Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Trapped by Arrangement

Image Description anonsupergirl02   |   19 May 2020


Just another clich story Janelle finds herself in a situation she never planned at all getting married to someone she just metWhat will you do if you get trapped in a stupid Arrangement

PROLOGUE


“Un café au lait, s’il te plait?” Wika ko sa French national na waiter dito sa paborito kong Café sa Paris. Tumango lamang siya saka pumasok muli ng shop. Katulad ng nakagawian ko ay nandito ako sa labas ng Café tumatambay, ewan ko ba pero mas gusto ko dito kaysa doon sa mismong loob ng shop, siguro ay dahil na rin sa preskong hangin.

Lumingon ako sa paligid saka napangiti. Napaka ganda ng araw na ito. Maaliwalas ang langit at hindi gaanong kalamig, pero hindi rin naman mainit. Inilabas ko ang dalang sketchpad saka iyon ipinatong sa mesa. Ganito naman ako palagi simula nang piliin kong mag-aral sa napaka gandang siyudad na ito mga apat na taon na rin ang nakararaan.

Binuklat ko ang sketchpad at bumungad sa akin ang mga disenyo ng damit na likha ko mismo. Nagtapos nga pala ako ng Bachelor of Arts in Fashion Design sa isa sa mga sikat na unibersidad dito sa Paris. Pangarap ko kasi talaga ang maging isang sikat na Fashion Designer. Bata pa lamang ako ay iyan na talaga ang gusto ko.

By the way, I am Arianna Janella Mendoza. Janelle for short. Galing ako sa mayamang pamilya. Ang ama ko lang naman ay isang business tycoon. Pag-mamay-ari niya ang malalaking malls sa Asia at maging sa Europe. At dahil na rin sa nakalakihan kong pamumuhay, aminado ako na medyo spoiled brat nga ako. Maldita, may attitude, o kung ano man ang tawag ng iba diyan. Pero hindi naman lahat ng tao ay sinusungitan ko, siyempre depende rin sa pakikitungo nila sa akin. Kung salbahe sila ay ganun din ako, at kung mabait naman, mabait din naman ako.

Siguro dahil na rin sa ugali ko ay iisa lang ang tinuturing kong kaibigan. Malamit kasi sa mga taong lumalapit sa akin ay puro mga gold digger at social climber lang. Ang kailangan lang nila sa akin ay ang pera at social status ng aking pamilya kaya masisisi niyo ba ako kung hindi ako pala-kaibigan? Pakiramdam ko kasi lahat sila ay gusto lamang akong perahan o gamitin para sa pansarili nilang pangangailangan.

NAGSIMULA na akong gumuhit sa blankong pahina sa aking sketchpad ng isang bridal dress. Hindi ko alam pero parang pumasok na lamang sa isip ko na iyon ang aking gawin ngayon.

Sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay dumating ang waiter dala ang aking order. Ibinaba niya iyon sa mesa, “Merci beaucoup.” Nakangiting saad ko sa kanya. Pero bago pa muling dumako ang pansin ko sa aking ginuguhit ay tumunog ang aking cellphone kaya naman dali-dali kong hinalungkat ang aking bag para hanapin ito.

Laking gulat ko na lang nang makita ang salitang ‘daddy’ sa caller ID. I can’t help but smile bitterly as I stare at my phone screen. Ang ama ko ay nagparamdam matapos niyang hindi um-attend ng graduation ko noong isang buwan. Dapat kasi ay hindi na lang talaga ako umasa sa pangako niyang pupunta siya.

Palagi naman kasi siyang abala sa trabaho. Wala na nga akong nanay tapos itong ama ko ay subsob naman sa kanyang korporasyon. Ni hindi ko na nga maalala kung kailan ba kami huling nakapag bonding na mag-ama. Palagi siyang wala sa tabi ko kaya lumaki ako sa aking nanny. Kahit nga sa mismong sa kaarawan ko ay missing in action din siya kaya masisisi niyo ba ako kung sabihin kong ayokong sagutin ang kanyang tawag?

Nakatingin lang ako sa aking cellphone hanggang sa matapos ito sa pagtunog. Ibabalik ko na sana ito sa aking bag nang bigla ulit itong magring. Sino pa ba kung hindi ang ama ko ulit. Kahit nagdadalawang isip ay sinagot ko na ang tawag.

“Janella! I’m glad you answered my call.” Maligayang bungad ni dad sa kabilang linya habang ako naman ay hindi masaya.

“What do you need, daddy?” Matamlay kong tanong sa kanya.

“Hey, I just want to congratulate my baby on graduating.”

“Dad, that was so last month.” Sagot ko habang umiikot ang mga mata.

“I’m so sorry, okay? You know I was just really busy. Nagkaroon kasi ng biglaang meeting ang board noong mismong araw ng graduation mo kaya hindi ako nakapunta. I thought you already understand?”

“Yeah. I understand.” Walang gana kong wika sa kanya, “I’m used to this anyway. You don’t have to apologize.”

“I’ll make up to you, okay?” Aniya. Asa naman na babawi talaga siya. Lagi naman siyang ganyan. Lagi siyang mangangako pero hindi naman niya tutuparin. “When are you coming home?”

“Dad, about that. I decided to stay here in France. I have bigger opportunities here as a Fashion Designer-“

“I have other plans for you, Janella.” Mariin niyang wika. Mukhang alam ko na naman kung saan mapupunta ang usapan na ito.

“Daddy-“

“Next week, gusto kong pumunta ka dito sa London. Ipapasundo kita.” Utos niya. “Siya nga pala, wala ka namang boyfriend, hindi ba?” tanong niya kaya naman nagsalubong ang kilay ko. Ano namang klaseng tanong iyon?

“Wala.” Matipid kong sagot.

“Sakto. Gusto kitang ipakilala sa anak ng kaibigan ko. I think you’ll like him.” Saad niya pa kaya lalong nag-isang guhit ang mga kilay ko. Ano ba ang trip nitong ama ko? Balak niya ba akong ireto? No way. Sa tingin ko naman ay hindi siya ganung klase ng ama.

“What is this for, daddy?”

“Basta. Sige na. I will see you next week.” Mabilis niyang ibinaba ang tawag bago pa ako makapagreklamo.


I wonder what my father is actually planning to do.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019