Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Trapped by Arrangement

Image Description anonsupergirl02   |   26 May 2020


Just another clich story Janelle finds herself in a situation she never planned at all getting married to someone she just metWhat will you do if you get trapped in a stupid Arrangement

CHAPTER 2


“What the heck?” Laking gulat ko nang makita ang pamilyar na briton na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga mismo ang bastos na lalaking muntik nang maging dahilan ng aksidente namin. Oh! At siya rin ang dapat sisihin kung bakit late ako ngayon dito sa usapan namin.

Huwag niyong sabihin na siya ang gustong ipakilala sa akin ng ama ko? Wow, small world!

“Janella, you are late!” Pag-uulit ng aking ama nab akas sa itsura ang iritasyon. Gusto ko sanang sabihin na ‘oo, alam ko’ kaso baka magkaroon ng World War 3 sa silid na ito ngayon mismo.

“Dad, aren’t you even going to ask me why I am late?” Baling ko ngayon sa aking ama. Nakatitig siya sa akin at tila ba nagdadalawang isip.

“Explain yourself, young lady.” Mariin niyang utos sa akin.

“Alam mo naman na galing pa akong France, hindi ba? At bukod pa doon…” Muling dumako ang masamang titig ko sa lalaking Briton dito sa loob ng silid, “On our way here, there was this stupid british guy who happens to be driving a black Porsche and decided to cut into our lane. We almost had a car crash today, daddy, all because of that stupid guy.” Wika ko nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking iyon. Ano nga yung sabi nila sa tagalog? Ah! Bato-bato sa langit, tamaan ay huwag magalit.

Ang inis sa mukha ng aking ama ay biglang nawala, “Ayos ka lang ba? Were you hurt?” Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Agad akong umiling at humarap sa kanya, “I’m fine dad. Luckily your Chauffeur was quick to maneuver the car.” Paliwanag ko upang hindi na siya mag-alala pa. “Kaso, naiinis lang ako dahil hindi marunong magsorry ang tangang lalaking nagdadrive ng Porsche.” Muli kong binigyan ng masamang tingin ang lalaking iyon. Sigurado akong hindi rin naman niya naiintindihan ang pagtatagalog ko.

Tumayo mula sa kanyang pagkakaupo ang Briton saka naglakad palapit sa direksyon namin ni daddy. “Well, Ms. Mendoza, it wasn’t intentional and you weren’t hurt, right?” Wika niya. Aaminin ko ang sexy talaga pakinggan ang accent niya, “By the way, hindi ako tanga.” Dagdag niya pa. Lintik, pakiramdam ko ay naubos ang dugo ko sa katawan. Naiintindihan niya ang pagtatagalog ko? Alam niya ang ibig sabihin ng tanga? Hala, paano? Kung tititigan ko siya ay mukha siyang pure European. “Stop blaming me, at least I got here on time.” Nakangisi niya pang saad.

Nang-aasar ba siya? This guy is totally getting on my nerves. Akala ko pa naman ay hihingi siya ng paumanhin sa ginawa niya, pero ano? Eto siya sa harapan ko, nakukuha pang ngumisi sa akin.

“How can you be late if you are driving a Porsche? A fuckin Porsche!” Sigaw ko na ubod ng lakas na akala mo ay mapupunit ang aking lalamunan.

“Janella!” Rinig kong awat ni daddy sa akin, “What is going on here?” Lumingon ako sa kanya at kita ko sa kanyang mukha na naguguluhan siya sa sitwasyon. Ganun din ang isa pang lalaki sa loob ng opisina na sa tingin ko ay ama nitong walanghiyang Briton na ito.

“Daddy, whatever it is that you are planning, don’t do it, okay?” Huminga ako ng malalim, “Alam kong balak mo akong ireto diyan, I’m telling you dad, it’s going to be a disaster!”

“I’m not interested in you either.” That jerk says, making my jaw to drop. Wow! Just wow! Pakiramdam ko ay tapak na tapak ang aking ego sa sinabi niya. Sa ganda kong ito sasabihin niyang hindi siya interesado? Excuse me lang dahil napakaraming lalaki ang naghahabol sa akin noong college, hindi ko lang pinapansin.

Unless he’s interested in men…

“Janella, stop it!” Saway muli ni daddy sa akin, “Act like a lady, can you?” Hindi ko mapigilan na umirap. Huminga ako ng malalim tapos ay bumunga ng hangin upang pakalmahin ang aking sarili.

Ayoko naman talaga mag maldita at umaktong parang bata ngayon kaso nakakairita kasi ang kapreng Briton na lalaking ito. Siya na nga ang may kasalanan kanina pero hindi marunong magsorry.

“I’m sorry for my daughter’s attitude.” Rinig kong wika ni daddy sa lalaking sa tingin ko ay kasing edad niya. “Janella.” Tawag muli ng aking ama sa akin, “By the way this is my friend, Alfred and that is his son Orion.”

Oh. That name surely reminds me of a constellation.

Muling dumako ang tingin ko sa kanya, “Orion, huh? Maganda ang pangalan mo, kaso ‘di bagay sa mayabang na tulad mo.” Pang-iinis ko sabay walkout.

“Janella!” Rinig kong tawag sa akin ni daddy. Mayroon pa siyang sinasabi kaso hindi ko na maintindihan dahil nakalabas na ako ng silid at isinara ng padabog ang pintuan. Bahala na sila doon, basta wala akong balak makipagkaibigan sa anak ng kaibigan niya.

Imbis na umuwi sa bahay ng aking ama ay dumiretso ako sa aking pad dito sa London. Who would’ve thought this apartment would come in handy? I bought this property couple years back, of course with the help of my father’s money. Bukod dito ay may pad din ako sa Manila, Paris at maging sa Los Angeles. Dahil sa pad na ito ay hindi ko na kinakailangan na umuwi sa Victorian Mansion ng aking ama dito sa England. Ewan ko ba pero ayoko sa bahay na iyon, para kasi siyang haunted house sa paningin ko.


TINAWAGAN ko ang nag-iisang matalik kong kaibigan na si Patricia. Nakilala ko siya noong nasa Grade 7 pa lamang kami. Nang mga panahong iyon ay wala naman akong totoong mga kaibigan. Lahat ng lumalapit sa akin ay mga social climber at gold digger lang naman. Nag-aral ako sa isang International School sa Manila. Siguro ay iniisip niyo, mayayaman naman ang mga nag-aaral sa ganung klaseng institusyon, hindi ba? Oo, mayayaman din sila, may kaya sa buhay. Pero may mga tao kasing hindi pa rin makuntento sa kung ano ang mayroon sila kaya gumagamit pa sila ng iba, at sa kaso ko, dahil anak ako ng isa sa pinaka mayamang tao sa buong mundo ay isa ako sa mga gusto nilang gamitin upang mas umangat pa.

Alam niyo ba na may pagkakataong na-bully din ako noon sa school? Ikinulong lang naman ako sa banyo ng isa sa mga ‘kaibigan’ ko dahil lang sa hindi ko naibigay ang kanyang gusto. Akala mo naman may patago sa akin ang maldita! Bukod pa doon, alam niyo bang minsan ang mga magulang ng kaklase ko mismo ang nagtuturo sa kanila na kaibiganin ako dahil nga sa pera ng pamilya ko? Nalaman ko iyon dahil isang beses aksidente kong narinig ang pag-uusap ng isa sa mga tinuturing kong malapit na kaibigan at kanyang ina.

Simula noon ay pinili ko na ang mag-isa na lang, pero dumating si Patricia. Half-Korean at Half-Filipino siya mula sa mayaman din na pamilya. She was a transferee when we were in Grade 7. She was born and raised in California, just like me. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit din kami naging magkasundo. Bukod pa roon ay hindi siya social climber.

LAKING tuwa ko nang malaman na nandito rin siya ngayon sa London para sa Fashion Week kung saan imbitado siya. Si Pat ay isang sikat na Fashion Blogger kaya hindi na bago sa kanya ang maimbitahan sa ganung klaseng okasyon.

“Janelle! Oh my goodness, I’ve missed you girl!” Iyan ang bungad niya pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit na tila ba sobrang miss nga niya ako. Ang huli naming pagkikita ay mga anim na buwan na yata ang nakalilipas. Nag-attend kasi siya ng Paris Fashion Week nang mga panahong iyon kaya binisita na rin niya ako. Pero kahit naman minsan lang kami magkita ay hindi napuputol ang aming komunikasyon dahil nandiyan ang internet.

“Aray, hindi ako makahinga!” Reklamo ko dahil sa sobrang higpit ng kanyang yakap sa akin. Natatawang bumitiw siya saka lumayo na kaunti.

“Kamusta ang pagkikita niyo ng daddy mo? Totoo ba ang kutob mo na gusto ka lang niya ireto doon sa anak ng kaibigan niya?” Pag-uusisa niya. Na-ikwento ko kasi iyon sa kanya noong nakaraang araw bago ako lumipad patungong London.

Bumuga ako ng hininga, “Doon tayo sa sala mag-usap.” Saad ko sa kanya saka siya hinila patungo sa may kaliitan kong sala.

“Nice place, huh. Hindi masyadong kalakihan pero ayos na rin, dahil aanhin mo ang malaking pad kung mag-isa ka lang naman.” Aniya habang pinagmamasdan ang paligid. Pareho kaming umupo sa sofa saka doon ko ikinuwento sa kanya ang lahat ng mga pangyayari kanina, “Oh my! No way!” Hindi makapaniwala niyang wika saka tumawa ng mahina. “Teka, ano nga ang sinabi mo? Itong lalaking ito ay matangkad, tisoy at may sexy na British accent?” Tanong ni Pat na may ngisi sa mga labi. Mukhang alam ko na kung saan mapupunta ang usapang ito. “Hindi ba ganun ang mga tipo mo? Parang si ano-“

“Patricia, tigilan mo ko ha!” Pinanlakihan ko siya ng mga mata bilang pambabanta sa kanya pero tumawa lamang siya ng mahina.

“Oh bakit? Sinasabi ko lang naman na para siyang si-“

“Pat!” Saway kong muli pero tinawanan niya ako.

“C’mon, Janelle. It’s been, what? Three years? Four years? Hindi ka pa rin ba nakaka move on sa lalaking iyon?” Tanong niya kaya naman umikot ang aking mga mata. Gustuhin ko man magmove on ay hindi ko magawa lalo na’t wala namang maayos na closure, at bukod pa doon ay siya ang first love ko.

That guy broke up with me thru a 10-second phone call while I was in France. All he said was, ‘sorry, this isn’t going to work anymore. Long distance isn’t my thing.’ Before cutting me out of his life forever. Simula noon ay blocked na ako sa mga accounts niya.

“Hey, earth to Janelle!” Napapitlag ako sa ginawang pagsigaw ni Pat sa aking tainga. “Kanina pa ako salita ng salita dito pero lumilipad iyang utak mo! Ano, ‘yang ex mo na naman ba ang iniisip mo ha?” Sermon niya kaya ‘di ko mapigilan na umirap.

“Tigilan mo nga ako. Iba na lang ang pag-usapan natin.”

“Oh sige.” Aniya sabay halukipkip. “Kwentuhan mo na lang ako tungkol sa Briton na lalaking iyan. Ano nga ulit ang pangalan niya?” Pag-uusisa ng aking kaibigan.

Ano nga ba ulit ang pangalan niya? Constellation, hindi ba?

“I think Orion.” Matipid kong sagot. Nakatitig sa akin ang aking kaibigan at tila ba sobrang interesado.

“Last name?”

“Parang nagsisimula sa letter T, pero nakalimutan ko na kasi wala naman akong pakialam sa kanya.”

“Letter T?” Kunot-noo niyang tanong, “Teka, Tantoco ba ito?”

“Yeah. I think that’s right. Wait, you know him?”

“Ay bruha ka! Seryoso ka bang hindi mo siya kilala?” Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa akin.

“Paano ko siya makikilala eh ngayon lang kami nagkita!” Iritado kong sagot.

“Oh my God, girl. Were you living in cave the whole time? How did you not know him?” I shoot her a glare as soon as I hear those words. “Girl, kunin mo ang laptop mo, bilis! O ang cellphone mo, pwede na ‘yan!” Utos niya.

“Bakit? Anong kailangan mo?” Naguguluhan kong tanong.

“Sumunod ka na lang! Bilis!” Kahit naiirita ay sinunod ko naman ang impakta. Kinuha ko sa aking kwarto ang laptop saka bumalik sa sala upang ibigay iyon sa aking kaibigan.

Pagkabukas na pagkabukas ay nagtungo siya sa google kung saan tinype ang pangalan ni kapre- este Orion. Laking gulat ko nang makita ang pagmumukha niya sa screen.

“What the hell?” Iyon ang nasabi ko nang makita ang ilang larawan niya at articles para sa ilang magazines. “One of the most sought eligible bachelors in Asia and Europe?” Hindi makapaniwalang basa ko sa magazine.

“Girl, I think you just hit jackpot if your dad is planning to set you up with that guy.” Nakangising saad ni Pat sa akin.

“Jackpot? Are you even serious? Ubod ng yabang ang lalaking iyan!”

“Janella, Janella, Janella. Hindi ka pa nakakapag move on sa ex mo, hindi ba?” Tanong ni Patricia pero hindi ako umimik pa, “How about you date him?” Turo niya sa screen kung saan nakakalat ang pagmumukha ng kapreng hambog na iyon.

“What? Patricia, hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo. Asa pa!”

“C’mon girl, that’ll be very helpful. Lalo na’t pangarap mo ang maging sikat na Fashion Designer, hindi ba? Let’s call it a publicity stunt.”

“Are you suggesting that I should use him to be even more famous? Pat, hindi ako ganun, okay? I don’t use people! Nakadikit ako sa pangalan ng ama ko, sapat na iyon para makilala ako ng mga tao.”

Patricia shrugs, “Bahala ka. Pero alam mo di ka lugi diyan. Pag nagkatuluyan kayo, magaganda at gwapo ang mga anak niyo.” Pang-aasar niya pa.

“Titigilan mo ako o gusto mong kaladkarin kita palabas ng pad ko?” Banta ko sa kanya.

Matapos ang pagkukulitan namin ay umuwi na rin naman siya sa tinutuluyang hotel. Patulog na sana ako nang tumunog ang aking cellphone; tumatawag si daddy.

Kahit nagdadalawang isip ay sinagot ko pa rin iyon.

“Yes?”

“Janella. We need to talk.” Seryosong wika ng aking ama sa kabilang linya dahilan upang kumabog ang aking dibdib.

“Daddy, I’m tired. Pwede bang bukas na lang?”

“Janella, listen to me, okay? I want you to marry Orion. Makikipagkita ka sa kanya bukas. Ipapasundo kita sa driver ko. And please, nakikiusap ako sa’yo magpakabait ka, naiintindihan mo ba?” Hindi ko alam pero parang bahagyang tumigil ang mundo ko sa mga naririnig. Gusto niya akong ipakasal sa lalaking iyon? Uso pa ba ang arranged marriage sa panahong ito? 21st century na, hindi ba?

“Dad-“

“Goodnight, my princess.” Putol niya sa aking sasabihin bago ibaba ang tawag.

No, no, no! This can’t be!


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019