng totoo kahit na sa totoo lang ay hindi niya deserve 'yon.

"Ems!" Nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw ni Mykel sa harapan ko. "Ano ba!" Sigaw ko tsaka siya hinampas sa braso niya pero siya? Tumawa lang. "Tarantado ka talaga kahit kailan!" Inis kong bulyaw sa kan'ya. Wala lang naman sa kan'ya, tumatawa pa rin. 

Kinuha niya ang isang kape na binili ko sa Happy Coffee kung saan ko nakita ang kamukha ni Isla. Tangina. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung sino ba talaga 'yon. Naguguluhan ako. "Bayad mo hoy!" Singil ko sa kan'ya nang naglakad siya palayo sa pwesto ko. Nilingon lamang ako nito tsaka kinindatan. "Gago," mahina kong saad. 

Tumayo ako. Nagulat ako nang bigla na namang nagpakita si Mykel. "Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat!"

"Iwas-iwas din kasi sa pag-inom ng kape, Ems." Sabi niya tsaka muling tumawa. Ano bang trip nito? "Parating na raw sila Lucas." Tumango lamang ako. "Kasama sila Atlas at Jacob." Napatingin ako sa kan'ya. Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Nagsipasok sila Lucas at Jacob... nakasunod naman sa kanila si Atlas.

"Look who's with us!" Masayang bungad ni Jacob sa amin. Umiling lamang si Mykel, nilapitan ang dalawa at nakipag-fistbumb. "Galing namin ano? Napilit namin si Atlas na sumama rito." Sabi naman ni Lucas na bilib na bilib sa kan'yang sarili. "Bro," inakbayan ni Mykel si Atlas. "Yo." Balik ni Atlas sa kan'ya.

Napatingin sa akin si Atlas. Kumaway ako sa kan'ya na parang nagdadalawang isip. Dalawang buwan na ang nakakaraan no'ng huli ko siyang nakita at nakasama. Umalis siya sa pagkakaakbay ni Mykel sa kan'ya. "Where's my hug, Ems? Didn't you miss me?" Ngumiti ako sa kan'ya. 

Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa tsaka mabilis siyang niyakap. Mahigpit. "Sorry... sorry kung nadamay ka." Bulong nito sa akin habang magkayakap kami. I tap his back. "It's okay. I understand. We understand." Naramdaman ko ang pagtango niya. "'Wag mo na kaming kakalimutan sa susunod ha? Hindi ka namin iiwan." Ako ang unang lumayo sa yakap.

"Let's parteeeeh!" Masiglang sigaw ni Lucas tsaka mabilis na tumakbo papunta sa kusina. Tumawa kaming apat dahil sa ginawa ng kolokoy na 'yon. "Ems, nasaan na sila Via?" Biglang tanong ni Jacob.

Kinuha ko ang mga kape na binili ko sa lamesa tsaka binigay ito kay Jacob at 'yong isa bitbit ko lang. "Tumawag 'yon sa 'kin kanina, ang sabi male-late raw siya. Susunduin niya raw kapatid niya sa airport. Pero sila Emma, Mikaela at Noah naman daw ay dadating maya-maya lang. Hintayin mo nalang. Nami-miss mo lang si Via e." Pang-aasar ko sa kan'ya. "Gago. Hindi 'no." Sabi nito tsaka biglang tumalikod sa amin. 

"Where's my coffee?" Tanong ni Atlas. Bigla kong naalala si Eva. Ang kamukha ni Isla. "Para kay Emma 'to e. Request niya sa 'kin."

"Ako lang ang walang coffee?" Dismaya nitong tanong. "Pare, mag-iinuman tayo ngayon kaya 'wag ka na magkape. Tara na," aya sa kan'ya ni Mykel. 



  • (5 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE