Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Heart will Decide

Image Description Kiekiekingly   |   04 October 2019


Im your past and she's your present Bakit siya pa? Bakit kapatid ko pa?

Atlas' POV

Nakatingin lang ako sa daan habang nagmamaneho. I am not alone... I'm with my friends right now. Busy sila sa pag-iingay at pagkukulitan ngunit kahit anong ingay nila'y hindi ako madala. Bigla na lamang akong kinabit ni Emily. I didn't bother looking at her, instead I just waited for her to talk. "New school, new environment, new life." She said. Siya ang nakaupo sa shotgun seat. Patuloy pa rin naman sa pag-aasaran ang tatlo sa likuran. Kasama ko sila Emily, Emma, Jacob at Viana rito, ang iba naman ay kasama si Noah.

I just shrugged with what she said. 

Maybe... 

sana nga.

"Sila Noah asan na raw?" Tanong ko sa kan'ya pero hindi ito sumagot. Si Emma pa na mula sa likuran ang sumagot sa tanong ko. "Sinundo pa nila si Mykel, Atlas." Tumango ako. "Hindi sinagot ni Janna tanong mo kasi may LQ sila ni Mykel," asar ni Via kay Emily tsaka tumawa. Nakisali rin sa pang-aasar ang dalawa kay Emily na ngayon ay nakakunot ang noong nakatuon ang tingin sa harap. Natawa ako dahil itsura ngayon ni Emily, hindi maipinta ang mukha dahil sa sama.

Masama niya akong tiningnan nang mapansin niya ang pagtawa ko. "'Wag kang nakikisali Atlas, tatadyakan talaga kita!" Banta nito sa akin. Nakakakunot pa rin ang noo niya. Napailing nalang ako ng bahagya. Akala naman nito'y matatakot na ako sa simpleng banta niya. "Kayo na 'no? Kailan pa?" Patuloy nilang pang-aasar kay Emily. "Ano ba! Tigil-tigilan niyo nga ako!" Inis nitong bulyaw sa tatlo. 

Nagpatuloy sila sa panggugulo kay Janna hanggang sa nakarating kami sa school. Dumeretso kami sa parking lot ng skwelahan, 'yon ay nasa tabi lang ng mismong school. Hindi sa mismong loob ng school nilagay ang parking lot, ewan ko rin kung bakit. Iba rin ata trip ng skwelahan na 'to e.

Nagsilabasan na sila sa sasakyan. Nagpaiwan lamang ako rito sa loob. Nakatingin sa kawalan at hindi alam kung ano ba'ng dapat na iniisip ko ngayon. 

Iwinaksi ko lahat ng gumugulo sa isip ko. Emily's right, new school, new environment means new life. Hindi ko na dapat pang pinag-iisip ang mga bagay-bagay na hindi naman importante at, problema at sakit lang naman ang dulot sa 'kin.

Sumandal ako sa upuan ko. Kumusta na kaya siya?

Tangina ang rupok.

Mabilis na nalipat ang atensyon ko sa kumatok sa bintana. Nakita ko si Lucas na tinatawag na ako. Tumango ako't tuluyan ng lumabas sa sasakyan. 

Sinalubong ako ng iba pang tropa na hindi namin kasama kanina. "'Tol! Bagong buhay na tayo! Senior high na tayo mga ugok!" Hiyaw ni Lucas pagkatapos naming mag-hand shake. Nagdrama pa ito na may kasamang pagpunas sa kan'yang pisngi na para bang may luhang tumutulo kahit wala naman talaga. "Gago," saad ko dahil sa kaartehan niya tsaka natawa.

Unang araw ng pasukan, masaya naman, okay naman dahil kasama ko ang mga kaibigan ko. Pero... wala. 

"Nasa'n jowa mo, Noah? Ba't 'di niyo kasama?" Tanong ni Jacob. "Ang pangit ng term na jowa, Jacob. Utang na loob." Pagpapaalala nito kay Jacob na ayaw niya talaga sa salitang jowa. Kahit naman ako... pangit pakinggan. Parang laro-laro lang pakinggan ang relasyon. "Ano ba gusto mo? Nobya? Girlfriend? Mahal mo? Ang corny pare." Parang nandidiri na saad nito. "Kapag seryoso ka, walang corny-corny." Mas lalong nasira ang mukha ni Jacob, kahit kay Mykel at Emily din. "Ginagaya mo lang si Isla e, ayaw din non sa salitang jowa. Imitator as ever," umirap pa ito. Biglang natahimik ang lahat pagkatapos magsalita ni Jacob.

Nakita ko ang pagtampal ni Lucas sa noo ni Jacob. "Bobo," rinig kong sabi nito pagkatapos. Nakita ko naman ang pasimpleng pagtakip ni Jacob sa kan'yang bibig. Sinenyas nito ang salitang sorry. Kinurot naman ng mga babae si Jacob, bigla itong humiyaw sa sakit. Natawa nalang ako sa kakulitan nila. They really never failed to make me laugh.

"By the way, nasa loob na si Mikaela. Early bird 'yon e, 'di na ako nahintay. Officer din kasi, sila magga-guide sa mga bagong estudyante." Napa-ah nalang kami. Sa bagay, dito na pala nag-aaral 'yong girlfriend niya kahit no'ng hindi pa sila. LDR sila ng school ni Noah no'ng JS haha.

Papasok na sana kami sa malaking gate nang hinarang kami ng guard. "Lah, wala pa nga kaming ginagawang kalokohan ayaw na kaming papasukin. Advance mo naman masyado kuyang guard." Nakita ko ang pagsiko ni Noah kay Lucas. Napadaing naman ito dahil sa ginawa ni Noah. Nagpipigil naman ng tawa ang ilan sa amin ngunit ang guard ay seryoso lang ang ekspresyon ng mukha. "Seryoso na kayo guys? Pwede pa natin i-refund tuition na nabayad na natin. Lipat nalang tayo sa ibang school, pwede pa naman siguro, first day pa naman e." Mahinang sabi ni Emily na sinigurado niyang kami lang ang makakarinig. "Gagi, umayos ka nga, gan'yan lang siguro talaga si kuya guard," sabat naman ni Emma. 

"ID niyo?" Tanong ng guard sa 'min. Nagtinginan naman kaming lahat. ID? Wala pa namang nabibigay na ID sa 'min. "Wala pa ho kaming ID." Sagot ni Via. Tumalikod ito tsaka may kinausap na estudyante rin ata gaya namin na nakatayo malapit sa gate sa loob. Maya-maya lang ay naglakad sila palapit sa pwesto namin. "New students kayo?" Tanong ng kasama ng guard. Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Lucas.

"New teachers," sabay kaming napatingin sa kan'ya. He laughed awkwardly then raised his hand and said peace. "Joke lang hehe. Opo, new students kami. Halata naman siguro hehe," Bawi nito. Ngumiti naman ang lalaki tsaka tinanong isa-isa ang mga pangalan namin. He was checking the IDs he's holding. Umiling ito. "Wala rito ID niyo, wait nalang kayo rito sa gilid, okay lang? Kinukuha pa ng kasama ko 'yong new batch ng ID sa Book and Novels e." Magsasalita pa sana si Lucas ngunit mabilis ko siyang sinuway. Mambabara na naman 'yan. "Bakit 'di pa kami pwedeng pumasok? Pwede namang mamaya niyo nalang ibigay ID namin, total wala pa naman pala." Tanong ni Mykel.

"Sorry, we can't let you all enter the university without your IDs." Nakangiti pa ring sagot ng lalaki.

"We are students of this university."

"I'm really sorry for the inconvinience. We're just following our policy here. Hope you understand."

Sasagot pa sana si Mykel pero pinigilan na ni Noah. Halata rin kasing badtrip 'tong si Mykel e. "Alright, but please don't make us wait here for too long." Tumango ito pagkatapos ko 'yong sabihin. "Easy lang. 'Wag masyadong mainit ang ulo, brad." Pagpapaalala sa kan'ya ni Noah na kalmado lang at kanina pa tahimik. Alam na siguro talaga niya na ganito kahigpit dito.

May iba ng mga studyante ang nakakapasok sa loob dahil nasa lalaki lang naman ang ID nila. Sino ba kasi may hawak sa ID namin at ang tagal maibigay sa 'min? 

"Malapit na raw si Mikaela. Nasa kan'ya mga ID natin." Biglang sabi ni Noah tsaka binulsa ang cellphone niya. Tumango kaming lahat tsaka nagsimula na namang magkulitan ang lahat. Nag-aasaran na naman.

Habang abala sila sa pagkukulitan ay ako nama'y tinuon ang atensyon ko sa lahat pagmamasid ng skwelahan at sa mga dumadaan na mga estudyante. May mga iba ring estudyante na pinaghintay katulad namin dahil wala rin ang ID nila sa lalaking tagabigay ng ID kanina pa.

May isang babaeng dumaan sa harap namin. Deretso lang ang lakad nito na para bang nagmamadali. Gilid lamang nito ang nakikita ko pero sobrang pamilyar niya... hindi ko makita ang buong mukha nito dahil sa bilis ng lakad niya. Simple lang ang suot nito, pants na maluwang sa baba pero fit sa thigh niya at isang blouse na color black. Nakapusod ang kan'yang buhok na kulay itim.

Fuck.

Is that her?

Nakasunod lamang ang tingin ko sa kan'ya. Hindi na nga ata ako kumukurap. Nagbabakasakaling lumingon siya rito sa gawi namin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Tumigil lamang siya sa paglalakad nang pinatigil din siya ng guard. Kausap na niya ngayon ang lalaki. Nagsimulang maghanap ang lalaki sa mga hawak niyang ID. Habang naghihintay ang babae ay bahagya siyang lumingon sa gawi namin ngunit bigla nitong binawi nang inabot sa kan'ya ang kan'yang ID.

Wtf.

"Nandito si Isla!" Walang preno kong sigaw tsaka tinakbo ang pagitan ko sa gate.

She's here!

She's f-fucking here!

Agad namang tumigil sa pagkukulitan ang mga kaibigan ko nang marinig nila ang isinigaw ko. Mabilis nila akong sinundan at mabilis din akong hinarangan ng guard nang tangkain kong pumasok mula sa gate. 

"Isla! Isla!" Tawag ko sa kan'ya nang pinipigilan na nila akong makapasok. Kahit sila Noah, Lucas at Mykel din ay pinipigilan ako sa pagtangka kong pagpasok. "Isla! Nandito ako! Lumingon ka naman oh!" Muli kong sigaw pero sinisita ako ng guard. Tinitingnan na kami ng mga dumadaang estudyante. 

Pinapatigil rin ako ng mga kaibigan kong babae sa pagsigaw. "Tol, wala rito si Isla. Baka namalikmata ka lang." Pagpapakalma sa akin ni Lucas kaya napatingin ako sa kan'ya. "Meron, Lucas! Nakita ko nga! Siya 'yon!" Pagpupumilit ko tsaka muling tumingin sa babaeng patuloy sa paglalakad. "Isla!" Muli kong sigaw. Nakita ko ang paglingon niya kahit malayo na siya, napangiti ako tsaka kumaway-kaway. Nagbabasakaling lumapit siya sa pwesto namin. 

"Kita niyo 'yon? Lumingon siya! Si Isla nga 'yon! Shit pare! Binalikan niya ako." Nakangiti kong sabi habang patuloy sa pagkaway. Lumingon din sila sa tinitingnan ko ngunit umiling lamang si Jacob. "Atlas, hindi nga siya 'yon." Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Jacob. "Atlas, papagalitan tayo rito. Do'n na tayo. Halika na." Hinihila ako nila Via pero hindi ako nagpapahila. Nakatingin lamang ako sa kan'ya na hanggang ngayo'y nakatingin pa rin dito sa may gate.

Binalikan niya ako.

Binalikan niya talaga ako.

Biglang akong nakaramdam ng kirot nang tumalikod lamang ito tsaka nagpatuloy sa paglalakad. 

Bakit?

Ayaw niya na ba sa 'kin?

"Pare, tara na. Nakakaabala tayo sa dumadaan." Tuluyan na nila akong nahila. 

Kinakausap lamang nila ako. Pinapaalala sa 'kin na wala nga rito si Isla. "Ang rupok mo naman Atlas, 'wag gan'yan pare, sinisira mo reputsayon nating mga gwapo e." Biro pa ni Lucas.

"You just miss her pero hindi siya 'yon. Impossibleng nandito siya. Please, Atlas. Forget her na." Mahinahon namang sabi ni Emma.

"S'ya nga 'yon! Bakit ba ayaw niyong maniwala?! Impossible na ba talagang balikan niya ako kasi ang totoo mahal naman talaga niya ako? Suporta naman d'yan. Mga kaibigan ko kayo diba? Kahit suporta lang." Natahimik sila. Tinalikuran ko sila't hinarap 'yong lalaki. "Nasa'n na ba mga ID namin? Wala pa ba? Kanina pa 'yon ah." Hindi mapakali kong tanong sa kan'ya habang tumitingin minsan sa loob. Nagbabasakaling makikita ko siya ulit.

Tangina, ang laki ng university na 'to. Mahahanap ko ba siya agad?

Tiwala lang, Atlas! Mahahanap mo rin siya agad.

Bigla kong naramdaman ang presensya ng mga kaibigan ko sa likod ko. Sinundan pala nila ako. 

"Nandito na! Sorry natagalan ako." Napatingin ako kay Mikaela na hinihingal at pinagpapawisan. Isa-isa niyang inabot sa amin ang mga ID namin, nang makuha ko ang akin ay mabilis kong in-scan ang ID ko tsaka tumakbo at sinimulan siyang sundan.

"Atlas!"



ADDED CHARACTERS

Gian Wang as Noah Assuncion

Missy Quiño as Mikaela Jade Rivera


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE